CHAPTER 11

Chapter 11

Sweet revenge 0.1

Marjorie's POV

Pagpasok sa kuwarto ko ay ni-locked ko ang pinto maging ang nasa balkonahe. Ayokong mayroong ibang makapapasok sa silid na 'to.

Inaantok na ako kanina pa at gustong gusto ko na talagang magpahinga pero nang humiga ako ay parang nawala ang antok ko.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagiging pamilyar sa mga gamit ni Marianne. I saw a perfume collection na nakalagay sa iisang estante kasama ng liptints na mayroong label bawat isa; pang Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at maging sa Linggo. Halos lahat naman ay parehas lang. Shades lang siguro ang pinagkaiba iba. Hindi 'to hassle sa akin since marunong naman akong gumamit nito gawa na rin na kailangan ito sa trabaho ko.

Oo nga pala, hindi ko pa naipaliwanag kay Betty ang lahat. Biglaan na lang ang nangyari. Pero iniintindi niya pa rin ang sitwasiyon ko katulad ng dati. At hanggang ngayon, siya pa rin ang tumutulong sa akin. Ang pamilyang natagpuan ko sa kabila ng kadiliman. Ang tumulong para maayos kong muli ang sarili ko. Hindi ko hahayaang madamay siya sa gulong 'to. Matapos lang ang lahat ng plano namin ni Lizette, aalis na ako kasama ni Betty para magpuntang probinsiya. Doon na ako mag-aaral at doon na kami magsisimula ng panibagong buhay. Hindi ko nga lang alam kung maisasama ko ba ang kapatid ko, kung ako ang pipiliin niya gayong nabubuhay na siya nang higit pa sa maayos sa mga bagay na natatamasa niya.

Napadapo naman ang tingin ko sa mga pictures ni Marianne na naka-display sa kuwarto niya. Lahat ay maganda, lahat ng lugar at suot niya ay humihiyaw ng karangyaan. Sobrang masaya ako para sa kaniya na nakuha niya ang bagay na deserved na deserved niya. Masaya akong makita na nag-eenjoy siya sa buhay na mayroon siya. Na kaya na niyang maglakad ng maayos, makatakbo at makapaglaro ng mga gusto niyang laro dati pa.

Then I saw a very extravagant picture of her. Wearing a gown like a real disney princess, with a tiara and her eighteen roses. Masaya ako na naranasan niya ang pangarap naming dalawa. Naalala ko pa noong eighteen birthday ko, it wasn't as grand as hers but it is one of the many memorabl memories I have with my Nanay and... Marcus.

Marcus...

Si Marcus na dati ko lang kaaway dahil sa pang-aasar niya sa amin ni Marianne noon pero siyang naging matalik ko ring kaibigan. At magiging ka-ibigan din siguro sana kung umaayon lang ang tadhana sa aming dalawa.
Naaalala niya pa kaya ako? Bakit hindi niya ako binalikan? Nabalitaan niya kaya ang nangyari noon sa amin? Well, I guess not. Masaya na siguro siya ngayon. Nasa ibang bansa na siya e, marami pa namang seksing babae roon. Madalas na naka-bikini kahit malamig ang panahon.

Maya-maya pa ay nagpasiya na akong pilitin na lang ang sarili kong matulog. Kailangan ko ng maraming pahinga. Hindi ko lang kailangang ihanda ang sarili ko emotionally kundi mas lalong physically.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pasado alas sais pa lang ay nakaligo na ako. Pumasok ako sa loob ng walk in closet ni Marianne at hindi na ako nagulat kung gaano kagara ang mga gamit niya sa loob noon. Mula sa mga dresses maging sa causal clothes branded lahat lalo na ang kaniyang mga accessories. Then my eyes swelled up when I saw the cheap promise bracelet we have. Nakatago rin ang akin sa apartment namin ni Betty, ayokong mawala iyon kaya hindi ko na rin isinusuot.

Mabilis din naman akong nakapili ng susuotin para sa araw na 'to. I wore a simple black jeans and a pink crop top that I partnered with a a two inch heels sandals. Namili ako sa mga pabango niyang naka-display. Lahat naman ay talagang mabango at pasado sa pang-amoy ko pero hindi ganito ang tipo kong pabango pero kailangan kong panindigan ang pagkatao ko bilang Marianne.

Pagbaba ko sa dining room ay naroon na rin si Avah sa hapag pero wala ang mag-asawa.

"You're too early for your shopping spree, huh?" nakangising sambit ni Avah sa akin. Kung uto-uto lang siguro ako ay maniniwala na agad ako sa mga ngiti niya. Napa-irap at ingos ako sa isip ko, nakapapeke niya talaga. Soon, mapaalis ko rin 'yan dito. Hindi siya dapat kasama ni Marianne sa iisanf bahay, baka mahawaan ng virus. Bida-bida virus.

"Ikaw din, Avah. Mayroong bang open na club kapag umaga?" Balik tanong ko sa kaniya.

I caught her gritting her teeth while I'm sipping on the glass of water I've got.

Agad niyang pinalitan ang ekspresiyon niya at mas pinasaya pa ito... na peke pa rin naman sa paningin ko.

"You know what... something kinda change about you..." anito sa akin na pilit kong hindi pinapatulan.

Ngumisi ako pabalik sa kaniya at saka sumagot, "Malay mo napagod na akong manahimik. Pagod na pala akong magpanggap na uto-uto." Makahulugang sabi ko sa kaniya at saka pumunta sa ref. Naghanap ako ng tinapay pero hindi ko na ti-noast, di ko alam paano gamitin yung toaster nila e. Kinuha ko na lang din yung nutella at deretsong ipinalaman sa loaf bread ko.

Mabuti na lang at hindi naman kami ganoon kaselan ni Marianne sa pagkain. Maliban na lang siguro sa sea foods na paborito niya na siyang bawal naman sa akin at sa peanuts na gustong gusto ko pero bawal sa kaniya.

Ganito talaga siguro... kahit pa para kaming binagbiyak na bunga ay mayroon pa rin kaming pinagkaiba.

Nagisnan ko na lamang ang biglaang pag-walk out ni Avah. Yuck, talo agad.

Lumabas ako pagkatapos kong ubusin ang tinapay at saka nagpatawag ng driver sa nakita kong katulong. Saglit lang naman ang itinagal ng paghihintay ko kaya naka-alis na rin ako agad. Sinabi ko ang address ng restaurant na ti-next sa akin ni Lizette. She told me that she need to discuss something to me.

Nakarating naman ako agad. Binilinan ko rin ang driver na huwag na akong hintayin, tatawag na lang ako mamaya sa kaniya.

Pagpasok ko ay naroon na si Lizette at naghihintay sa akin.

"Kumusta?" bungad niya sa akin hindi pa man ako nakakaupo.

"Daig pa ni Avah si Ava Maldita, kasi demonyita siya. Grabe, ang kapal pala ng mukha no'n. Bakit ba siya nandoon sa bahay nila Marianne?"

"Sila lang ang nakakaalam no'n, Marjorie. I'm not that close to them to know something," malungkot na ngumiti sa akin si Lizette.

Naiintindihan ko ang naging reaksiyon niya. She was Marianne's best friend before Avah and her other friends enter the picture. Hanggang sa nawala na lang bigla sa picture si Lizette. She was always there with my twin, reminding her and trying to saved her pero sadyang matigas ang ulo ng kapatid ko.

"Mag-shoshopping ka ngayon 'di ba? Mayroong akong source na nakapagsabing nasa isang mall daw ngayon sina Allen at Colleen. Sobrang saya yata ng gaga, akala niya magiging legal na siya," natatawang sambit ni Lizette sa huling mga salita.

Maging ako ay napapailing na nangingiti. Hindi na yata nakapagpigil pa ang dalawa.

"You know what are you going to do, Marj. Let them taste their own medicine," bilin sa kaniya ni Lizette na sinuklian niya naman ng malawak na ngiti. Siyempre, para sa kapatid niya. Hindi siya mangingiming gumanti.

Hinatid siya ni Lizette sa mall na sinasabi nito. At katulad ng plano ay pumasok siya sa lahat ng paboritong boutiques na binibilhan ni Marianne. Bumili ng isa o dalawang items na lahat naman ay tig-iisang paper bag ang pinaglalagyan.

Hangang sa namataan niya na ang prospect niya. Nakita niyang nakaupo lang si Allen sa isang sofa habang abala sa pagpindot sa cellphone nito. Samantalang ang bruhang Colleen ay abala sa pagtingin ng mga damit. Nanguha ito ng parehas na design ng damit pero magkaibang kulay.

"Babe, which one is better on me?" Masayang tanong niya sa lalaki na hindi naman nag-abalang mag-angat ng tingin sa kaniya.

"Just bought that, kahit ilan pa bilhin mo," sagot lang nito.

Napasimangot naman si Colleen at saka ibinalik sa rack ang mga dress na kinuha nito iginala ang paningin sa iba pang mga nakasabit na damit. Namataan ko ang pagningning ng mga mata nito, sinundan ko ang paningin niya at nakitang nakatingin ito sa isang sleeveless navy blue dress na simple man ang design ay napakaganda naman ng cuts. Bago pa man makalapit si Colleen ay mabilis kong dinampot ang dress.

"Wow! This is really beautiful. I think this will look more better on me, hmm..." I said a little overacting para makuha rin ang atensiyon ni Allen.

I saw on my peripheral vision that I got his attention. Mas lalo namang nagpuyos sa inis ang babaeng nasa gilid ko nang makita ang pagtayo at paglapit ni Allen sa amin.

Ngumisi ang bruha sa akin at tiningnan ako head to foot. "Look! The cheater is here," anito at saka ako pinamaywangan.

Hinead to foot ko rin siya at saka nginisian pabalik. "Look! The kabet is here," panggagaya ko sa kaniya.

Inirapan niya ako at saka kumapit sa braso ni Allen.

"Kung kabet ako, bakit ako ang kasama niya ngayon? Kung kabet ako, bakit ako ang ka-date?" Taas kilay na tanong niya sa akin.

At talagang lumalabas na ang tunay nilang kulay, huh.

"Isa kang kabet na mayroong determinasiyon. Handang maging second option, nag-away lang kami, sinamantala mo naman bigla..." naiiling nasambit ko. Kunwaring disappointed sa kanila.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaking tahimik lang na nakatingin sa akin. Inirapan ko lamang ito at saka tumingin ulit sa kabet niyang para na akong papatayin sa tingin.

"Oh, you know nothing, my dear friend..." Nang-uuyam na sabi sa akin ni Colleen.

Malamang wala akong alam, hindi naman ako si Marianne. Kimi

A smirk flash on my lips. Maling mali ka ng piniling salita, bruha. Istupida.

I walk closely to Colleen. Ramdam ko ang kagustuhan niyang umatras pero mas mataas pa ang pride kaysa sa kaniya kaya hindi niya ginawa.

"Colleen, you are not my friend..." Malumanay na sagot ko sa kaniya na nagpaumid naman sa dila niya. Sus, hindi agad nakapagsalita.

"Because, you see, Colleen? Ang kaibigan, hindi nang-aagaw ng hindi sa kaniya. Hindi manunulot ng BOYFRIEND ng iba lalo na ng KAIBIGAN niya, do you get it?"

"Kung kaibigan kita, you will not date MY BOYFRIEND. Kung kaibigan kita, you should not be here, looking like a damn legal girlfriend because you're not, dahil unang una, MY BOYFRIEND is not yet my ex-boyfriend. Please, know your boundaries, FRIEND," I answered giving emphasis to some words for her take a hint.

Mag-wa-walk out na sana ako kaya binangga ko ang balikat nilang dalawa dahil pinilit kong dumaan sa gitna nila kaso hawak ko pa pala yung dress.

"Oh, wait. This dress looks so fabulous. Sa 'yo na lang para magmukha kang tao, bye!"

Then walked out na ang lola niyo.

Ah, it was so satisfying! Simula pa lang 'to ng magiging kalbaryo ninyo, ng magiging bangungot ninyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top