Kabanata XI: Ang Nakabitin Sa Puno












Kabanata XI: Ang Nakabitin Sa Puno





--





Third Person's PoV




Isang nakagigimbal na umaga ng lunes sa Casper High, ang mga mag-aaral ay nagkukumpulan at nakatingala sa isang napakalaking puno kung saan nakasabit ang animo'y manika na patay na estudyanteng babae.




Kilala ng lahat kung sino ang babaeng ito, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtangka  na ito ay lapitan. Ito ay isang banta ng isang pangkat sa lahat ng mag-aaral.





"Sino ang may gawa nito?"




"SSG siya, hindi ba?"




"Hindi na tayo safe sa paaralang 'to"




"Nakakagulat, bakit pati isang SSG nagawa nilang patayin?"




Ilan lamang ito sa mga bulung-bulungan ng mga mag-aaral. Nakagigimbal ito para sa mga ordinaryong estudyante, ngunit para sa mga kilalang mag-aaral rito ito ay isang nakatutuwang senaryo.




"Sigurado ngayon, takot na takot si Grace! Banta 'yan, para sa tulad niyang alipin ko lang!," Wika ni Rakasya.




"Sigurado nga 'yan, akalain mong kasa-kasama siya ng isang basurera lang," wika ng kasama nito na si Angelica.




"Balita ko, 'yong basurerang 'yon hinahanap nila Veron," wika ni Barbs, na kasama rin nila.



"Kawawang Grace, mukhang maagang mawawalan ng bagong amo!," saad ni Rakasya.



Sa dako naman ng mga Elite students, ay tanaw ni Grey ang kaganapan sa isang building.




" 'Yong suot ng babae, uniform ng isang SSG," saad niya.



"Siguro naman, matatakot na ang babaeng 'yon," ani Veron, at ang tinutukoy ay si Josephina.



"Hahanapin ba natin siya?" Tanong ng isang babae na kasama nila na si Goldilocks.



"Oo naman, pinahanga ako ng babaeng 'yon isa pa! Gusto ko ang butler niya ire-request ko sa SSG na mapunta sa'kin ang Buddy niya," wika ni Veron.




Tumikhim naman ang mga kasama nitong mga lalaki, anim na lalaki ang nasa pangkat ni Veron kasama na rito si Grey at apat na babae.



Ang nakagigimbal na kaganapang ito ay kumalat sa buong paaralan, habang nagkukumpulan ang mga mag-aaral ay eksaktong napadaan rito ni Josephina kasama ang kanyang butler.



"Anong meron dito? Ba't ang daming tao?" Tanong niya sa hangin. Atsaka tumingala siya at nakita ang isang bangkay na nakasabit sa puno.



Natulala si Josephina sa kanyang nakikita ngayon. At napagtanto na...



Siya 'yon! 'Yong babae nang gabi na 'yon na hinahabol ng isang tao na may suot na maskara na clown. Hindi ako makapaniwala! Totoo ba 'tong nakikita ko?



Isa-isa nang nag-alisan ang mga estudyante, ngunit si Josephina ay nakatingin pa rin sa babae hanggang sa dumating ang mga guwardiya ng paaralan at inalis ang bangkay sa punong iyon.



Narinig ni Josephina na may umiiyak, iyak ng isang estudyanteng nagdadalamhati.




"Hannaaa!!! Hannaaa!!! Anong ginawa nila sa'yo!?" Panaghoy ng babae, nang maibaba ng mga guwardiya ang patay na babae.



Halos hindi matingnan ni Josephina ang babae kung kaya't siya'y aalis na, ngunit tatalikod pa lamang ito nang may humila sa kanyang suot na pantalon.




"Tulungan mo 'ko! Tulungan mo 'ko—"




"Ano!?" Bulalas na tanong ni Josephina.




"Tulungan mo 'kong ilibing siya!!!" Sabi ng babae na bahagyang tumaas ang boses.





"HA!!?" Bulalas muli ni Josephina sa pagkabigla.





-



Dala ng dalawang guwardiya ang bangkay ng babae atsaka ito ibinaba sa lupa, nang makapili ang umiiyak na babae kung saan ito ililibing. Atsaka umanyo na ang mga guwardiya.



"Dito, d-dito natin siya ililibing," sabi ng babae.



"Hindi ka pa ba titigil sa kaiiyak? Ako na naaawa sa mata mo eh!," sabi ni Josephina sa babae.




"Kaibigan ko siya..."




"Oo, sige! Kaibigan mo na, kung kaibigan! Pero, ilibing mo muna siya kung maaari lang," saad pa ni Josephina.



"Oo nga, pero hindi ko siya kayang buhatin mag-isa!"



Napailing na lang si Josephina, dahil hindi natigil sa kaiiyak ang babae.



"Laki ng problema mo," aniya.



"Sandig, diyan ka lang ah, ako na bahala rito," sabi niya sa kanyang butler.



Kinuha nito ang pala na kanyang nakita sa gilid ng naipon na lupa sa tabi ng hukay. Hinukay pa niya ito ng bahagya nang sa gayon, ay magkaroon ito ng tamang lalim para sa ililibing na bangkay.



Nang matapos siya maghukay ay nakita niya ang babae na nag-uukit ng pangalan sa isang krus na kahoy. At patuloy pa rin ito sa pagluha.




"Tapos ka na siguro diyan, pati sa pag-iyak mo!," aniya sa babae. Pagkasabi niyon ay bumuhos ang ulan.




Umiyak lalo ang babae.



"Ilibing na natin 'yan," sabi ni Josephina, nang mapansin na pumapatak ang ulan.



Unang beses niya makakita ng bangkay sa malapitan, maputla ito at malamig na ang katawan nang hawakan niya ito at tulungan ang babae sa pagbaba ng bangkay sa hukay ay may napansin siya sa katawan nito.



Walang kahit na anong galos ito, liban lang sa maliliit na pasa sa braso at gatuldok na sugat.




Walang kahit na anong bakas ng paghihirap sa mukha niya, aniya sa kanyang isip.



Tinatabunan nila ang bangkay ng babae habang umiiyak ang babaeng kasama nito.



"Hannaaa! Bakit mo 'ko iniwan sa madilim na mundong 'to!? Bakit di mo na lang ako isinama ha!?" Palahaw ng babae.




"Gusto mo pala sumama eh! Humiga ka na lang sa tabi ng kaibigan mo, at ililibing ko kayo magkatabi!," aniya sa babae.




"Huh!? 'Wag naman, hindi ba pwedeng nagluluksa lang ako? Ikaw kaya mamatayan ng matalik na kaibigan!?" Atsaka umiyak ulit ito.



"Naiintindihan kita, pero umuulan! Nagpatulong ka hindi ba!? Pero hindi kasama sa usapan na magpakabasa ako sa ulan!" Aniya sa babae.



Itinayo ng babae ang krus sa ibabang ng puntod nito. At nakasulat dito ang ngalan na...




Hanna N. Halikmata





Matapos nilang mailibing ang bangkay ay tuloy pa rin sa pagtangis ang babae. Naririndi man si Josephina ay hinayaan niya itong magpaalam sa huling hantungan ng kaibigan nito ang babae.




"Hanna, hindi ko alam kung bakit 'to nangyari sa'yo pero ipinapangako ko igaganti kita, igaganti kita pangako 'yan, g-gabayan mo na lang ako sa impyernong eskwelahan na 'to," aniya sa puntod, at sandali ito tumigil dahil sa pagkahapo sa pagluha.




"Hindi ko alam, kung bakit nila nagawa 'to sa'yo, pero Hanna hindi ko alam kung paano magsisimula sa eskwelahang 'to nang wala ka, pero kakayanin ko, p-para maiganti kita," aniya sa mga huling salita.




"Nawa'y kasiyahan ka ni Laon," wika ni Josephina sa babae.




Matapos niyon, ay lumakad na sila upang lisanin ang malawak na libingan.




"Anong pangalan mo?" Tanong ng babae habang sila'y naglalakad.



"Tawagin mo na lang ako sa kahit na anong gusto mo," tugon ni Josephina. Basang-basa ito dahil sa ulan ganoon din ang babae na kanyang kasama.





"Hanna!" Bulalas ng babae na may ngiti sa labi.




"Hindi mo 'ko pwede i-pangalan sa patay!" Mapait na tugon ni Josephina.



Napanguso na lamang ang babae dahil sa itinugon nito.



"Hmm! Sige, ako ang pangalan ko Eriz," pagpapakilala niya.




"Ayos 'yang pangalan mo, oh! Pa'no ba 'yan!? Mauna na 'ko ah," paalam niya kay Eriz.



"Hmm, sige, salamat sa pagtulong," aniya.



At lumakad na palayo si Josephina ngunit may pahabol pa si Eriz.



"Sandali, may itatawag na ko sa'yo!"




"Ano naman yon!?" Sigaw pabalik ni Josephina.




"Magayon!"





-




Sa canteen.




Tulala ang nakaupo na dalagang si Josephina, iniisip ang naganap sa maghapon.




Bangkay ng babae, ngayon lang ako nakahawak ng bangkay at nakita 'to ng malapitan! —Hindi ko lubos maisip kung ano ba mayroon sa eskwelahan na 'to.




Aniya sa kanyang isipan.





Sa kanyang pagkatulala, ay may gumising rito.




"May nakapagsabi sa'min na may tumulong kay Eriz na ilibing ang kaibigan niya," wika nito atsaka umupo sa kaharap na upuan ni Josephina.




Hindi niya ito inimik.




"Kung ako sa'yo, hindi ako makikialam sa mga bagay bagay rito sa eskwelahan," aniya pa, sa dalaga.





Ibinaling ni Josephina ang paningin sa binatang kaharap niya.




"Wala kang pakialam kung tinulungan ko siya," malamig na tugon ng dalaga.



"Magiging mainit ang paningin sa'yo lalo ni Veron, kapag nalaman niya na ikaw ang tumulong kay Eriz," wika muli nito.




"Anong pangalan mo?" Tanong ni Josephina.



"Grey," maikling tugon nito.




"Makinig ka, Grey. Wala akong pakialam sa amo mo, maynd yor Ohn bisnes!" Atsaka umanyo na, kasama ang butler nito.






"Lazarus..." bulong ni Grey.

















Josephina's PoV




Ang empaktong 'yon, akala naman niya matatakot ako sa kanila! Hmm! 'Yon ang akala nila! Isa kong tao! At sila? Mga lamanlupa lang sila!




Makapunta na nga ng dorm, at nang makaligo na. Amoy bangkay na 'ko eh!






-------



Itutuloy...










-UD na sobrang tagal🤧 sorry na talaga.

-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top