CHAPTER 4: SEX FOR MARCO
"Congratulations Ethan! Woooh single ka na naman!" Sigaw ng aking mga kaibigan habang kami ay nag iinuman at nagpaparty sa isang bar.
"Mga gago kalian ba ako naging taken?!" sigaw ko rin sa kanila. Masyadong maingay sa loob ng bar, ang mga party dance songs na pinatutugtog ng DJ ay talaga naman mapapaindak ka.
"Sabagay ikaw nga pala ang fuckboy ng barkada." Pang-aalska pa nila sa akin.
Ganito kami ng mga barkada ko tuwing sasapit ang Biyernes. We make sure that after ng klase namin gumigimik kami at nag babar-hopping. Inuman and party all night. Ngayong gabi they are celebrating my singleness akala kasi nila magtatagal kami ni Jasper. Akala nila dumating na ang Prince Charming na magbabago sa pagiging fuckboy ko. Well they are wrong, ang isang linggong pag-uusap, pagkikita at pagtatalik ay hindi na nasundan pa. Sanay naman ako sa mga ganoong eksena lalo na kung nakilala mo lang sa isang gay/dating app tulad ng Grindr, Blued, Tinder at sa makulay na Alter world ng Twitter. Sa edad kong bente uno, hindi ko na mabilang kung ilang lalaki ang dumating sa buhay ko at sa kama ko. Kidding aside hindi pa lang talaga siguro dumarating ang tamang lalaki para sa akin.
I was dancing when someone caught my eye sitting in a stool at the bar counter. Mag-isa siyang umiinom at sa tuwing may lumalapit na babae sa kaniya ay parang tinatanggihan nito. He looks familiar so I decided na lapitan siya. And I was right the guy was Marco, one of the most handsome geek sa university namin.
"Hi!.. You're Marco right?... Im Ethan!" Pagpapakilala ko sa kaniya ng makalapit ako.
"Marco?... Bakit... Bakit mo ko kilala?" Sabi nito na tila wala sa sarili.
"We are schoolmates. Tourism ang course ko, ikaw education diba?" Sagot at tanong ko sa kaniya.
"Schoolmates?... education..." Bigkas ni Marco.
"Are you okay?" Tanong ko kasi parang lasing na ito.
"Ahh oo... okay lang ako." Sagot naman niya.
"Sige alis na lang ako mukhang mas gusto mo ang mapag-isa." Malungkot kong sabi. Si Marco kasi ang isa sa mga campus crush ko, bukod kasi sa angking kagwapuhan nito ay kilala siya sa pagiging matalino.
"Huwag... Dito ka lang... Ahm kailangan ko ng kausap." Pagpigil niya sa akin ng aktong aalis na ako. Naglulumundag naman sa saya ang isip ko noong mga oras na iyon.
"Are you sure? Okay lang sa iyo na nandito ako?" Pagpapakipot ko pa.
"Oo.. oo naman, may problema lang." Sabi niya.
"Mukhang mabigat yan ahh, wanna share?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya. Nagkwento nga si Marco at base sa kwento niya mukhang may family problem ito. "You know what, may alam akong solusyon diyan?"
"Solusyon?" Tanong ni Marco.
"Gusto mo makalimot sa problema diba?" Tanong ko rin. Tumango ito bilang pagsang-ayon.
Sinubukan kong dukutin sa bulsa ang dala kong ecstasy ngunit mukhang naiwala ko siya. Inaya ko si Marco na sumama sa condo ko para doon ituloy ang pag-iinuman namin. Pero bago kami umalis ng bar tinawagan ko ang kaibigan ko na si Julian para hatiran ako ng ecstasy. Pumayag naman ito at matapos ko nga siyang kausapin sa cellphone ay umalis na kami ni Marco sa Bar na iyon. Halos madaling araw na ng makarating si Julian sa condo. Nagulat pa nga ito ng makita na kasama ko si Marco, marahil tulad ko ay hindi rin makapaniwala na ang isang gwapo at matalinong estudyante ng university namin ay marunong din pala uminom ng alak at gumamit ng drugs.
Maraming beses na naulit ang mga pagkikita namin ni Marco sa condo ko. Nag-iinuman kami at nauuwi sa pagtatalik. Masasabi kong magaling sa kama si Marco, ang katawan niya ay talagang hahangaan mo. Ngunit lingid sa kaalaman ni Marco habang kami ay nagtatalik ay vini-videohan ko ito at ina-upload sa Alter account ko sa Twitter. Ine-edit ko muna ang mga video para matakpan ang mga mukha namin bago ko siya i-upload. Dahil na rin siguro sa mga hot scenes namin ni Marco nagkaroon ako ng maraming followers sa Twitter. Marami rin ang nag-aabang sa mga sex video namin kaya sa tuwing high kami sa droga inaaya ko siya para may marecord ako at mashare sa Twitter.
Kapag nasa school naman ay parang ibang tao si Marco. Tila hindi ako nag-eexist sa kaniya. Minsan kasing nakasalubong ko siya hindi ako pinansin nito. At ng makausap ko si Julian ganoon din pala ang trato sa kaniya ni Marco sa school. Isang araw napagkasunduan naming tatlo na magkita sa condo ko at mag-inuman. Habang nagpapakalango kami sa alak ay may nabasa akong comment ng isang follower ko sa Twitter na babayaran daw ako ng twenty thousand pesos if I'll upload a sex video na kita ang mukha ni Marco. Dahil na rin siguro sa kalasingan at wala na sa tamang pag-iisip nakipag deal ako. Inaya ko si Marco sa loob ng kuwarto ko para mag-sex habang si Julian naman ang taga video. Tinakpan ko ng damit ang aking mukha para hindi ako makilala. Sobrang init ng pagtatalik namin at dahil doon hindi na nakatiis si Julian at nakisama na rin sa kama habang patuloy pa rin ang pag-video.
Matapos ang eksenang iyon ay agad kong inupload sa twitter ang video at wala pang isang oras marami na ang nag-share at re-tweet nito. Dahil threesome ang nangyari dinagdagan ng follower ko ang binayad sa naging deal namin at hinatian ko si Julian sa perang nakuha ko. Mabilis na kumalat ang sex video kahit sa university namin, marami tuloy ang tumuligsa kay Marco. Isang araw naririnig ko ang usap-usapan na baka patalsikin siya sa school kaya hinanap ko ito. Nakasalubong ko si Marco sa Dean's office ng education at umiiyak. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad pero nagtatakbo ito dahil ayon sa mga kaklase niya na-expel na raw siya.
Ilang buwan matapos ang insidenteng iyon, ni-raid ang condo ko kasabay sa pag-raid ng bahay nila Julian kung saan nahuli ang kaniyang ama. Ang raid na iyon ay saktong-sakto sa pakikipag orgy ko sa tatlo ko pang mga kaibigan sa Twitter. Puro kahihiyan ang nangyari sa akin na halos itakwil ako ng aking pamilya. Binugbog ako ng Daddy, walang araw na hindi niya ako minumura at pinagbubuhatan ng kamay. Samantalang ang mga kuya ko naman ay nandidiri sa akin at kagaya ng Daddy ay nakakatikim din ako ng pambubugbog sa kanila. Tulad ni Julian si Marco lang din ang nasa isip ko na tatraydor sa akin.
Nahanap ni Julian kung saan nakatira si Marco sa probinsya nila, matapos noon tinawagan niya ako para sa isang planong paghihiganti. Noong mga panahon na iyon ay nakakausap ko na rin ang dating nobyo ni Marco na si Kurt. Kaming tatlo ay nagsabwatan sa pagkidnap at pag-rape sa kaniya. Ibinalik ko rin kay Marco lahat ng Pambubugbog, tadyak at sampal na nakamit ko kay Daddy at sa mga kuya ko. Hindi ko siya tinantanan hanggat hindi ko nakikita ang maiitim na pasa sa kaniyang katawan.
"Iyong nanay niya patay na ata." Sabi ko nang makita ko ang nanay ni Marco na tila nahihirapan ng huminga sa sulok.
"Ha? Paanong namatay?" Tanong ni Kurt sabay tingin sa kinaroroonan ng ina ni Marco.
"Hindi ko alam Kurt. Bigla na lang nangisay at bumula yung bibig." Natatarantang sagot ko sa kaniya.
"Ano nang gagawin natin?" Si Julian. Nag-isip muna si Kurt bago ito muling nagsalita.
"Tapusin na natin ito." Mariing sabi ni Kurt. Nagkatinginan kami ni Julian na tila sumang-ayon sa gustong ipahiwatig ni Kurt sa mga huli niyang sinabi.
Binuhat ni Kurt ang nanghihinang katawan ni Marco samantalang si Julian naman ang bumuhat sa ina niya. Habang sakay kami ng van, tinuturo ni Kurt ang daan papunta sa isang bundok sa Laguna kung saan balak niyang itapon ang mga katawan ng mag-ina. Ilang oras din ang nilakbay namin at madilim na rin nang makarating kami sa isang gubat. Kitang-kita ko kung paano pinagsasaksak ni Julian si Marco, samantalang si Kurt ay pinagtabi ang mga bangkay nila at tinabunan ng mga sanga at dahon. Makalipas ang limang taon pinilit kong kalimutan ang mga nangyari pero lagi akong dinadalaw ni Marco sa panaginip at kinokonsensya. Minsan iniisip ko parang nasa tabi ko lang siya at naririnig ang bawat iyak niya habang pinarurusahan namin siya. Literal na nawalan ako ng direksyon sa buhay, hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral at nawalan na ako ng balita kila Julian at Kurt.
Araw at gabi nilulunod ko ang sarili sa matinding kalasingan para lang malimutan ang masamang nakaraan. Tulad ngayon nasa isang bar nanaman ako at nagpapakalunod sa alak para pag-uwi sa bahay ay makatulog ako agad. Dahil pasuray-suray na pinaalis ako ng bouncer sa bar na iyon. Nahihilo akong naglalakad sa kalye at pinipilit na kumapit sa pader para lang hindi ako matumba. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay nagsimula na akong magsuka.
"Pssst..." Tawag sa akin ng isang lalaki habang lumalapit ito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top