PROLOGUE
PROLOGUE
07-26
"Settle down class. May bago kayong kaklase ngayon." Malumanay na saad ng babaeng guro na nakatayo ngayon katabi ko sa harap ng klase.
Tumigil ang hagikhikan ng mga estudyante at bumalik na sa kani kainlang upuan. After that, lahat ng mga mata nila ay natuon sakin.
"Siya si Fall. Fall Serene Monasterio. Transferee sya from Manila." Pagpapakilala niya sakin sa klase at tsaka lumingon sa gawi ko.
"May gusto ka pa bang idagdag, Fall?" aniya gamit ang masaya nitong tono.
Matamlay na tingin ang ginanti ko sa kanya bago ilipat yun sa mga 'magiging' kklase ko.
"Wag nyo kong papakealaman." pagsisimula ko.
"Hindi ko din kailangan ng kausap. Don't approach me. I'm not interested in any of you." I answered plainly na nagpatigil sa kanila maging sa guro namin.
What? ngayon lang ba sila nakarinig ng mga ganong salita? or don't tell me, hindi sila nakakaintindi ng English? Should I translate my last words then? God.
"O..kay? Pili ka na ng gusto mong upuan." Alanganing saad nito, lumakad na ko't dumiretso sa bakanteng upuan sa dulo ng room.
Malapit iyon sa bintana kaya kitang kita ko ang grass field kung san may mga naglalarong estudyante.
What a sight.
Kitang kita mula dito kung gaano sila kasaya sa larong yun.
Napakasimpleng mga tao.
Napakasimple ng lugar na to.
Sa sobrang simple, ang sarap tumakas.
Kung pwede lang sana. Kung kaya ko lang.
Kung pwede lang akong bumalik sa dati.
"Before your first exam this semester kailangan nyo munang gumawa ng isang proyekto para makompleto nyo ang mga requirements for the preliminaries." anunsyo ng pangalawa naming guro sa araw na to.
It's already the month of July kaya nasasali na sa usapan ang exams, I was left behind for more than one month sa discussion nila pero kaya ko pa naman sigurong habulin...
On the second thought, hindi ko naman kailangan ng mataas na grado kaya bakit ako maghahabol? Para san pa ba yun?
Eh wala na din namang patutunguhan ang buhay ko.
If it's not just because of lola and tito Jigs ay hindi na sana ako mag-eenroll pa. Masyado lang nila akong kinulit and unfortunately, I can't turn them down.
Anyway, another annoying thing about this old public high school institution is that they are giving eight exams kada school year. What the fuck, right?
"Kailangan nyong kumuha ng mga litrato ng mga magagandang tanawin dito sa Sitio España at pagkatapos ay gagawa din kayo ng maikiling journal entry na naglalarawan sa naging karanasan nyo sa pagpunta nyo sa mga lugar na yun."
Matapos ipaliwanag ng guro ang proyekto ay kanya kanya reklamo na ang mga kasama ko sa klase.
As for me, napairap nalang ako't tahimik na tumanaw sa bintana. The sun is giving tremendous amount of heat today. Maybe it is harmonizing sa init ng ulo at dugo ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"This project is by pair kaya pili na kayo ng kapareha nyo." Dagdag pa ng guro kaya medyo nakahinga ng maluwag ang mga tao sa paligid.
Really?
What's so good in pairing?
Madalas nga ay aasa nalang sayo yung kapareha mo dahil ang siste ay parehas naman ang magiging grado nyo.
Why are they happy because of that?
"Okay, 24 lang naman kayong lahat at so far meron nang pitong pairs na nagpalista. Sino nang sunod?"
I shifted my gaze sa unahan para sana itaas ang kamay ko't magsabi na di ko kailangan ng kapareha pero may nauna sakin.
"Yes, Krauss?" tanong ng guro sa estudyanteng nasa katapat kong silya sa likod.
"Yung tranferee po ang kapareha ko." sabi nya na nagpagitla sa sistema ko.
Transferee? Ako yun ah!
Anong pinagsasabi ng taong to?
Medyo nag-ingay ang klase ng may isang babaeng nagreact sa kabilang gilid ng room. What now? Gusto nya bang kapareha tong lalaking to? Edi kanya na!
Bat nila ko dinadamay?
Pinanlakihan ko ng mata yung lalaki nang makitang isinulat na nga ng guro ang pangalan namin sa notepad na dala niya.
Dahan dahang lumingon din sya sakin pero parang wala lang sa kanya ang ginawa kaya seryoso na ulit itong tumingin sa harapan.
What the hell?
Hindi ba't nasabi ko naman sa intro ko kanina na ayokong pinapakealaman ako?
Na hindi ko sila kailangan?
Bakit sya nagdedesisyon na di man lang nagtatanong kung gusto ko man lang ba ng kapareha?
Kung gusto ko ba syang kapareha? ARRGGH!
Even the people of this freaking place is annoying!
Nang dumating ang lunch time ay sinundan ko sya sa paglabas ng room. Imbes na sa canteen ay sa library sya pumasok.
Huh!
Alam na ba nyang bubulyawan ko siya kaya sa lugar na bawal mag-ingay sya pumasok? Tss, duwag naman pala.
Nang makaupo na sya ay saka ako lumapit at umupo sa tabi nya. Oo, sa katabi nya at hindi sa harap nya!
Lulumpuhin ko paa nyang nasa ilalim ng mesa eh.
Nang makaupo ako ay tinutok ko na ang paningin ko sa kanya, napalingon na din sya sakin.
"Epal ka ba talaga?" pauna kong tanong sa kanya.
His face went blank at first na para bang hindi nya alam kung bakit ko sya kinakausap pero maya maya ay mukhang nagets nya din, ngumiti sya ng tipid at medyo umiwas ng tingin.
I was about to kick his feet under the chair nang bigla syang humarap ulit.
"No, miss. Wala pa kasi akong kapareha kanina at wala ka din naman kaya naisip ko na tayo nalang." simple nyang sagot at gaya ko ay di din inaalis ang paningin sakin. He is showing me a casual look.
"Tinanong mo man lang ba kung kailangan ko ng kapareha?"
"Kailangan mo dahil by pair ang project." counter nya which made me scoff. Pinipilosopo pa ata ako.
"FYI. I.can.do.that.fucking.project.alone!" Inis kong sagot sa kanya, giving emphasis on each word that I said.
Nakakagigil ang calmness sa mukha nya, leche!
He just lightly sighed after blinking two times then shifted his gaze on his notebook na nasa harap nya sa mesa.
"Sorry, miss. Kung ganyan mo kaayaw ng kapareha, sabihin mo nalang kay Miss Fortuna na individual nalang tayong gagawa." calm nyang sagot kaya kusa nang tumaas ang kilay ko.
"Ako pa? Hindi ba't ikaw ang nagpalista sa pangalan natin dun? Ikaw din ang magpabura non!" I said while keeping my voice down kahit kating kati na kong sigawan ang taong to.
He looked at me again but this time he is using his serious expression, "Ikaw ang may gustong humiwalay sakin, kaya ikaw din magsabi nyan kay miss." he retorted at tumayo na sa pwesto nya para tumingin ng mga libro sa shelves.
I bit my lower lip and closed my eyes for a sec to control my temper.
Damn.
I HATE HIM!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top