Maria Josephina Clara A. Mercado






Nakakainip, di man lang napuno 'tong sako ko ng bote. Anong gagawin ko nito? Wala kong kakainin kapag di ako nakapagbenta ng kalakal bukas. Masama 'to, magugutom ako!




Napansin kong may papalapit sa'kin.





Ang tangkad.





Parang Ahm sa puti,





Naka amerikana,




Mukhang porener— hindi 'yong sa bastos na ano ah! 'Yong ano sinasabi ko— banyaga ganoon— foreigner.



Nang makalapit siya sa'kin, bigla itong yumuko sa harap ko. Hala! Na ano 'to?



Nag-angat rin naman siya ng ulo at tumingin sa'kin. At may napansin ako sa mga mata niya.



"Good afternoonyoung lady, I'm Buddy. Please follow me," sabi niya.



Hala!




"Ahhehe! Hindi ako si young lady," sabi ko, at nilampasan siya.



Abnoy yata 'yon ah! Wala na nga 'kong mahanap na bote, may abnoy pang makakasalubong. Malas mo talaga Joey!



Naramdaman kong may sumusunod sa'kin kaya hinarap ko ito.



Tapos 'yong porener na naman! Anak ng ipis na walang ligo! Inaano ba 'to?



"Young lady, I'm Buddy please! Follow me."



Nye! Inay ko pong maganda! Anyare ba sa lalaking 'to?



"Sinabi ko na, na hindi ako si young lady, paulit-ulit ka naman"



Napansin kong parang walang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Tae! Ano kaya sininghot nito?



"Woi, ikaw! Kapag sumunod ka pa sa'kin, mawawalan ka nang kaligayahan"




At lumakad na 'ko, pero nararamdaman kong nakasunod pa rin siya. Nag-aadik yata 'to eh!




"Woi! Lalaki! Ano bang sininghot mo at sunod ka nang sunod?"



"Young lady, I'm Buddyplease! Follow me!"




"Nag-aadik ka ba? Ba't paulit-ulit ka? Hindi nga ako si young lady"




Teka, ba't para siya'ng robot? Paulit-ulit? Natulala ako sa iniisip ko. Di kaya robot 'tong kaharap ko? O baka nasobrahan 'to? Masama 'to.



Bahagya ko siyang nilapitan, at wala siyang kahit na anong reaksyon.





"Inay ko po!"




"Young lady"




"HUWAAAAA!!! MAMAW! MAMAW! ADIK! ADIK! ADIIIIIK!!!" Hiyaw ko at kumaripas nang takbo. Nabitiwan ko pa ang sako ng kalakal sa takot at mabilis ko itong binalikan. Tang*na, maiwan na lahat 'wag lang kalakal kooo.




Putyaaa! Nakasunod pa rin siyaaa!




"HUWAAAAA!!! Adik! SINGHOT PAAAAA!!!"







------






-So, ayon! Isang kalokohan na istorya na naman galing sa tuktok ko. Pagtiisan niyo na, pleys lang!😆 Ingat sila, labyu.




-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top