Kabanata X: Elite istyudens daw













Kabanata X: Elite istyudens daw





---





"Miss, anong pangalan mo?" Tanong niya habang hawak ang braso ko.




Nako po! Isang anghel na naman na may sungay!




"At bakit ko naman ibibigay ang pangalan ko sa'yo?" Umarko ang kaliwang kilay ko. Kulay gray ang buhok niya, at meron siyang magagandang mata. Hindi ako magpapatinag sa magandang nilalang na 'to! Oo! Tama! Hindi talaga!



"Hindi mo siya kilala, elite students kami. Pwede ka namin ipatawag kung gugustuhin namin at pwede kang maparusahan," aniya.




Elet istyudens? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?



"Wala akong pakialam, pakisabi diyan sa kasama mong babaeng kapre mag sipilyo siya," sabi ko, at lalampasan na sana siya...




Nang hawakan muli nito ang braso ko, problema ba ng ungas na 'to!?




"Hindi ka ba natatakot? Sa kung anong pwedeng mangyari sa gaya mo na balewalain lang ang isang Elite student?" tanong pa ni boy abo!




Ba't ako matatakot? Aswang ba siya? Manananggal? Anak ng tikbalang? Oh! May gad!— Baka nga may sa engkanto sila! Jusko! Anak ng kutong lupa! Mukhang tama nga si Nanay Melda, na lapitin ang mga magaganda sa lamanglupa!.




Ibigsabihin! Maganda 'ko! Hehehehe. Nagmana yata 'to kay Nay Melda. Tama! Tama!




Bigla naman umiksena ang malaking babae.




"Hindi mo ba 'ko kilala? Anak ako ng isang Walter Dimeniez, isang governor, eh! Ikaw?" Tanong sa'kin ng malaking babae.




Akalain mong! Mala porener ang pangalan ng tatay niyang engkanto!?




Syempre! Papahuli ba ako!? Pagdating sa payabangan!? Isa kong tao, at ang gaya kong tao hindi padadaig sa isang engkanto lang!? Oo! Tama!




"Anak ako ng nanay ko! Sige, Paalam!" Nakangiti kong sagot.




Oh! Ha? Panis! Di nila kilala nanay ko.




"Sandali! Hindi ka pa pinaaalis!" Biglang higpit ng lalaki sa pagkakahawak sa braso ko.




Tiningnan ko ang kamay niya, na nakahawak sa braso ko at sa mukha niya na salubong ang kilay. Sinusubukan ba 'ko ng Anghel na impakto na 'to!? Ang gwapo niyang impakto! Nanay Melda, hindi naman masama siguro kung purihin ang gaya nila.




"Bitiw!" sabi kong nakatitig ng mataman sa kanya. Naman eh!




Dumako ang mga pares ng mga mata sa gawi namin. At nariyang narinig ko pa ang bulung-bulungan nila.





"My goodness! Ba't di na lang kasi siya yumuko, o sumagot ng tama!"




"Baka mamatay siya..."




"Hindi naman siguro, dahil sabado ngayon."




"Kawawa naman, mukhang ito na ang huling araw niya sa school."







Sabado?




Tama! Sabado ngayon! Araw, talaga nila ngayon. Nagambala ko ba sila!?




"Bitiw! Tabi tabi po!" Sabi kong nakangiwi. Kasi naman hindi ko naman alam na may nagambala pala 'ko na mga engkanto sa ganito kataas na araw ng katanghalian.




"Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'to!" Sabi ng babae.



Huminga 'kong malalim para pigilan ang sarili ko. Masasapak ko 'to! Kahit engkanto 'to! Kapag, di pa nila 'ko tinigilan.



Nakita kong nakakumpas ang kamay ng babae para sampalin o saktan ako sa kung ano pa man na paraan, pero biglang!





Isang matikas na braso ang pumigil rito!




Nakita kong baliin niya ang braso nito, aray! Ang sakit no'n! Dinig ko ang pagdaing niya.





"Buddy!" Bulalas ko sa pagkabigla.





"VERON!!!" tawag ni boy abo engkanto, sa kasama niya na malaking babae na binalian ni Sandig.




Pulboron!? Pulboron? Ang pangalan niya!? Kakaiba.




"Don't touch my queen," aniya. Matapos niya sabihin 'yon, ay binalingan niya si boy abo at mabilis niya itong inundayan ng mabibigat na suntok.




Ang cool! Ganito pala ang trabaho ng isang tulad niya. Nakaka eksayt naman!




"SandigBuddy! Tama na 'yan!" Pag-awat ko.




Mabilis naman siyang tumigil na parang walang nangyari, nang sabihin ko 'yon.




"Tayo na! Buddy!"




Sumunod naman 'to sa'kin, at lumakad pagkuwan mabilis kaming tumakbo. Tumakbo rin si Buddy na parang sinasabayan ako nito.




Lumingon pa 'ko saglit sa mga engkantong di ko sadya na nagambala ko, at nakita kong nagkumpulan ang mga estudyante sa dako nila.




Kawawa sila, grabe! Grabe si sandig! Napaka astig!





"Ang galing mo, Buddy! 'Yan ang bata ko!"




Hiyaw ko sa sobrang tuwa!




"Pero, Sandig, pa'no na 'yan? Kung balikan tayo ng mga engkantong 'yon? Si Tikbalang girl at si Boy abong engkantong guwardiya?"





"Young Lady, I'm Buddy," aniya.





"Hehehehe! Di bali! Magdadala na lang ako ng holy water!" Atsaka inakbayan ko si Sandig. "Amoy pawis ka na, Sandig! Hehe!"




--





"Ginawa ni Buddy 'yon!?" Tanong ni Grasya na di makapaniwala.




"Sigurado, nakarating na 'to ngayon sa SSG," wika ni JC.




Ano naman 'yong SSG? SAGAD SA GANDA?




"Malamang nga 'yan," wika ni Quila.




"Yey! Galing galing naman ni Buddy mo, ateee!" Sabi ni Arbie. Sabay yakap nito sa'kin, atsaka ito pumunta kay Sandig.




"Baka hanapin nila kayo," wika ni Page.




"Ha? Hanapin? Sinong hahanapin?" Tanong ko.




Nakita kong pinaglalaruan ni Arbie ang buhok ni Sandig, at parang wala lang ito sa kanya. Iyon tipo na, walang malay kung ano man gawin sa kanya.





"Kayo, ikaw, kayo ni Buddy," tugon ni JC.




"Sino naman ang hahanap sa'min?"




"Si Veron, ang grupo ni Veron. Makapangyarihan din siya, pumapatay sila ng estudyante kung sinuman sumagi sa kanila o madikitan man lang sila ng mga gaya natin na ordinaryong mag-aaral," saad ni JC. "Nag-aalala 'ko para sa'yo, Joey. Hindi kanila titigilan hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila," dagdag niya pa.





Pumapatay sila!? Kinilabutan ako, pero para saan pa para kilabutan ako? Eh, inunahan nila ko. Eh, mag-unahan kami magtungo sa sulad! (Purgatoryo) iyon lang naman iyon.




Atsaka kasama ko si Buddy. Lampasan muna na nila si Buddy, tsaka kami pwedeng magpalitan ng mukha. Tama! Tama!




"Duwag ang Veron na 'yon, umaasa lang siya kay boy abo! Mabaho pa hininga," sabi ko.




"Tsaka nga pala, Joey, Si Veron, nagkakagusto rin siya sa kapwa niya babae," saad ni JC.





"ANO!!?" Sabay-sabay naming bulalas.




"Hindi niyo siya kilala, pero ako kasi tuwing biyernes ng gabi umaakyat ako sa rooftop kung saan may party, ilang beses ko na siyang nakita na may kahalikang babae," paliwanag pa ni JC.





"Nakita mo?" Tanong ni Page.




"A-ano, alam mo naman kapag lumalabas ako di ba?"



"JC, wala kang sinasabi sa'kin na nagpupunta ka ng rooftop! Hindi mo ba alam na delikado na pumuslit sa party nila!? Lalo na kung hindi ka elite student!" Saad ni Page.




"A-ano kasi, Page"




"Kasi hindi ako cool, kaya nga siguro hindi mo sa'kin sinasabi ang ganyang bagay dahil hindi ako pwede sa laro mo," wika ni Page, atsaka bumagsak ang mga balikat nito.




May suliranin ba silang dalawa?




"Huwag ka na magtampo, Page, baka may reason lang talaga si JC kaya hindi niya sinabi sa'yo," alo ni Quila.




"Tama. 'Wag ka na magalit, Page. Si Joey, nga pag bigla bigla na lang lumalayas 'yan, hindi ako nagagalit. Alam ko naman kasi na wala siyang gagawin na masama, bukod sa pangangalakal," si Grasya.




Di ko alam kung matutuwa ako, o maiinis sa sinabi niya. Ang babaeng 'to nga naman.




"Hindi pa ba masama? Na nakabangga sila ng elite student?" Sarkastikong ani JC.





"Wala akong pakialam, kung may nakabangga sila na kung sino pa man, ang mahalaga nakikita kong okay si Joey at buhay, 'yon lang ang mahalaga sa'kin!" Wika ni Grasya, sabay akbay nito sa'kin na pagkahigpit-higpit.




Nakita ko pang simangutan nito si Sandig.




"Nag-aalala talaga 'ko para sa'yo, Joey, hindi kasi maganda na may nakabangga ka na gaya nila sa eskwelahang 'to, sabi ni Quila.




"Huwag ka mag-alala sa'kin, Quila, kaya ko ang sarili ko," sabi ko.




"Tama! Andiyan kaya si Buddy niya! Hihi! Cute cute mo na, Buddy!" Sabi ni Arbie, habang hawak ang manika niya. At nakita ko na lang, na may mga nakatali na goma si buhok ni Sandig.





Kawawang Sandig.





--






Kahihiga ko pa lang sa higaan nang bigla akong halikan ni Quila sa pisngi.




"Ba't mo 'ko hinalikan sa pisngi? Tomboy ka?" Tanong ko.




"Haha! Goodnight kiss 'yon, friendship kiss, sister's kiss!" Aniya.




"Aaah! Hehe! Akala ko tomboy ka, matulog na tayo, Grasya," sabi ko. At pumikit na, pero naramdaman kong umangkla ang binti nito sa'kin at niyakap ako.







Makatulog na nga lang.






--









Third Person's PoV




Sa kabilugang buwan, ay may mga anino sa masukal na kagubatan ng paaralang Casper High. Ang mga aninong ito ay kinikilala bilang mga mapanganib na assassin.




"Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo ngayon, Grey," aniya.





"Hindi ko akalain, na brain dead siya. Binali niya ang braso ni Veron ng dalawang segundo lang," saad niya.




"Hindi pa rin siya nagbago, pagdating talaga sa mano mano wala talagang papantay sa bigat ng kamao niya," wika ng isang anino.




"Sinabi mo pa, Fix, t*ng*na! Iniinda ko pa nga mga suntok niya sa mukha ko," ani Grey.





"Teka, kung may microchip siya at kontrolado ng mga scientist, sigurado naman na butler siya ng isang kilalang estudyante rito," wika ng pangatlong anino.




"Oo, pero magugulat kayo sa sasabihin koisang transferee student ang may hawak sa kanya at isang babae pa," saad ni Grey.




"Ano!? Isang babae!? Teka, imposible 'yon, lalo na kung di naman kilala ang estudyanteng 'yon. Tsaka magbabayad siya ng malaki kung totoong opposite sex ang boss at butler," sagot ng pangatlong anino.





"Tama, si Six! Sino ang babaeng sinasabi mo, Grey!?" Sang-ayon at sagot pa ni Fix.




"Isang babae na may bitbit na sako, hindi ko alam kung ano ang screen name niya, at nakakatawa siya," saad ni Grey, at napangisi ng matamis.




"Ngisi mo, Grey! Ano tinamaan ka sa babae?" Ani Six.




"Hindi naman, kaso kasi ang lakas ng sex appeal niya kahit medyo madusing, at amoy pawis siya," saad nito.




"T*ng*nang 'to, nagkakagusto pa yata sa transferee, alalahanin mo! Hawak niya ang lider natin," ani Six.





Habang nakikinig si Fix sa dalawa, ay kinutuban na siya agad kung sino ang tinutukoy na transferee ni Grey.






Ang babaeng 'yon. Sana nagkakamali lang ako.





-------



Itutuloy...










-Inaantok na 'ko guys. 'Yan lang muna. Mahal kayo ng mama niyo🤧♥️
-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top