Chapter 13
Ang liham ni Maria para kay Padre Antonio.
Padre Antonio,
Nais kong magpasalamat sa inyo dahil ninais ninyo akong tulungan sa kabila ng lahat. Ngayon ay kailangan na kailangan ko ang tulong ninyo. Hindi ko na kaya at nahihirapan na ako sa pagpapahirap sa akin ni Azreal. Pilit pa rin akong lumalaban kahit wala na ang mga taong mahal ko.
Nais kong malaman ninyo na pinagsawaan na ako ng paulit-ulit ng isang demonyo. Marumi at nakakasuka na akong babae. Hindi ko lubos maisip na kaya rin palang gawin iyon ng isang katulad niya. Ito na ba ang kabayaran ng lahat dahil naging mabait ako sa kanya at kinaibigan ko siya? Sana hinayaan ko nalang siya inintindi pa, hindi sana'y namahinga na siya sa lupang kinabulukan niya.
Walang araw na hindi ko nararamdaman ang sakit at hinagpis sa tuwing inaangkin ako ng demonyong iyon. Wala siyang kapaguran. Tulungan niyo po ako Padre, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nais ko na ring kitilin ang buhay ko para matapos na ang paghihirap ko subalit nais ko pang lumaban.
Alam kong kapag ginawa ko iyon ay mas lalo akong hindi makakawala sa demonyong iyon. Minsan ay sinabi na niya sa akin na tapusin ko na ang buhay ko para magsama na kami habang buhay pero nanatili akong matatag para kay Tiya Olga, pero ngayong wala na si Tiya ay mas lalo akong nanlumo.
Wala na akong masandalan dahil lahat ng mga mahal ko sa buhay ay pinatay na ni Azreal. Kung alam ko lang din na siya ang may kagagawan kong bakit namatay ang mga magulang ko noon di sana'y ako na mismo ang nagbalik sa impyernong kinasadlakan niya.
Huli na niya sinabi sa akin na siya ang may kagagawan ng lahat, inalis niya raw sa landas ko ang mga taong sagabal sa aming dalawa.Mababaliw na ako Padre Antonio. Gusto ko pang lumaban dahil naniniwala ako sa sinabi mong manalig at magtiwala ako sa Maykapal.
Tulungan n'yo po ako Padre Antonio, kayo nalang ang taong makakatulong sa akin. Sana makaabot sa inyo ang sulat na ito bago mahuli ang lahat.
–Maria
Present Time
2018
Marahang itiniklop ni Thaddeus ang diary ni Maria, nanginginig ang mga kamay niya sa kadahilanang hindi niya maintindihan. Nakaramdam siya ng kilabot at awa kay Maria dahil kahit sa kahuli-hulihang sandali nito ay wala man lang nakatulong.
"Damn it!" Mahinang usal ni Thaddeus saka naihilamos ang isang kamay sa mukha, hindi niya alam kung ilang oras na niyang binasa ang diary ni Maria. Naisip niya na baka naiwan pa nga ang kaluluwa ni Maria sa bahay na ito, ayaw umalis. Baka kailangang padasalan niya ang Mansyon para matahimik ang kaluluwa nito.
Napapailing na ibinalik ni Thaddeus ang diary ni Maria sa bookshelves. Hindi naniniwala sa evil spirit si Thaddeus pero ng mabasa niya ang diary ni Maria ay nais na niyang maniwala.
O baka naman gawa-gawa lang ang diary nito para manakot? Napaisip tuloy siya. Saka imposible namang may evil spirit pa ngayon, modern days na ah...
Napangisi siyang lumabas ng silid pero ang puso niya ay tila ba nababahala. Malalim ang iniisip niya ng pababa siya ng hagdan. Bigla siyang natisod at huli na ang lahat bago pa siya makahawak sa baluster ng hagdanan.
Dumeretso siyang gumulong pababa ng hagdanan. Malakas ang pagkabagsak niya at ang pagkahampas ng ulo niya sa marmol na sahig.
"Ahhh... Shit!" Daing ni Thaddeus na unti-unting pinanawan ng ulirat.
Samantala kadarating lang din nina Tobias galing bayan, ganoong ayos nila naabutan si Thaddeus, nakahandusay sa paanan ng hagdan, duguan ang ulo at walang malay.
"Thad! Damn it!" Bulalas ni Tobias saka mabilis na dinaluhan ang pinsan. Nataranta siya lalo na ng makita niya ang nagkalat na dugo sa marmol.
"Naku! Dalhin na natin sa ospital si sir!" Natatarantang tili ni Caridad.
Naging critical ang kalagayan ni Thaddeus, nasa ICU siya comatose kaya napasugod na sa Legazpi ang mommy at daddy niya.
"Is he okay?" Umiiyak na tanong ni Talia kay Daniel.
"Our son will be fine..." Alo ni Daniel dito, naudlot ang pagbabakasyon nila sa Palawan dahil sa nangyari. Iyon na sana ang pagkakataon niya para muling suyuin ang dating asawa.
"I shouldn't leave him,Daniel. Hindi ko nalang sana siya hinayaang magtungo dito sa Legazpi. What if he will never wake up?" Mas lalong umiyak si Talia, niyakap siya ni Daniel.
"Please don't say that... Everything will be okay." Hinahaplos niya ang buhok ni Talia, how she misses her. Kung hindi dahil sa pride ay buo pa sana sila ngayon.
Dalawang araw na ang nakakaraan ay wala pa ring malay si Thaddeus. Pero nagulat nalang ang lahat at nag-panic ang mga doctor ng biglang mag straight line ang heart monitor nito.
"What's happening?" Natatarantang tanong ni Talia kina Tobias at Daniel, kadarating niya lang galing sa canteen para bumili ng maiinom.
"N-nag-stop po ang heartbeat ni Thaddeus tita." Naiiyak na turan ni Tobias. Natutop ni Talia ang bibig at nabitawan ang inuming dala. Agad naman siyang niyakap ni Daniel. Maski ito ay natatakot sa puweding mangyari.
Nasa labas lang sila ng ICU room nakatingin sa maliit na bintana kung anong nangyayari sa loob.
"Oh my God! Please save my son." Mahinang usal ni Talia, panay tulo ang luha niya. Napayakap na rin siya kay Daniel.
Isang nakakabinging tunog ng heart monitor ang nakapagpamulat ng mga mata ni Thaddeus. Sapo ang ulo habang pinipilit niyang makatayo. Pinagpagan niya pa ang sarili dahil sa damuhan siya nakahiga kanina.
"Shit, what happened?" Mahinang bulong niya habang hinihilot ang sumasakit na ulo. Nagpalinga-linga siya sa paligid, nasa labas siya ng Mansyon. Ang pagkakatanda niya ay nahulog siya sa hagdanan pero bakit nasa labas na siya?
Naguguluhang nakatayo siya sa entrance ng Mansyon papasok sa loob. Napakunot ang noo niya ng maisip na parang may mali. Napakamot pa siya sa batok at muling nagpalinga-linga sabay hakbang papasok sa Mansyon.
"Sino po kayo Señor?"
Napapitlag si Thaddeus ng marinig niya ang isang babaeng nakasuot ng bestidang puti at nakapuyod ng buhok. Sa tingin niya ay nasa 30's na ito. Halos magsalubong na ang kilay ni Thaddeus ng titigan niya ang babae, hindi niya ito kilala at malamang hindi ito katiwala sa Mansyon.
"Sino ka?" Wala sa sariling ganting tanong ni Thaddeus sa babae, idagdag pa ang ulo niya na sumasakit. Nawala ang ngiti ng babae at bumalatay ang takot sa mukha.
"Tinatanong kita Señor, sino ka? Sino ang sadya mo? Nakaalis na si Señora Olga patungong bayan." Sabi pa nito.
Gustong matawa ni Thaddeus sa tono ng pananalita ng babae parang masyadong makaluma. Magsasalita na sana siya pero muling nagsalita ang babae. Umaliwalas ang anyo ng mukha nito.
"Ikaw ba ang bagong driver? Naku ikaw nga!" Masayang turan ng babae na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Hindi kita maintindihan–" naputol ang sasabihin ni Thaddeus ng marinig niya ang isang malakas na sigaw na nanggagaling sa taas kaya napatingin siya sa gawi ng hagdanan at walang pasabing inakyat niya ito.
~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top