Kabanata 05

sorry na sa late updaaate. nahirapan kasi akong isulat 'to kaya ngayon langgg!

-----------


KABANATA 05

DAHIL sa weird na mga pangyayari nitong nakaraan ay tumawag na ako sa mga magulang ko. Ito ang mahirap kapag malayo kami sa isa't isa. Hindi ako makayakap sa kanila kapag ganitong natatakot ako.

"Alam mo, mama, ang weird ng nangyayari sa 'min dito sa Manila ngayon," paumpisa ko.

Nasa kama ako't nakahiga, samantalang sina mama ay mukhang nasa kusina base sa background nila. Nagluluto yata sila ng hapunan.

"Ano naman 'yon, anak?"

"Kumusta ka ba riyan? Sana inaalagaan mo ang sarili mo. Sa bakasyon, eh umuwi ka dine, ha. Wag kang mag-alala sa pamasahe."

Napangiti ako sa mga sinabi ni papa.

"Opo naman, pa. Kasi naman, mama, 'di ba na-kwento ako noong nakaraan about sa weird na lola na nagtitinda sa school? Ngayon, nito lang nakita siya, mama na patay na. Pugot ang ulo. Tapos yung mga pagkaing binebenta niya? Puro uod, ipis! Basta! Nakakadiri!!" Nangingilabot ako sa tuwing maalala ko yon.

Namilog ang mga mata nila. "T-talaga?"

"Opo! Dahil nga siguro do'n kaya ako binangungot no'ng nakaraang gabi ng nakakatakot dahil don. Tapos kanina sa grocery store, may patay na natagpuan! Saktong-sakto na nandoon ako, ma! Imagine, namatay lang yung ilaw tapos may sumigaw na. Kawawa yung babae. Grabe yung ginawa sa tiyan niya. Warak."

Nakuha yata ng panaginip ko ang atensyon nina mama dahil nagkatinginan silang dalawa bago muling bumaling sa 'kin.

"A-ano ba yung napanaginipan mo?" tanong ni Mama.

Nakanguso akong nagkwento sa kanila. "Eh, mama, yung panaginip na 'yon parang totoo. Like mga aswang, may isang pamilya pa silang inaaway tapos yung anak nilang lalaki umiiyak. Tapos, sinusubukan kong ilayo yung bata . . . tumatakbo kami palayo sa kanila." Inalala ko ang nangyari sa panaginip ko. "Pero . . . hindi kami makalayo. Bumabalik din kami sa inalisan naming lugar kahit saan kami sumuot. Ang nakakatakot pa tatakbo akong may kasama tapos paglingon ko palaging wala na yung bata. Sinugod pa ako nong isang aswang. Tinatanong niya kung taga-saan at sino raw ako tapos, ma." Puno ng reklamo kong ipinakita sa kanila ang braso ko.

"Tingnan mo. Grabe, sa panaginip ko hinagip nong aswang yung wrist ko at nagdugo tapos look, oh, no'ng magising ako, meron na rin ako. Kakainis!"

Inaantay ko ang sagot o reaksiyon man lang mula sa mga magulang ko pero wala. Nagkatitigan na naman silang dalawa na para bang nag-uusap gamit ang eyes nila. Kumunot ang noo ko. Mama looks afraid. Saan naman?

"Ma, okay lang kayo?" mahina kong tanong.

Tumingin sa 'kin si Papa at tumango. "Oo naman, unica hija ko. Noong nakaraang gabi rin kasi nanaginip ng masama ang mama mo kaya ayon, magkapareho pala kayo," anito at pumalit sa pwesto ni Mama.

Siya na ngayon ang kausap ko. Hindi ko alam kung saan nagpunta si mama dahil nawala na lang ito.

"Eh, anak, basta mag-iingat ka riyan. Mahirap na't delikado ang panahon ngayon. Dapat maging alisto ka palagi. Dala-dala mo ba yung bracelet na pinapasuot namin palagi sa 'yo?" tanong niya.

Tumango ako. Inangat ko yung kaliwang braso ko para ipakita sa kanya 'yon.

"Eto, Pa. Hindi ko inaalis except maliligo ako. Ang pretty nga, eh," nakangiting ani ko.

Tumango siya sa 'kin. Iniba na nito ang usapan hanggang sa magpaalam sila na kakain na raw at magpapahinga. Malungkot akong nagpaalam. Miss na miss ko na kasi ang parents ko. Yung unli sawa naming mga kwentuhan.

Pinatay ko na rin ang phone ko at hinarap ang laptop ko. Abala kasi ako kanina sa paggawa ng lesson plan pero mas mahalaga sina mama, ehe!

Nag-type na ako ulit dahil need ko pa i-print 'to para bukas nang biglang mamatay ang ilaw ko. Napaangat ako ng tingin doon saka ako tumayo papunta sa switch, ni-turn off at on ko 'yon para makita kung magbubukas ba pero hindi. Mukhang pundido na yata.

Tumingin ako sa labas ng bintana at umawang ang labi ng makitang patay din ang ilaw sa kabilang unit. Shala. Mukhang sa mismong linya na namin kami dito may issue.

Isasara ko na sana ang bintana ng bigla akong mapatigil sa iyak ng sanggol. Bumalot iyon sa paligid. Huh! Napa-iling na lang ako.

"Nako, Maria Clara, imagination mo lang 'yon. Tigilan mo na 'yan!" paasik kong ani sa sarili ko.

Umiling ako at saka sinarado na ang bintana ng kwarto ko. Babalik na dapat ako sa ginagawa ko ng bigla na lang may kumatok sa pintuan ng silid ko. Sa isiping ka-boarder ko ang kumakatok ay pinagbuksan ko agad ng pinto.

Pero wala naman akong ibang nakita kundi isang lampin. Tumingin ako sa kaliwa't kanan para tingnan kung sino ang nag-iwan o nakahulog pero walang tao.

Yumuko ako at dinampot ang lampin, umawang ang labi ko ng makita ang foot print ng isang baby sa lapag. Instead na baliwalain ay sinundan ko pa kung saan papunta ang mga footmark. Lumayo ako nang lumayo hanggang sa makarating ako sa pinakadulong unit.

Biglang may malakas na kumabog sa dibdib ko ng marinig ko ang malakas na sigaw mula sa loob ng unit. Humigpit ang hawak ko sa lampin saka humanap ng maaring ipangpokpok sa kung sino man iyon. Nang makakita ng isang walis ay agad ko 'yon hinawakan ng mahigpit.

Hinarap ko ang pinto at binuksan 'yon. Malakas kong tinulak at saka napaatras ng makita ko ang babaeng kasabay kong umuwi kanina na nakahiga sa lapag at may kung anong impaktong pinipigilan.

Angil ng maliit na bagay sa ibabaw nito ang naririnig ko. Iyak lang siya nang iyak at takot na takot ang hitsura.

"T-tulungan mo ko!!" nagmamakaawa nitong sigaw na nagpagising sa 'kin.

Kahit kinkabahan ay maingat kong tinaas ang kamay ko't hinataw ang halimaw sa ibabaw nito. Tumilapon naman ito sa pader pero nakabawi rin agad. Marahas na tumingin sa 'kin saka mahinang gigil na umangil.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang hitsura nito.

Isang b-baby! Pero nakakatakot ang mukha dahil sa matatalim nitong ngipin! Isama pang ang mga kuko nito ay punong-puno ng dugo!

"T-tiyanak!!" malakas kong sigaw bago humarap sa babaeng kasama ko. Umiiyak ito't nanginginig ang katawan.

Nilingon ko ang tiyanak sa pwesto nito kanina pero wala na ito doon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala, kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para alalayan ang babae para makalabas na kami, ngunit bago ko magawa iyon ay may kumagat sa hita ko.

Malakas akong napa-aray saka iwinagayway ang hita para maalis ang nakabaong ngipin ng tiyanak. Nagtago sa ilalim ng kama ang tiyanak.

Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pag-agos ng sariwang dugo palabas ng aking sugat. Mariin akong napapikit.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Totoong may tiyanak?!

At nang akala ko'y katapusan na namin ng biglang lumabas galing sa kung saan ang tiyanak ng magsalita ang babaeng kasama ko.

"T-tama na . . . please, tama na!!" sigaw nito.

"A-ayoko na!! Sorry! Sorrry! Hindi ko sinasadya!!!" dagdag pa nito. "So-sorry . . ." Humahagulgol ito at halos hindi na maintindihan ang sinasabi

"A-ano?" hindi ko siya maintindihan.

Mugtong-mugto na ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Nang balingan ko ang tiyanak ay nakatigil na lang ito at nakatingin sa nanay niya.

"So-sorry! Hindi ko k-kaya ang responsibilidad . . . w-wala kang t-tatay! Papatayin ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang na-nabuntis akong maaga. S-sorry kung p-pinalaglag kita! P-patawarin mo ko!" hagulgol nito.

Napatakip ako sa bibig dahil sa pagsiwalat nito ng katotohanan. Kaya ba siya nasa hospital no'n dahil nagpalaglag siya? Pero bawal sa Pilipinas 'yon, ah!

Paulit-ulit na nag-sorry ang babae habang yakap-yakap ang sarili. Kasabay non ang tiyanak ay naging isa ng baby. Cute na baby na nagsimulang gumapang papunta sa nanay niya. Kinalong ito ng babae at akala ko'y maayos na sila ng biglang tumaas ang kamay nito at pinagsasaksak ang walang muwang na baby.

"MAMATAY KA! PINATAY MO ANG GIRLFRIEND KO! PINATAY MO SIYA!! HAYOP KA! MAMATAY KA NA! MAMATAY KA! MAMATAY KA!!" paulit-ulit nitong sigaw.

Naglaho na ang kaninang vulnerable na babae at napalitan iyon ng pagkamuhi. Pinagsasaksak niya ang tiyanak hanggang sa mapuno ng dugo ang paligid . . . at ang baby . . . unti-unting namatay sa lapag.

Marahas itong bumaling sa 'kin pagkatapos ay tinutok ang kutsilyo sa 'king harapan. Tumayo ito at akmang susugurin ako ng biglang bumukas ang kuryente. Bago siya makalapit ay nakatakbo na ako palabas.

"IKAW ANG MAY KASALANAN! DINALA MO DITO ANG HALIMAW NA 'YON!" sigaw ito ng sigaw kaya siguro nakuha niya ang atensyon ng ibang boarder namin.

Nagsilabasan kasi ang mga ito at mga nabigla pa ng makita akong hinahabol ng saksak. Nagkagulo sila sa pagpigil dito. May ilan pang nadaplisan. Ang huli kong natatandaan ay hinila ako ng landlord namin at niyakap ng mahigpit.

****

"NABABALIW na yata yung tenant kong 'yon. Pagpasensyahan mo na. nasugatan ka pa yata niya," anito.

Tulala akong nakatingin sa sugat kong ginagamot ni Aling Molly. Kitang-kita ang maliliit na ngipin doon.

"Sasabihan ko na lang yung mga magulang no'n. Sana wag kang umalis, ha, dahil sa kanya," ani pa nito.

Ngunit wala na roon ang isip ko kundi sa mga nangyari kanina. Medyo nage-gets ko na kung bakit ko parating naririnig yung iyak ng baby.

Sa hospital . . . doon niya pinalaglag yung baby . . . sa grocery store . . . yung namatay na babae, girlfriend niya? Mahilig pala siya sa mas matanda sa kanya. Kaya pala mula roon ay nakasunod na sa 'min yung iyak ng baby dahil sinusundan niya ang nanay niya.

Napalunok ako.

I know, her body, her rules. But that seems so sad.

Gusto pala niyang maging active sa sex but they didn't use contraceptives. Like, libre naman ang condoms sa mga health center. Mga Pilipino talaga. Dapat maging responsible sila sa actions nila. Gusto magpakasarap pero hindi iniisip ang consequences ng actions nila. Conservative country, jusq! Dapat maging responsible sila sa actions nila.

Nang maayos na ang paggamot sa sugat ko ay iniwan na ako ni Aling Molly para makapagpahinga. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa 'yon.

Totoo ang tiyanak! Nakita ko kanina.

Tiyanak 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Baby lang naman na ipinalaglag o hindi nabinyagan.

Napasabunot ako sa sarili ko. Totoo 'yung tiyanak, ibig bang sabihin ay totoo rin ang aswang? Ang maligno? Multo?!

Sa sobrang daming tanong sa isip ko hindi ko na naisip na makakatulog pa ako. At nang magising ako kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam ko.

Naiiyak na lang ako sa tuwing parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Pakiramdam ko ri'y ang bigat-bigat ng katawan ko at basang-basa ako ng pawis. Lahat ng bahagi ng katawan ko masakit. Lahat na lang. Dala na rin siguro no'n kaya ako muling nakatulog.

****

NAGISING akong medyo maayos na ang pakiramdam. Nanlalabo pa rin ang paningin ko noong magmulat ako pero kitang-kita ko ang bulto ng tao may kung anong ginagawa sa gilid ko.

May kulay berde siyang gustong ilagay sa 'kin ngunit hinawakan ko ang kamay niya para pigilin. Maraming beses akong kumurap para maging malinaw ang paningin ko. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang 'di kilalang lalaki.

"S-sino ka?" nanghihina kong tanong.

"Kaibigan," tipid nitong sagot na huling naalala ko bago ako dalhin na naman ng kadiliman.

Nang muli akong magmulat ng mga mata ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Feel ko nga ay nagdahilan lang ang katawan ko para hindi makapasok ngayong araw sa klase. Bumangon ako at nagsalubong ang kilay ng bumagsak sa hita ko ang isang malaking dahon at kung ano-ano pa.

Hinaplos ko ang noo ko at doon nakakuha ng maraming dahon pang nakadikit.

Ano 'to?

Dahon? Hindi man lang bimpo. Andami ko no'n dito.

Ang weird, ah. Inalis ko na rin ang kumot na nakatakip sa 'kin at tiningnan ang sugat ko. Mas lalo lang nagdikit ang kilay ko ng makitang nababalutan ng mga dahon. Iniisip ko lang kung sinong gumawa nito nang mag-sink in sa 'kin na may lalaking nakapasok kagabi.

Mabilis akong bumaba ng higaan at tiningnan ang pinagtataguan ko ng importante kong gamit at saka pera. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi nagalaw ang mga iyon. Napa-atras ako ng makita ang kusina kong punong-puno ng mga dahon-dahong ngayon ko lang nakita.

Lumapit ako roon. Inangat ko isa-isa ang mga dahon. Wow, ha. Daming kalat na iniwan! Bigla ko tuloy naalala ang mga magulang ko. Ganito rin sila sa bahay namin sa probinsiya. Napakaraming dahon-dahon sa paligid.

Napailing na lang ako at umupo sa may upuan. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang wifi. Excited akong i-kwento kina Mama yung nangyari kagabi. In-open ko na ang messenger ko at hinanap ang pangalan niya sa mga messages sa 'kin, lahat kasi sila nagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi pumasok.

Nawala rin naman doon ang atensyon ko lalo na noong mahanap ko ang pangalan ni Mama. Napangiti ako sa huling mensahe niya.

Mama kong maganda 😍❤

Mahal ko, mag-iingat ka palagi riyan. Tandaan mo ang mga bilin namin sa 'yo ng tatay mo. Mahal na mahal kita.

Nag-react ako ng heart sa message ni mama at nag-reply ng mahal ko rin sila. Tapos ay pinindot ko na ang call button sa gilid. Nag-wait ako ng mag-ring ito, ngunit walang sumasagot. Nag-dial ulit ako. Hinintay kong sagutin ni Mama ang tawag ko pero puro missed call ang nangyari.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bakit hindi sinasagot ni mama?

Sinubukan ko ring i-dial ang number niya kasi baka nawalan na naman sila ng internet don o kaya mahina ang signal, pero kahit sa call ay hindi siya sumasagot.

Baka busy lang. susubukan ko na lang ulit mamaya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top