KABANATA 3




Kabanata 3

07-28

Pagkarating ko sa library ay naglabas na ko ng mga art materials, mula sa colored paper hangang sa color pastel na dala ko.

"O ayan, kumpleto na yan, ako na sa mga gagamitin kaya ikaw nalang gumawa nyan mag-isa ha?" I said at inirapan sya bago mag-nap sa mesa. I'm not in the mood to do this project!

Maya maya ay naramdaman kong may pinatong sya sa ulo ko.

"Ano ba?!" Mejo napalakas na sambit ko kaya may mga napalingon sa table namin pero ano naman? Hindi ko sila tinapunan ng tingin pero itong si Mallari ay kabilaan ang pag-ngiti at bahagyang pagbow as a sign of saying sorry sa mga naabala sa pagbabasa. Tsk!

"Pakigupit nalang po nyang printed na pictures, kahit yan nalang po miss. Ako na dito sa lahat madam." Nang-aasar nyang utos sakin kaya napapatiim bagang nalang talaga ko sa kanya.

     "Bakit ko naman gagawin yun ha?" palag ko bago ibalik sa kanya ang mga papel.

"Ako nagpaprint kaya ikaw gumunting. Just like how you bring this materials kaya ako na ang gagawa. Sounds fair right?" dagdag nya pa bago ngumisi at ibalik sakin ang mga yun, nagsimula na sya sa paggawa ng parte nya.

GRRR

"Sounds fair right? nyenye, pag umpugin ko kayo nun ni sir Paleos eh." I fired back.

He looked at me with his confused pair of eyes, "Sir Paleos?"

"Sir Paleos, diba paleos means old? Si sir natin kanina oldies na diba? may tupak pa nga ata eh, lakas mang-preach." I expalained and gave him a quick smile then frowned again.

He looked at me and turn his eyeballs side ways then slowly shake his head while smiling bago yumuko. "Silly." He mumbled pero nadinig ko naman!

"Silly pala huh? Eh kung batuhin kita ng lithos jan?" I fired back kaya mas natawa na sya. Tsk! Kala mo naman ang gwapo tumawa tss.

Cute lang naman!

Cute? Gago! san galing yun Fall Monasterio?!

"Matalino ka na nyan?" Sagot niya which made me scoff.

     "Suntukan nalang o? o ano o ano?" I said and showed him my fist.

"Tss." he uttered at bumalik na sa ginagawa niya. "takot naman pala eh." I uttered at gumupit nalang ng pictures.

Pagkatapos ng vacant time namin ay lunch na kaya dumiretso na kami sa canteen after sa library. Punuan ang tables dun kaya nag-aya syang sa rooftop nalang ng admin kami kumain.

I want to say no at first pero dahil hindi pa ko nakakapunta dun ay umuo nalang ako.

"Dito ka madalas kumain?" I asked nang mapansin ang maliit na lamesa na kinuha nya sa gilid.

He smiled and said yes. "Bakit? Kasi tahimik?" tanong ko ulit.

"Yeah. Mahangin din tsaka hindi ako maiinggit sa ulam ng iba kasi ako lang mag-isa dito." pagbibiro nya. I gave him a mocking smile bago nagsimulang sumubo sa pagkain. "Ehem thank you lord sa food." pagpaparinig nya kaya nabilaukan ako.

Agad niya kong inabutan ng tubig at tinapik tapik din ang likod ko. Nang umayos na ko ay tsaka ko sya tinampal sa noo.

     "What was that for?" natatawa niyang tanong habang hinihimas ang noo niya.

"Just eat your food! papakabanal ka pa jan." I uttered at kumain na ulit, maya maya napansin kong hindi padin sya kumakain at tahimik lang sa harap ko, nang lingunin ko siya ay nakangiti nalang itong umiling at nagsimula na din kumain.

Napaka fucking-weird talaga ng gagong to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top