KABANATA 2




Kabanata 2

07-28


Pagkalabas ko ng kwarto para mag-agahan ay sumalubong agad sakin ang amoy ng nilagang kamote na niluluto ni lola. Amoy na amoy yun dahil kasunod lang ng kwarto ko ang kusina ng bahay. Hindi din gasul ang gamit dito sa pagluluto kundi sinibak na kahoy at kung minsan naman ay uling.

     "Apo aba'y gising ka na pala, halika na mag-agahan na tayo." pag-aaya ni lola habang nag-aayos ng pagkain sa hapag.

As usual kamote at kape nanaman ang agahan namin ngayon. Ewan ko nalang talaga kung di ako mapa-utot nito habang nasa klase.

     "La, hindi pa po ba ako pinapabalik ni daddy sa Manila?" I asked in the middle of eating.

Saglit na napatingin sakin si lola bago sumagot.

     "Wala pa syang nababanggit tungkol jan, Serene apo." aniya. I sadly nodded at tahimik nalang pinagpatuloy ang pagkain, pagkatapos ay naghanda na para sa pagpasok sa klase.

     "Bye la, pasok na po ako." paalam ko sa kanya pero bago ako makaalis ay may sinabi pa sya.

     "Dadating din ang panahon na makakasanayan mo ang buhay dito sa ating probinsya, apo. Madaming kamangha-manghang bagay sa lugar na ito. Hintayin mo lang at ikaw mismo ang magmamakaawa para lamang hindi umalis sa lugar na ito."




Hangang sa room ay di padin nawala sa isip ko ang sinabi ni lola.

I just really find it funny.

Like seriously?

Why would I ever beg to stay here? My lola is severely enticed by this place na akala nya siguro lahat ng tao ay mamahalin ng sobra ang lugar na to.

Well. Not me lola, not me.




     "Sino ang makakapagpapaliwanag tungkol sa panahon ng paleolitiko?" tanong ng beki ata na guro namin sa history kaya tumingin nalang ako sa bintana. What the hell is he asking? Paleo what? Polio lang ang alam ko.

     "Miss Monasterio, pwede mo bang ipaliwanag samin?" I heard him call my name.

I looked at him and showed my most bored expression, "Is polio and paleo the same?" bored kong tanong sa kanya nang di tumatayo sa upuan ko. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko pero imbes na ako ang maasar eh yung guro ko pa ata.

What's with him?

     "Stand up Miss Monasterio! Hindi porket transferee ka ay pababayaan ko nalang ang kawalan mo ng manners!" pangpipreach nya sakin kaya magsasabi sana ako ng AMEN kaso biglang sumabat si Mallari.

     "Yes Mister Mallari, why are you raising your hand?" medyo inis nya pang tanong. "Can I answer your question on her behalf sir?" serious nitong sabi.

The class went silent habang naghihintay sa sagot ni sir, naconcious ata sya kaya tumango nalang at umupo sa table nya.

     "Explain now." cue nya para kay Mallari, pasimple na sana akong uupo kaso nakita nya pala, "Tumayo ka lang jan, pag tama ang sagot ni mister Mallari, tsaka ka lang makakaupo." he butted in kaya napairap nalang ako. Hindi nya ata nakita kasi kay Mallari na sya nakatingin.

     "Ang panahon ng paleolitiko ay ang panahon ng lumang bato, ito ang pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao. Ito ay nagmula sa katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang panahong paleolitiko din ang tinuturing na pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan." dire-diretso nyang sagot.

I scoffed and rolled my eyes.

Edi sya na! Ay wait, tama ba sagot nya?

     "Very good Mister Mallari." puri sa kanya ni sir kaya agad na kong naupo. "Talagang nauna ka pa kay Mister Mallari naupo, Miss Monasterio." sarcastic na sabi ni sir, may galit ba sakin to?

     "Ay may order po ba dapat ang pag-upo, sir! Sorry po." kunwareng painocent kong tanong. I heard some low laugh sa paligid pero natabunan din yun nang magbell na.

Kagat labing umalis nalang si sir dahil sa inis siguro sa tabas ng dila ko pero wala akong pake dun.


     "Hindi ka dapat sumasagot ng ganon sa mga teachers, Fall." pangppreach din sakin ni Mallari na bigla nalang umupo sa nasa harap kong upuan sa room, pagkalabas ni sir.

     "AMEN." sarcastic kong sagot sa kanya at maglalagay nalang sana ng earpod nang pigilan nya ang kamay ko.

     "What?" Inis kong sambit at kinalas ang kamay nya sakin.

"Our next subject is vacant at mas maganda sigurong gawin nalang natin sa library yung portfolio na paglalagyan nung project natin, kesa sa magsound trip ka lang dito?" di ko malaman kung serious o nang-aasar yung pagkakasabi nya nun pero wala akong isinagot kundi masamang titig lamang.

Pero knowing him, hindi sya papatalo kaya tumitig lang din sya pabalik using his damn casual face!

Sa huli ay tumayo nalang ako at dinala ang mga gamit ko. "Fine!" I answered which made him show that small smile of his again!


     "Fucking epal!" dagdag ko pa bago nauna nang pumunta sa library.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top