Kabanata I: Ang Pamilya ni Josephina













Kabanata I: Ang Pamilya ni Josephina





---





Isang napakagandang umaga na naman, na punung-puno ng kasinungalingan ang naririnig ko sa guro kong gangster— nakakabagot.





"Naglakbay sina Magellan, kasama ang kanyang pangkat upang hanapin ang spice island"





"Mali" natuon ang mga pares ng mata sa'kin ng lahat, lalo na si ma'am. 'Yan ang gusto ko! Napapangiti ako na parang tanga sa sarili ko 'pag ganito ang mga eksena.




"Anong sinasabi mong mali Binibining Mercado?" Tanong ng guro kong salubong ang kilay. Dito talaga ko natutuwa, palundag akong tumayo mula sa silya ko atsaka sumagot.




"Ma'am, bakit hindi mo sabihin na talagang naglakbay sila Magellan upang sakupin ang PILIPINAS! Dahil" sandali kong pinakatitigan si Ma'am, "sa likas na yaman nito! Lalong-lalo na sa BULAWAN! Ang iyong sinabi, ay pawang kabulaanan ma'am upang pagtakpan ANG TOTOONG PAKAY NG MGA EUROPEO noong panahon ni Apo Lapu-lapu"




Atsaka narinig kong tuwang-tuwang naghiyawan ang mga kaklase ko.





"WOOOOH!!!"





"Tahimik! Tumahimik kayong lahat" saway ni Ma'am, dahilan para matahimik ang mga kaklase ko. Nabaling naman ang paningin nito sa'kin.





Ito na 'yon!






"BINIBINING MARIA JOSEPHINA CLARA ALBA MERCADO! LABAS!"






Paktay! Paktay ka di ha, Inday ka! Pa Magellan, Magellan ka pa ha—.





"Okay, sige ma'am, sabi mo eh!"





Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng klasrum, eh! Narinig ko pang maghiyawan ang mga klasmeyt kong may mga sayad.





"WOOOH! WOOOH!"




"Nakakahiya ka talaga Mercado" sabi ni Venus, na muse ng klase kuno!





Ganoon ah!





Habang naglalakad ako, patago kong inilabas ang paborito kong laruan na kinabitan ko ng mga picolo. Sapat na siguro 'tong dalawa.





Inilabas ko ang posporo na nasa bulsa ng jogging pants ko, at sinindihan ito... At inihagis ko sa loob ng klasrum bago pa man ako tuluyang makalabas na— chillax na chillax.








1





2





3






...






Atsaka narinig ko ang pagputok ng mga picolo at mga—





"Langya ka! Mercado! Nagpasabog ka naman!"





"Tang*na, ni Mercado nandamay pa!"





"ANG BAHOOOOO!!!"





"NAKAKAINIS KA TALAGA! MERCADO!!!" rinig kong reklamo ng muse naming maarte!.







Desweeerb!






Bat! Weyt! Ders morrr!






"BINIBINING MERCADO! Humanda ka sa'kin mamaya sa guidance!"






Chill!





Rilaks!





Lumakad akong nakapamulsa at pasipol-sipol. Watt'a layp!





Mamaya nasa malamig na lugar na naman ako. Sigurado 'yan!.





Natapos ang buong klase ni ma'am na nasa canteen lang ako. Sigurado, ang baho ng mga kaklase ko ngayon— at ako? Namumukod tanging amoy safeguard sa buong room!




Lumabas na 'ko ng canteen, at eksaktong paakyat na sana 'ko ng room nang may makasalubong ako.





" 'Bal! Buti nakita kita, may sasabihin ako sa'yo" sabi nito, pagkalapit sa'kin.



"Ano 'yon?"




"Hinahanap ka ni ma'am Kath! Gag*, 'bal yari ka! Pinapapunta ka nang guidance office ngayon, ano na naman ba kasi ginawa mo?" tanong niya.




Parang isang musika na marinig ko ang salitang guidance office, makakapunta na naman ako ng Alaska. Hehe!.




"Wala 'kong ginawa 'no, si ma'am nga may ginawa sa'kinpinalabas ba naman ako sa kalagitnaan ng discussionkawawa ako 'bal, inasar pa 'ko ng crush mo"




Pfft! Crush na crush niya kasi si Venus.




" 'Bal, nagpasabog ka na naman 'no?" tanong niyang nakapamewang sa harap ko.




"Oo. Kaya 'bal, mabaho ngayon crush mo" sabi ko.




" 'bal naman eh!"




"B-bye!"




At mabilis ako'ng umalis sa harap niya.





--





Guidance Office




"Totoo ba 'yon, Mercado? Na nagpasabog ka ng laruang fart bomb sa room niyo?" tanong ni Ma'am Felipe.




"Opo."




"Tingnan niyo na! Aminado 'yang batang 'yan," sabi ng guro ko, ang baho niya ngayon haha.




"Nakakainis na 'yang batang 'yan"




"Eh, ma'am baka naman may katwiran ang bata kaya niya nagawa 'yon?" Tanong ni Ma'am Felipe, sa guro ko na galit na galit.





At ako, fini-feel ko 'yong lamig ng aircon. Sarap...




"Tingnan niyo ang batang 'yan! Nakuha pang matuloghoy! Gumising ka nga diyan!" Bulyaw sa'kin ng guro ko, dahilan para mapadilat ako.






Naman eh!





--





" 'Bal, buti na lang mabait si ma'am Felipe sa'yo hindi ka nagkakarecord kahit na laman ka lagi ng guidance," saad niya.




"Mabait lang talaga si ma'am Felipe"








~Flashback~




Pagkaalis ni ma'am Kath ng guidance office.




"Bakit ba trip mo lagi magpasaway sa mga teacher mo, Josephine?" tanong ni ma'am.




"Josephina po ma'am" pagtatama ko, ibang tao yata tinutukoy ni ma'am eh. "Kasi naman ma'am, mali naman turo niya eh, itinama ko lang"




Tama! Tama, 'yon nga!




"Ikaw talagang bata ka, pa'no mo naman nasabi na mali ang itinuro ni ma'am Kath, ha?"




"Ma'am, may kaibigan ako na alam ang kasaysayan ng Pilipinas kaya alam ko po na tama ang sinabi ko sa klase"




"Huwag mo sabihin sa'kin na nanay at tatay mo sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra"




"Hehe! Ma'am, ibang kuwento naman na po 'yan" atsaka nahiga ako sa mahabang upuan.




~End of flashback~








"Talagang mabait! Dahil kung hindi matagal ka nang na kick out!"





Grabe talaga 'tong si kambal magsalita sa'kin, minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba 'to eh.




"Tigilan mo na kasi 'yang pagiging pasaway mo sa klase, kababae mong taoeh, dinaig mo pa 'ko"




" Hindi ako pasaway 'no, sila, sila ang pasaway! Kung tama sana ang itinuturo nila, at hindi sana mapang-asar ang ilang kaklase kohindi naman sana 'ko gaganti," sabi ko.




Hindi naman talaga 'ko pasaway. Sa bait kong 'to?




"Oo na, sige nasila na ang maliso, saan tayo ngayon?" tanong niya.





Teka, ba't parang nasobrahan sa pabango ang lalaking 'to?




"Mangangalakal muna ko, 'bal. Mauna ka na lang umuwi"




"S-sige, ililibre pa naman sana kita"




"Sa susunod muna 'ko ilibre, basta may utang ka sa'kin ngayon na soft drinkssige na, b-bye? 'Bal!"




Oo. Lalaki, si kambal si Hex Francis. Kambal ang tawagan namin dahil may pagkakaparehas kami ng ugali. Sanggang-dikit ika nga, parehas kaming astig pero mas maangas yata 'ko ng limang beses sa kanya, gwapo sana kaso may gusto sa muse naming pagkaarte-arte.




Nagpulot na 'ko ng mga bakal at bote, syempre 'yong mga nakikita ko lang sa kalye. Hindi naman pwede na magnakaw at hingiin 'yon, karaniwan sa mga tao ngayon maaarte! Makakita lang ng tao na may sukbit na sako sa likuran— eh, pinandidirihan na.




Halos mapuno na ang dala kong sako kaya dumiretso na 'ko sa junkshop ni Mang Tomas.





"Oh! Joey! Mukhang marami-rami 'yan ah," bati nito pagkakita sa'kin. Regular kasi ako nagbebenta ng kalakal dito kaya medyo kilala na niya 'ko.




Taguri niya sa'kin Joey! Dahil bagay raw 'yon sa'kin. Hindi naman ako makapagreklamo kahit ayaw na ayaw ko ang palayaw na iyan! Dahil mabait na tao si Mang Tomas, higit sa lahat hindi madaya ang timbangan niya.




"Ewan natin, Mang Tomas"




Pagkakita ko sa timbangan, eh isang kilo mahigit lang ang mga plastic, at 'yong mga dala ko pang babasagin na bote binili niya ng piso isa. 'Yong mga bakal naman, hindi ko muna ibinenta dahil kokonti pa lang.



Iniabot sa'kin ni Mang Tomas ang halagang 31 pesos. Pwede na! May pambili na 'ko ng balat ng manok.




Lumakad na 'ko para umuwi nang bahay at syempre! Bibili ako ng balat ng manok na tinda ni Aling Flora. 'Yon nga lang, eh! 'Yong binata niyang anak ang andito ngayon. Ayoko pa naman nagawi rito kapag siya ang nagtitinda.





"Hi, miss beautiful Tisay, kumusta ka?" Ito! Ito 'yong dahilan, kaya ayokong siya ang tindero rito. Masyado siyang mapagbati at naiinis ako sa medyo maganda niyang boses.




"Ah hehe, kuya, 20 pesos na balat" sabi ko.




"Anong sauce, Tisay?" Tanong niya, habang kumukuha ng balat ng manok.




Tang*na, mama niya lang tumatawag sa'kin ng Tisay kapag siya na tumatawag sa'kin niyan— iba 'yong nararamdaman kong bwiset. Kunwari akong ngumiti.





"Suka," sagot ko, habang suot ang mapanlinlang kong ngiti.




"Oh! Ito Tisay, ingat," sabi niya, pagkaabot sa'kin ng binili ko.





"Sige!" tsaka peke ako ulit ngumiti.





Lumakad na 'ko, nakita kong naglalaro ang mga bata sa kalsada kahit na may dumaraang truck truck ng basura— at napansin ko pa ang kapatid kong bunso na nasa labas pa. Aba't! Andito pa 'to sa labas? Alas-sais pasado na ng gabi ah!





"Bunso! Minchi!" tawag ko at paglingon nito sa'kin. Mukhang mabilis niya nabasa ang nasa isip ko na "Di ka uuwi?!" Look.




"Ate" mabilis itong tumakbo pauwi.





"Humanda ka sa'kin, nasa labas ka pa ha!" At nakita ko pa ang isa kong kapatid na lalaki, na mukhang kauuwi lang din at may hawak na sako.




Parang naman ako nalungkot dahil sa malamang, eh nangalakal din siya katulad ko. Nakamagkano kaya 'to? Pero pinagsabihan ko na 'to na 'wag mangalakal kapag may pasok.





"Crispin!"




"Ate?" Paglingon niya sa'kin, mabilis din siyang tumakbo pauwi.




Mabuti naman at nakaramdam. Makauwi na nga. Si Darna kaya nakauwi na?




Pagkauwi ko sa barong-barong namin na bahay, nakita ko si Nanay Melda na mukhang katatapos lang magsaing sa ulingan. Ipinatong na niya ang takure sa mabaga pa nitong apoy, para magpainit ng tubig.




Inilapag ko naman ang sako ng kalakal ko sa gilid ng pinto.




"Nariyan ka na pala, Pina," bati niya sa'kin, pagpasok ng munti naming bahay.




Oo. Sa munti naming bahay, tagpi-tagping plywood 'yong kalahati— sementado naman mula banyo hanggang kusina. Matibay naman 'to kahit na ganto ang bahay namin— dumaan na lahat-lahat ng bagyo, nakatayo pa rin 'to.




"Si Minchi po?" tanong ko, habang nagtatanggal ng sapatos.





"Nariyan, at nagpupunas nang katawanpagkauwi nga eh, kumaripas agad sa banyo," saad ni nanay Melda.




"Nakita niya ho kasi ako, kaya umuwi ho iyan agadoh, nay, ulam natin" ani ko, at iniabot ang isang supot kay nanay Melda.




"Naku! Mapaparami ang kain ng mga kapatid mo nito"




"Sigurado 'yan, nay!" sabi ko. "Teka, si Crispin nga po pala?"





"Nasa labas nag-aayoshindi ko pala alam anak, hehe"





Pinaningkitan ko ng mata si Nanay Melda, pinagtatakpan niya si Crispin kahit na alam niya at alam ko na nag-aayos ng kalakal sa likod ng bahay ang kapatid ko.




"Crispin! Pumasok ka nga rito!" tawag ko, dahil nakita ko siya sa gilid ng pinto na nagtatago.





"Hehe! Andiyan ka na pala, ate" sabi nito, pagkapasok ng pinto.




"Anong sinabi ko?" tanong ko, habang nakahalukipkip.




"Hehe! Ate biyernes naman ngayon eh"




"Maski na!"




"Sayang naman kasi, ate. Kung hindi ako mangangalakal, para bukas ng gabi may pangbigas tayo," paliwanag niya.




"Nauunawaan ko naman ang gusto mo iparating, kanya langtingnan mo ang hitsura mo sa salamin! Hindi ka na makikita sa dilim sa dungis mo!"




Humarap siya sa salamin at—




"Nye! Sino 'to? Kapre?" tanong niya.




"Mukha kang pwit ng kaldero ni nanay, kuya Crispin," wika ng limang taong gulang kong kapatid na si Minchi, na kalalabas pa lang ng banyo at nakatapis ng tuwalya.



Natawa naman si nanay Melda nang marinig iyon mula sa bunso niyang anak.



Pakanta-kanta naman na pumasok ng bahay si Darna, na puro kolorete ang mukha.





"Andito na ang magandaaa! Good evening lady's and gentlemenCrispin? Ba't mukha kang tiyanak diyan?" tanong niya.




"Isa ka pa" baling ko kay Darna, pero hindi ko na naituloy dahil humagikhik ang bunso naming kapatid. Dahilan para mahawa kaming lahat.




"Hahahahaha, tiyanak si kuya Crispin," wika ni Minchi.



Wala rin tigil sa katatawa sina nanay, kaya pati ako, eh! natawa na rin.




"Mamaya na nga itong kalokohan niyo, magsikain na tayo, masarap ang ulam balat ng manok..."




"Wow!"




"Jayibee!"





"Favorite!"








Third Person's PoV




Nasa lugar ang tatlo sa Mercado brother's, kung saan naninirahan si Joey ang kanilang bunsong kapatid. Palihim nila itong sinusubaybayan. Bakit nga ba palihim nila itong ginagawa? Dahil ayaw ni Joey na sinusundan at binabantayan siya ng mga ito— hindi niya gustong malaman nila kung saan siya nakatira, nag-aaral o kung ano ang kanyang buhay at ginagawa.




"Nakauwi na ba siya?" tanong ni James, na nasa backseat.




"Yeah!" tugon ni Jin. At pinaandar na nito ang kanilang sasakyan upang umuwi na sa kanilang bahay.




"Kahit ganito ang lugar na 'to, ang daming magaganda..." Wika ni Jade, na nakatanaw sa mga babae sa isang tindahan.




"Tarantado! Maiba nga 'ko, Jin. Kailan natin pupuntahan si Aling Melda?" Tanong ni James, na nasa passenger seat.




"In the next few days. We need to convince Joey as soon as possible that she needs to enter Casper High," saad ni Jin.




"At paano kung ayaw niya?" tanong ni Jade.




"She can't refuse, I know how to get her to agree," ani Jin.




"Hindi ba parang mas magiging madali sa organization ang hanapin siya?" tanong pa ni James.




"No, The truth isthey wouldn't know Joey was there because they only knew the students' code namesExcept for the children of big people, whose names are vulgar," paliwanag pa ni Jin.




"Wala rin tayo'ng magagawa James, dahil utos 'yan ng nakatataas," wika ni Jade.




Waring sumama ang loob ni James, dahil sa mga sinabi ng kanyang mga kapatid. Mas pinili na lamang niyang manahimik upang hindi na sila magtalo pa.




-------




Itutuloy...











-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top