CHAPTER 6: LOVE FOR MARCO
Bata pa lang ako mahilig na kaming mag travel ng family ko. At least once or twice a month we either go to the Beach, mag-island hoping, snorkeling, mountain climbing or hiking and mag-camping. My Mom and my Dad loves nature so much, iyon daw kasi ang way nila para mawala ang stress nila sa work at sa business namin. Dahil doon nagustuhan ko na rin ang mga outdoor activities nila. Full of excitement lagi, kasi pumupunta kami sa iba't-ibang lugar at masasabi kong memorable lahat ng adventures namin. Pero nagbago ang lahat ng dahil sa isang trahedya.
I was 10 back then, umakyat kami nila Mommy and Daddy sa isang bundok sa Laguna. Iyon na ata ang isa sa mga mahirap na bundok na inakyat namin masyadong matarik at ang trail ay masukal pero pagdating namin sa itaas sobrang ganda ng tanawin. Lahat ng pagod ay nawala when we witness the view masasabi mo talaga na you are on the top of the world pero hindi pa namin talaga naaakyat ang pinaka-summit ng bundok na iyon. Sabi ng guide kasi delikado na raw kapag umakyat pa kami doon especially pa-gabi na.
So we decided na doon muna kami mag rest at magpa-umaga sa ibaba ng summit. My Daddy build the tent and my Mommy cook dinner for us. May mga kasama din kaming hikers or climbers noon. Malamig at malakas ang hangin sa itaas ng bundok buti na lang hindi maulap ng gabing iyon kaya malaya kong nakikita ang mga bituin sa kalangitan.
The next morning my Daddy wanted to reach the summit at dahil I like adventures sumama ako while my Mommy was left behind sa camp site at hihintayin na lang daw kami. It's a one hour hike sabi ng guide namin pero noong nasa kalahati na kami ng trail biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Naging madulas at maputik ang daan at naging dahilan para mahirapan kaming umakyat.
"Sir medyo delikado na ho kung itutuloy pa natin ang pag-akyat sa summit!" Sigaw ng guide namin kay Daddy.
"Sige magpatila muna tayo ng ulan bago ulit umakyat." Sagot naman ng Daddy
Habang nag-uusap sila hindi ko namalayan na nabunot na pala mula sa lupa ang halaman na kinakapitan ko at nagpagulong-gulong ako pababa ng trail. Bumangga ang katawan ko sa isang malaking puno at napangiwi ako sa sakit.
"Dad!...Daddy!" Sigaw ko habang sinusubukan kong tumayo para makapaglakad ngunit natumba ako dahil sa naramdamang sakit ng kaliwang paa ko. Nagpatuloy ako sa kasisigaw hanggang sa bigla na lang may sumulpot na batang lalaki sa kinaroroonan ko.
"Bata please help me... help me find my Daddy... please." Hindi umimik ang bata at bigla na lang itong umalis at nagtatakbo. "Wait! Tulungan mo ko! Help me!" Umiiyak na ako sa frustration ng mga oras na iyon.
"Kuuurt!.... Kuuurt!" Narinig ko ang pangalan ko na sinisigaw ni Daddy at ng guide namin. Mula sa kinalalagyan ko tila malapit lang sila doon kaya walang humpay akong nagsisisigaw para marinig nila ako.
Sobrang lakas pa rin ng ulan na may kasama pang kulog at kidlat. Habang tumatagal pahina ng pahina ang mga boses ng Daddy, so i tried my best to stand up and walk kahit paika-ika ako. Siguro may limang minuto na rin akong naglalakad nang may makita akong bata na nakahiga sa lupa. Nilapitan ko ito at napansin na kamukha niya ang bata na hinihingan ko ng tulong kanina. May sugat at dumudugo ang ulo nito at tulad ko ay marahil nadulas din dahil sa maputik na daan.
"Hey wake up... wake up... gising uy!" Pang-gigising ko sa bata.
"Hmmm..." Ungol naman nito. Iyon ay tanda na buhay pa siya.
Kahit paano naging masaya ako dahil buhay pa ang bata na halos ka-eded ko lang noon. Narinig ko nanaman ang boses ni Daddy na sumisigaw. "Dad!!...Nandito kami! Dad! Daaaaaddy!" Sigaw ko.
Eventually my Dad manage to find me together with the unconscious kid. "Kurt! Anak are you okay?... Are you hurt?...Teka sino yan?" mga tanong ng Daddy while helping me to stand up.
"Hindi ko kilala Dad pero let's help him." Sabi ko.
"Sige, David pakibuhat naman iyong bata." Utos ni Daddy sa guide namin.
Tumigil din ang ulan habang pababa kami at pabalik sa camp site. My Mommy was too worried on what happened buti na lang may medical team na tumulong sa amin. Hindi ko na alam what happened next sa batang natagpuan namin. After malapatan ng gamot at bandage ang paa ko we all decided to go home. While we are in the car my Dad and my Mom was shouting to each other and that's the first time they fight in front of me and it's because of me. Sinisisi ni Mommy si Daddy kung bakit ako napilay at nahulog sa bundok but Dad is trying to explain his side while driving. Then the accident happened. Isang truck ang sumalpok sa amin and the next thing I knew I was in the hospital. They told me that my parents didn't make it and now dead. My world collapse after hearing the news and no one can't stop me from crying. Im only ten years old that time and naulila na ako.
After ko magpagaling, my Grandparents are the one who took care of me. Tumira ako sa probinsya nila and they help me coped up with the trauma. One year akong nagpa-psychological therapy. I tried my best and the results was good so my Grandparents decided na doon na rin ako pag-aralin. Isang taon din akong hindi nag-aral kaya sobrang excited ko talagang pumasok. New school, new environment and new classmates.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang first day ko sa school, the principal escorted me to my classroom and introduce me to my class Adviser and classmates as well. After a brief introduction my teacher told me to sit on the vacant chair besides a boy named Marco. Then a boy stand up at unti-unting lumapit sa akin. It was like a nostalgic moment dahil kaklase ko ang batang tinulungan namin sa bundok. It was a small world indeed and I was wondering kung naalala niya ako.
"Hi I'm Marco, seatmate tayo." Pagpapakilala niya habang nakangiti. I was speechless with his smile for a reason that I don't know why. His cute and bubbly and it's was the first time that I admire someone's cuteness.
"I'm Kurt." Matipid kong sagot pero binalikan ko rin siya ng ngiti. Marco guide me to our seat then the class started. Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa mukha niya and siya naman sa tuwing lilingon sa akin ay ngingitian lang ako.
"Bakit?" Tanong sa akin ni Marco. Sumama ako sa kaniya noong recess time kasi siya pa lang naman ang ka-close ko sa school
"Anong Bakit?" Takang tanong ko rin.
"Bakit ka tingin ng tingin sa mukha ko?"
"Wala... Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong ko sa kaniya baka sakaling maalala niya ang nangyari sa bundok.
"Hmmm... Hindi eh." Inosenteng sagot nito.
"Ako at Daddy ko yung tumulong sa iyo sa bundok, wala kang malay noon at may sugat ka sa ulo." Pag-papaalala ko sa kaniya.
Marco suddenly look at me straight to my face while touching his forehead and then I saw a scar on it at yun ang proof na hindi nga ako nagkakamali. "Ikaw pala yun." He said then suddenly hug me. "Salamat sa iyo. Pero ayoko na sana maalala pa ang araw na iyon." Malungkot niyang sabi.
I agree with him kasi kahit ako ayoko na rin maalala ang araw na nwalan ako ng magulang. We became Bestfriends instantly because of that. As years goes by naging mas malapit pa kami sa isa't-isa, we know each others secrets, partners in crime kapag may ginawang kalokohan, at kapag kaaway niya kaaway ko na rin. Wala kaming tinatago pati mga pangarap namin alam ng bawat isa. Minsan noong natulog siya sa bahay namin sinabi ko sa kaniya na sana magkapatid na lang kami. Ganiyan ako ka-close sa kaniya hanggang sa nag third year high school kami ni Marco. Sa panahong iyon alam ko na sa sarili ko na iba na ang pagtingin ko sa kaniya. Nagseselos ako kapag may babaeng lumalapit sa kaniya naiinis din ako kapag nagkukwento siya ng mga babeng pinaliligawan sa akin.
"Bakit ba ang hilig mong ireto ako sa iba?" Minsan ay sabi ko ng hindi ko na matiis ang kakulitan niya.
"Eh... parang bagay kasi kayo nung Grace." Napapakamot siya sa ulong sabi patungkol sa bago naming classmate na transferee.
"Alam mo Marco bakit hindi na lang ikaw ang manligaw sa kaniya kasi simula nang nag start ang pasukan wala ka ng bukambibig kundi, ang ganda ni Grace, ang bait ni Grace, ang talino ni Grace, puro ka na lang Grace!" Naiinis kong sabi. It was the first time na nasigawan ko siya and i hate the feeling but i hate the most is sobrang manhid niya. Hindi niya alam nasasaktan na ako sa tuwing pinagtatabuyan niya ako kay Grace o sa ibang babae.
"May mahal na akong iba." Pagkuwa'y sabi nito na parang nahihiya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Dahil ni minsan wala naman siyang nabanggit na meron na pala siyang tinatangi. "Bakit hindi ko alam?" Ramdam sa tanong ko ang pagtatampo.
"Kasi..." Si Marco.
"Kasi ano?" Ako.
Hindi niya masabi sa akin. Sobra akong nagdamdam noong mga oras na iyon dahil feeling ko nagatatago na siya ng sikreto sa akin. Tumayo ako at paalis na sana nang bigla siyang nagsalita.
"Kasi Bestfriend ko siya." Mahina niyang sabi pero para sa akin sinlakas ng bomba ang pinagtapat niya.
Humarap ako kay Marco at tinitigan siya sa mata. "Bestfriend? Gago ka ba? Eh ako lang ang Bestfriend mo!" Sigaw ko sa kaniya.
"Oo ikaw lang ang Bestfriend ko, ikaw lang din ang taong mahal ko, gago na kung gago pero mahal kita Kurt." Madamdamin niyang sabi sa akin na tila iiyak na.
"Kung mahal mo ko bakit mo ko pinagtatabuyan sa iba?" Tanong ko.
"Kasi naisip ko na baka kapag nabaling ang atensyon mo sa iba at mawalan ng oras sa akin baka sakaling mawala rin itong nararamdaman ko sa iyo. Maniwala ka sa akin Kurt pinilit kong pigilan na huwag ka mahalin pero hindi ko pala kaya kahit na isang kapatid o kaibigan lang ang turing mo sa akin. Sinubukan kong itago kasi mas gugustuhin ko pang maging Bestfriend mo habambuhay kesa kamuhian mo ako dahil bakla ang Bestfriend mo." Mahabang paliwanag ni Marco at hindi na nito napigilan umiyak.
I was so overwhelmed sa mga pinagtapat niya dahil parehas kami ng nararamdaman. Nilapitan ko siya at niyakap. "Ang manhid mo... Mahal din kita, matagal na." bulong ko sa mga tainga niya sabay agos na rin ng luha ko. Tears of joy iyon dahil sa wakas nasabi ko rin sa Bestfriend ko.
Tumigil siya sa pag-iyak at kumalas sa pagkakayakap ko. Halata sa mukha ni Marco ang pagkagulat sa aking pinagtapat. Sumilay ang mga ngiti niya na ginantihan ko rin naman. Iyon na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. We officially ended as a couple hindi naman nagulat ang mga kaklase at pamilya namin na kami ang magkakatuluyan dahil noon pa man daw alam nila na kami ay para sa isa't-isa.
Ang akala ko na masasayang araw namin ay pang-matagalan na pero nagbago lahat noong magcollege kami. Class Valedictorian si Marco and nakapasa siya bilang scholar sa isang University sa Manila at iyon talaga ang pangarap niyang eskwelahan habang ako ay naiwan sa probinsya dahil isa na ako sa pinamahala ng aking mga lolo at lola sa ibang negosyo ng pamilya habang ako ay nag-aaral. Sa una at dalawang taon ay madalas kaming mag-usap sa cellphone at nagkaka-chat at pagdating naman ng bakasyon lagi siyang dumadalaw sa akin. Pero sa ikatlong taon naging madalang ang aming pagkikita. Sinubukan ko siyang dalawin sa Maynila ng ilang bese ngunit lagi niya akong iniiwasan keso busy daw siya sa school at kung ano-ano pang dahilan.
Hanggang isang araw habang nagbrobrowse ako sa Twitter isang video ang umagaw sa akin ng atensyon. Dalawang lalaki na nagtatalik, ang isa ay nakasuot ng tela sa ulo at mata na lang ang nakikita habang ang isa ay si Marco. Agad kong tiningnan ang profile ng nagshare noon, "AlterGuy" ang pangalan at habang tinitignan ko ang timeline nito mga limang video pa ang nadoon kasama si Marco at ang pinakahuling video na nakita ko, tatlo na silang nagtatalik, ang dalawang lalaki ay nakatago ang mukha habang pinagpiyepiyestahan ang alaga at katawan ni Marco.
Gumuho ang mundo ko sa aking nasaksihan. Sinubukan ko siyang kausapin pero puro pagtatanggi lang ang nakuha kong sagot kay Marco hanggang sa hindi na ako nito kausapin. Ang galit ko kay Marco ay umabot hanggang sa kaibuturan ng aking buto. Walang araw na hindi ako umiiyak, at laging galit sa mga tao sa paligid ko. Gusto kong maghiganti at iparamdam pabalik ang sakit na ginawa niya sa akin. Nag message ako sa "AlterGuy" na iyon sa Twitter. Ethan ang totoong pangalan ng may-ari ng account at base sa kaniya si Marco nga ang kasama nila sa video. Matapos kong magpakilala sinabi ko agad ang balak ko na paghihiganti. Sa pag-uusap namin ang dalawang lalaki sa video ay balak rin pa lang paghigantihan si Marco. At doon nabuo ang pagkidnap namin sa kaniya. Ang paghahalay, pagpatay, pati na rin ang pagtapon ng kaniyang bangkay at ng ina niya sa gubat kung saan una kaming nagkakilala. Hindi ko akalain na muli ay nandito nanaman ako sa gubat na ito, kasama ang isang taong-grasa.
"Sino ka?!... Hindi ikaw si Marco!" Nahihirapan kong tanong sa lalaking kaharap ko. Tumingin siya sa akin na tila may gustong sabihin. "Patay na si Marco!" Sigaw ko ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top