Kabanata 02
CHAPTER TWO
HABOL ang hininga akong bumangon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil nasa alaala ko pa rin ang nangyari sa library. Sunod-sunod akong kumurap ng ma-realize na nasa dorm ako. Humawak ako sa tapat ng dibdib ko.
Anong ginagawa ko dito? N-nasa school ako, 'di ba? P-paano ako naka-uwi? Bumaba ang tingin ko sa suot kong damit. Panjama. I'm wearing my PJs na. Humawak ako sa noo ko. Panaginip lang ba 'yon? Hindi ba totoo?
Unti-unting naging malumanay ang pagtibok ng puso ko. Napanguso ako. Tsk. Kakanuod ko siguro 'to ng horror movie. Napapanaginipan ko na.
Bumalik ako sa pagkakahiga. Iniisip ko pa rin ang weird kong panaginip. Nakakatakot naman. Para kasing totoong-totoo. Mas real pa sa feelings niya sa 'yo, eme. Pero kasi . . . para talagang totoo. Ang linaw-linaw niya sa isip ko.
Pero what if totoo talaga siya? And what if . . . lumingon ako sa paligid. Nakasunod pala siya sa 'kin?
Mabilis nanlaki ang mga mata ko. Napabangon ako ng wala sa oras. Hinanda ko ang kamao o para manuntok.
"Kung may mumu diyan labas na." Pinatatag ko ang boses ko kahit na may bahid iyon ng takot. Huhu. Maganda lang po ako, wala po akong laban sa mumu. Kinuha ko ang brush na nakapatong sa cabinet na may salamin. Pansaksak.
Lumipas ang ilang minuto ay wala naman akong naramdamang kahit ano. Nagpakawala ako ng inis na hininga. Hinagis ko ang brush sa gitna ng kama saka marahas na lumingon sa orasan. Alas-tres na pala ng madaling araw.
Ginulo ko ang buhok ko bago umupo sa kama. Humiga ako at tumingin sa kisame. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog ngunit panay baling ko lang sa kaliwa't kanan. Inis akong dumilat.
"Tss. Hindi na ko makatulog. Tatapusin ko na lang siguro yung lesson plan ko," bulong ko sa sarili bago muling bumangon. Nagbuntonghininga ako, tinali ko ng pa-messy bun ang buhok ko.
Ang una kong ginawa ay magtimpla ng kape, tapos bumalik na ako sa kwarto para buksan ang laptop ko. Ni-connect ko 'to sa Bluetooth headphones ko bago nag-umpisang mag-type sa laptop. Isang oras na akong gumagawa ng lesson plan ko. Malapit na akong matapos ng mapansin kong naka-ilaw ang phone ko.
Inalis ko ang headphones ko at kinuha ang phone. Nakangiti kong sinagot ang tawag ni mama.
"Hello!!" masigla kong bati. Umalis muna ako sa harap ng table at umupo sa may kama.
Sumalubong sa 'kin ang magandang mukha ng mama ko. Duh, may pinagmanahan ang kagandahan ko. Maikli ang black hair ni mama, makapal ang kilay, brown ang mga mata, makapal ang labi and of course pango like me! Yes, kahawig ko si mama, wala akong nakuha kay papa kundi ang height niya.
"Kumusta naman ang maganda kong anak?"
Hinawi ko ang buhok ko. "Syempre, ma. Maganda pa rin. Kayo po ni papa kumusta?"
From the screen, nakita kong yumakap si papa kay mama. Napangiti ako. Nakaka-miss naman ang bahay sa probinsiya.
Napanguso ako ng maalala ang panaginip ko. Nangsusumbong akong tumingin kina Mama.
"Ma, alam mo sobrang weird ng panaginip ko kanina. Nasa school daw ako tapos may nakita raw akong white lady! Mama, white lady!" madiin kong sabi. "Tapos, naalala ko siya ng sobra, Mama! Alalang-alala!"
Tumaas ang kilay ni Mama ng sabihin ko 'yon. Si Papa naman ay tinawanan naman ako.
Humaba ang nguso ko. "Papa nga! Wag kang tumawa! Yung hitsura nung babae kamukha ng uniform namin tapos mahaba yung buhok. Duguan! Sobrang nakakatakot tumingin. Nahuli raw niya ko sa library, papa. Tapos ma, nagpapatay sindi yung ilaw!"
Para mang bata magsumbong, wala akong pake. Pinalaki ako ng parents ko na open sa kanila kasi ganoon din sila sa 'kin. Hindi nila ako pinapagalitan ng basta-basta lang. Never akong napagbuhatan ng kamay. Sa madaling salita, healthy ang relationship namin ng parents ko.
Sandali pang tumawa si Papa bago kinuha ang telepono kay Mama. Masyadong lumapit ang mukha nito sa camera.
"Baka naman kasi panay basa mo na naman ng horror story o kaya naman nanunuod ka ng nakakatakot na movie?"
Guilty akong napangiti. Umiling si Papa bago binalik iyon kay Mama.
"Maria, iyan ang sabi ko sa 'yo, 'di ba? Wag na wag kang manunuod ng nakakatakot sa gabi pagkatapos babangungutin ka na naman." Seryoso siyang tumingin sa 'kin. "Sinasabi ko sa 'yo kapag ikaw talaga!"
Napanguso ako. "Mama naman."
"Basta huwag kang manunuod ng katatakutan. Magdasal ka palagi. Maglagay ka ng asin at bawang sa bintana at pintuan mo."
Napangiti ako sa paalala ni mama. Ewan ko ba, paniwalang-paniwala si mama sa mga ganyan. Naalala ko noong bata pa ako, palagi kong nakikita si Mama na naghahalo-halo ng kung ano-anong dahon tapos ipapamahid o ipapa-inom sa may sakit. Akala ko nga dati mangkukulam si mama.
"Opo. Kumusta kayo diyan, mama? Bakit po ang aga niyong tumawag?"
Matamis na ngumiti si Mama. "Okay lang naman kami dito. Ikaw nga inaalala namin diyan. May pera ka pa ba? Kumusta ang pag-aaral mo? Sabihin mo sa 'min kung may kulang, ha. Palagi ka naming ipinagdadasal."
Mas lalo akong napangiti. Napaka-swerte ko sa mga magulang ko. Lahat ginagawa nila para sa 'kin—para makapagtapos ako ng pag-aaral sa nais kong kurso at sa university na gusto ko. Kaya gustong-gusto ko ng makabawi sa kanila.
"Okay naman po lahat dito, ma. Except lang do'n sa bangungot ko. Wala naman akong kaylangang bayaran kasi bayad na no'ng nakaraan pa. Wag kang masyadong mag-alala sa 'kin, mama. Nilaagaaan ko sarili ko. Kayo, baka mamaya nagkakasakit na pala kayo, ha," nag-aalalang sabi ko.
"Okay lang kami dito ng Mama mo, 'nak. Miss ka lang talaga namin. Wala ng maingay dito sa bahay," sagot ni papa.
Forty-five years old na si Papa pero para pa rin siyang na mid-twenties. Walang wrinkles at maganda pa rin ang katawan niya. Batak kasi sa gawain sa probinsiya.
"Ikaw lang naman maingay diyan, pa. Hindi ako."
"Ha, ako pa?"
"Opo. 'di ba mama, si papa yung palaging maingay?" paghingi ko ng tulong kay mama pero tinawanan niya lang kami. Napanguso ako dahil do'n.
"Ewan ko sa inyong mag-ama. Pero anak, ibababa ko na. Aalis na kasi kami papuntang bukid. Tatawag na lang ulit kami mamaya," ani Mama.
Tumango ako at nakangiting nag-wave sa kanila. "Okie. Ingat kayo diyan, mama. I love you both!!" malambing kong ani sa kanila.
Lumamlam ang mata nila.
"Mahal na mahal ka rin namin, anak. Sobra."
"Maria Clara, mag-iingat ka palagi. Huwag na huwag mong kalilimutan ang mga bilin namin. Kapag may nangyari tawagan mo kami agad."
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit may pakiramdam akong kakaiba sa kanilang dalawa. Iba yung way ng pagsasalita nila. Parang . . . huling beses namin 'tong pagkikita.
Bago pa man ako makaalma ay namatay na ang tawag. Nakita ko ang malungkot kong reflection sa screen. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
*******
"ANONG nangyari sa 'yo, teh? Bakit nakasimangot ka?" tanong ni Wina pagdating ng breaktime namin.
Grabe naman kasi ang parents kung magsalita. Ayoko pa naman ng gano'n. para tuloy akong hindi mapakali hanggang hindi ko nasisiguradong maayos sila.
Eto yung mahirap kapag nag-aaral ka sa siyudad, malayo ka sa pamilya mo. Kapag may ganyang pangyayari hindi mo agad sila mapupuntahan para kumustahin kasi nga malayo ka. Sayang yung pamasahe kung uuwi ako at babalik din naman agad dito.
"Weh? Kanina ka pa tahimik, girl," anito.
Napa-irap ako sa isipan ko. Hindi ako titigilan nito hanggang di ako nagsasabi.
"Wala. Fam prob lang," tipid kong sagot bago uminom sa C2. Umupo ako sa upuang bato. Kumunot ang noo ng mapansing may pinagkakaguluhan ang mga ka-schoolmates namin. Tinuro ko 'yon kay Wina. "Anong meron do'n?"
Tumabi siya sa 'kin. "Bagong nagtitinda. Patries. Mukhang masarap yung hitsura. Gusto mong bumili tayo?"
"Ayaw ko. Pero kung gusto mo sasamahan kita," ani ko.
"Mamaya na. Busog pa ako," sagot nito.
Napatango ako pero ang tingin ko ay nasa kumpol ng estudyante. For the first time ngayon ko lang nakitang magkumpulan ang mga 'to sa iisang tindahan lang. Ano sabik sa tinapay? Umiling ako. Bumalik na kami sa classroom pagkatapos no'n. Absent si Mary Ann dahil may sakit kaya naman kaming dalawa lang ni Wina.
"Ay nga pala. Natapos mo ba kahapon yung ginagawa mo?"
Natigil ako sa pagsusulat ng marinig si Wina. Tiningnan ko siya, nagtataka ako.
"Huh? Anong ginawa?" nagtatakang tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay bago matikulosong tumingin sa 'kin. "Ano ka ba. Yung ginagawa mo kahapon sa library! Hindi ba pina-una mo na akong umuwi kasi gabi na. Anong oras ka ba naka-uwi?"
Nagpatuloy sa pagsusulat si Wina. Umawang ang labi ko. Ibig bang sabihin no'n ay totoo ang nangyari na insidente ng white lady?! Tumingin muna ako sa harapan para i-check kung nakatingin sa 'min ang Prof bago ako lumapit kay Wina.
"True ba? Nasa library tayo kahapon?" mahina at kinakabahan kong tanong. Totoo ba 'yong nangyari kahapon?
Naguguluhang tumingin sa 'kin si Wina, "oo, girl. Magkasama tayo kahapon. Ano ba? Hindi ka nakatulog kaya ka lutang?" Tumawa ito ng mahina.
Dahan-dahan akong napabalik sa upuan ko. Humarap ako sa harapan. Ramdam ko ang tingin sa 'kin ni Wina.
"Bakit, may nangyari ba?"
Sumasakit ang ulo ko. Nakaka-inis! Nagdadalawang isip tuloy ako kung bangungot ba siya o tunay na. Pero baka dala lang ng pagod. Huminga ako ng malalim. Mas may kaylangan akong intindihin kesa dito.
Tinatakot mo lang ang sarili mo, Maria Clara!
"Wala. Binangungot kasi ako kagabi," tipid kong sagot. Tch. Tinapos namin ang pagsusulat ng lecture bago nagpaliwanag ang Prof namin. Three hours din ang lecture kaya pagod talaga kami pagkatapos ng klase.
Saktong lunch naman kaya nagpunta kami sa may canteen para kumain. Fries at burger ang lunch ko.
"Okay na ba sa 'yo 'yan? Baka naman magutom ka mamaya. Three hours din ang klase natin," ani Wina.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman okay na ako dito." Di naman ako mahilig sa heavy meals. Kumakain lang ako no'n kapag kaylangan talaga. Kumuha ako ng fries at sinubo 'yon. "Ikaw ba okay na diya," natatawang turo ko sa pagkain niya.
Bumili kasi si Wina ng pastries na tinda noong matanda. Nakakapagtaka ngang bumili siya no'n dahil hindi naman siya mahilig sa tinapay. Mostly kapag lunch, kanin ang kinakain nito. Napakagat ako sa labi ko.
Gusto ko ng umuwi. Pagod na talaga ako. Want ko ng mahiga sa kama ko at manuod ng tiktok maghapon pagkatapos ng school works ko. Ang tagal kasi ng bakasyon tapos malayo ang long weekend.
Nang mag-ala-una ay tumayo na kami ni Wina para pumunta sa susunod naming klase. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay napatingin ako sa gawi ng nagtitinda ng pastries. Muntikan ko pang maibagsak ang water bottle ko ng makita ang paninda nito.
Gulantang akong tumingin sa matandang nagtitinda na nakatingin din sa 'kin. The old lady looks sweet and caring but . . . yung paninda niya!
Paano kasi'y ang mga nasa plastic ay hindi na tinapay kundi lamang loob yata! May insekto rin kagaya ng uod at ipis pati ibang hayop! Para bang dumaan pa sa ilong ko ang nakakasulasok na amoy. Napaduwal ako. Nagtakip ako ng bibig.
"Oh, anyare sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Wina.
Mabilis akong lumingon sa kanya. Kumain nga pala siya no'ng tinitinda ng matanda! Tinuro ko ang pastries.
"Y-yung tinda ni m-manang . . ."
Sinundan ni Wina ng tingin ang kamay ko. "Ano meron?"
Anong anong meron?! Hindi ba niya nakikita yung insekto at mga salaulang bagay do'n?! Dapat magreklamo sa Dean! Bakit nila hinahayaang makapagtinda ng ganoong bagay ang matandang 'yon sa school! Gusto ba nilang magkasakit kaming mga estudytante?!
"Y-yung tinda nong matanda!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.
"Oo, anon gang meron?!"
"Puro insekto at nakakadikiring bagay!" mariin kong sabi saka marahas na lumingon sa gawing 'yon para lang matigilan. Nalaglag ang panga ko ng bumalik sa pagiging masarap na pastries ang tinda nito. Tiningnan ko ang matanda na ngayon seryoso nang nakatingin sa 'kin.
"Maria naman. Yang mata mo sobrang labo na yata. Pa-check up mo na. Anong nakakadiri, eh ang sarap-sarap nga ng tinda ni nanay. Fresh from baking pa 'yan dinadala ng anak niya. Namamalikmata ka lang," kumbinsiya niya sa 'kin.
Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa stall ni Manang. Nakangiti na siya sa 'min ngayon.
"Hi, Nay!" bati ni Wina.
"Kumusta. Ano bibili ba kayo?" nakangiting tanong noong matanda.
Humawak ako pabalik kay Wina dahil bigla akong natakot sa matanda. Nakangiti siya sa 'min pero yung mata niya . . . para bang galit na galit. Umakyat ang kilabot sa batok ko. Yumuko ako.
"Hindi po. Tatanong ko lang kung magtitinda kayo bukas? May klase na kasi kami, bawal kumain."
Pilit kong hinahatak si Wina para makaalis na kami dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa matandang ito pero ayaw magtinag nitong isa. Panay ang pakikipag-chikahan.
"Oo, fresh ulit ang dadalhin ko dito."
Nang sabihin nito ang salitang fresh nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Nang tumingin ako sa pinaglalagyan niya ng tinda ay napapikit na ako. Mga lamang loob kasi ng tao ang nakikita ko. Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa.
Gamit ang isang kamay. Mariin kong kinuskos ang mata ko. After ng ilang seconds ay dumilat na ako. Nang muli kong tingnan ang mga tinapay ay maayos na ulit sila at mukhang edible. Pero never niyo kong mapapabili dito!
"Sige, nay. Bukas po ulit," ani Wina at hinila na ako paalis. Nagsalubong ang tingin namin pagkatapos. "Oh, narinig mo, freshly baked yung tinapay ni Nanay. Malinis nilang ginagawa. Naka-gloves pa nga siya kapag nag-aabot ng pagkain, eh."
Hindi ko na nagawa pang sumagot kay Wina dahil lihim akong lumingon. Wala na ang sweet old lady kanina dahil seryoso at nakakatakot na ito ngayong nakatingin sa 'min. Inalisan ko na siya ng tingin.
Creepy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top