Chapter 4




"Simulan na natin ang training"

"Sige, teka... Saan naman tayo mag insayo kung wala naman ako nakita lugar na pwede?"Nagtataka ako kasi nasa mansyon kami at hindi naman maari na dito kami magsasanay.

"Oo,nga noh? Ahahahah"Napatawa na lang si jeron na pagtanto nya sinabi ko. Sa isang iglap lang nawala sya na parang bula.

-_- iniwan talaga ako dito sa sala. Bastosan lang?

"Okey na pala . Kumapit ka sakin marvu "Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.

Napapikit na lamang ako sa sobrang lakas ng hangin . Nag teleport kami at hindi ko alam saan pupunta para mag insayo.

"Andito na tayo. Open your eyes"Minulat ko aking mga mata . Para ako nasa paraiso . May matataas na bundok at may water falls na kumikislap sa sobrang linis. Mga bulakbulak at mga puno 'hindi ko akalain na ka ganito kaganda napuntahan namin.

Binuka ko ang aking mga braso. Tumingala ako sa kalangitan 'pakiramdam ko nawala sa isang saglit mga problema ko . Kahit saglit lang gusto ko na maging masaya na  walang inaalala kahit ano.

"Marvu?"

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko . Natatakot ako na may mawala sa buhay ko 'ayaw ko na may nasasaktan dahil sakin hindi ko ninais mangyari lahat ng to pero bakit ganun why do i feel that i'm alone? Sinadya ba ni tadhana na maging masilimuot ang buhay ko hindi ba pwede na lumigaya isang tulad ko?

"Marvu "Naramdaman ko may yumakap sakin likuran. Gusto ko alisin ang pagkayakap nya pero sa ganito sitwasyon kailangan ko ng tao na makakaintindi sakin problema.

"Iiyak mo lang yan marvu. Kahit hindi ko alam kung ano pinagdaanan mo naramdaman ko na gusto mo ilabas yang  nasa puso mo"Lalo nya hinigpitan ang pagkayakap nya sakin. Ano ba ginagawa mo jeron? Ganito ka ba sa ibang tao na malambing ?

"Isipin mo na"Nagpaused ito ng saglit'kinakabahan ako kung ano sasabihin nya."Kaibigan mo ako na handa makinig. Marvu we are here not just as a team but as a family"

Ngayon nakita ko ibang side ni jeron kahit masayahin sya marunong pala sya mag seryoso sa ganitong sitwasyon. Humarap ako  sa kanya.

Wala ako pake alam kung panget ako tignan na lumuluha ako. Kita ko sa mukha ni jeron na nakatingin sakin mga mata. Niyakap ko sya 'alam ko na masagwa  tignan sa ibang tao ito hindi naman alam nya na babae ako.

"S-salamat "

****

"Bigyan mo ako na malakas na suntok!"Sigaw ni jeron habang nag iinsayo kami.

Buong pwersa ko binigay lakas. Higit sa isang oras na kami nag insayo. Tagaktak na ang pawis ko at pagod'gusto ko uminum na malamig na tubig ang sabi ni jeron kailangan ko muna ibigay gusto nya sa training namin.

"J-jeron pwede na ..ba tayo mag pahinga? Kanina pa tayo nag gaganito " Hingal na hingal ko sabi sa kanya habang hinahabol ko ang aking hininga.

Humanap kami na pwede maupo. Nakita namin na tumbang puno 'Dali dali ako pumunta at umupo 'tumabi si jeron sakin. Binigay nya isang bote ng tubig.

Inubos ko ang laman at sinuli sa kanya.

"Ito pala mga dapat gawin sa training. Una ay physical training kung saan pinapatibay nito iyong katawan  pag nasa laban ka pwede hindi mo gamitin ang iyong ability. Mas maganda na may alam ka sa mga ganito bagay. Kasunod ay Concentration isa ito sa mga gusto ko magagamit mo lahat ng senses. Pangatlo ay enhance your ability dito na papasok kung hanggang saan lang kaya ng ability mo.May chance na ma lalabas ibang ability. Last ay one o one itetest natin kung lumakas ka at kung may natutunan  ka ba sa lahat na ginawa nating training"

"Ang dami pala "Mahina ko sabi. Tinapik nya kaliwa balikat ko.

"Kaya mo yan marvu. Huwag ka mag alala i guguide   kita sa training"Nakangiti nya sabi. Napatingin sya sa kwentas ko na may singsing.

"Pansin ko na nung dumating ka sa guild namin suot mo parin yan"Hahawakan na sana nya ang kwentas ko nang tinapik ko kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko.

"Sorry ,ayaw ko na may humawak sa kwentas ko mahalaga kasi ito para sakin"Tumingin ako sa malayo hindi ko kaya makita nya na pagsisikreto ko.

"Tumingin ka nga sakin marvu"Ayaw ko baka gamitin nya kanyang ability sakin at sabihin ang totoo kung bakit suot ko lagi ang kwentas. Mahirap kung malaman nya at baka hindi matuloy mga plano ko .

Hinawakan nya magka bilang balikat ko at pumaharap sa kanya.
.

Pinikit ko ang aking mga mata. Dapat maingat ako sa lahat ng bagay.

"Ano ginagawa mo? Ahahahah"

"Nakapikit halata naman' di ba?"Kailangan ko malihis ang usapan tungkol sa kwentas.

"Tumayo ka na dyan. Aalis na tayo"Minulat ko mga mata ko. Dahil sa sinag ng araw hindi ko makita ng maayos si jeron.

Tumayo ako at lumapit kay jeron.

Kumapit ako sa kanyang braso. Sa isang iglap lang napunta na kami sa mansyon.

"Saan kayo galing?"Tanong ni jaxx

"Oo nga,bakit ganyan mga itsura nyo?"

-_- napakadaldal talaga mga kambal na'to.

Humarap ako kay jeron"Salamat jeron"Ngumiti lang sya bilang sagot .

Umalis muna ako hindi ko pinansin ang dalawa kambal.

Naglakad ako paputungo sa second floor kung saan kwarto ko este amin pala ni adam.

Wala pa sa kalahati ginawa ko sa insayo. Puspusan talaga' nakaramdam na ako ng pagod. Lagkit lagkit ko na at amoy pawis.

Bawat room ay may banyo para hindi na magsiksikan at mag unahan sa pag gamit . Malapit sa sala may isang cr para sa mga bisita.

Nilalaro ko kwentas sakin leeg. Matagal pa ako makarating sa second floor siguro pag may sunog mangyari hindi agad ako makalabas sa kwarto sa taas. Iniisip ko palang nakakatakot na ' wag naman sana masyado pa maaga para mag ka ganun.

Nasa tapat na ako ng pintuan . Pinihit ko ang doorknob 'marahan ako naglalakad dahil sa pagod training.

Naka yuko si adam habang nakupo sa kanyang bed.

Nilampasan ko na lang sya wala ako time para pag tuonan ng pansin ang kanyang pagiging moody.

Kumuha ako ng tuwalya at susuotin ko para mamaya.

Pumasok ako sa banyo at nilock ang pinto sa loob. Hinubad ko aking  kasuotan. May malaking bathtub sa dulo at shower room ay nasa tabi ng malaking salamin.

Inalis ko kwentas at nilapag ko ito sa lababo .

Binuksan ko ang faucet hinintay ko mapuno ng tubig ang bathtub. Mga ilang minuto lumipas ay nasa tama lebel ito ang tubig. Binuhos ko ng konti ng bubble bath. Pinabula ko ito 'binabad ko ang aking katawan . Napakasarap sa pakiramdam na mawala stress ko.

Pinalutang ko ang mga bula sa ere'nilalaro ko mga ito pinuno ko ang paligid na nakalutang na bubbles.

Tuwang tuwa ako  panuorin mga 'to.

Rinig ko pagkatok sa pinto sa labas dito sa banyo.

"Ano?!"Sigaw ko. Pinapahid ko bula sakin katawan.

"Bilisan mo at iihi pa ako"

Napa rolled  eyes nalang ako . Binalik ko ang mga bula dito sa bathtub.

Umalis muna ako . Lumakad ako papunta sa pintuan kinuha ko ang tuwalya .

Binuksan ko ang pinto ng konti. Nilabas ko ang aking ulo para silipin kung ano sinasabi ni adam.

Nakatayo sya sa harapan ng pinto. Napansin ko na napatitig ito sakin . Hindi ko pinakita buo ko katawan habang nakatapis. Baka malaman nya na babae ako.

Napalunok ito ng ilang beses 'nagtataka ako kung bakit namumula ito habang tinitignan ko sya.

"Ano?"Tanong ko sa kanya . Hawak ko ang doorknob ng maigi baka bigla pumasok ito sa loob.

Namamawis ang kanyang noo. At hindi alam kung saan sya titingin.

"Kung may kailangan ka sabihin mo"Isasara ko sana ang pinto ng hinarang  isa nyang paa.

Naiinis na talaga ako . Pinag loloko ba ako nito? Trip nya ako tawagin tapos wala pa walang sasabihin na importante.

"Ah... I-tatanong ko k-kung"Mautal nito sabi 'may dumi ba ako sa mukha at hindi sya makatingin sakin diretso?"May naiwan ba ako brief dyan sa loob?"Narinig ko pa ito nagmura ng mahina.

"Yun lang ba?"Hindi nya sinagot tanong ko . Sinira ko ang pinto 'Nilibot ko tingin dito sa banyo.

Hinanap ko sa ilalim ng sink. Wala dito . Pati sa sulok wala rin . Ginamit ko pa aking ability at pinalutang ang mga bagay dito sa loob.

-_- wala naman brief nya eh. Na disturbo tuloy ako sa pag ligo.

Naalala ko pa nangyari kahapon.

FlashBack

Palakad lakad ako tinignan bawat sulok ng kwarto namin.

"Hay buti wala na talaga sya"Tumalikod ako at pabalik sa higaan.

"Ahhh!"Parang nag slow mo paligid ko. Matutumba na ako sa sahig

Sinalo ako ni adam.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Akala ko na mababagok na ulo ko sa sahig. Kung hindi lang ako sinalo ni adam baka ano na nangyari sakin. Rinig ko ang pag habol  ng hinga ni adam .

Hindi ako makapaniwala na sasaluhin nya ako.

"Next time Mag ingat ka"Malamig na boses nyang sabi.

"A-adam"Mahina sambit ko sa pangalan nya.

"Ano yan?"

"Sumasayaw kayo?"

Nanunuod ang dalawang kambal samin. Nakadungaw pa mga ulo nito. Nakakahiya talaga!

*Blaag!*

"Bwesit! Sakit ng likod ko"Habang hinimas ko masakit na parte sa likuran ko. Binitawan ba naman ako ni adam bigla.

"Mga ugok! "Nakita ko na pinalabas nya apoy sa kanya palad. Bakas sa mukha nila jaxx at jazz ang takot. Kumaripas agad mga ito tumakbo.

Until now masakit ang likod ko lakas ng impact pagka bagsak ko sa sahig.

Umalis sya nakapamulsa 'hindi nya ako tinulungan tumayo dito.

End Of FlashBack

Aist nakakainis si adam !

****

"Ubos na pagkain natin"Habang nakatingin si meloran sa ref. Lahat kami ay nagsama sama dito sa kusina.

"Eh bumili,problema ba'yun"Usal ni jaxx.

"May pera pa naman tayo di ba leader?"Tanong ni ezeikel kay adam. Naka cross arm si adam at malalim ang iniisip nito.

Hindi naman na ubos ulam namin i mean may natira yun nga lang carrots na bulok. Ayaw naman namin kumain ng ganun. Mas mabuti na bumili na lang stock ng pagkain na bago.

"We should badget our food starting to day. Walang aarte' para matuto kayo.  Kailangan natin na may taga luto "Maayos naisip ni adam. Mabilis maubos pagkain minsan tinatapon yung natitira. Madami tao ngayon nagugutom tapos sasayangin lang.

"Hindi ako marunong gumamit sa kusina 'huwag nyo ako i assigned dyan"Pag tatangi ni arthur

"Lalo naman ako"Meloran

"Pano pa kaya ako :3"jazz

Lahat ayaw gumamit sa kusina. Ako lang hindi nag salita o nag komento. Wala ako paki alam 'tsaka dapat maalam sila sa gawain bahay.

Nakatingin sila sakin. Parang alam ko na  ibig sabihin mga tingin nila.-_-

"Oh?"Nakangiti karamihan sa kanila.

"Alam mo na"Tuwang tuwa pa si jeron.

Kung kaya ko lang magteleport baka kanina pa ako lumayas sa harapan nila. Kainis kasi bakit iisa lang ability nagagawa ko eh sila higit pa sa isa yung kakayahan. Sana andito si ate at sabihin nya iba ko pa ability. Na miss ko tuloy si ate.

"Hay nako,oo na at ako nagagawa. Kailan mamimili ng pagkain?"

"Ngayon"Grabe gusto ata nila ako gawin katulong nito.

"Sino kasama ko para pumunta?"Tanong ko ulit. Tinaas kanang kamay ni larry.

"Nakaka bagot dito kaya sasama na lang ako"

Hindi naman malikot o magaslaw si larry hindi tulad nila jaxx at jazz lagi hyper.

Nag decide ako na si larry makakasama ko para mamaya.


****

Vote and Comment. Kung gusto mo XD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top