Kabanata IV: LIPAT












Kabanata IV: Lipat



---



Josephina's PoV


Kabibili ko lang ng pandesal nang makasalubong ko ang isang magandang dilag. Di lang siya maganda, sexy pa! Tuwing umaga ko naman siya nakakasalubong dahil pang gabi ang pasok niya. Maraming naiinis sa kanya, at tampulan ng tsismis dahil sa di kaaya-aya niyang hanap-buhay pero kahit ganoon gusto ko pa rin siya.


"GUUUD MUUURNING! PINANG!" Masiglang bati niya.


"Pinang" ang taguri niya sa'kin, ewan ko ba kung bakit ganyan ang tawag niya sa'kin pwede naman "Pina" lang.


"Magandang umaga rin, ate Morena!"


"GANDA GANDA MO TALAGA! MUKHANG MASARAP 'YANG BITBIT MONG PANDESAL AH!" Malakas niyang sabi, ganyan talaga 'yan tuwing umaga gustong-gusto niya kasing nanggigising ng mga tsismosa hehehehe.


"Ay! Masarap talaga 'to ate Morena, kuha ka! Marami naman 'to!"


"Naku! Hindi na! Ito nga oh! Bibigyan kita ng pambili ng palaman para diyan sa mainit mong pandesal at samahan mo na rin ng kape! Oh ito kunin mo," abot niya sa'kin ng 200 pesos. Natutuwa akong binibigyan niya 'ko lagi ng pera sa tuwing nakikita niya 'ko pero minsan nasabihan ako ni nanay Melda, na huwag ko raw 'yon tatanggapin dahil galing raw iyon sa maruming paraan.


"Salamat dito ate Morena, pero nahihiya ako na tanggapin 'to dahil lagi mo 'ko binibigyan."


"Sus! Wala 'yon! Ikaw pa ba Pinang! Mahal na mahal ka yata ng ate Morena mokaya 'wag kang mahihiya basta ang gusto ko lang magtapos ka ng pag-aaral mo, ayos ba 'yon?"


Ito ang dahilan kaya tinatanggap ko ang ibinibigay niyang pera, dahil alam kong mabuti siyang tao at may malaking puso na hindi nakikita ng iba. Na natatakpan lang iyon dahil sa trabaho niya. Pero para sa'kin wala naman kaso roon, depende na lang talaga iyon sa tao.


"Ayos na ayos!" Pagkasagot ko nga niyon ay nginitian niya ako ng matamis.


"Ay! Ito nga pala! Dahil maganda ka, ito ibibigay ko 'to sa'yo," sabi niya, sabay kuha sa bag niya ng isang alahas. Yumuko siya, at isinuot iyon sa paa ko.


"Oh! Hayan! Bagay na bagay sa'yo Pinang, ang ganda! Ingatan mo 'yan ah, gold 'yan." At ginulo nito ang buhok ko.


Nabaling ang paningin ko rito, at masasabi kong totoong ginto nga ang nasa bukung-bukong ko.


"Ate Morena, masyado yata itong mahal para ibigay mo sa'kin di mo naman ako kaanu-ano para ibigay sa'kin ang gani"


"Sheeesh! Sheeesh! Alam mo Pinang, hindi nasusukat sa dugo ang pagkakaroon ng pamilya at naramdaman ko 'yon sa'yohindi mo 'ko itinuring na iba." Bumuntong-hininga ito, "Hindi ko alam pero, basta! Para na kitang kapatid, halika nga rito! Payakap nga!" Sabi niya, at niyakap niya 'ko nang mahigpit.


Sa totoo lang, ngayon lang ako niyakap ni ate Morena at ang sarap pala sa pakiramdam. Para kong may nakatatandang kapatid na babae.


Matapos ang yakapan namin, eh! Humarap ako sa kanya.


"Ate Morena, pangako! Kapag nagkaroon ako ng maraming pera o yumaman akoipinapangako ko, hinding-hindi ka na magt-trabaho sa bar."



--



Kagagaling ko lang sa pangangalakal, nang madatnan ko ang mga mukha na hindi ko ibig makita sa loob ng munti naming bahay.



"Anong ginagawa niyo rito?"



"A-anak, n-nariyan ka na pala" mabilis kong pinutol ang sasabihin niya, dahil tiyak pagtatakpan niya ang mga damuho na 'to!.


"Sandali lang nayanong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila.


Nabaling sa'kin ang paningin ng mga nakababata kong kapatid, napansin ko pang kalaro ni Jersey si Minchi na natigilan din nang makita na iba ang aura ko sa mga taong narito ngayon sa bahay namin.


"A-anak"



Nahagip pa ng paningin ko ang maraming grocery sa lapag at ilang sako ng bigas.


"Ano 'yan? Ano 'yang mga 'yan? Para saan 'yan? Ano 'yan suhol? Hindi namin kailangan ng tulong niyomagsi-alis kayo sa bahay namin!"


"MC, sandali lang" Jade.


"Magpapaliwanag kami" Jack.


Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin, hindi ko maintindihan kung bakit sila naririto. At si nanay Melda, bakit niya pinahintulutan na tumuloy ang mga lalaking 'to sa bahay niya? Kailan pa ba 'to nangyari? At bakit parang nakuha nila ang loob ng nanay Melda ko? Hindi kaya— gusto nila ilayo sa'kin ang pamilya ko? Hindi! Hindi pwede!


Halos maikuyom ko sa galit ang kamao ko.


"AnakPina, huminahon ka. Mga kapatid mo sila..." Nabaling ang paningin ko kay nanay Melda, at doon ay nakaramdam ako ng pagkalma. Tama si nanay Melda, mga kapatid ko sila pero hindi naman niya alam kung anong klaseng pamilya mayroon ako.

Nakita kong lumabas nang bahay ang mga nakababata kong kapatid kasama si Jersey.


"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila.


"Anak, tubig oh." Abot sa'kin ni nanay Melda ng isang basong tubig, na agad ko naman ininom.


"Kailangan mong lumipat ng eskwelahan"


"Jude!" Si Jin iyon.


Heto na naman sila.


"Bakit ako lilipat? Masaya 'ko sa paaralan kung saan ako nag-aaral ngayon, kaya walang dahilan para lumipat ako.


Di nila 'ko magogoyo!


"Hindi mo naiintindihan, Joey" James.


"Huwag mo 'ko tawagin sa pangalan na 'yan!"


Nakakainis!


"Josephina, alam namin na masaya ka kung nasaan ka ngayon pero tandaan mo na may ama ka na sumusubaybay sa'yo," sabi ni Jude. Alam ko na ang ibig nilang sabihin, kailangan nilang sundin ang utos ng nakatataas. —Pero hindi ako matitinag!


"Binabalaan ko kayo"


"Josephina, para rin 'to sa'yo," ani Jack.


Para sa'kin? Kalokohan.



"Anong sinasabi mo diyan? Sa palagay mo mauuto niyo 'ko? Laking Payatas 'to! Di niyo 'ko mai-iskam!"



"Josephina, alam namin na napamahal ka sa lugar na 'to pero tandaan mo"


"Alam niyo naman pala James eh! Kaya ano pang ginagawa niyo ri"


"Josephina!" pananaway sa'kin ni Jude.


"may pamilya ka pa rin na laging naghihintay sa pagbabalik mo, at hinihintay ka ng ama mo," saad pa ni James.


"Wala akong pakialam, sa ama na sinasabi mo!"


"Josephina!" Si Jude ulit 'yon.


"Josephina, makinig ka naman"


"Bakit ako makiki" biglang humarang si Nanay Melda sa pagitan namin ni James, dahilan para matigilan kami.


"S-sandali lang, kakausapin ko muna ang anak ko ano," aniya, at hinila ako palayo sa mga damuho.


"Anak, Pina. Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya mayroon kayo ano, pero nakikita ko naman sa mga kapatid mo na mabuti naman sila" bahagya pa itong sumulyap sa mga taong nasa aming munting sala.


"Nay, gusto nila 'ko ilayo sa inyo hindi niyo ho ba nakikita 'yon?"


"Anak, nakatitiyak ako na hindi ka nila ilalayo kilala kita at sigurado naman na mas kilala ka kanila dahil sila ang mga kapatid mo," aniya.


"Anong ibig niyo sabihin nay, na ipamimigay niyo 'ko sa kanila? Hindi niyo na ho ba 'ko mahal?" naramdaman ko ang mainit na pangingilid ng luha ko. Ba't ba 'ko naluluha? Bwiset!


"Anak, kailanman ay hindi kita ipamimigay anak kita at mahal kita alam mo 'yan."


"Pero bakit po parang sang-ayon kayo sa kanila..." Hinawi nito ang luha sa mga pisngi ko.


"Anak, sang-ayon ako sa kanila dahil pamilya mo sila at nakikita ko kung gaano ka nila kamahal. Iniisip ko lang din ang kinabukasan mo, isang maralitang ina lang ako na nangangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak niya. Kaya sana ay maunawaan mo rin ang parte ko, Pina anak," aniya, na patuloy sa paghawi sa tumutulo kong mga luha.


"Nauunawaan ko ho kayo nanay Melda, pero hindi ako papayag na mahiwalay ako sa inyo..."


"Hindi rin naman ako papayag, dahil anak kita."









Third Person's PoV


Matapos mag-usap ang mag-ina, ay hinarap nila ang binatang magkakapatid sa kanilang maliit na sala. Humingang malalim ang dalaga, atsaka binalingan ang kanyang mga nakatatandang kapatid na seryosong nakatingin sa kanya.


"Payag na 'ko sa gusto niyo..." Sabi niya. At ngumiti si Aling Melda nang marinig iyon mula kay Josephina. Siya'y natutuwa na mapapalapit ang kanyang itinuturing na anak sa mga kapatid nito, sa totoong pamilya nito.


"Nay, bili po muna kayo ng ulam natin para po sa hapunan," sabi niya sa kanyang nanay Melda. Sakto naman na pumasok nang bahay si Jersey at hinayaan na niya si Minchi sa nanay nito.


"Oo, sige Pina. Anak..." Tila pinaalalahanan niya ang kanyang anak sa huli niyang salita. Batid niya kung ano ang maaring mangyari lalo na at siya'y lalabas ng bahay, kilala niya ito.


Nang makalabas nang bahay ang kanyang nanay-nanayan at kapatid nito, ay huminga itong malalim at—




"ANO BANG GINAGAWA NIYO RITO MGA BWISET KAYO!!!?"



Napatayo ang binatang magkakapatid, at kanya-kanyang takbo sa iba't-ibang dako ng maliit na bahay.



"Aray! AwwAyoko na Joey!" James.



" 'WAG 'YANG WALIS-TAMBO! ARAY!" Jersey.



"MGA BWISET KAYO! SINISIRA NIYO ANG MASAYA KONG BUHAY MGA LINTEK KAYO! DI NA LANG KAYO MANAHIMIK SA KANYA-KANYANG LUNGGA NIYO!"



"OH! SHET! KAWALI 'YAN MC! A-ARAY! TAKBOOO!!!" Jade.



"TANG*NAAA!!!"



"Bakit kaming tatlo lagi? Ang unfair mo may favoritism kang babae ka" Jersey.


"Bwiset! Pasalamat ka, wala akong dalang baril"



"F*CK!"



"Sh*t! My princess!"



Nang marinig nila ang daing nina Jack, Jude, at Jin ay nagtakbuhan sila. Takbo na may kasamang halakhak dahil hindi akalain ni Jersey at ng dalawa pa na sina James at Jade na pati ang tatlong nakatatanda nilang kapatid ay papatulan ni Josephina. Ngayon lamang nila nakita ang tatlong ito na waring nabahag ang mga buntot sa kanilang bunso.


Matapos ang ilang minutong habulan, ay kalmado nang nakaupo si Josephina. Maging ang kanyang mga nakatatandang kapatid.



"Sinabi ko na payag na 'ko kanina, pero may mga kondisyon..." Saad niyang nakapikit at nakaupo, habang hawak ang isang maliit na nangingitim na kawali.


"Ano naman ang mga 'yon?" Tanong ni Jude.


"Tsaka ko na sasabihin. Sa ngayon, gusto ko lang malaman niyo na lilipat lang ako sa paaralan na gusto niyo pero hindi niyo 'ko maaari ilayo sa kanila, sa pamilya ko."


Eksakto naman na papasok na nang pinto si Aling Melda, at nadatnan niyang mukhang maayos naman ang magkakapatid. Nakatalikod ang mga ito sa kanya at nakaharap kay Pina.



"Pina, mukhang nakapag-usap naman kayo ng maayos ano?" Tanong niya, nang makapasok na ng bahay hawak ang isang supot ng karne.



"Opo. Aling Melda, nakapag-usap naman po kami ng maayos," gulat na gulat naman ang Ale, nang tumugon at humarap sa kanya ang binatang magkakapatid na may mga pasa sa mukha at galos sa kani-kanilang mga braso. Sandali itong natigilan at pagkuwan ay ngumiti rin nang mapagtanto, na mukhang naging maayos naman ang kanilang pag-uusap dahil nakita niyang kalmado ang kanyang anak na babae.


Napahagikhik naman ang batang si Minchi dahil sa hitsura ng mga binata.


"Hihihihi! Si kuya Jersey mukhang panda!" Aniya, at nagtawanan ang magkakapatid na Mercado dahil sa sinabi nito.



"HAHAHAHAHAHA!"



"Cute pa rin naman si kuya Jersey hindi ba?" Aniya sa bata.




"Opo!"





Samantala, sa isang kubling paaralan ay sinasanay ang isang lalaking waring kontrol ng iilang tao.



"Maganda ang kondisyon niya, wala siyang sakit sipon, ubo ni galos o sugat wala naman."


"Kung ganoon maaari na siyang i-release sa susunod na linggo," sabi ng isang lalaki na naka lab coat.


"Paano kung hindi siya maging compatible sa paglilingkuran niya?"


"Sumusunod na siya sa lahat ng utos, And I assure you Doktora Crisanda, that he will be compatible with his master," tugon ng lalaking doktor.


"Paano kung hindi? Paano kung matulad siya sa mga unang experiment? Na nawala sa kontrol natin at kalaunan namatay..."









Josephina's PoV


Tatlong araw mula nang magpunta ang mga unggoy sa bahay namin ni nanay Melda, at ngayon ay nasa eskwelahan na 'ko na sinasabi nilang lilipatan ko. Di ko nga alam kung paaralan ba talaga 'to, ni wala nga 'ko nakikitang estudyante pero ayos na rin siguro 'to atleast lahat ng kondisyon ko, eh! Nagawa naman ng mga sinumpang Adan na 'to.


Sinenyasan ko ang lalaking nasa labas ng sasakyan na buksan ang pinto nito, dahil gusto kong lumabas at makita ang kabuuan ng paaralan. Pero sinenyasan ako nito na para kong aambahan ng suntok. Ang gag* talaga ng Jude na 'to! Ilang beses kong pinagsisipa ang pinto pero nabadtrip lang ako, at nabaling ang paningin ko sa lalaking tutulog-tulog lang sa driver's seat.



"Woi! Boy tulog! Anak ng Kuwagong puyat na walang eyebags! Tutulog-tulog ka lang diyang bwiset ka! Palabasin mo 'kong galunggong ka! Buksan mo 'to!"



"Hindi pwede! Matulog ka na lang muna diyan"



"Ikaw James! Buksan mo 'tong pinto o tatamaan ka sa'kin"


"Hindi nga pwede, baka barilin pa 'ko ni Jude pag binuksan ko"



"Woi! Anong klaseng kalokohan 'to ha!? Nasa kalagitnaan ng kagubatan 'tong eskwelahan na sinasabi niyo"



"Ah-hehehe! MC, sila Jack na ang bahalang magpaliwanag tungkol diyan"



"Binabalak niyo ba 'kong patayin huh!?"




-------

Itutuloy...










-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top