Chapter 16

"Lubayan mo si Maria!" Dumagundong ang malakas at nakakatakot na boses nito. Palakas na rin ng palakas ang ulan. Pinapatatag ni Thaddeus ang sarili para kay Maria, ayaw niyang ipakita rito na duwag siya.

Inihanda na ni Thaddeus ang sarili sa pagsugod ni Azreal. Hinapit niya si Maria para maitago niya sa likuran. Handa na siyang harapin ang demonyong ito! Sa isip-isip ni Thaddeus.

Mas lalong nagdilim ang anyo ni Azreal,sa isang iglap lang ay nasa tapat na ito ni Thaddeus sinasakal siya pero agad din siyang inihagis sa tabi kaya napasubsob siya sa damuhan. Pakiramdam niya ay nabalian siya ng buto dahil hindi siya halos makatayo.

Nakita niya na papalapit ito kay Maria habang umaatras naman si Maria. Pinilit niyang makatayo at kinuha ang nakita niyang sanga ng puno. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Azreal at ubod lakas niya itong hinampas sa ulo.

Binalingan ni Azreal si Thaddeus at muling sinakal pero agad ding binitawan dahil umuusok ang buong katawan nito na animo'y nasusunog kapag nahahawakan ng matagal si Thaddeus, napansin iyon ng huli.

Napangisi si Thaddeus dahil hindi siya nito nahahawakan ng matagal pati ang kapangyarihan nito ay walang epekto sa kanya. Gusto niyang  mag-bunyi ng maisip iyon. Pero kaya pa rin siyang saktan nito.

Muli niya itong sinugod para hampasin sa dala niyang malaking sanga ng puno. Nahawakan ito ni Azreal,tumilapon siya ulit ng ihagis nito ang sanga, hawak niya ito kaya nadala siya.

"Damn it!" Palatak ni Thaddeus, muli siyang bumangon at sinugod ito ng yakap para pigilan ang paglapit kay Maria. Naamoy niya ang masangsang na amoy nito.

"Takbo na Maria! Umalis ka na!" Sigaw ni Thaddeus kay Maria. Nagpupumiglas si Azreal sa pagkakayapos niya rito. Umuusok ang buong katawan nito. Nanghihina si Azreal kapag nahahawakan niya pero malakas pa rin ito kaya nauubos na rin ang energy niya, nanghihinang saad ni Thaddeus sa sarili.

"Alis na!" Muling sigaw ni Thaddeus kay Maria. Naguguluhang sumunod si Maria kay Thaddeus, walang kahirap-hirap na nabuksan ni Maria ang gate kaya nakalabas ito.

"Paano ka?" Umiiyak na tanong ni Maria kay Thaddeus.

"Lumayo ka na! Alis na, bilisan mo!" Tanging sagot ni Thaddeus sa kanya. Umiiyak na umalis si Maria narinig niya pa ang malakas na sigaw ni Azreal.

Napahagulhol ng iyak si Maria habang tumatakbo palayo sa Belle Veu Manor. Umiiyak din siya dahil kay Thaddeus, ang taong tumulong sa kanya. Nilalamig na siya dahil basang-basa na siya sa ulan, hindi niya rin alam kung saan siya pupunta.

Nagsisi si Maria kung bait iniwan niya si Thaddeus, may kirot siyang nararamdaman sa puso niya. Naisip niya na dapat hindi niya ito iniwan pero huli na ang lahat. Natagpuan niya ang sarili sa harap ng simbahan. Napayakap siya sa sarili at walang pagdadalawang isip na pumasok siya sa loob.

"Mahabaging Diyos! Señorita Maria?" Bulalas ni Sister Linda, isa sa mga madre ng Simbahan. Agad itong lumapit sa kanya at inakay siya patungo sa kumbento. Dinala siya sa isang silid at binigyan ng malinis na maisusuot dahil basang-basa siya sa ulan.

Napapahagulhol pa rin siya ng iyak kapag naaalala si Thaddeus. Nakapalit na siya ng damit at nakaayos ng dumating si Padre Antonio. Agad siyang yumakap dito at nag-iiyak.

"Padre,wala na po si Terry at ngayon naman ang nag-iisang lalaking tumulong sa akin ay wala na rin." Sabi niya kay Padre Antonio, humihikbi pa siya sa harapan nito.

"Huwag kang mag-alala hija, manalig ka lang sa Diyos. Ipapatawag ko ang taong makakatulong sa sitwasyon mo, sa ngayon ay magpahinga ka muna." Malumanay na sabi ni Padre Antonio.

Pero paano siya makakapagpahinga kung ang isip niya ay na kay Thaddeus? Paano siya makakapagpahinga kung hanggang ngayon ay takot pa rin siya. Napayuko nalang si Maria at muling tumulo ang mga luha. Nilalaro niya ang kanyang mga daliri.

"Huwag kang mag-alala hija habang nandito ka ay ligtas ka." Paninigurado ni Padre Antonio sa kanya pero may agam-agam pa rin ang puso niya. Marahang tumango si Maria. Iniwan na rin siya ni Padre Antonio.

Madilim na sa labas at palakas na ng palakad ang ulan. Naisip ni Maria na tama nga lahat ng mga sinabi sa kanya ni Thaddeus na magkakaroon ng bagyo ngayon at mamamatay si Terry, ang mga taong mahal niya ay mamamatay lahat. Muli siyang napahagulhol ng iyak.

Nagtungo si Maria sa harapan ng altar at nakaluhod na nagdasal doon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ni Terry at ang kaligtasan ni Thaddeus at ng Tiya Olga niya. Umiiyak siya habang panay ang usal ng mahihinang dasal.

Hindi na niya namalayan na may isang lalaking tumabi sa kanya. Masyado siyang naka- focus sa pagdadasal. Nang matapos siya ay tumayo na siya, saka niya pa napansin ang lalaking katabi niya. Tumayo rin ito ng magtama ang paningin nila.

"Thaddeus!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Maria ng makita niyang nasa harapan niya ito, puno ng putik ang kasuotan at basang-basa sa ulan. Pilit ang ngiting ibinigay ni Thaddeus kay Maria dahil sumasakit ang buong katawan niya.

"Nakaligtas ka,salamat sa Diyos," usal ni Maria sabay yakap kay Thaddeus, "paano ka nakaligtas?"

"Hindi ko alam nagmulat nalang ako na wala na ito sa harapan ko pagkatapos akong ihagis sa kung saan-saan. Kasama ko ang Tiya Olga mo, nakita niya ako sa daan." Sabi ni Thaddeus, umaliwalas ang mukha ni Maria ng marinig ang pangalan ng tiyahin.

Sa katabing silid ni Maria nanatili si Thaddeus, pinahiram din siya ng malinis na damit para makapagpalit.
Napangiwi siya ng hubarin niya ang suot niyang tshirt. Puno ng pasa ang katawan niya ng suriin niya ito.

Napatingin siya ng may pumasok sa silid, si Maria na may dalang maliit na kaserola na may lamang malinis na tubig saka bimpo. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siyang walang suot na tshirt.

"Paumanhin hindi ako kumatok.Hindi ko alam na wala kang damit,babalik nalang ako." Sabi ni Maria at akmang aalis pero pinigilan siya ni Thaddeus.

"Okay lang, akin na iyang dala mo." Sabay kuha sa kaserolang dala ni Maria, hindi naman halos makatingin si Maria sa kanya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng lalaking walang suot na t-shirt. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga pasa sa buong katawan ni Thaddeus. Nag-kulay talong na ang ibang pasa nito.

Nakaramdam siya ng konsensya, kung hindi dahil rito ay malamang na nasa Belle Veu Manor pa rin siya at nakakulong doon kasama ang demonyong Azreal na iyon.

"Babalik ako, kukuha ako ng yelo para ipahid sa mga pasa mo." Aniya kay Thaddeus, hindi na niya hinintay na sumagot ito at nagmamadali na siyang lumabas ng silid.

Napabuntong hininga naman si Thaddeus at sinimulan ng pahiran ng basang bimpo ang katawan mula sa mukha, sa leeg,sa braso at sa ibang parte pa ng katawan niya na marumi. Pagkatapos ay agad na siyang nagbihis ng malinis na damit, pati ang suot niyang pantalon ay hinubad niya na rin, isinuot niya ang bagong pants. Nanibago siyang suotin ito pati na ang tshirt dahil masyadong makaluma.

Kumatok muna si Maria bago pumasok, may dala na itong yelo na nakalagay sa maliit na kaserola at puting bimpo.

"Salamat." Tipid na pasasalamat ni Thaddeus ng mailagay na ni Maria ang dala sa kamang yari sa matibay na kahoy. Sinapinan lang ito ng puting kumot.

"P'wede mo rin itong ipahid sa mga pasa mo." Sabi ni Maria saka iniabot ang maliit na ointment. Tinanggap ito ni Thaddeus.

"A-ako na ang maglalagay sa likuran mo." Nahihiyang alok ni Maria, pinamulahan siya ng mukha. Alam niya kasing hindi kayang abutin ni Thaddeus ang parte ng likuran nito.

"Okay lang ba?" He asked worriedly. Alam niyang naiilang ito. Marahang tumango si Maria at muling kinuha ang ointment sa kamay ni Thaddeus.

"Tumalikod ka." Utos ni Maria rito, sumunod si Thaddeus saka itinaas ang damit.

Napapalunok naman si Maria, naiilang siya dahil naapektuhan siya sa presensya ni Thaddeus. Para sa kanya ay nakakahumaling ang kaguwapuhan nito, idagdag pa ang matikas nitong tindig at ang matipuno nitong katawan.

Napakislot si Thaddeus ng maramdaman ang malambot kamay ni Maria sa likuran niya. Pinapahiran na nito ng ointment ang mga pasa niya.

"Masakit ba? Pasensya ka na baka masyadong madiin ang pagpahid ko." Malumanay na sabi ni Maria, halata sa boses ang pag-aalala. Umiling naman si Thaddeus.

"Okay lang, ipagpatuloy mo lang."

Masyadong naapektuhan si Thaddeus sa presensya ni Maria lalo na kapag nadidikit ang balat nito sa kanya.

How can he resists this kind of attractions to her?

~•~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top