Kabanata 2
Sumpa, digmaan at kamatayan
“Marilag, ika'y gumising na!” Mahinang pagyugyog ang gumising sa dalaga. Sa marahan niyang pagdilat, mukha ng kaniyang ina ang bumungad.
Matamis ang ngiting iginawad ni Haliya, "Narito na si Erano— bumaba ka na."
“Maari bang humingi ng kaunti pang oras?" Tila yata nasira pa ang araw niya sa pangalan na kaniyang narinig.
"Maiiwan na muna kita, huwag mo lang tagalan."
"Salamat, ina."
Humalik pa sa noo ng dalaga ang kaniyang ina bago ito lumabas ng silid.
Erano. Erano. Erano. Haaay! Ano na naman ang ginagawa ng lalaking iyon dito?
Patuloy itong tumatakbo sa kaniya utak, na halos ayaw na niyang bumangon kung ang lalaking iyon lang din naman ang kikitain niya.
Muling bumalik sa isipan ni Marilag ang mukha ng lalaki na nakita niya sa gubat. Hindi napansin ang ngiti na namutawi sa kaniyang labi.
Nasaan na kaya ang lalaki na iyon? Saad sa isipan ng dalaga. Iniisip na bakit hindi na lang iyon ang pakasalan niya?
Mas kahanga-hanga para sa kaniya ang lalaki na iyon.
Nais pa niyang isipin ang lalaki, ngunit kailangan na niyang bumangon, ayon sa utos ng kaniyang ina. Kahit pa man ang laman ng kaniyang isipan ay ang pagtatangka na tumakas.
Nais niyang bumalik sa lugar kung saan niya natagpuan ang lalaki. Kung maaari lang niya itong makasama sa habang-buhay.
Nang matapos na siyang mag-ayos, lumabas na siya. Nakita niyang kausap ni Erano ang kanyang ama. At sa puntong makita siya ng lalaki, marahan ang pagkurba ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kaniya. Pilit niyang sinagot ang ngiti na ito.
Magandang lalaki si Erano— matipuno ang pangangatawan, matalim ang mga mata. Ngunit hindi niya ito gusto; hindi ito ang tipo niyang lalaki. Alam ni Marilag na walang duda ang lakas at liksi ni Eranl, ngunit wala pa ring nararamdaman na paghanga si Marilag para sa binata.
“Magandang umaga, Marilag,” bati ni Erano habang iniaabot ang kamay ng dalaga.
“Bakit ka narito, Erano?” mahinahong tanong ni Marilag.
Tumikhim ang hari. “Maiwan ko nuna kayo, upang mas lalo kayong makakilanlam,” saad ng Hari bago ito tuluyang umalis.
Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa, hanggang sa si Erano na ang bumasag nito.
“Gusto mo bang maglakad-lakad sa hardin?”
"Wala na rin naman tayong ibang pupuntahan." Sama ng loob ang hangin na inilabas ni Marilag. Kahit saan naman niya tingnan ay wala siyang ibang pagpipilian.
Maraming babae ang humahanga kay Erano. Dahil sa kanyang lakas, matipunong mukha, at pagiging maginoo— maraming mga kababaihan ang nangangarap na mapalapit sa kaniya. Ngunit sa isipan ni Marilag, walang kahit na sino ang papantay sa lalaking nakita niya sa kakahuyan.
Sa katunayan matagal na nilang kilala ang isa’t isa mula pagkabata. Sina Marilag, Marikit at Erano ay dating malalapit na magkaibigan. Naging mabait siya kay Erano dahil sa kanilang pagkakaibigan, ngunit hindi niya inakalang darating ang panahong siya’y makakaramdam ng suklam sa tuwing makikita ito.
Mabuti pa noong una, na ang tanging alam lang nila ay magkaibigan sila. Kung mananatili na lamang sana silang magkaibigan, upang walang masirang pakikisama. Ngunit ayaw ito ng kaniyang ama. Itinakda ng hari na silang dalawa ay ikasal.
Malawak ang kanilang hardin, puno ng iba’t ibang bulaklak na may sari-saring kulay ng rosas na magaan sa mata. Maging ang langit ay kalmadong tumatanaw sa magandang tanawin.
Sa katahimikan nilang dalawa habang naglalakad sa hardin, muling nagsalita si Erano.
“Malapit na ang ating kasal."
Tumigil sa paglalakad si Marilag ngunit hindi siya sumagot sa naging tugon ni Erano. Hindi niya nais na makasakit ng damdamin.
“Anong mangyayari sa mga susunod na araw?” dagdag ni Erano, “sa tingin mo ba, magiging masaya tayo?”
“May nagiging masaya ba sa ganito?" Mahinahon ngunit may pahiwatig ang mga salita ni Marilag. “Ang mahalaga sa lahat, ay ang kapangyarihan at katungkulan— hindi kailanman ang pag-ibig."
Alam ni Marilag na ganito ang kaniyang mga magulang, at sa ganitong antas siya nabibilang. Ang pagpapakasal ay para sa kapangyarihan ay hindi sa pag-ibig.
“Mas maganda kung huwag na lang muna nating isipin. Mas mainam na maglakad-lakad na lang muna tayo,” ani Erano.
Napakaganda ng paligid; maraming magagandang tanawin. Ngunit hindi ito sapat para sa kanilang kinalalagyan. Narito sila hindi dahil sa pagmamahalan, kundi dahil sa pagnanais na manatili ang kanilang kapangyarihan. Wala silang kalayaan na pumili ng kanilang mamahalin.
Tahimik ang dalawa habang naglalakad. Batin na ni Erano ang matagal nang damdamin ni Marilag— na hindi siya nito gusto.
Habang kasama si Erano, ang iniisip ni Marilag ay ang lalaki sa kagubatan. Gusto niya itong makitang muli at makilala nang lubusan. Ngunit sino nga ba ang lalaki na iyon?
“Alam mo ba ang alamat ng isinumpang engkanto?” tanong ni Erano kasabay ng paghinto nila sa paglalakad.
“Isinumpang engkanto?" Lumingon si Marilag sa kausap. "Ang siyang nagtatag ng kasaganaan sa lupain na ito?”
May alamat na isinilang noon, at alam nila ang kwento na iyon, subalit tila walang pagtitiwala si Marilag sa sabi-sabi lang.
“Siya nga, ang tunay na Hari na minsang namuno sa atin.”
“Ano bang gusto mong ipahiwatig tungkol sa kanya?”
“Paano kung sabihin kong nakita ko siya?”
“Sigurado ka ba sa nakita mo? Matagal nang patay ang alamat na iyan. Hindi pa tayo isinisilang ay nasabing wala na ang dating Hari." Naaalala pa ni Marilag ang kwento na ito, sapagkat madalas itong ikwento ng kaniyang ina. Dahil ang kaniyang ama ang pumatay sa isinumpang engkanto.
Lumihis ng tingin si Erano. “Hindi ako nagkakamali, nakita ko siya mismo."
“Ano ang ibig ipahiwatig nito?"
Marahan na ibinaling ni Erano ang tingin sa dalaga. “Sumpa, digmaan at kamatayan.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top