Chapter 5
Jeron POV
Abala ako sa pag push up dito sa kwarto. 25 push up pa nagagawa ko'minimantain ko hubog ng katawan.. Tatlo beses sa isang linggo ko ito ginagawa worth it naman madami naman nagkakagusto sakin ahahahah! Biro lang baka sabihin nyo na mayabang ako.
"Pwede hinaan mo ang volume?"Kabadtrip kasama si meloran. Ang ingay ingay kung matulog. Nang hihilik ito at sleep talk Mga ilang gabi narin ako puyat dahil sa kanya. Naka radyo sya malakas ang volume nito kulang nalang gawin nya entablado kwarto namin.
"Okey"Pinatay na lang nya ang music. Abala ito sa pagkain ng potato chips. Potato chips!!
Hininto ko ginagawa. Pumunta ako sa direksyon nya . Naka tayo ito habang kumakain.
Pinaka ayaw ko talaga yung sarili ko pagkain kinukuha. Lalo na ang potato chips ko . Favorite ko inaagaw nya.
Hinablot ko ito mula sa kanya. Muntik na nya inubos potato chips ko' baka makapatay ako ng maaga nito. Napasimangot na lang sya sa ginawa ko pagkuha ng pagkain sa kanyang kamay.
"Don't ever touch my potato chips or else i will kill you"Halong pag babanta ko sa kanya. Napa taas nalang dalawa nyang kamay sa ere kunwari na sumusuko.
"Damot"Napantig tenga ko sa sinabi nya. Naka topless pa ako at tagaktak mga pawis.
"Ano sabi mo?"Hinigpitan ko kwelyo nya.
"Nag bibiro lang ako hehehe"Binitaw ko pagkahawak . Patalikod sana ako na may huli sya sinabi.
"Nagseselos ka ba na kasama ni marvu ngayon ay si larry?"Napakuyom ako saking kamao. Ewan ko hindi ko alam kung ano nangyayari sakin masyado ako na palapit kay marvu ngayon. Si larry ay isa sa tahimik sa kasamahan namin bukod kay adam. Pero kanina may kahulugan kung pano tumingin sya kay marvu. Argh! Ayaw ko lang na may mangyari masama sa kanya.
Yun lang at wala na iba.
"Kaibigan ko si marvu at bakit naman ako mag seselos di ba?"Tumawa ako na mapakla. Ayaw ko na maabot usapan ng ganito "Masayang kasama si marvu you know what i mean. Huwag mo na bigyan ng kahulugan mga ganun bagay"
"Hindi natin alam na may mag bago"Umalis na lang ako . Baka makasapak pa ako na wala sa oras. Damn! Bakit parang may kakaiba sayo marvu.
****
Margaux POV
Hinanap namin kung saan ang Magic Market. Pa dami ng dami mga tao ngayon dito sa Zeravu Town. Ito kasama ko busy sa pag nguya ng chewing gum at hindi man lang ako kinakausap tungkol sa kakainin o mga dapat bilhin.
"Alam mo ba san ang magic market?"Tanong ko sa isang babae na parang mataas estado buhay nito dahil sa pananamit nya. Humigikhik ito ng tawa 'abnormal ata natanongan ko.
"Mexivan Guild?"Tinignyan kami dalawa ni larry. Tumango na lamang kasama ko bilang sagot sa tanong nya. Kumikinang pa mga mata nito 'nalaman nya .
"Wow swerte ko naman.Pa autograph"Bigla nagkaroon ng papel sa kanyang palad at ballpen. Nagpa awa effect pa ito sa harapan namin. Sikat ba talaga guild nasalihan ko at ganun nalang epekto sa kanya.
Ako lang ata walang ka alam alam sa amin lahat.
Kinuha ni larry ang papel mula sa babae. Namumula pa ang babae habang hawak nya kanyang long dress.
"Salamat ,Pogi "Paalis na sana sya. Nang bumalik ito sa kinaroroonan namin. Hindi parin maalis ngiti nya."Sabay na lang kayo sakin "
May kung ano sya tinapon sa harapan nya. Nagkaroon ng malaki usok sa paligid namin. Mula dito lumabas ang isang puti kabayo na may pakpak .
Nasa unahan ang babae . Sumunod ako sumakay sa kabayo.
"Larry sakay na"Pag ayaya ko sa kanya.
Medyo hindi ako komportable sa posisyon ko. Pinagitnaan nila ako kaya inaayos ko pag upo.
"Yaahh!!"Hataw ng babae sa kanyang kabayo. Napakapit ako ng mabilis sa kanya 'parang lalabas na kaluluwa ko nito. Hinawakan ko kwentas saking leeg baka matanggal.
Parang hihiwalay kaluluwa ko. Sobrang bilis tumakbo ng kabayo sinakyan namin hindi kami napansin ng iba tao. Tumagos lang kami tuwing may nadaanan na bagay.
"Wala na ba ibibilis ito?"Walangya gusto pa ata ni larry na mamatay kami ng maaga nito. Lumingon ng saglit ang babae samin.
"As you wish ;)"Kumindat pa ito kay larry. Hindi ko makita kung ano reaksyon ng lalaki.
Ramdam ko pag pulupot sa beywang ko. Tinignan ko ng masama si larry. Aba hindi nya pinansin na gusto ko alisin yung pag yakap nya sakin. -_-
Para ako lumilipad sa hangin. Kusa lumitaw isang portal 'pumasok kami at nakarating kami sa isang lugar.
"Wow,San lugar ito?"Bumaba ng una si larry. Nilahad nya kamay para alalayan ako para makababa.
Ginamit ko ang aking ability 'hindi na nya kailangan magpa gentleman. Tsaka lalaki ako sa panlabas na anyo dapat aware sya dun.
"Nasa magic market tayo"Simple sagot ni larry.
"Mauna na ako sa inyo. Paalam"Kumaway na lang ako nung nag pa alis na ang babae.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Bakit sobrang laki nito? Kung market lang ?"Ignorante talaga ako. Nakatira ako sa liblib na lugar kung saan ako lang naninirahan 'wala ako maka usap kahit sino man. Lumayo ako sa mga tao para hindi mahuli ng mga kawal. Madami rin katulad ko nagsitago takot madakip. Yung iba nagpapakamatay na lang para hindi na nila maranasan mahirap mula sa mga dark empire.
Napa kunot noo na lamang si larry sakin."Weird mo. Madami ka hindi alam hindi ka ba lumalabas sa inyo?"Nagsasalita sya habang may chewing gum sya sa kanyang bibig.
"Lumalabas ako minsan lang. Sagotin mo muna tanong ko"
"Ang Magic Market ay sikat na market sa Zeravu Town. Lahat ng mataas na antas ay dito namimili'Kung napapansin mo walang mahirap o pulubi pumunta . Mahigpit ang security bawat mapupuntahan . Pag may nahuli sila na hindi mayaman at nagkukunwari ay pinapahuli. Alam mo kung sino pasimuno nito lahat?"Tinignan nya ako sa mga mata. Pagtitig nya ay kakaiba parang nangungusap tingin sakin. Kulay na asul na mata 'nakasing lamig pa ng yelo.
Hindi ko napansin na kumukuha na pala sya ng karne sa isang pridyeder.
Umiling ako sa tanong nya na hindi ko alam."Dahil sa mga Dark Empire . Sakop nila lugar na'to . Kung ako ang hari baka binago ko sistema ng pamumuno nila. Hindi patas tingin sa mga mayayaman at mahirap"Nag buntong hininga ito. Tinulak nya ang cart.
"Di ba mayaman ka na bibilang ka sa mataas na antas sa buhay pero bakit ikaw ?May paki alam sa am-- este sa mga mahihirap?"Muntik na ako mabuking. Nag smirk ito at ginulo buhok ko.
"Hindi lahat ay mata pubri marvu. Tandaan mo yan "Napangiti na lang ako.
Kumuha na lang ako ng gulay at nilagay sa cart.
"Ah larry paki kuha nga ng fresh milk"Umalis sya sa harapan ko.
Swerte ko at nakasama ko ang mexivan guild. Nakilala ko kung ano personalidad nila.
Lakad ako ng lakad dala ang cart na may malaman. Sinuri ko maigi ang bibilhin ko. Kailangan mag tipid masasayang lang kung gagastos kami ng malaki.
"Okey din pala ito"Tinignan ko likuran ininumin. Tama lang sya sa presyo.
Bigla ako nanigas sakin kinatayuan. I-imposible na andito sya. Haharap ba ako o hindi? Pano kung panaginip lang ito?
Napa iling na ako. Ramdam ko na may tao sa likuran ko.
"Pumili ka lang dyan"
"Ayaw ko ,hindi ka ba nakaka intindi"
"Magagalit ang hari --"
"Wala ako pake"
Mahina lang mga boses nito pero sapat na sakin na malaman na andito ang ate ko.
Hindi ko alam kung makilala ba ako nya sa itsura ko ngayon. Matutuwa si ate pag malaman nya na i'm here and still alive. Gusto ko malaman nya na.
Ate pwede dito ka na lang na huwag ka na umalis. Ate madami ako gusto sabihin sayo.
Pinahid ko na lang mga luha ko. Ang lapit na ate sakin. Gusto ko malapitan sya pero hindi ko pwede gawin yun. Hindi dito 'madami tao at security sa paligid baka mapano si ate. Huwag ako padalos dalos sakin kilos.
"Ano sasabihin ko sa hari?baka mapatay ako nun"lalaki kasama ni ate base sa narinig ko ngayon.
"Mag imbento ka na hindi maganda pakiramdam ko"Huminto ito sa pag sasalita "Umalis na tayo dito sa magic market . Ibalik nyo na lang ako sa kalungan"
Tumakbo ako palayo sa kanila 'kasunod ang cart sakin habang ginamitan ko ng ability. Hindi ko kaya na magtagal pa dun parang may nag sabi sakin na hindi pa ito tamang oras. Gusto ko maka usap si ate.
"Bakit ganun sobra hirap na sitwasyon namin ni ate"Litseng luha to ayaw tumigil. Ayaw ko na makita nila na mahina ako. Matagal ko na tiniis ang sakit ngayon ay bumabalik.
Bigla ako nabangga sa isang matigas na bagay. Tumingala ako at nakita si larry puno ng pag alala sa kanyang mukha
"Please bumalik na tayo sa mansyon larry . Hindi ko na kaya sakit nararamdaman ko"Pag mamaka awa ko sa kanya. Hinawakan ko mga kamay nya."Please "Basag na boses ko. Buo ko katawan ay nang hihina okey lang sakin na sumakit parte ko katawan pero yung puso ko para na madudurog sa sakit. Mahal ko si ate at mahalaga sya sa buhay ko. Nais ko na makita sya na malapitan.
Hinawakan ni larry kanan ko kamay. Malamig ito na parang nakakapang hina.
"Larry ano ginagawa mo?"Mahina ko tanong sa kanya. Lumamig katawan ko na para ako pinasok sa loob ng pridyeder.
"Sleep marvu the pain will gone later. Just close your eyes"Malabo na paningin ko sakin paligid.
"Larry--"
Everything went black
****
Vote and Comment if u want :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top