Kabanata IX: Butler
Kabanata IX: Butler
--
Nakapalumbaba 'ko sa mesa habang ang mga tao sa paligid ko ngayon ay nakatingin sa'kin, ang ibig kong sabihin ay sa amin!
"Ibigsabihin kanina ka pa niya sinusundan?" Tanong ni Grasya.
"Ano ba sa palagay mo, Grasya? Hindi mo ba nakikita hitsura ko? Pagod na pagod ako dahil kanina pa 'ko nito sinusundan," tukoy ko sa taong nasa likuran ko nakatayo.
"At sinasabi niya na siya si Buddy? Tama ba?" Tanong ng malaking babae na si JC.
"Oo, tama ka," simpleng sagot ko.
Pagod na pagod ako, at pakiramdam ko anumang oras babagsak ang katawan ko.
"Ibigsabihin, hindi ka basta estudyante lang rito," ani Quila, na katabi ang babaeng may manika na si Arbie.
Anong sinasabi niya? Ordinaryong estudyante lang ako na nangangalakal, ano bang espesyal doon? Napabuntong hininga na lang ako.
"Tama! Atsaka, ang nakakapagtaka lang bakit lalaki ang butler mo? Ang rules sa school na 'to kapag babae ka, babae rin dapat ang butler mo at kapag lalaki ka naman, lalaki rin dapat ang butler mo," paliwanag ni Page.
"Oo, tama ka, Page. Atsaka depende kung gusto ng estudyante kung babae o lalaki ang butler niya, pero ang karaniwan lang na nakakakuha ang ganoong bagay ay ang mga Elite students/ star students ," wika ni Grasya.
Ano na naman ba 'yang elit at istar istudens na 'yan?
"Syempre, may personal benefits 'yon kung opposite sex ang butler nila," nagtaka naman ako sa sinabi ni JC. Ano bang sinasabi nila!?
"Hindi ba, Grace? Butler ka?" Tanong ni JC.
"Hindi ako butler, personal assistant lang ako ni Rakasya no'n pero ngayon ordinaryong estudyante na lang din ako rito, at si Joey ang dahilan no'n at sa kanya 'ko tumutuloy!" Masaya niyang saad.
Joey na naman, naiinis ako sa bansag niya na 'yan sa'kin.
"Teka, sa kanya ka tumutuloy!?" Tanong nilang sabay-sabay kay Grasya.
"O-Oo."
"Hmm! Grabe! Napaka swerte naman!" Pabugang saad ni JC.
"Ate! Ate! Ateee! Gusto ko rin tumira sa house mo," wika ni Arbie, mabilis itong nagtungo sa'kin at hinilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Umurong ka, mabaho ako. Galing ako sa arawan," ani ko sa kanya. Galing ako sa pangangalakal bukod pa roon, pawis na pawis ako dahil nga sa hinabol ako ni boy butler daw.
"Joey, pwede rin ba kami tumuloy sa kwarto mo?" Tanong nilang sabay-sabay.
"Tigilan niyo nga ako," naihilig ko sa sandalan ang ulo ko, pagmulat ko nakita ko ang lalaki na sinasabi nilang butler ko raw. Akalain mong, maganda pala siyang lalaki kahit sa ganitong anggulo. 'Yon nga lang parang wala siya sa sarili niyang ulirat.
Umayos ako ng upo, at pumalumbaba ulit sa mesa.
"Joey, naman! Sige na, promise magpapakabait kami! Palagi kami maglilinis, ipaglalaba ka namin, ipagluluto—"
Mabilis kong pinutol ang sinasabi ni Quila.
"Hindi."
Lahat sila natahimik sa sinabi ko.
Isang tanong ang bumabagabag sa isip ko, para saan ba ang pagkakaroon ng butler? At itong taong 'to? Bakit para siyang robot? Na paulit-ulit?
"Maitainong ko lang, para saan ba ang pagkakaroon ng butler? At bakit ang isang 'to parang wala sa sarili?"
"Protector mo, p-protektahan ka niya sa lahat ng oras at kahit saan ka magpunta naroon siya," paliwanag ni Page. "At kung bakit wala siya sa sarili? Dahil 'yon sa—"
Naputol ang sinasabi ni Page at nakita kong umiiling-iling si JC. Bakit kaya? Hmm! Hayaan na nga. Tsaka ko na lang aalamin kung ano ang hindi nasabi ni Page.
P-protektahan ka niya... Hmm... Sa isang tulad ko? May p-protekta pa? Sa isang tulad ko na nangangalakal lang at basurera kung maituring!? Walastik naman! Pero parang ang baho naman pakinggan no'n!
Nangangalakal lang, may butler pang kasama!?
"Maiba 'ko, bakit nga pala narito kayo?" Tanong ko.
"Hehe, syempre! Kaibigan mo kami, kaya kami nandito," tugon ni JC.
"Tsaka handa na rin kami lumipat sa kwarto mo—" saad ni Quila
"Tumigil nga kayo."
--
Araw ng sabado, ang araw na ang lahat ay walang pasok ang kinasasabikan ng mga mag-aaral, at isa na 'ko doon. Kalakal taym!
"Okey! Sandig! Tayo na! Ala-sais pa lang ng umaga kaya marami-rami tayo makukuhang kalakal ngayon," nakangiti kong ani, habang nakatanaw sa masinag na araw.
"Pers dey mo ngayon, hay! Wala naman ako ibang magagawa dahil tiyak! Susundan mo pa rin ako, humanda ka na mangamoy pawis!" Sabay tapik ko sa balikat niya.
At nagsimula na kami lumakad. Kakaiba talaga siya, naninibago ako dahil ngayon lang ako nakakitang ng tao na tulad niya. Masasanay rin siguro ako.
Sandig, ang tinawag ko sa kanya kasi mukhang mas bagay 'yon kaysa tawagin siyang butler. 'Yon ang tawag sa may mga matataas na tungkulin ng mandirigma ng isang Rajah o Datu sa puod nila Huadelein.
Third Person's PoV
Dalawang anino, ang nag-uusap sa likod ng lab curtain habang ang mga siyentipiko ay abala sa kani-kanilang gawain.
"Tita, kung nai-release niyo na si Buddy, where is he now?"
"Calm down, sweetie. Yes! Na-ireleased na siya, the problem is mukhang sa ibang estudyante siya napunta," natuon ang paningin ni Dr. Crisanda sa malaking screen kung saan, makikita si Buddy na may kasamang babae na may bitbit na sako.
"Sino ang babaeng 'yan!? I don't know her! Tita, anong ibigsabihin nito!? Hindi ba butler ko si Buddy!? What is this!? Bakit may kasama siyang ibang estudyante!?"
"Calmdown, Bella. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, but I'm sure maaayos 'to ni Dr. Fallis," saad ng doktora.
"No! I want Buddy! Right now!" Pagmamaktol ng pamangkin nito.
Habang nagmamaktol nga ito, ay narinig ito ng assistant ni Dr. Fallis na si Bryan at agad itong nagtungo sa kinaroroonan nito upang sabihin ang nagaganap sa laboratoryo.
"Dr. Fallis! May problema tayo, ang pamangkin ni Dr. Crisanda na sa lab galit na galit," saad niya.
Mabilis itong lumakad, at nagtungo sa lab.
"I want Buddy now! Bring him here now!" Galit na ani ni Bella. Na narinig ni Dr. Fallis, mabilis niya itong hinarap habang nakasunod sa kanya si Bryan.
"I hate to say this, but there is no way for Buddy to be with you, sad to say but this is the truth. I'm sorry," aniya na walang anu-ano.
"What did you say!? You useless scientist!?" Aniya sa siyentipiko. "Hindi mo ba 'ko kilala!? Kaya kitang bilhin kung gugustuhin ko, ngayon dalhin mo si Buddy sa'kin!" Aniya pa.
"I'm sorry, Miss. Pero wala akong magagawa para mapunta pa sa'yo si Buddy, ang kinikilala niyang boses ngayon... Iyon lang ang susundin niya, walang paraan para i-practice siya na mapunta pa siya sa'yo, pahihirapan mo lang ang sarili mo kung ipipilit mo pa ang bagay na gusto mo," saad ni Dr. Fallis.
Natahimik ang dalaga, galit man siya ngunit wala siyang ibang magagawa.
"Dr. Fallis, hindi mo ba talaga 'to kayang gawan ng paraan?" Tanong ni Dr. Crisanda.
"Wala ng paraan pa, Doktora Crisanda! Ginawa ko na ang lahat pero hindi kusang bumabalik si Buddy rito, kahit pindutin ko pa ang red button," saad ni Dr. Fallis.
Lalo pang nagngitngit sa galit si Bella dahil sa kanyang narinig.
"Ibigsabihin wala tayong control kay Buddy?" Tanong niya.
"Nakita kong bumabalik si Buddy rito para matulog, ibigsabihin kontrolado pa rin siya ng program," aniya, habang nakatuon ang paningin sa malaking screen kung saan makikita si Buddy at isang estudyanteng babae na magkasama.
Josephina's PoV
Grabe! Laking tulong pala nitong si Sandig, kahit para siyang robot nakaka isang sako na kami ng kalakal. Iba talaga pag may kasama ka, 'yon nga lang! Tatlo na kaming iisipin kong kakain sa araw-araw. Okey lang, basta kasama ko 'tong si sandig mukhang makakarami kami lagi basta sipagan lang namin ang pagpupulot ng kalakal.
"Ayos 'yan, sandig ah! Masunurin ka pala—"
"Young lady, please follow me," aniya.
Ganitong oras kahapon, ganyan ang sinasabi niya tapos pumunta lang naman kami ng canteen at tinutukoy niya 'yong bilihan ng pagkain. Hmm... Hindi kaya gutom na siya?
Tanghali na rin, siguro nga dapat mananghalian na kami.
"Okey, sige. Kakain tayo, basta pagtapos natin kumain, balik tayo ulit sa pangangalakal," sabi ko.
Wala naman kahit na ano reaksyon sa mukha niya, ano pa bang inaasahan.
Sa canteen.
Habang kumakain kami, napansin kong may nakatingin sa dako namin ni Sandig. Susubo sana 'ko nang biglang may kamay na lumapat sa mesa namin.
Binalewala ko 'yon at tumuloy sa pagkain. Ang bastos lang yata ng taong 'to, at hindi man lang marunong rumespeto sa kumakain.
"Ui!!! Ngayon lang kita nakita sa eskwelahang 'to,"aniya, "at kakaiba itong kasama mo, may hitsura 'tong butler mo ah, sabihin mo nga— sino ka at bakit ang gwapong 'to ang butler mo? Grabe naman, gusto ko magselos," saad niya.
"Kumain ka pa," sabi ko kay Sandig. "Pagkatapos mo kumain, iminom ka ng tubig ah," paalala ko pa.
Kailangan ko kasi sabihin kung ano dapat niyang gawin, napansin ko kasi na hindi siya kikilos kung hindi ko siya sasabihan o uutusan kung ano ang dapat niya gawin.
"Wow! Grabe, parang walang narinig! Hoy! Kilala mo ba kung sino ako? At 'yang butler mo, hahahaha! Nakakatawa! Kung ituring mo akala mo kamag-anak mo, FYI! Mga wala silang utak, pakialam, at nararamdaman! Laruan lang sila!"
"Ba't ba ang ingay mo? May kumakain oh, istorbo ka," simpleng kong ani.
Ingay ingay! Sabi ni nanay Melda, masama mag-ingay kapag may kumakain malas daw sa buhay.
"Huh! Ibang klase, kilala mo ba 'ko huh?" Sabi niya, at inilapit niya pa mukha niya sa'kin.
"Ang baho ng hininga mo, may kumakain. Nakakawalang-gana," sabi ko, na patuloy pa rin sa pagkain. Napansin kong may mga nakatingin sa dako namin, at ngayon ko lang napansin may mga kasama pala siya.
"Anong sinabi mo!?" Nanggagalaiti niyang saad.
"Magsipilyo ka, bago mo ibuka 'yang bibig mo," sabi ko, sabay inom ng tubig.
"Naghahanap ka ba talaga ng gulo!?" aniya.
"Sino bang mabaho ang hininga na pumunta rito sa mesa namin?" tanong ko, kasabay no'n nang pagdighay ko. Hindi ko man lingunin alam kong inis na inis na siya.
"Okay! Busog na 'ko! Tayo na, Sandig!"
"Ako na ang kakausap sa kanya," rinig kong sabi ng isa sa mga kasama niya na isang lalaki.
Tumayo na 'ko at aakmang lalakad na sana nang may humawak sa braso ko.
"Miss, anong pangalan mo?" Tanong niya, habang hawak ang braso ko.
Nako po! Isang anghel na naman na may sungay...
-------
Itutuloy...
-Tagal ko di nag apdeyt!
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top