Kabanata VI: Curfew
Kabanata VI: Curfew
---
Mag-aalas-tres nang hapon, nang matapos ako magpulot ng mga papel at plastic na bote. Wala naman titser namin kaya lumabas ako at nangalakal na lang, matutulungan pa nito ang sikmura ko na lamanan. Kaysa tumunganga sa loob ng klase.
Naiirita pa naman ako sa mga kaklase ko na puro kolorete ang mukha, at puro nakakasukang pabango ang naaamoy ko. Oo, alam ko! Hindi ako mabangong tao! Pero kuntento na 'ko sa sabon na seypgard 'yong tig sampung-piso. Hindi ko kailangan ng sandamakmak na pabango, dahil sa halagang sampung-piso! Amoy kalamansi ka na! Safe ka pa sa germs! At plus! Alis baktol! Oh! Ha? Saan ka pa!?
Pumunta 'ko sa canteen na pagkaganda-ganda, 'yon nga lang medyo pinagtitinginan ako dahil siguro may dala 'kong sako. Naupo ako sa upuan na may mesang mahaba na kasya pitong tao, inilapag ko sa gilid ng upuan ang sako.
"Makakapagpahinga 'ko nito, wat! A layp!?" bulong ko.
Napansin kong may uupo sana sa mesa na kinaroroonan ko ngayon, pero bigla itong hindi na tumuloy at pumuwesto sa ibang mesa. Ganoon din ang mga sumunod pa, pinagtitinginan nila 'ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? O dahil bago lang ako, kaya nila 'ko pinagtitinginan? O dahil sa sako na dala ko? —alin man doon. Grabe naman sila! Tingin pa lang nila para na nila 'ko hinuhusgahan.
"Oooh! May bagong salta!" Napamulat ako, nang makita ang pigura ng isang lalaki sa harap ko.
"Mukhang masarap—" dalawa pala sila. T-teka! Anong sinasabi niya na masarap?
"Anong pangalan mo?" tanong sa'kin, nang unang lalaki na nagsalita.
Pangalan? Pangalan ko raw!? Teka! Hindi ko pwede sabihin ang pangalan ko, 'yon ang bilin sa'kin ng mga shokoy kong kapatid na napagkaitan ng dagat.
Itong dalawang nasa harap ko, mukhang naghihintay nang isasagot ko.
"At bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko?" tanong ko.
"Oooh! One strike! Amoy matapang," sabi ng pangalawang lalaki.
Ngumisi naman ang unang lalaki, at kalaunan ngumiti ng matamis.
"Ako nga pala si Fix, at ito namang kasama ko ay si Six," pakilala niya.
Malamang 'yong mga binanggit niyang pangalan ay hindi nila tunay na pangalan, tiyak! Palayaw lang 'yon iskrin neym!
Napansin ko lang, iba makatingin 'tong Six na kasama niya. Problema ba nito?
"Mukha kang inosenteng bata, miss— pero may alam ka ba sa totoong nagaganap dito sa school na pinasukan mo ngayon?" ani Fix.
Nagaganap? Oo, naman! Tuwing gabi may clown party! Kagabi nga nakakita ako ng babaeng kinakaladkad papuntang gubat nakamini skirt na black, at naka blouse rin na black. Alam ko lahat 'yon! Medyo nakakatakot, pero unti-unti rin akong masasanay, limang gabi pa lang naman akong di nakakatulog eh!.
"Kung ano man 'yang sinasabi mo, alam ko lahat 'yon," sabi ko. Kahit ang totoo hindi ko talaga alam. Syempre kung magmumukha 'kong walang alam at mangmang, baka bully'hin ako nang dalawa na 'to.
"Sige, tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo," ani Six. Makangiti akala mo, payasong nakakatakot.
"Huwag mo siyang takutin, Six. Mag-iingat ka, Miss. Hindi ligtas sa paaralang 'to," wika ni Fix.
"Wait! Hindi natin siya dadalhin?" sabi ng Six.
Dadalhin?
"Nope! Our work is done, let's go, Six!" sabi ni Fix, at tumayo na ito ganoon din 'yong Six na parang dismayado pa.
Nakakatakot silang dalawa lalo na 'yong Six. Adik yata 'yon eh! Makapunta na nga ng kwarto. Mabilis kong isinukbit ang sako sa balikat ko, baka mamaya bumalik pa ang dalawang 'yon.
Gabi na naman, at para 'kong nagugutom. Bukas pa kaya ang canteen? Naman eh! Ano ba naman na tiyan 'to eh! 7:39pm pa naman, baka bukas pa! Bibilisan ko na lang.
Mabilis akong lumabas ng pinto at isinara 'yon, dahil gutom na talaga 'ko. Kumaripas na 'ko nang takbo papuntang canteen, at nakita ko sa malaking orasan sa building ng mga second year na 7:51pm na. Anak ng kabayong nagmamadali! Di naman siguro mahigpit dito pagdating ng curfew di ba? Hehe!
Nakarating ako sa isang tindahan na pasara na, pero—
"Pabili—"
"Sorry! Pero magsasara na kami!" At mabilis nilang isinara ang tindahan nila, na para silang mga takot at balisa. Ba't naman ganoon? Marami pa silang burger at footlong ah! Ang sama nila! Ang sama niyo, ayaw niyong bentahan ang taong gutom!
Mabilis akong pumunta sa mga katabi nito, pero agad din silang sunud-sunod na nagsara. Napansin ko naman ang tindahan sa dulo, kaya ay tumakbo ako patungo roon.
"Pabili po!"
Isang matandang babae ang humarap sa'kin.
"Ano 'yon, iha? Sandali— ngayon lang kita nakita rito, bago ka lang ano?" tanong niya.
"O-opo."
"Anong bibilhin mo?"
Napansin kong puro kwek-kwek, balot, penoy, ang itinitinda niya. Mayroon di gatas, kape, at kung anu-ano pa.
"Kwek-kwek nga po, lima po sa malalaki! Tsaka po, meron po ba kayong kape na timpla na po?"
Gustong-gusto ko magkape ngayon.
"Aba'y mayroon! Anong kape ba iha, ha?"
" 'yong kulay pula po na 3 in 1, hehe!"
"Oh! Hetong kwek-kwek, masarap ang suka niyan— ititimpla ko lang sandali ang kape mo," aniya.
"Sige po, maraming salamat po!"
Mukhang mabait ang lola na ito ah. Dito na 'ko bibili sa kanya lagi, tsaka mainit pa 'tong kwek-kwek mukhang bagong luto. Lalo tuloy ako natakam.
"Oh! Ito na ang kape mo, libre kong ibibigay iyan dahil bago kang estudyante rito," sabi niya. Kinuha ko ang kape at hinipan ko sandali at dahan-dahang humigop dito.
"Hehe! Ale— babayaran ko po itong kape, baka po kasi wala po kayong benta eh—"
"Naku! 'wag na, iha! Oh siya ako'y mayamaya magsasara na rin, ingat ka ha at curfew na," paalala niya.
"Salamat po rito sa kape, ale—"
"Nana Laring na lang," aniya.
"Nana? Laring? Ang kyut po ng pangalan niyo, Nana na nga, Laring pa! Salamat po ulit dito—" at mabilis kong iniwan ang pera, na halagang isang-daan sa mesa ng tindahan niya at kumaripas nang takbo ala-alalay ang kape kong napakasarap.
"Naku! Iha! Sobra-sobra itong ibinayad mo!" rinig ko pang sabi ng matanda.
Nang makalayo na 'ko sa tindahan, eh! Binagalan ko na ang lakad ko. Syempre natapon-tapon na kape ko eh! Tumingin ako sa paligid ko. Wala na 'kong nakikita na estudyante na naglalakad, siguro dahil curfew na. Narinig kong tumunog ang malaking orasan, senyales na alas-otso na. May manghuhuli kaya kung sakali na may makakita sa'kin dito? Humigop ako sa kape. Kung may barangay tanod na nag-iikot sa'min, dito kaya? Ano kaya nag-iikot?
Habang payapa akong humihigop sa kape ko, eh! Napamulat ako nang may tatlong babae na tumatakbo— tumatakbo? Ba't sila tumatakbo? Nakita kong may humahabol sa kanila na dalawang tao, na may suot na mga nakakatakot na maskara.
Inay ko pong maganda!
Bigla akong hinila nang isa sa tatlong babae na hinahabol ng mga nakamaskara.
"Teka—"
"Tumakbo ka na lang, kung gusto mo pa mabuhay!" sabi ng isang babae na may kataasan sa'kin.
"Sandaliii!!! 'YONG KAPE KOOOOO!!!"
Tapon-tapon na kape ko, may matira pa kaya nito? Naman eh!
"Maaabutan nila tayo," sabi ng isang babae na parang maiiyak na.
Lumingin ako para tingnan kung malapit na nga ba. Oo nga! Napakalapit na nila! Mabilis akong hinila ng malaking babae para tumakbo ng mabilis.
Di ako sanay na tumakbo ng mabilis, sa mahabang lakaran lang ako sanay. Kahit kailan di pa 'ko sumali ng maraton! Pero noon naglalaro kami ng paunahan tumakbo. Siguro naman kaya ko pa!
Tumakbo ako nang mabilis na halos maiwan na 'yong tatlo. Ayos 'to! Di ako maaabutan ng mga panget na mga nakamaskara, pero— napakurap ako nang makita na mayroong nakamaskara na tila nag-aabang sa harapan.
Ah basta! Lalampasan ko na lang siya. Pero nang saktong nasa harap na 'ko nito. Ay mabilis nitong hinawakan ang damit ko at para lang akong manika na ipinahinto niya sa pagtakbo.
"Nakuha mo na pala siya, nakuha na rin namin 'tong tatlong babae," rinig ko sa isang boses na nakamaskara pagkalapit ng mga ito.
Nakita kong hawak na nila 'yong tatlong babae na pinatakbo ako kanina.
"Kayong dalawa, sa akin sila. Iwan niyo sila, ako na ang bahala at sa babaeng 'to!" sabi ng lalaki, na hawak-hawak ang t-shirt ko sa batok.
"Sige, tapusin mo sila," sabi ng isang nakamaskara. At iniwan na nila ang tatlong babae, nang makalayo na ang mga panget. Eh, nabigla ako sa sinabi ng kapreng may hawak sa'kin ngayon.
"Kayong tatlo, 'wag kayong matakot— pumunta na kayo sa mga dorm niyo bilis!" utos niya.
"Pero paano ang babaeng 'yan? Kasama namin siya—" sabi ng babaeng may kataasan.
"Ako na ang bahala, bumalik na kayo sa mga dorm niyo, ngayon na!" utos niya muli. Papaalis na sila nang Lumingon sa'kin ang isa nilang kasama.
"Ate! Ate! Ate!" sabi ng isang babae na may dalang manika, na tila ba wala sa sariling katinuan. Hindi ko alam kung ako ang tinutukoy niya na ate, pero mukhang magkasing-edad lang naman kami. Mabilis siyang hinila ng isang babaeng kasama nila na may salamin sa mata at tuluyang umalis na.
"At ikaw naman—"
"AAAAAHHH!!! MAMAW! MAMAW! IPAKTO! MALIGNO! KAPRE! KABAYO! TIKBALANG! TIYANAK!!—" mabilis nitong tinakpan ang bibig ko, gamit ng palad niya.
"Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa'yo," sabi niya. Tsaka inalis ang kamay nito sa bibig ko, at tinanggal ang suot niyang maskara na ikinukubli ang tila hinulmang mukha ng isang anghel.
Hallelujah!
Hallelujah!
Kumakanta ang mga anghel sa isip ko.
"Ako 'to, si Fix! 'yong kausap mo kanina sa canteen," sabi niya.
Fix?
Oo nga 'no, si Fix. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Demonyo pala 'to, hindi isang anghel.
"Ui! Ui! Ui! Teka, saan ka pupunta? Wala man lang bang thank you diyan?" tanong niya, habang naglalakad ako palayo sa kanya.
"Bakit? Obligado ba 'ko magpasalamat? Tsaka di ba? Mga kasama mo 'yong mga tiyanak na 'yon?" tanong ko. Naramdaman kong kumakalam ang sikmura ko.
Kinuha ko ang isang kwek-kwek sa plastik at diretsong kinagat 'to. Masarap pala 'to kahit walang sawsawan.
"Hindi ko sila kasama, nagpapanggap lang ako. Para mailigtas ang mga gaya niyo na nabibikta nila, gabi-gabi ko 'yon ginagawa para may mailigtas sa mga grupong nangwawalangya ng mga babae," saad niya.
"Sino ba nagsabi na gawin mo 'yon?" sabay kagat ko sa kwek-kwek ulit.
"Ginagawa 'to ng pangkat namin, para maiwasan ang maraming pagkamatay ng mga estudyante rito araw-araw," aniya.
Araw-araw? Ibigsabihin, araw-araw may namamatay rito? Pero bakit?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, at isinubo lahat ang natitirang parte ng kwek-kwek.
Bigla naman itong nag-iwas ng tingin. Kumuha ako ulit ng kwek-kwek sa plastik, atsaka kumagat dito. Grabe! Ang sarap ng kwek-kwek ng ale na 'yon. Bukas, bibili ako ulit!
"Wala ka talagang alam 'no?" aniya.
"Anong sinasabi mong wala akong alam?" tanong ko, matapos kong lunukin ang kinakain ko.
"Hahayaan na muna kita, na ikaw mismo makatuklas sa mga bagay na hindi mo alam sa eskwelahang 'to," sabi niya.
Anong ibig niyang sabihin?
"Okey!" sabi ko, at sabay isinubo ang natitirang kwek-kwek na hawak ko.
Napansin kong napalunok siya, sabay iwas. Nginitian ko naman siya. Siguro gusto niya ng kwek-kwek, sus! Kunwari pa!
"Grabe! Ang sarap nitong kwek-kwek! Gusto mo ba?" tanong ko.
"Ayoko. Tara! Ihahatid kita—"
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Woi! Alam ko 'yang mga ganyang galawan!"
"A-ano?"
"Hindi kita jowa, para ihatid mo 'ko!"
"Ano? Ano bang iniisip mo?"
"Kaya kong ihatid sarili ko mag-isa! Ayoko pa magkajowa! Bata pa 'ko! Sabi ni nanay Melda, may Milo pa 'ko sa labi!"
"A-ano?"
Sabay karipas ko nang takbo! Dahilan ko lang talaga 'yon, lahat naman nagsisimula sa ganoon di ba? Sa pahatid-hatid, tapos sunod no'n ihahatid ka na sa may altar! Hindi pa 'ko handa maging ina!
"AYOKOOO!!! Pero kung si Voltes V na robot! Sige! Handa ako MAGPAKASAAAAAL!!!"
Third Person's PoV
Inihahanda nang isang siyentipiko ang isang binata para sa isang gampanin, na kasama sa kanilang mga eksperimento. May mga ilang mag-aaral na naglalakad sa malaking laboratoryo, parito't-paroon. Aakalain mong sila'y normal, ngunit kung pagmamasdan mong mabuti ay may mali sa kanilang ikinikilos. Waring paulit-ulit lamang ang kanilang ginagawa, matapos maglingkod sa kanilang estudyanteng pinaglilingkuran ng buong araw ay babalik sila sa kanilang silid na tinutulugan. Tinutulugan na dapat ay kumportableng lugar, ngunit tila ito'y kabaligtaran— may mga higaan, ngunit hindi sapat sa bilang ng mga ito. Kaya ang karamihan sa kanila ay natutulog sa marmol na sahig na waring hindi nalilinisan.
Palibhasa'y wala sa kanilang mga sariling isip at tanging microchip, na nakatanim sa kanilang mga utak lamang ang sa kanila'y nagbibigay kontrol. Kaya't sila'y walang pakiramdam sa ganitong bagay, walang emosyon, walang ibang makakapag-bigay utos kundi ang kanilang nag-iisang paglilingkuran bukod sa mga doktor at mga siyentipikong nasa laboratoryo.
"Do you see that girl on the screen? To that girl, you will serve for her, Buddy," wika ng siyentipiko sa binata, habang ang mga mata nito ay nakatutok sa malaking screen na nasa kanilang harapan.
"You will be her personal butler, everything she orders you will follow, even if you die. You will listen to no one else, but her voice, and you will follow her wherever she goes, even to hell," dagdag pa ng lalaking siyentipiko.
Napangiti naman ang isang babaeng doktor, habang pinanonood niya kung sino ang babaeng tinutukoy ng siyentipiko sa screen. Sa isip niya'y—
"Ganyan nga, gusto ka ng pamangkin ko kaya bumalik ka na sa kanya..."
Gustong-gusto niya ang binata para sa kanyang pamangkin. Ngunit—
Ang binata na binansagan nilang Buddy, ay tila sa ibang babae nakatutok ang paningin. Isang babae, na may sukbit na sako at nanlilimahid.
-------
Itutuloy...
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top