Kabanata V: Unang Araw
Kabanata V: Unang araw
---
Josephina's PoV
"Binabalak niyo ba 'kong patayin, huh!?" Isinakal ko ang braso ko sa leeg niya.
"A-ARAY! MC— hindi namin magagawa 'yon! A-ano ka ba! N-nasasakal ako—"
Napansin ko naman na may kumakatok sa bintana, at mabilis ko itong binuksan nang hindi inaalis ang braso ko sa panget na 'to.
"Anong ginagawa niyo'ng dalawa!?" Bulyaw niya.
"Mas panget ka Jude!" Sabi ko.
"Joey!" Pagbabantay niya.
"Papatayin ko ang isang 'to! Kaya palabasin mo 'kong kumag ka!"
"Bakit ba hindi ka mapagsabihan—"
"Jude! Mamamatay ako sa babaeng 'to! Palabasin mo na siya!" Biglang singit ni James.
"Sige, buksan mo na!"
Mabilis kong binuksan ang pinto nang pindutin ni James ang door locks at bumaba agad. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at puro puno ang nakikita ko, mga gusali na may kalumaan, ang iba naman ay magaganda pero— anak naman ng pusang di naka-imik! Wala man lang akong ibang naririnig bukod sa huni ng ibong mga lumilipad-lipad!
" Kayo nga! Magsabi nga kayo sa'kin, girls school ba 'to? Grabe tahimik oh! Huni lang ng ibon naririnig ko—" biglang may nagtakip sa bibig ko, kaya di ko naituloy ang sasabihin ko pa.
"Huwag kang maingay, MC! Kararating mo lang, 'wag kang gumawa ng eksena sa unang araw nang pagdating mo," sabi ni Jude, habang takip-takip ang bibig ko. Pinilit kong mag-ingay pero masyado talagang malakas ang gorilyang 'to.
"Okay na, pwede na natin siya ihatid sa magiging kwarto niya- room 216—" sabi ni Jack.
At mabilis nila 'kong binitbit.
"Tigilan niyo 'ko! James! Jade! Humanda kayo—"
"Napaka ingay mo!" Jude.
--
Inaayos nila ang mga gamit ko, kanina nga panay paalala na huwag na huwag ko raw sasabihin ang totoong pangalan ko sa kahit kanino o kung sino pang pilantropo ang magtanong. Dahil patay raw ako pag sinabi ko, gumamit na lang daw ako ng kahit na anong palayaw na malayong-malayo sa pangalan ko. Di ko talaga makuha ang sinasabi ng mga damuho na 'to!
"MC, hanggat maaari huwag kang gagawa ng gulo o kung may makita kang kakaiba pabayaan mo na lang— basta diretso lang lagi ang tingin," paalala ni James.
"Huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo," sabi ni Jack.
"MC, para saan ba ang mga 'to? Isang malaking maleta ang bitbit mo nito eh!" Tukoy ni Jersey sa hawak niyang fart bomb. Napangiti naman ako na parang tanga sa sarili ko.
~~Pagbabalik-tanaw~~
"Manong Habing, salamat dito! Itong bayad ko." Sabay abot ko ng pera.
"Aba'y! Ang dami nitong ibinayad mo ah! Sobra-sobra 'to."
" Sa inyo na ho 'yan, sige po iuuwi na ho namin itong paborito kong mga laruan, 'bal! Tara buhatin na natin 'to!"
~~Pagtatapos ng balik-tanaw~~
Hehehehe! Siguradong magiging masaya ang pagpasok ko rito lalo na at dala ko ang mga laruan ko.
Nabigla naman kami nang may marinig na kung anong bagay na pumutok, at nabaling ang paningin namin kay Jade.
"Picolo? Ba't may picolo ka rito MC, ha? At isang maleta pa!"
"Mga laruan ko 'yan, Jade! Huwag kang nangingialam, akin na nga 'yan!"
"What the hell is this!?" Rinig kong sabi ni Jin nang buksan ang isa pang maleta. At lahat sila ay sinilip ang laman no'n sabay baling sa'kin.
"Joey!" Silang lahat yan.
"Hehehehe! Bakit ba?"
"Kwitis!" Jack.
"Whistle bomb!" Jude.
"Super Lolo?" Sabi ni Jin, matapos basahin ang pangalan ng paputok.
"Fireworks?" James.
"Goodbye Philippines?" Jersey.
"Boom panot?" Jade.
"Watusi!" Jude.
"Hehe! A-ano eh! Hehe, mga extra kong laruan 'yan mas marami mas masaya eh!"
"Ikaw talagang bata ka—"
"Hayaan niyo na siya Jack, baka magamit niya rin 'yan sa ibang pagkakataon," sabi ni Jude.
"Sa bagay." James.
"But please, my princess, be careful when you light them, okay?" Paalala ni Jin.
"Oo naman, ano 'ko bata? Bata nga sa'min 5 years old pa lang ang lupet nang magsindi ng picolo eh!"
"Pinapaalalahanan ka lang," ani James.
"Sheeesh! Sheeesh! Alam ko na 'yan!"
Tumingin si Jude sa relo niya, atsaka bumaling sa kapwa niya mapuputing kapre.
"Oras na para magpaalam," sabi niya.
"Okay! BOYS!!!" Sabi ni Jack. At napansin kong unti-unting naglapitan sila sa'kin at—
"Teka! Anong gagawin niyo! Woi! Pakawalan mo 'ko James!"
"Hindi! Hanggat di nakakahalik ang lahat!" Sabi niya habang mahigpit na yakap-yakap ako. Ang mga tarantadong 'to iba rin ang trip sa buhay.
Isa-isa nila 'kong pinaghahalikan sa pisngi, kadiri lang.
"Kumain ka lagi, marami kang pera diyan," Jack, sabay halik sa kaliwang pisngi ko.
"Sorry, MC pakiss haha!" Jade, sabay halik sa kanang pisngi ko.
"May laway pa, buset!"
"Hahahaha!" Sabay tawa nila.
"Little princess, the thing you are talking about is under your bed. And I have arranged everything you need in your cabinet, especially your napkins."
"JIN!" Pagbabanta ko, bakit kailangan niya sabihin 'yon? Tinawanan lang ako nito atsaka pinaghahalikan ang buong mukha ko, at huli sa noo ko sabay ngiti sa'kin.
"Abuso!" Bulyaw ko sa kanya, at lumabas nang pinto na tatawa-tawa.
"Mag lock ka ng pinto at bintana, bago ka matulog," sabi ni Jersey, at humalik sa magkabilang pisngi ko.
"Kumain ka lagi at mag-iingat, huwag ka makikipag-away," sabi ni James, at hinalikan ang ulo ko habang yakap-yakap pa rin ako at lumapit na 'yong pinakapanget na labanos.
"Umayos ka, Joey! Huwag kang gagawa ng gulo, huwag ka magtitiwala sa iba, at panatilihin mong lihim ang totoong pangalan mo," sabi ni Jude, at hinalikan niya ang noo ko. Palabas na sana siya nang may pahabol pa ito.
"Isang bagay pa nga pala, huwag na huwag kang magpapaligaw!" Sabi niya, at tumalikod na.
"Akala ko kung ano na!"
At binitiwan na 'ko ni James, at umalis na nga sila. Ang mga panget na 'yon! Kadiri, nanghalik pa talaga ibang klase ang trip ng mga tupa.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid, ang laki nito para sa isang tao lang. Wala naman na 'kong aayusin kaya makababa na nga lang para kumain. Ay! Oo nga pala! Binilinan ako ni Jersey na mas mabuti kung bukas na 'ko lalabas, sa mismong unang araw ko sa klase. Tama! Buti na lang talaga pinagluto ako ni James para di na 'ko lalabas ngayon para maghapunan. Ayos!
Kinabukasan
Aantok-antok pa 'ko habang naglalakad. Di ako nakatulog sa unang gabi ko rito sa eskwelahan, para 'kong nagmarathon movie ng mga palabas nina Maricel Soriano at Rene Requiestas dahil sa puyat ko. Sana nga ganoon na lang, pero hindi eh. Talagang di lang ako nakatulog dahil sa nakita ko kagabi, ikaw ba naman makakita ng isang clown na may hawak na palakol at hinahabol ang isang babae. Magsasara lang naman talaga 'ko ng bintana no'n eh, ba't ko ba kasi nakita 'yon!?
Tsaka ba't nga ba may ganoon rito? Alam ba 'yon ng eskwelahan? —Di kaya! Di kaya nakakita ko ng isang krimen kagabi? Tapos ako ang saksi? Naku! Inay kong madaldal! Naiisip ko pa lang ang paglilitis ng krimen na 'yon, eh! Parang di ko na kinakaya.
~~Imagination~~
"Ikaw! Ikaw ang saksi sa krimen nang gabing iyon! Ngayon babae, magsalita ka!" Sabi ng judge.
Tumingin ako sa judge at napadako ang paningin ko sa clown tila ba pinagbabantaan ako nito habang hawak ang palakol niya, inay ko pong may pamalo! Nakakatakot.
"Hehe! Hindi po ako saksi, wala po ako no'ng gabing 'yon naghihilik po ako no'n sa higaan—" sabay baling ko sa clown.
~~end of Imagination~~
Anak ng palakol!
Napansin kong ito na 'yong klasrum para sa unang klase ko, hehe! Ayos 'to! Filipino subject agad. Di ako mahihirapan sa unang klase ko. Nakita kong nagsipasok na ang ilang mga estudyante sa silid, na parang di man lang napansin na may guro na sa harap at diretso lang sila sa mga salung-puwit nila.
Pagpasok ko sa pinto, eh! Nginitian ko ang guro na nasa harap mukhang bata pa at may hitsura.
"Hello! Sir!" Bati ko.
"New student?" Ibababa ko na sana ang sukbit kong maliit na bag nang marinig ko iyon. English ang putya! Filipino subject 'to di ba? Pero baka naman nagtanong lang talaga siya. Sige! Patawarin mo na Josephina, baka nagtanong lang talaga at di sinadya.
"Hehe! Opo Ginoo!" Sagot ko.
"Okay. So, what do you want us to call you? It's like a nickname," sabi niya.
Aba! Inulit pa. Baka English subject 'tong pinasukan ko?
"Hehe! Sandali lang Ginoo, Filipino subject po ba 'tong pinasukan ko?"
Sa puntong 'to eh, nakatingin na sa akin ang lahat. Bakit? May mali ba sa tanong ko? Eh, ako nga yata 'tong ginogoyo ng lalaking nasa harap eh.
"Of course, this room you entered is a Filipino subject, why did you ask?"
Wow! Grabe! Bingo ka sa'kin ngayon!
"Eh! Bakit ho kayo nagsasalita ng wikang Ingles sa asignaturang Filipino?" Tanong ko, sa puntong 'to, eh! Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko. Tinataasan na 'ko ng kilay ng ibang mga babae, siguro iniisip nila na kabago-bago ko pa lang dito ay gumagawa na 'ko ng eksena.
"You!" May pagbabantang sabi nito. "You! Sitdown! Or you want to go to detention on your first day!" Duro niya sa'kin.
"Tama naman ako, Ginoo! Filipino subject 'to, kayo na rin ang nagsabi kaya bakit kayo nagsasalita ng wikang banyaga sa asignaturang 'to? Hindi mo ba alam na isang kalapastanganan 'yan? Kawalang galang iyan sa sariling wika mo—"
"YOU!!! GET OUT!"
Wow! Lakas ng loob mag-utos. Swerte pa nga siya dahil nakausap niya pa 'ko ng dalawang minuto.
"Ang ibig mong sabihin Ginoo ay labas? Eh di lumabas—" sabi ko, at sabay labas sa pinto ng silid. Halatang-halata sa mukha niya ang pagkairita sa'kin.
Kinapa ko ang gamit ko sa bag at naiisip kong gamitin ang isa sa mga 'to para asarin ang guro na 'yon! Akala mo kung sinong Pinoy na guro na kung maka ingles eh, akala mo kano'ng bangus! Porke may hitsura siya? Mag-ii-ingles na siya!
Kinapa ko pa ang layter sa bulsa ng pantalon ko, hindi! Huwag! Josephina! Unang araw mo pa lang, tandaan mo hanggat maaari lang huwag kang gagawa ng gulo. Pero itong tandaan niya, hinding-hindi ko papasukan ang subject niya hanggat Ingles ang wika niya sa mismong tinuturo niyang asignatura.
"Miss!"
"Miss! Wait!"
Paglingon ko, eh 'yong guro kong bangus! Eh may biglang pumasok sa kokote ko, hehe! Napangiti ako na parang baliw sa sarili ko at— tumakbo ako ng mabilis.
"Wait—"
Asa ka! Napansin kong hinahabol ako nito, aba gag*! Talagang humabol pa siya!?
Binilisan ko ang takbo pero may nakita akong mga naka itim at—
"BOYS! GET THAT GIRL!" Rinig kong utos niya. At hinarangan ako ng mga naka itim na lalaki. Paktay ka! Tatakbo pa sana 'ko sa kung saan pero wala akong lulusutan, ang dami nila eh! Mga walo. Kung di ka nga naman mamalasin Josephina.
--
Pinapasok nila 'ko sa isang silid, at napansin ko na may mga estudyante rin dito at puro lalaki pa! Anak ng binatang pinalo, bakit ba 'ko nagsalita sa klase sana nanahimik na lang ako eh.
Pumasok 'yong guro kong si boy ingles at mabilis na hinarap ako dahil nasa tapat pa 'ko ng pinto.
"You! Sit there!"
"Neknek mo! Maghanap ka ng kausap mo!" Sabi ko.
"Ano 'yan sir chiks mo?" Tanong ng isang lalaki. Napalingon naman ako sa dakong bandang bintana, may tatlong lalaki roon na nakasandal na animo'y sanay na sa kanilang kalagayan.
"Shut up! Patterson!"
"Ganda ah!" Dagdag pa ng Patterson. Naku! Hanggang dito ba naman maraming aringkingking.
Tinanggal niya ang suot niyang salamin, at bumaling sa'kin. Parang lumabas tuloy lalo ang pagiging gwapings niya, siguro ginagamit niya ang gandang lalaki niya sa mga estudyanteng patay na patay sa kanya.
"Alam mo, sir! Di gagana sa'kin 'yang ginagawa mo," sabi ko.
"What are you saying there, miss? Talk to me, why did you make a scene on your first day of class?"
Tsk! Tsk!
"Wala akong naririnig," sabi ko at humila ng isang armchair at naupo roon.
"MISS!" May diing sabi nito, na malamang rinig ng lahat ng mga estudyanteng naririto ngayon.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, sarap talaga asarin ng mga pikon. Hehe.
Makalipas ang tatlumpung minuto...
May isang lalaking naka itim ang pumasok sa silid at nagulat ako, nang hinila niya ang isang upuan patungo sa harap ko at naupo rito.
"Ngayon Miss, bakit hindi mo kinakausap ang teacher mo?" Tanong niya nang nakatingin ng diresto sa'kin.
"Ingliserong bangus 'yon! Sige nga! Kung ikaw ang guro sa Filipino subject ano ang dapat na wika mo?"
"Ah... Tagalog?"
"TUMPAK! Eh 'yong bangus na 'yon? Filipino subject na Filipino subject! Ayon! Nag-ii-ingles! Tingin mo? Tama ba 'yon?"
"May point ka naman, pero may katwiran kasi siya halos lahat kasi ng estudyante rito eh, english kung magsalita kaya siguro kahit Filipino subject ang tinuturo niya, eh! English na talaga ang ginagamit niya."
"Hindi tama 'yon, kung ganyan lang din naman ang bangus na 'yon! Hindi ko papasukan ang asignatura niya."
"H-huh? Seryoso ka ba?"
"Sa palagay mo boy lamay?"
Bumalik si Boy bangus! At bumaling sa'kin. Bubuka na sana ang bibig nito nang magsalita si Boy lamay.
"Sir, sa palagay ko hindi niyo siya makakausap sa wikang Ingles, magtagalog ho kayo para makausap niyo siya," saad niya.
"Oh, really? I won't bother wasting my time with her. Especially for a student like her," sabi niya.
"Narinig mo naman ang sinabi niya," sabi ng lalaking naka itim, sa'kin.
"Wala akong narinig—"
Napabuntong hininga siya atsaka nagsalita.
"Okay, ang sabi niya hindi raw siya mag-aabala na mag-aksaya ng oras sa'yo, lalo na sa tulad mong estudyante," sabi ni boy lamay.
Binalingan ko ang guro na nasa harap ko at pinakatitigan ito.
"Pakisabi sa kanya, na hinding-hindi ko papasukan ang KAHIT NA ANONG HAWAK NIYA NA ASIGNATURA lalong-lalo na ang Filipino! Kahit IKABAGSAK KO PA!"
Kitang-kita sa kanya kung gaano siya kadismayado. Hindi mo 'ko madadaan sa pa tyarming tyarming mo! Hilaw na bangus!
Narinig ko ang pangangantyaw sa kanya ng mga lalaki na naririto ngayon.
"Wala ka pala sir Gregory—"
"Mukhang di gumana ang gandang lalaki mo sa isang 'yan ah!"
"Hahahahaha!"
Rinig kong tawanan nila.
"SHUT UP!" pananaway ni boy bangus pulang-pula ang mukha niya sa galit.
"You! You are extended three hours here!" Sabi niya sa'kin.
"Kahit habang buhay pa!" At presko akong naupo ako sa armchair, sabay di-kwatro ko pa.
"Cool!" Rinig kong sabi ng Patterson.
"You are also extended Patterson!" Sigaw niya, atsaka tinitigan muna ako nito bago tuluyan itong lumabas ng pinto. At si boy lamay, eh! Naiwan dito sa loob sa tapat ng pinto.
"Hay nako! Unang araw, preso agad..." Bulong ko sa sarili.
"May sinasabi ka?" Tanong ni boy lamay.
"Wala!"
Inilabas ko ang isang pakete ng paborito kong pagkain at ngunguya-nguya ako habang chilaks na nakaupo. Sarap talaga nitong berry knots!
"Gusto niyo!?" Tanong ko sa iba.
"Of course, cool girl! Di ako tatanggi diyan—"
-------
Itutuloy...
-Sorry ngayon lang sinipag mag-update.
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top