Chapter 12

"Pakiusap detective Roa gawin mo ang makakaya mo para maresolba ang kaso na ito. Na murder ang isa sa katiwala namin, pinagsamantalahan ang pamangkin ko at hanggang ngayon hindi pa namin makausap!"

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Olga sa isang detective na siyang may hawak sa kaso ni Maria, dalawang araw na ang nakalipas ng matagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang katawan ni Terry at nasa banyo naman si Maria, walang malay.

"Gagawin namin ang lahat Señora Olga para mabigyan ng hustisya ang nangyari." Determinadong saad ni Detective Roa.

Matagal na itong nakaalis nanatili pa ring nakaupo sa sala si Olga, palihim siyang umiiyak para sa pamangkin. Inilihim nila ng nangyari kay Maria para hindi ito mapag-usapan.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya rito. Balak niyang dalhin na ito pa Maynila para doon na rin maipagamot,  alam niyang na trauma ito sa nangyari dahil dalawang araw na siyang nagigising sa madaling araw, naririnig niyang sumisigaw ito at dumadaing. Nanghihingi ng tulong na hindi niya mawari kung ano pati ang mga kasambahay ay nagigising na rin.
Sa tuwing pupuntahan niya ito sa silid ay naka-lock naman,hindi siya makapasok.

Umakyat siya sa itaas at nagtungo sa silid ni Maria, naabutan niya itong nakaharap sa salamin at nakatulala.

"Hija, mag-ayos ka na pupunta tayo sa bayan." Nakangiting sabi ni Olga,nais niyang aliwin ito. Pinipigilan niyang hindi maiyak sa hitsura nito ngayon, para itong nalantang bulaklak na nawalan ng buhay.

"Ayusin ko ang buhok mo," malumanay na sabi ni Olga saka hinaplos ang mahabang buhok ni Maria. " Bukas darating ang bago mong katiwala, mabait siya at mapagkakatiwalaan."

Dagdag pa ni Olga sa pamangkin na nakatingin sa kawalan. Sinusuklayan na niya ang mahaba nitong buhok.

"Tiya Olga, maganda pa rin ba ako?" Wala sa sariling tanong ni Maria. Naiiyak na niyakap siya ni Olga.

"Oo naman, ikaw ang pinakamagandng babae rito sa bayan natin. Madaming mga kalalakihang nahuhumaling saiyo. Magpalakas ka hija, nandito lang ako."

Hindi naiwasan ni Olga ang mapaluha. Ayaw niyang ipakita sa pamangkin na naaawa siya rito. Tumayo si Maria at nagtungo sa kama, humiga ito at niyakap ang sarili.

"Magpapahinga na po ako."

Iyon lang ng sinabi ni Maria saka ipinikit ang mga mata. Dumilat lang siya ng maramdaman niya ang pagsarado ng pinto, ibig sabihin ay lumabas na ng tiyahin niya.

Lihim siyang naghinagpis para sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Wala siyang magawa kundi umiyak ng umiyak. Sa madaling araw nalang laging nagpapakita si Azreal sa kanya at inaangkin siya ng paulit-ulit.

Kahit anong gawin niyang pag-sigaw at pag-hingi ng tulong ay walang nangyayari. Hindi rin siya makaalis maski sa silid niya dahil tila may kung anong mahika ang pumipigil s kanya.

Tanging ang talaarawan lang ang nakakaalam ng nangyayari sa kanya. Lumipas ang mga araw ay pahina ng pahina si Maria dahil sa ginagawa ng demonyong si Azreal.

Pumayat siya at lubog na ang mga mata niya. Para na siyang baliw na hindi maintindihan ng lahat.

"Tama na Azreal..." Pakikiusap ni Maria habang binabayo siya nito. Nararamdaman niya ang kahabaan ng pagkalalaki nito habang patulog na umuulos sa kanya.

"Aahhh Maria... Ang sarap mo." Anas nito sa tainga niya. Gusto niya na namang masuka sa pinag gagawa nito sa kanya. Minsan ay itinatali pa siya nito o kaya naman ay ibinibitin patiwarik. Kung anu-anong posisyon at kahayupan ang pinaggagawa nito sa kanya.

"Hindi kana makakawala sa akin kailanman Maria." Sabi nito sabay halakhak, demonyo na talaga ang tingin niya rito. Nagbalat-kayo lang pala ito at kinuha ang loob niya. Iyon pala ay may masamang hangarin sa kanya.

"Hoy! Kanina ka pa riyan!" Sita ng isa sa katiwala ng Mansyon kay Matilda. Ang tainga nito ay nakadikit sa pinto ng silid ni Maria.

"Mag-aalas tres na kasi ng madaling araw eh hindi ako makatulog dahil sa ingay na nanggagaling dito sa silid ni Señorita, sumisigaw at dumadaing." Nababahalang saad ni Matilda.

"Alam mo ako rin, lagi nalang madaling araw eh, baka nagmumulto si Terry–"

"Shhhh! Huwag mo na nga nating pag-usapan iyan, bumaba nalang tayo at matulog na baka maabutan tayo ni Señora Olga rito." Saway ni Matilda sa katiwalang dalaga sa Mansyon.

"Pero alam mo minsan naririnig ko ang iyak ni Señorita Maria eh, ang panaghoy niya at daing na tila ba nakakaramdam ng sobrang sakit."

"Tama na iyan... Bumaba na tayo at matulog." Muling saway ni Matilda rito, hindi niya na rin sinabi na maski siya rin ay nakakarinig. Iniisip niya nalang na baka nga naghihinagpis si Maria dahil sa pagkamatay ni Terry.

Lumipas pa ang ilang araw, nakahanda na sana ang pag-alis ni Maria patungong Maynila sa kagustuhan ng tiyahin niyang si Olga ngunit may nangyaring hindi maganda.

Natagpuan ang katawan ni Olga sa sarili nitong silid na wala ng buhay. Dilat na dilat ang mga mata nito dahil sa pagkakasakal. Naiwan ang bakas ng mga kamay sa leeg nito sanhi ng ikinamatay nito.

Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Maria gayong mag-isa na lamang siya. Kahit sa lamay at burol ng tiyahin niya ay hindi siya nagpakita sa mga tao. Nanatili siya sa kanyang silid at lihim na naghihinagpis. Simula noon ay hindi na siya lumalabas sa silid niya. Unti-unti na ring nag-alisan ang mga katiwala nila sa Mansyon. Tanging ng mga matagal ng nanilbihan sa pamilya nila ang nanatili.

Walang ibang karamay si Maria kundi ang talaarawan niya na araw-araw ay lagi niyang sinusulatan. Hanggang sa maisipan niyang sulatan si Padre Antonio. Ang taong nais siyang tulungan.

Nais niyang malaman nito ang paghihirap niya ngayon at ang kasakiman ni Azreal. Nais niyang sabihin dito na sagipin siya.

"Señorita, sumama nalang kayo sa akin. Umalis na tayo rito."
Nababahalang sabi ni Matilda sa kanya ng dalhan siya nito ng pagkain s kanyang silid.

"Magtungo ka sa simbahan Matilda at ibigay mo ito kay Padre Antonio." Nakikiusap ang boses ni Maria sabay abot ng liham dito. Naguguluhan man ay napatango nalang si Matilda.

"At pagkabigay mo kay Padre Antonio ay huwag ka ng bumalik pa sa Mansyon na ito."

Mapait na ngumiti si Maria kay Matilda, ito nalang ang natitirang katiwala nila sa Mansyon. Sumikip ang dibdib niya ng makita niyang tumulo ang luha ni Matilda.

"Pero ayaw kong iwan ka Señorita, kung hindi ka sasama sa akin ay babalikan kita at isasama ko si Padre Antonio." Umiiyak na sabi ni Matilda.

Naramdaman ni Maria ng malamig na simoy ng hangin, hindi naman nakabukas ang terrace niya.

"Umalis ka na Matilda, pakiusap umalis ka na." Natataranta at natatakot na pagtaboy niya kay Matilda.

Maski ito ay nanlaki rin ang mga mata sa takot na nakikita sa anyo ni Maria. Nagmamadaling lumabas ng silid si Matilda. Lakad takbo na ang ginawa niya ng makalabas siya sa Mansyon. Pero malayo pa siya sa may gate, ang nilalakaran niya ay sakop pa rin ng Belle Veu Manor.

Kung anuman ang laman ng liham na dala niya ngayon ay sigurado siya na ito ay mahalaga kaya sisiguraduhin niya na makakarating ito kay Padre Antonio. Ngunit nasa kalagitnaan palang siya ay may humarang na sa kanya, isang lalaking nanlilisik ang mga mata. Sa isang kisap mata niya lang ay dinukot na nito ang puso niya gamit ang mga matutulis nitong kuku.

Makalipas ang dalawang araw ay nagpakamatay na rin si Maria. Tumalon siya sa terrace.

~•~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top