Chapter 1: Mariposa Salamanca

Alas sais ng umaga nag-aalmusal si Don Sandro. Alas singko pa lamang ay naghahanda ang mga tao sa kusina ng almusal. Alas singko din ang dating ng dyaryo na kaulam ng kapeng barako ni Senyor. Pagsapit ng alas singko ay dapat nakaligo na si Bobet para i-oversee ang pag-aayos ng almusal ng matanda.

This had been his routine ever since he was asked to be the old man's caretaker. He manages all of Don Sandro's affairs, from the biggest business acquisitions down to what he would eat for breakfast, si Bobet lahat iyon.

Mas malaki pa nga ang tiwala nito sa kanya kaysa sa mga sarili nitong anak. He couldn't blame the old man for putting his trust in him, just as he couldn't blame Don Sandro's sons for turning out the way they did.

Limang minuto bago mag-alas sais, nakatayo na si Bobet sa harap ng pintuan ng kwarto ni Don Sandro. Three minutes before six, he would knock on the door. Don Sandro would open the door immediately and then, Bobet would escort him to the dining room.

Siya lamang ang kasabay nitong kumain sa umaga. Si Dario at ang ina nito ay alas otso ng umaga pa bumabangon. Dario doesn't eat breakfast.

"Senyor." Iniabot ni Bobet sa matanda ang dyaryo nang makaupo ito. Sinenyasan niya si Carlota para ibuhos ang kape sa paboritong tasa ng matanda. Don Sandro was quite affectionate with Carlota. Like Bobet and Biboy, she was also raised by Don Sandro. Dahil wala itong anak na babae, parang si Carlota ang naging anak-anakan nitong babae.

Si Carlota ang gusto nitong serbidora kapag kumakain. Don Sandro would always smile at Carlota whenever she would greet him good morning.

Pagkalagay ng kape ay humakbang si Carlota palayo sa hapag.

"Kumusta na iyong pinagagawa ko, Bobet?" tanong ni Senyor habang tinutusok ng tinidor ang longganisa.

"Nakausap ko na ho, Senyor," sagot niya. "Pero kailangan ko pang kumbinsihin yung dalawa."

"Sinabi mo ba yung sinabi ko?"

"Hindi pa ho." The old man raised his eyebrow. "Naputol ho yung tawag. Tatawagan ko ho sila uli."

"You better," Don Sandro said, pointing his fork with longganisa at Bobet. "Alam mo kung gaano kaimportante ito."

"Opo."

Truth be told, Bobet didn't like having breakfast with Don Sandro. Kung hindi siya pinagagalitan, marami namang ipinagagawa. He would always criticize his works, but he would also always rely on him for everything.

"Senyor, matanong ko lang po. Wala na po ba talagang ibang paraan para mapauwi yung dalawa?"

"Bakit? Gusto mong pekein na lamang natin ang kamatayan ko?"

Agad siyang umiling. "Hindi ho."

"I doubt na uuwi si Domingo. Unless it is to claim his inheritance," the old man pointed out. "He's too stubborn, that child."

Kanino kaya nagmana, gusto niyang sabihin. Don Sandro came from a generation of parents who didn't feel the need to apologize to their kids. Kahit hanggang ngayon, hindi pa rin nito ramdam na may ginawa itong mali. Palagi nitong pangonsensya na pinalaki nito ang mga anak nito sa karangyaan. Na hindi nito pinabayaan ang mga anak nito. That he was a good father for providing them with money.

No child wanted to hear that. But no parent would ever feel neglectful if they have supported their children financially.

"Paano kung mas lalo syang magalit, Senyor?" tanong niya maya-maya.

The old man waved his hand dismissively. "He's already angry at me. Ano naman ang gagawin nya sa akin? Kill me?" Tumawa ito. "He knows that will never solve any of his problems."

Hindi na nakipagtalo si Bobet sa matanda. He ate in silence and only spoke when spoken to.

Napatigil sa pagkakaliskis ng isda si Carmelita nang makitang naghuhugas ng kamay si Carlos pagkatapos nitong magkaliskis at magkatay ng isang kilong tilapia. Alas otso pa lamang ng umaga at marami pa rin silang paninda.

"Saan ka na naman pupunta?" kunot-noo niyang tanong sa kapatid.

"Maniningil sa coop, Ate," sagot nito nang may kasamang ngiti.

Carlos always looks forward to the 15th and 30th of the month and Carmelita knows why. Naiinis siya sa kapatid dahil palagi itong nang-iiwan kapag sumasapit ang mga nabanggit na petsa.

"May GCash naman, Caloy," she said matter-of-factly.

"Wala syang GCash, Ate," sagot naman nito. "Alis muna ako. Balik din ako agad."

Carmelita sighed exasperatedly. Napailing na lamang siya nang hindi ito nagpapigil umalis. Pupuntahan na naman kasi nito ang mutya ng palengke for two consecutive years na nasa kabilang banda ng market. At sigurado siyang pagbalik ng kapatid ay may dala na naman itong sandamakmak na prutas na hindi naman nila maubos-ubos sa bahay. Dagdag pa doon, sigurado siyang nabawasan na naman ang kita nila at napunta na naman iyon sa kita ng magandang anak ni Aling Marites.

Everyone was so smitten by that woman, Mariposa. Malasutla at mamula-mula ang kutis. May kaunting pagkakulot ang buhok na akala mo'y araw-araw na bumibisita sa salon. Alagang-alaga ito ng ina nito. The golden child. Kung bakit may ganoon kagandang nilalang sa bayan nila na hindi pa nakakapag-asawa ay isang misteryo kay Carmelita.

She could never compete with that kind of beauty and her brother has no chance against the wealthy men wooing Mariposa. Alam niyang masasaktan din ito sa huli, pero ayaw nitong magpaawat.

Sighing, Carmelita resumed what she was doing.

Darating din siguro ang araw na magigising sa kahibangan ang kapatid niya.

"Good morning, sir!" bati ni Carlota sa bagong gising. Alas onse na ng umaga. Tinanghali na naman ang boss niya. Napuyat siguro ito paglalaro ng computer games. Gising kasi si Dario hanggang madaling-araw. Ang sarap siguro ng buhay nito. Maghapon at magdamag lang nakakulong sa kwarto, palaro-laro lang sa computer. Hindi na kailangang magtrabaho dahil may generational weatlh. Kahit magbuhay tamad, buhay na buhay pa rin.

"Morning," Dario muttered under his breath.

"Gutom na kayo, sir? Magpahanda ako ng pagkain?"

He was squinting when he looked at her. Hair, disheveled. Eyes, puffy. Pero pogi pa rin. Matangkad na balingkinitan ang katawan. Matangos ang ilong. With full and reddish lips and eyes that reflect kindness whenever he looks at her.

Si Leandro Dario Jimenez, ang sinasabing paboritong anak daw ni Don Sandro. Kung ano kasi ang luho nito, ibinibigay ng matanda. Kaya siguro hindi ito umaalis kahit lumayas na ang mga kapatid nito sa bahay.

"Sige," tipid nitong sagot.

"Carlota!"

"Po!"

Pag lingon niya, naglalakad na si Bobet palapit sa kanila ni Dario.

"Pakisabi kay manang na ihanda yung lahat ng guest rooms sa third floor. May mga bisita tayo ngayong weekend," utos ni Bobet.

"Bisita?" kunot-noong tanong ni Dario na hindi pa rin umaalis. May pupuntahan yata ito kanina. Hindi na natuloy-tuloy.

"Sinong bisita, Bobet?" tanong naman niya.

"Yung dalawang demonyo," sagot nito. Pinandilatan niya ito. Kahit pa ba magkakasama silang lumaki sa mansion at magkakaibigan sila noong mga bata sila, amo pa rin nila ang magkakapatid na Jimenez. Carlota would never dare call them demons, even in jest.

Dario, thankfully, didn't find it offensive. Instead, he sneered and said, "Yeah good luck with that." Saka ito umalis.

Lumapit si Carlota kay Bobet at bumulong. "Totoong uuwi yung dalawa?"

"Oo nga."

"Hala! Sana may pasalubong na chocolates!" bulalas niya.

"Chocolates? Bumili ka na lang sa tindahan. Hindi naman galing ibang bansa yung mga yon."

Ang Sir Danilo niya ang inaantay niya dahil palagi itong may pasalubong. Generous ito sa mga kasambahay, lalo na sa kanya. Yung una niyang cellphone, napaglumaan nito. Ibinigay sa kanya. Magkalaro kasi sila dati. Friends. Ang tingin ni Danilo sa kanya ay ate, kahit na mas matangkad na ito sa kanya ngayon. Carlota hoped that it wouldn't change when he came back.

Iyong isa niyang amo? Si Domingo? Kabaliktaran naman ni Danilo. Palagi itong nakasimangot at naninigaw sa mga katulong. Kaya sa bihirang pagkakataon na uuwi ito, siya ang palaging inihaharap dahil immune na siya sa kasungitan nito.

Pagabi na nang tawagan ni Bobet si Domingo. Ito lamang ang kailangan niyang kumbinsihin na umuwi. If he said yes, Danilo would surely come too. Ayaw kasi nitong napag-iiwanan.

Nakailang tawag na siya rito bago ito sumagot. Akala niya ay babaon na ang daliri niya sa kakatuktok sa ibabaw ng lamesa niya.

"I told you I'm not going," bungad nito sa kanya.

"Naaalala mo pa si Mariposa?"

Bobet smiled to himself when Domingo fell silent upon hearing the name. But he certainly didn't expect his answer.

"Bakit? Patay na rin ba sya?"

Napabulanghit siya ng tawa. "Siraulo! Buhay na buhay pa yun."

"Then why bring her up?"

Bobet exhaled. "Because she's getting married."

There was another pause on Domingo's end. Bobet waited. Kakagat kaya ito?

"Oh. Send my condolences to the groom."

"Sige. Makakarating kay Senyor."

"What the fuck do you mean, Bobet?"

"Go home and find out." He ended the call after that. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top