EPILOGUE: JUSTICE ACCORDING TO MARCO

Lumipas ang mga buwan at ako ay nagbalik sa Maynila. Tila ang ingay at polusyon ng lugar na ito ay hinahanap-hanap na ng aking pagkatao. Napadaan ako sa isang carinderia kung saan malayang nakakanood ng telebisyon ang mga kumakain doon. Pinukaw ng palabas ang aking diwa ng marinig ang balita ng isang News reporter.

"Isa nanamang bangkay ang natagpuan sa isang eskinita ng Sta. Mesa na natatabunan ng mga diyaryo at duguan. Ayon sa mga pulis pang-anim na biktima na ito sa nakalipas na apat na buwan. Ang mga biktima ay pare-parehong lalaki ang kasarian at saksak sa katawan ang sanhi ng pagkamatay..."

Hindi ko na tinapos pa ang balita. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa matapat ako sa isang madilim na eskinita. Walang tao sa paligid kundi ang dalawang lalaki lamang na naghahalikan. Kilala ko ang isa sa mga ito. Isang sikat na artista na bida ngayon sa isang pang-gabi na palabas. Kumunot ang aking noo nagtataka kung bakit may kahalikan itong lalaki samantalang sikat na artista din ang napapabalitang babaeng kasintahan niya.

"Patayin mo sila." Sabi ng isang boses.
"Ha?... Bakit?" Tanong ko.
"Pare-pareho lang sila na mga salot sa mundong ito." Giit pa ng boses na aking naririnig.
"Ayoko na... Bunso patahimikin mo na ako." Pagmamakaawa ko habang pinupukpok ng mga sariling kamao ang aking ulo.
"Hindi! Patayin mo sila! Manloloko! Hindi ka ba naaawa sa girlfriend na niloloko ng hayop na yan? " Giit pa ni Marco sa akin.
Napaluhod ako pilit nagmamakaawa. "Tama na, tigilan na natin ito."
"Hindi! Patayin mo sila! Pinatay nila ako! Pinatay nila ako!" Paulit-ulit na sabi ni Marco sa aking isip.

Nagtagumpay si Marco na sakupin ang buo kong pagkatao. Ang mga kamay ko ay biglang nanginig, sa aking isip ay dapat meron akong gawin. Ang katawan ko ay kusang gumalaw at lumapit sa dalawang lalaking busy sa kanilang halikan. Walang kamalay-malay ang mga ito na sa katahimikan ng eskinitang iyon may nagmamasid, nag-aabang at nagtatago sa dilim. Binuksan ko ang bag na aking dala at mula doon ay hinugot ko ang isang patalim.

"Pssst..." Sitsit ko sa kanila habang nakangisi.

"Sino ka?" Gulat na tanong ng artistang lalaki.

Sino ako? Sino ba ako sa mundong ito? Ako si Marcus, ito ang istorya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top