KABANATA 18


Kabanata 18

08-27

     "Fall, magsisimba ka ba ngayon, apo? Aba'y tumayo ka na dyan, mag-aalas singko na." Sabi ni lola bago lumabas ng kwarto ko dala ang baso na pinag-gatasan ko kagabi.

It's been weeks simula nang kinailangan ko na ng gatas para lang makatulog. One time, I even slept with my earphones on para lang madivert ang isip ko. I tried to play pop and even christmas songs pero ewan, parang ang lungkot padin? Damn, why am I even sad?

Bakit Fall Serene?

Dahil ba hindi ka tinirhan ng fried chicken ni tito Jigs 'gahaman sa manok' Monasterio mo kagabi?

Dahil ba napapansin mong may something sa mga tingin ni Faye sa kuya mo?

My god, that leech! Pati ba naman si kuya?

So, ano? Pagsasabayin nyang landiin ganon?

ABAAA

IBA DIN NAMAN PALA ANG KAMANDAG NYA EH NO?

TSS

So, ano nga Fall Serene?

Bakit ka malungkot?!

     "Hoy Serenidad! Tumayo ka na dyan!" Sigaw ni tito at binato pa ko ng hinubad nyang damit. "YUCK! ANG DUGYOT MO TALAGA TITO JIGORYO!" Banas kong sigaw sa kanya bago itapon ulit ang damit sa direksyon nya.

     "Hoy! Anong Jigoryo? Ang pangit mo mambansag pare ha!" Palag nya pa. "Eh ikaw? Wala kang originality tito! Si San Miguel lang tumatawag sakin nyan eh!" Sagot ko ulit at tsaka padabog nang tumayo.

Hays! Kundi lang para kay lord ay di pa ko lalayo sa higaan ko. Ang sarap pa matulog, leche!

     "Oh bakit? Kayo ba? Bakit may pa call sign?" Pang-aasar nya pa pagdaan ko sa kusina kung san lumalamon nanaman sya.

     "Alam mo yung 'bestfriend' tito Jigs? Palibhasa old person ka kaya di mo yun alam tss kawawang nilalang, di mahal ni rold." pang-babara ko sa kanya at pumasok na ng banyo namin bago pa ko tamaan ng pandesal na kinakain nya.

Serenidad?

Err, naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko sa Manila. Kamusta na kaya sila? Maybe they are mad at me dahil sa pagputol ko sa kung ano mang paraan para macontact nila ko. I badly want to see and hear their voices again pero siguro, hindi muna ngayon.

Tsaka na kapag ka-level ko na ulit sila.

Nakakahiya naman kasi kung kaibigan nila ang isang katulad ko na magulo na nga ang buhay, biktima pa ng kahirapan.

Well, hindi naman kami ganun kahirap since may trabaho naman si tito Jigs at nakakakain naman kami ng sapat sa isang araw. Hindi na nga lang kasing ginhawa ng buhay ko noon.

Pero, come to think of it, I honestly feel like .. I am more happier now ... than before.

Feeling ko kasi mas nakakahinga ako dito kesa nung nasa Manila pa ko. Para kasing mas less yung expectations sakin ng mga tao sa paligid and hindi ko din kailangan makipagsabayan sa mga luho ng kung sino.

Mas peaceful.

Mas ramdam ko na buhay ako.

God,

am I really having this thoughts?

Mahal ko na ba ang Sitio Espana?

Wow.

I can't believe I am asking this question.

Nakakagulat how fast my feelings changed.

Parang kailan lang ay isinusumpa ko ang lugar na to.

We really can't predict a persons feelings. Lahat talaga nagbabago.

Parang kami ni Krauss.

     "Body of Christ." He said, saglit akong napatitig sa tinapay na nasa kamay nya bago nagsalita, "Amen" I uttered pero mejo naghang din ata sya kaya mejo matagal din bago nya inilapag sa kamay ko ang tinapay, I did not bother to look at him that whole time though.

Hindi naman kasi ako dapat sa kanya pumila pero dahil agad na naubos ang kay father ay wala na kong choice kundi lumipat sa kanya. Saktuhan ba naman na ako na ang sunod sa linya saka pa naubos ang ostya ni padre? Alangan namang umatras pa ko sa pagtanggap ng tinapay mula sa kanya?

I quickly stepped aside and did a sign of the cross bago bumalik sa pwesto namin nina lola.

     "Kakanin muna tayo?" pag-aaya ni tito samin ni lola. "Pass muna po ako tito, tsaka la hindi na po muna ako sasabay sa inyo pauwi. Pupunta po muna ako sa school, naiwan ko po kasi yung libro ko sa Math, nandun pa naman po yung assignment ko para bukas." I said and slightly smiled at her.

Pinayagan naman ako ni lola kaya iniwan ko na sila ni tito Jigs sa tindahan ng bibingka. Parang may gustong itanong sakin si lola pero inaya na sya ni tiio na bumili at hayaan na kong umalis.

Wala si Kuya Shaun ngayon dahil bumalik muna sya ng Manila to get his other stuffs sa bahay ni tita Claire, he'll be back later, sabi nya baka before dinner daw ay nakauwi na sya.

I miss him already though. Ang clingy ko ba? Ganun kasi talaga kami ni kuya sa isa't isa. We're like the life line of each other, kaya nga sobrang nawalan ako ng gana sa buhay nang mawala sya. That's also one of the reason kung bakit sobrang inis ako sa lugar na to noon, feeling ko kasi mas napalayo ako sa kung nasan man si kuya.

Pagdating ko sa school ay dumiretso na ko sa room para kunin sa maliit na kabinet ang libro ko. Madali ko lang yung nahanap dahil yun lang naman ang laman ng kabinet ko.

Nang paalis na sana ako ay napansin ko ang isang kabinet na medyo nakaawang. Nang malapitan ko iyon ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan ni Krauss sa pinto nito.

'Krauss Joseph Mallari'

Pagbasa ko sa isip ko and a small smile automatically formed on my lips. How I miss spending time with him.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa naisip.

Kailan kaya namin maibabalik yung dati? Yung walang ilangan, yung walang pangangamba dahil sa feelings namin para sa isa't isa?

Bahagya kong sinilip ang loob ng kabinet nya, may nakita akong isang kulay dilaw at plain covered na notebook sa ibabaw, kasama nun ang iba nyang libro at ilang bond papers. Ang organized naman ata ng kabinet nya? Edi sya na talaga ang perfect!

Anyway, Ang kapal naman ata ng notebook nyang to? Or is it really a notebook?

Should I check?

Wala naman masama diba? Hindi nya naman siguro diary to? Pfft sya? May diary?

Akmang hahawakan ko na sana iyon nang biglang bumukas ang pinto ng classroom.

     "Ohh, may tao pala dito." saad ng isang babae na may maamo at malumanay na boses. God. She's so beautiful!

     "Krauss, baby. Is she your classmate? Parehas ata kayong makakalimutin." she said with a chuckle. They are holding each others hand at mukhang nagkakatuwaan sila habang papasok, nga lang eh nakita nila ako kaya natigil ang tawanan nila.

The lady seemed very friendly though, nakangiti padin sya sakin ngayon kahit na ngayon palang kami nagkita. Krauss seemed shocked at first pero agad ding naging seryoso ang ekspreyon nya.

He did not even bother to introduce me to her.

Dalawang beses na nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila habang bahagyang nakaawang ang bibig ko. Nang marealize ko na kung ano tong nakikita ko ay napayuko nalang ako at nabigla pa ng maalalang hawak ko nga pala ang pinto ng locker ni Krauss.

     "Oh I - I - I'm sorry, na-nakita ko lang na-na nakabukas kaya isa-isasa-sarado ko sa-sana." Paliwanag ko bago isarado yun at magpaalam na sa kanila. "Sige ha, una na ko sa-sa inyo." I bid and nagmadali nang lumabas ng room.

Fuck!

Ang dami ko naman atang utal dun?

Hindi ko din alam pero patakbo na akong lumabas hangang sa makaabot ako sa gate at pumara ng tricycle.

Seriously?

What's wrong with me?!


Bakit parang may bumara sa dibdib ko?

Bakit ganito?

Bakit naiiyak ako?

Bakit--

Bakit parang masakit?

San ako nasaktan?

Damn!

     "San ka po ma'am?" tanong ng tricycle driver, napatingin ako sa kanya at di na namalayan ang pagbigkas ko sa lugar na yun, "Sa- s-sa Bundok Marahuyo p-po." nauutal kong sagot.

The driver even asked me if I'm okay, God! Am I okay? As much as I want to nod at him ay napailing nalang ako't sinabing bilisan nya nalang ang pagmamaneho.

Pagbaba ko sa sasakyan ay patakbo ko ding tinahak ang daan papunta sa Marahuyo, may mga nasasalubong ako sa daan at ramdam ko ang tingin nila pero hindi ko na yun inalintana.

All I care about is what I am feeling right now!

Gago, baliw na ba ko?

Bakit naiiyak ako?!

Pagdating ko sa baba ng bundok ay tumigil muna ako para huminga, I placed my hand on top of my knees bago huminga nang malalim para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. I even looked up just to stop them from coming out.

When I found the courage to continue walking, dun na din unti unti nahulog ang mga traydor kong luha. The next thing I know is that nahanap ko nalang ang sarili kong umiiyak sa di ko malamang dahilan habang nakaupo sa tuktok ng Marahuyo.

Oh my God.

Why did I let this place see this weak side of me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top