Kabanata II: Ang Misyon ng Mercado Brother's
Kabanata II: Ang Misyon ng Mercado Brother's
--
"Bal, ano gusto mo kainin pagdating ng bahay?" Tanong niya.
"Kahit ano— basta may partner na soft drinks solve na 'ko do'n!" Sagot ko.
"Sige, walang problema!"
Naglalakad kami papunta nang bahay nila, at oo kasama ko 'tong si kambal. Sabi nga ni nanay Melda huwag na raw akong sumasama sa bahay nila Hex kasi lalaki raw, at binata na. Eh, hindi ko magagawa 'yon dahil sanggang-dikit ko ang kutong lupa na 'to. Sa lahat ng estudyante sa paaralan, siya lang ang katangi-tangi na naglakas loob na ako ay kaibiganin. Haha! Malupet din yata 'tong bata ko, tsaka di ako tumu-tropa ng mahihina.
"Tara bal, pasok na!" Sabi niya, pagkabukas nang gate nila.
Hehe! Oo, may gate sila. May kaya kasi sa buhay ang mga magulang ni kambal.
Di pa man ako nakakapasok ng gate, eh nakita ko na ang mama niya.
"Josephine! Andiyan ka na pala! Pinagluto kita ng sinigang na hipon— halika! Pasok ka, pasok!" Paanyaya nito sa'kin.
"Josephina po, hehe!" Pagtatama ko. Isa rin 'tong si girl kalimot, tawag niya sa'kin Josephine sa tuwing nagagawi rito. Pumasok na kami sa gate habang ang mama niya eh, nakakawit ang bisig sa'kin.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito sa'kin ang nanay nito ni kambal, pero di ko na lang pinapansin siguro natutuwa lang siya dahil may bisita na naman na basurera ang anak niya. Hehe.
Dumiretso kami sa hapag-kainan, at buti na lang wala 'yong mga kuya nito. Dahil kung hindi kantyaw na naman ang aabutin namin ni kambal. Puro sila "Uuuuiii" "Uuuuiii" kung ako lang masusunod, inupakan ko na mga kuya nito sa badtrip ko.
"Upo na, ikaw anak maupo ka na rin," sabi ng mama niya, at dumiretso sa malaki nilang kusina. Habang ako naman naupo na ganoon din si kambal.
"Bal, pasensya ka na kay mama—alam mo naman minsan lang magkaroon ng bisita rito sa bahay," aniya.
"Wala 'yon, sanay naman na 'ko sa mama mo pero sandali lang— nandito ba mga kuya mong kantyaw boys?"
"Wala sila, nasa kina tita sila sa Baguio," sagot niya.
"Oooh! Baguio? Maganda ro'n ah! Ba't di ka sumama, bal?"
"Palagi naman ako nakakapunta roon, kaya di na 'ko sumama, wait lang bal, kukuha ko soft drinks," sabi niya, at tumayo at lumabas nang bahay. Bakit nga ba siya lumabas? May tindahan kasi sila kabilang kanto at hindi lang basta tindahan, kundi isang MALAKING TINDAHAN na Wholesaler. Kaya da bes talaga sila kambal!
Nakita ko naman ang mama niya na lumabas nang kusina dala ang isang malaking bowl, at inilapag niya ito sa mesa.
"Wow! Nagluto talaga kayo ng sinigang na hipon?"
"Aba, syempre naman! Nabanggit kasi sa'kin ng anak ko na paborito mo raw ang sinigang na hipon kaya ipinagluto kita— oh! Sandali lang ah, kukunin ko lang ang kanin," at nagtungo na ulit siya sa kusina.
Ang bangooo... Minsan lang ako makakakain ng ganito. Pero sila Nanay Melda kaya kumain na? Tanghalian na rin kasi. May hawak naman siyang pera, pero ano kaya ulam sa bahay ngayon? Sana Tuyo o tinapa. Masarap 'yon eh.
Nakabalik na si kambal galing tindahan nila, may dala siya'ng soft drinks at balot balot na cup cake. Nakangiti siya'ng lumapit ng mesa.
"Bal, iuwi mo mamaya 'yang mga cupcake ah," sabi niya, at inilapag sa mesa ang sofdrinks.
"Ano? Ayoko, nakakahiya 'no tsaka baka mamaya kung ano pa sabihin ng mama mo," sabi ko. Syempre, nakakahiya naman talaga dahil kinuha niya lang ang mga 'yon sa tindahan nila tapos ibibigay niya lang sa'kin? Negosyo nila 'yan eh! Kapag negosyo, negosyo! Walang tropa tropa.
"Bal, bigay 'yon sa'yo ni mama hindi galing sa'kin— siya nga mismo nagsabi sa'kin kagabi na bigyan kita ng pagkain sa tindahan," sabi niya.
"Ayoko pa rin bal, nakakahiya sa mama mo tsaka negosyo niyo 'yan pag negosyo, negosyo!"
"Bal, di ka naman iba sa'min, kaya huwag mo tanggihan ang ibinibigay sa'yo ni mama."
Oo. Alam ko naman na mabait ang mama niya, at lagi akong may bitbit sa tuwing galing ako rito sa kanila. Panlimang beses ko na makapunta rito sa kanila eh. Pero ewan ko, nahihiya pa rin ako.
"Ito na ang kanin, kumain na kayo," sabi ng mama niya na full energi! Lagi naman ganyan 'yan.
"Ma, si kambal tinatanggihan ang mga bigay mong cupcake—"
Pinanlakihan ko ng mata si kambal.
"Huwag mo naman tanggihan, Josephine para sa'yo lahat 'yon," sabi niya, at inilapag ang bowl ng kanin.
"Hehe! Josephina po."
Someone's PoV
"Kailan siya maire-release?"
"When there is a new student who arrives within this month, and we will only release him when he is able to do the commands properly," said the demon doctor, while writing his notes in his folder.
"How about Lazarus? May narinig ka ba patungkol sa kanya?
"He was still doing his regular routine of making trouble. Their illegal gang still cannot be determined, and who their members are—"
After that, I didn't feel or hear anything. I feel like I'm blank or like I've been asleep for a long time, while my body moves.
I'll just wait to see if there's a good person who can get me out of this situation, if there is one. If he/she is good, I will be grateful, whoever he/she is.
Josephina's PoV
Naglalakad na 'ko pauwi nang bahay, habang bitbit ang mga ibinigay sa'kin na cupcake ng mama ni kambal. Nang mapansin ko ang kilala kong sasakyan. Andito ang mga asungot kong kapatid? Mukhang binabantayan nila 'ko ah! Mga kutonglupa talaga.
Napansin ko pa si Minchi sa isang tindahan, na kausap si Jersey habang may hawak ng plastic ng soft drinks. Anak ng tutya!
"Minchi!" Tawag ko. At napalingon sa'kin ang dalawa.
"Ate..."
Mabilis ko silang nilapitan at hinawakan si Minchi. Habang ang tarantado kong kapatid, eh chilaks na chilaks na humihigop sa soft drinks niya.
"MC, andiyan ka pala—"
"LoL! Tara na Minchi!—"
"Sandali lang ate— mabait siya—"
"Wala akong pake! Tayo na! Uwi!" Sabi ko, at hinila na siya. Pero bago pa man ako tumalikod, "at ikaw! Umuwi ka na, isama mo 'yong mga itlog!" Bulyaw ko. At lumakad na.
"Ikaw, Minchi! Sa uulitin, huwag ka lalapit sa labanos na 'yon! Panget 'yon!"
"Pero ate, mabait siya— binigyan niya pa nga ako ng laruan eh, tapos kumain kami sa jayibi," saad pa niya. Napansin ko nga na may hawak siya na mga laruan at bago ang suot niyang damit.
"Bakit? Bumibili rin naman ako ng jayibi ah? 'Yong balat ng manok kina aling Flora, jayibi 'yon ah," sabi ko.
Kaya ayokong malaman nila kung saan ako nakatira, dahil ganyan ang gagawin nila. Naiinis ako, gusto kong bangasan ngayon si Jersey.
"Pero kasi—"
"Anong sinabi ko sa'yo? Matuto makuntento kung anong meron tayo di ba?" Sabi ko, habang pilit kong pinipigilan ang luha ko. Bwiset!
"Opo. Sorry, ate." At mabilis ako'ng lumuhod para yakapin siya. Naiinis ako, dahil hindi ko maibigay ang mga bagay na gusto ni Minchi pero para rin naman 'yon sa kanya. Gusto ko makuntento ang mga kapatid ko sa kung anong meron kami, at hindi maging mapanghangad sa mga bagay na hindi namin kayang ibigay ni nanay Melda.
"Basta, sa uulitin huwag ka na lalapit sa panget na 'yon," sabi ko.
"Opo, hindi na ate."
"Ate! Mabuti nakita kita!" Sabi niya'ng hinihingal na lumapit sa'min.
"Bakit Crispin? May nangyari ba sa bahay?" Tanong ko, at tumayo.
"Hindi, wala— si kuya Joseph, aalis na! Pupunta na ng Singapore!" Sabi niya.
Pagkarinig ko no'n, eh mabilis akong tumakbo at iniwan kay Crispin ang mga dala ko.
Lintek! Aalis na pala si kuya Joseph? Ang alam ko lang kasi mag-aabroad siya. Matagal-tagal na rin mula no'ng huling nag-usap kami dahil abala ako sa pangangalakal. Nang makarating ako ng bahay niya, nadatnan ko siya sa may halamanan niya at nakatingin sa papalubog na araw.
"Kuya Joseph!"
"Oh, ikaw pala Pina, tara upo ka rito," paanyaya niya. Naupo naman ako. Maganda talaga ang view rito medyo mataas kasi ang lugar na 'to parang bundok.
Matagal-tagal ko na rin kakilala si kuya Joseph, nag-iisa siya sa buhay at maraming pangarap. Di gaya 'ko na kuntento na 'ko sa pangangalakal.
"Ang ganda ng araw," sabi niya, habang nakatingin sa malayo.
"Kuya Joseph, anong trabaho mo sa Singapore?"
"Tauhan sa isang malaking barko," sagot niya.
"Mukhang masaya 'yon, at mahirap na trabaho—"
"Oo, more adventures na naman sa'kin, at ikaw sigurado habang wala ako magkakaroon ka rin nang mas adventure na buhay," sabi niya'ng nakangiti.
"Okay na 'ko sa pagpapasabog ng fart bomb sa klase—"
"Haha, ikaw talaga— buti nakapunta ka rito bago ako umalis—"
"Syempre kuya, aalis ka na eh! Tsaka nabigla nga 'ko nang sabihin sa'kin ni Crispin na aalis ka na." Hinaplos nito ang buhok ko.
"Kailangan ko lumayo Pina, —para magtrabaho at ikaw huwag ka muna magpapaligaw ah," sabi niya.
"Kuya Joseph naman—"
"Basta ituloy mo lang ang ginagawa mo, naniniwala ako na malaki ang magagawa mo balang araw," sabi niya'ng nakangiti.
"Di kita maunawaan kuya Joseph, pero basta mag-iingat ka doon at sana magkajowa ka na kahit di mo na 'ko padalhan nang tsokolate— basta magkajowa ka lang, masaya na 'ko."
"Ikaw talaga—"
--
Iniisip ko pa rin si kuya Joseph, ang buong akala ko kasi matagal pa bago siya mag abroad 'yon pala eh, ngayon na ang alis niya. Nakakalungkot, nabawasan tuloy ang dadayuhin kong bahay tuwing walang pasok at wala nang magbibigay sa'kin ng pamasko tuwing Disyembre. At ang nakakalungkot pa, pakiramdam ko hindi ko na ulit makikita ang kuya-kuyahan ko. Noong una nga, nababadtrip ako kay kuya Joseph dahil kamukha niya ang isa sa mga nakatatanda kong kapatid, nang magtagal nasanay na 'ko sa mukha niya— narealize ko rin na malayo ang ugali niya sa kapatid kong kamukha niya.
"Sana lahat may limang-daan, pabarya naman sis!" Kantyaw sa'kin ni Darna, nang makita akong nakapalumbaba sa ibabaw ng mesa.
Tingnan mo 'tong isang 'to, akala mo sinampal ng limang beses sa pula ng mga pisngi eh!.
"Saan ka na naman rumampa ha?"
"Saan pa ba, sis? Syempre, diyan diyan lang."
"Diyan diyan lang, tapos ganyan kakapal 'yang make up mo," sabi ko, at umayos ako nang upo.
"Ate, kailangan kahit diyan diyan lang ako, eh dapat maganda ko!" Sabi nito, na may pa hand gestures pa.
"Kasama mo na naman ang mga kaibigan mo na sina Beklat, at Chikitita—"
"Syempre ate! Dapat laging kumpleto ang powerpuff girls ano!"
"Powerpuff girls..."
"Nakaalis na pala si Joseph ano?" Tanong ni Nanay Melda, habang nagsasaing.
"Opo, nay," sagot ko.
"Ilan taon siya roon?"
"Wala siyang sinabi nay, ngumiti lang po siya no'ng tinanong ko kung ilang taon siya sa Singapore," sagot ko.
Napansin ko lang, may manok na hiniwa si Nanay Melda kanina at ngayon may malunggay. Mukhang may pera, nakarami siguro 'tong sina Crispin at Darna kaya makakapag-ulam kami ng manok ngayon.
"Nay, anong ulam?" Tanong ko.
"Magluluto ako ng tinolang manok," sagot niya. May pera nga.
"Mukhang nakarami sina Crispin ano nay?"
"Ah— o-oo, anak— nakarami nga."
"Ayos po 'yan, mukhang mapaparami ang kain ko nito."
Napansin ko naman na nilalaro ni Minchi ang bago niyang laruan. Kapag nakikita ko ang mga bago niyang laruan, hindi ko maiwasang mabwiset sa gunggong na Jersey na 'yon.
Third Person's PoV
Ang magkakapatid na Mercado ay kumpleto sa kanilang sala, at animo'y may mahalagang pagpupulong ang mga ito.
"Jin, kumusta ang misyon niyo?" Tanong ng ikalawang pinakamatanda sa kanila, na si Jude.
"Aling Melda disagreed, but it looks like she will change her mind because of their situation," tugon ni Jin.
"Grabe nga si MC, akala mo nanakawin ang kapatid niyang si Minchi, ang cute cute pa naman ng batang 'yon," wika ni Jersey sabay sipsip nito sa hawak niyang Chuckie.
"Nagpahuli ka kasi gag*! 'Yan ang napapala ng mga panget," wika ni Jade.
"Ah, talaga lang ha! Baka di mo alam ang panget na 'to —eh! Nakatagpo ng magandang babae sa lugar na 'yon!" Wika ni Jersey, na pangisi-ngisi.
"Baka mamaya walang panama 'yang chiks mo, sa chiks na nakita ko rin doon—"
"Enough—" wika ng panganay nilang kapatid na si Jack. Lahat sila ay natuon ang paningin dito.
"The days are passing by so Madam Melda's approval should be expedited. Stop playing assassin's, you need to act," anito, sa mga nakakabatang niyang kapatid.
"I'm sure that Aling Melda will change her mind, and we need to prepare the replacement that Josephina will ask for," wika ni Jin.
"Kilala mo talaga siya..." Ani James.
"Alamin niyo rin ang bawat galaw ng organisasyon, dahil hindi magtatagal mag-uunahan na ang mga 'yan sa paghahanap sa tagapagmana ni Argent," wika ni Jude.
Josephina's PoV
Nakakabagot na lunes na naman, at hulaan niyo kung nasaan ako? Hehe, nasa Alaska ako! At humihigop ng kape na tinimpla ni ma'am Felipe. Wat a Layp!? Pero habang nahigop ako sa kape ko, eh! Nabaling ang paningin ko sa kaharap kong mabahong si Venus, kasama ang gang niyang Barbie Headband girls. Pfft! Hahahaha.
"Mrs. Melda Marcos, pasensya na ho kung ipinatawag ko kayo ano, eh ito kasing anak niyong si Maria Josephina Clara Mercado, eh! Gumawa na naman ng kalokohan sa klase," wika ng guro ko sa agham.
Sarap sa ears! At ang sarap ng kape, ang bangis nito. Pero hindi naman ako gumawa ng kalokohan. 'Yong tatlo talaga 'yon.
"Mawalang galang na ho, ma'am na guro ng anak ko, ano ho bang ginawa ng anak ko?"
"Kung hindi niyo ho naaamoy, eh nagpasabog ho ng laruang fart bomb itong anak niyo habang nasa kalagitnaan po ang klase ng isang experiment," salaysay ng guro kong kamping-kampi kay Venus with the baho girls gang.
"At inilagay niya 'yon mismo sa experiment namin na nasa plastic cup na may itlog na ibinabad sa suka at asin!" Dagdag pa ni Venus.
"Kaya amoy kadiri kami ngayon dahil sa kanya," gatong pa ng kasama niyang malditang maarte.
"Kita niyo na, ang ginawa ng anak niyo nanay?" Tanong ng guro ko sa Agham.
"Ipahuhubad ko sa anak ko ang uniporme niya, at ang nanay mo ang maglalaba!" Sabi ng nanay ni Venus sa'kin.
Binalingan ko ng tingin ang mama niyang mukhang mahadera rin gaya ng anak niya. At nabigla pa ito nang tingnan ko siya, ibinaba ko ang tasa ng kape sa mesa ni ma'am Felipe.
"Mawalang galang na ho, sino ho ba 'yang anak niyo para ipaglaba ng uniporme ng nanay ko? Uniporme ko nga hindi ko ipinalalaba sa nanay ko, ni salung-suso o salungki, tapos ikaw ipalalaba mo sa nanay ko 'yang uniporme ng mahaderang niyong anak?"
"Aba! Sumasagot ka pa, ikaw na nga 'tong mali— ang dapat sa'yo ipinatatanggal sa school na ito para hindi pamarisan!"
"Huwag po—" ani nanay Melda.
"Nay!" Pag-awat ko sa kanya...
-------
Itutuloy...
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top