CHAPTER 12
Chapter 12
Burn
Marjorie's POV
Nang makauwi ako ay nakasalisihan ko ang mag-asawa. Mayroon daw silang out of the country business trip. Wala naman akong pakialam sa mga ganoon dahil wala rin akong alam sa business nila.
Tingin ko rin ay mas maiging wala sila rito para mas makakilos ako. Well kahit naman nandito sila ay kaya ko pa ring kumilos nang maayos.
Natulog ako ng hapon at nagising na lang ako sa malakas na tugtog sa baba. Tiningnan ko ang oras at alas singko na pala ng hapon. Natulog ako ng pasado ala una kanina.
Bumaba ako nang nakakunot ang noo. Nagtataka kung bakit mayroong malaking stereo na tumutugtog sa labas. Wala ang mag-asawa. Dalawa lang kami ni Avah demonyita ngayon ang narito that's why I'm wondering bakit parang may plano yata siyang magpaparty dito ngayon?
Pagbaba ay nakita kong abala ang mga katulong sa pag-aayos sa baba. Nagpupunas, naglilipat ng mga furnitures at nagpapalit ng mga kurtina. Pagpasok sa kusina ay nadatnan ko ring abala sila sa pagluluto.
Bago pa ako makapagtanong sa kanila ay narinig ko na ang nakakairitang boses ni Avah.
"Manang?! Ayos na ba ang mga pagkain for the menu? Parating na ang mga bisita ko!"
"Kalmahan mo lang, be. Yung bunganga mo masyadong malaki, baka malunok mo kaming lahat," banat ko sa kaniya. Naiirita ako.'Wag niya akong uumpisahan gayong kagigising ko lang.
"Wala kang pake. It's my party," malditang sagot niya sa akin.
"Oh, talaga? It's your party and this is my house," nakangising pambabara ko sa kaniya.
Nginisian din naman niya ako na parang gusto na akong tirisin. "Well, technically I'm living here so this is my house too."
Nagpantig ang pandinig ko sa kaniya kaya lumapit ako sa kaniya. Ma-pride naman siyang nag-chin up na akala mo ay may bilang ang sinabi niya sa akin. Sus! Ihagis ko pa mga gamit niya sa labas ng mansiyon.
"Calm your tits, baka hindi kita matantiya, mapalayas kita bigla," bulong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
May kinatatakutan din pala eh.
"Subukan mo!" Galit niyang bulyaw sa akin.
Umarte akong tinatakpan ang ilong ko na tila ba mayroong naaamoy na mabaho.
"Abala ka na sa pag-aayos ng party mo pero hindi ka pa nakapagtooth brush?" Pang-aasar ko pang lalo sa kaniya.
Well, hindi naman talaga yung hininga niya ang mabaho, yung ugali niya lang 'tsaka medyo yung mukha niya. Dahil uto-uto ang gaga, inamoy naman niya ang hininga niya.
"Uh, such a gullible b*tch," medyo natatawang sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang bungisngis ng mga kasama namin dito sa kusina. Nagpupuyos sa galit na umalis siya ng kusina at saka naman nagsitawanan ang mga nagluluto maging ako na rin.
"Naku, ma'am! Ewan ko ba kung bakit feeling taga-pagmana ang bruhildang iyon. Hindi niyo naman kaano ano, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ninyo yun..." sabi ng isang katulong habang naghahalo ng niluluto nito.
Hindi ko naman masasagot ang sinabi niya dahil maging ako ay hindi alam ang dahilan. Hindi naman ako si Marianne.
"Muhang santa ang mukha no'ng unang araw niya rito pero maitim pala ang budhi," panggagatong pa ng isa na kasalukuyang nagpiprito.
"Mabuti nga ma'am at hindi ka na parang tuod lang... dati kasi halos hayaan mo lang sa trip niya sa buhay si Avah... masyado ka kasing abala sa boypren mo, ngayon binabara mo na siya! Wala palang binatbat yun sa 'yo, eh," sabi naman ng isa pa na siyang nag-aayos ng mga paglalagyan ng nga putaheng niluto nila.
"Tama na nga ang mga bunganga ninyo. Hindi iyan nakatutulong sa sitwasiyon. Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng batang iyon, baka naman kulang lang sa aruga ng mga magulang," malumanay na sambit ng mayordoma nila.
"Ayy naku! Tama ka manang, kinulang talaga 'yan sa aruga at pagmamahal ng magulang. Napabayaan kaya lumaking tinubuan ng sungay," gigil na sagot naman ng isa pang katulong habang nagpupunas ng mga pinggan.
"Masyado ng matabil ang bunganga mo, Mabel. Naninilbihan tayo sa kanila at hindi iyan kasama sa trabaho natin," istriktong paalala sa kanila ni manang.
Napayuko naman sila at humingi ng pasensiya sa matandang mayordoma. Napabuntong hininga naman ako. Naaalala ko si Nanay kay manang. Ganiyan din kung mangaral si mama sa amin noon. Kahit may punto pa ang sinasabi ko, basta't hindi maganda ang mga pinipili kong salita ay nakagagalitan ako ni Nanay.
"Manang, ayos lang po. Huwag na lang sigurong mauulit dahil baka marinig pa kayo ni Avah." Bilin ko at saka nagpaalam na babalik muna ako sa kuwarto ko.
Basa ako ng pawis kaninang tanghali bago natulog ng hapon kaya naman parang nanlalagkit ang pakiramdam ko. Nagpasiya akong mag-shower muna habang iniisip kung paano sisirain ang gabi ni Avah. Ayoko namang pagdiskitahan ang party niya, ayokong sirain ang pinaghirapan niya... but maybe I can do something about it. It's her precious glory for this night. Siya ang nagprepare ng party at siya rin ang host. Maybe I can do something about it...
Nang matapos ako sa nga ritwal ko after ng shower ay pinili ko munang makipag-usap kay Lizette. I need a bright idea to make fun of Avah tonight. Wala naman akong planong paiyakin si Avah, medyo lang.
"It's a pool party, right?" Tanong ni Lizette sa akin na siyang kausap ko sa kabilang linya.
"Uhm.." sumilip ako mula sa bintana.
Kitang kita ko ang lahat dahil ang harap mismo ng balkonahe ko ay ang swimming pool.
Kumakain pa lang ang iba pero nagsisimula na ring sumayaw at uminom ang halos lahat ng bisita niya. Nakita ko si Avah na nakasuot ng white two piece at masayang binabati ang bawat nakakasalubong.
"Yes," sagot ko kay Lizette.
"Great! Let's video call. Go to Marianne's closet," sinunod ko ang mga iniutos niya sa akin.
"No. That's too conservative."
"Conservative pa ba 'to eh halos makikita na nga singit at pisngi ng puwet ko!" Pagrereklamo ko sa kaniya.
"Maybe it's just right that you choose the one piece. Go for the hot and daring, babe," utos na naman niya sa akin.
Itinaas ko ang nakita kong black and pink na one piece.
"Ito na lang kaya?"
"Go! Try it on!"
Sinunod ko ulit siya at nababanas na ako, puro na ako reklamo kahit sinusunod ko pa rin naman ang mga utos niya sa akin.
Dapat ay maging maganda ang kalalabasan nito para hindi sayang lahat ng efforts ko.
Halos same lang naman kami ng sukat ni Marianne maliban sa puwet at boobs dahil mas pinagpala ako ng kaunti sa aspetong yun kaysa sa kaniya.
"That's great! Now, curl your hair a little bit and then wear your killer heels!"
Doon ako umalma. "Yun ang hindi approved. Imbes na si Avah ang mamamatay sa inis at galit sa akin ngayong gabi. Baka naman mauna pa akong mamatay kaysa sa kaniya dahil sa punyetang heels na 'to?"
Natawa naman sa akin ni Lizette at hinayaan na akong mamili ng heels na kakayanin kong irampa. Siyempre doon na lang ako sa 2 inch para di masyadong masakit sa paa.
"Go, girl! Burn her!" Pag-chicheer naman sa akin ni Lizette bago nagpaalam.
Huminga naman ako ng malalim sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon. Kaya ko 'to.
Lumabas ako ng kuwarto ko at buong ingat na bumaba sa engrandeng hagdan. Pasalamat na lang ako at nakababa ako nang maayos.
Sinalubong ako ng mga abs at nagtatalbugang diyoga nang makalabas ako sa mansiyon at papasok pa lang sa venue nila.
Halos lahat ng madaanan ko ay napapatingin sa akin. Napapatigil sandali sa pagkukuwentuhan at sa pag-inom.
And the plan is simply working out. Divert everyone's attention on me.
Hindi na ako nagulat nang biglang mayroong humaklit sa braso ko.
"What are you doing in my own party? You are trespassing my party!" Mariing tanong sa akin ni Avah habang galit na nakatingin sa aking mukha at sa swimsuit ko.
"Then is it just fine to say to your lovely visitors that they are trespassing in my own house?" Mas mariing tanong ko sa kaniya.
"Mind your own business, Aria," utos niya sa akin.
Napa-irap naman ako. "Don't call me Aria, Avah. We're not a family, you were not even my close friend."
Bago pa man siya makapagbanta o makapag-utos ay pinagpag ko na ang braso niya sa akin. "You will deal with my presence here or I will shoo your visitors away? Choose wisely." Nakangising tanong ko sa kaniya.
Just then, I know that I've burned her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top