KABANATA 16


Kabanata 16

08-14

Sobrang bagal nang naging paglalakad ko sa hallway dahil sa pag-iisip, may mga nakabangga na din sakin dahil sa pagmamadali sa pagpunta sa rooms nila pero hindi ko na yun pinansin. My mind is so occupied with thoughts of Krauss. God! He's literally making my mind tangled!

Nang malapit na ko sa room ay natigil ako dahil parang gusto ko syang balikan sa rooftop. I want to ask him kung ano bang problema nya? Anong meron?

I was about to do it, kaso paglingon ko ay nakita kong kasunod ko na din syang naglalakad. He was still meters away from me kaya napaharap agad ako sa unahan at nagmadali nang pumasok sa room.

Gagi, concern ka ba sa kanya, Fall? Bakit naisipan mo pang bumalik? Matapos ng pang-aaway nya sayo this past few days?

Balak mo bang i-comfort sya kanina? HAYST!

     "Class, settle down! May papakilala ako sainyo." I heard our teacher said kaya napatingin na kaming lahat sa unahan. I saw kuya by her side kaya naalala kong ngayon nga pala ang first day nya dito sa school!

Nandon nga din pala sya kanina nang harangin ako ng unggoy na yun! Teka, ano na kayang nangyari dun? Naiwan pa naman sya with kuya, tsk. Sana lang hindi nasobrahan si kuya sa kanya.

Black belter pa naman si kuya sa Taekwando!

     "Meet your new classmate, Winter Shaun Monasterio." pagpapakilala sa kanya ni ma'am. The whole class automatically looked at me after that and when I say whole, kasali na dun si Faye na mukhang gulat na gulat.

Inirapan ko nalang sya pero dahil dun ay nalipat ang tingin ko kay Krauss na mukhang gulat din sa nadinig.

Ano bang kinakagulat nila?

Na classmate namin si kuya kahit mas matanda sya samin? Ang O.A naman ng gulat na yan ha.

     "Winter, baka may gusto kang sabihin sa kanila." saad ni ma'am kay kuya, "Wait, sana lang hindi kasing harsh ng introduction ni Fall yang sayo ha?" natatawang dagdag ni ma'am kaya napangiti nalang si kuya at umiling. My other classmates laughed too.

Tss, anong problema nila sa intro ko? Straightforward at walang halong kaplastikan nga iyon eh!

     "Hi, I'm Winter Shaun Monasterio." he said at lumingon sakin bago ngumiti nang pilyo, I lift my upper lip at him at ganon din sya bago ilipat ang tingin sa direksyon ni Krauss, "BROTHER of Fall Serene Monasterio." he added with emphasis sa word na brother.

Okay, alam kong proud syang kapatid niya ako pero bakit kailangan pang may diin? Kailangan with feelings?

He looked at everyone and lowkey na ngumiti, "I hope we can all get along." he said before finally finding a seat.

     "Hey bro, pwede ba ko dito sa harap mo?" kuya asked Krauss, wala kasing nakaupo sa harap nito dahil nag-drop yung classmate naming nag-oocuppy nun noon.

Hindi ito agad sumagot, nakatingin lang sya kay kuya na para bang hindi nito naintindihan ang tanong, "Hey, pwede ba?" pag-uulit ni kuya kaya mukhang natauhan na siya.

Tumango nalang ito at yumuko na parang may iniisip. I saw kuya stifle a smile at pasimple pang lumingon sakin pagkaupo nya, nginuso nya sakin si Krauss kaya pinaliitan ko sya ng mata.

     "Ano?" I mouthed at him but he just laughed inwardly bago humarap sa unahan. Parang baliw to si kuya, nahulog siguro to sa hagdan nina tita Claire kaya sya ganyan. I should ask tita later.

     "It is not impossible for individuals to love someone as much as they love themselves." turo samin ng prof namin sa Philo, last subject namin to this morning kaya sobrang nagkakanin na ang paningin ko. Hays, ang tagal naman magturo nito ni sir!

     "What can you say about that Miss Monasterio?" biglang tawag ni sir sakin kaya nawala ang antok at gutom ko, I even pointed at myself to ask him kung ako ba talaga tinawag nya. I heard kuya stifle a laugh dahil dun. Tss, mamaya ka sakin!

     "Tama naman po sir." simpleng sagot ko at umupo na ulit.

     "Pano naging tama?" napatayo ulit ako dahil may pafollow up pa pala sya, GRR "kasi ikaw nagsabi sir eh." sagot ko ulit tapos nagtawanan naman mga kaklase ko.

Anong nakakatawa mga parechong? Maging si kuya ay umiling-iling pa sakin. Patago akong umakto as if kukutungan ko sya.

     "Aside from that reason?" tanong ulit ni sir, "ayoko po ng maraming rason pero para matapos na to sir, our mom loved our dad tulad ng pagmamahal nya sa sarili nya, in fact mas higit pa nga dun eh. My mom loved my dad so much na kahit sarili nya pinabayaan nya na. She even died because of her love for him kaya naniniwala po ako na it is not impossible for individuals to love someone as much as they love themselves, they can even love someone more than themselves pa nga po eh." mahaba kong sagot na nagpatahimik sa lahat maging kay sir.

I saw kuya look at me with concern pero nginitian ko lang sya ng tipid, tumingin ulit ako kay sir to wait kung may tanong pa sya kaso tumunog na din ang bell, kaya umupo nalang ako't nag-ayos na ng gamit.

     "You didn't have to say that, Serene." sabi sakin ni kuya nang pauwi na kami sa bahay. "Ang alin kuya?" I asked him dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy nya, "Earlier kanina sa philo, the story about mom and dad." he said kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad.

     "I'm sorry kuya, does that hurt your feelings?" maingat kong tanong.

Tipid syang ngumiti bago umiling, "I just don't want you to think about those things anymore. Mahihirapan kang makamove-on sa nangyari sa pamilya natin kung lagi mong inaalala ang mga pinagdaanan ni mommy noon. She's in heaven now and I'm sure na gusto nya na tayong magmove-on sa mga nangyari sa nakaraan." he retorted bago huminto at humarap sakin, he held both of my shoulders at tiningnan ako sa mata.

     "Let's just continue our lives while thinking about how mom would like us to be. I am sure gusto nya na hindi na tayo malungkot dahil sa mga alaala ng nakaraan. Magkasama na tayong dalawa kaya wala nang malulungkot, okay?" he gently said to me, which made my heart feel mom again. A tear escaped from my eye because of that, "Yes, k-kuya. I'll try. I wan't to be happy too. I want us to be happy. Mom wants that." I answered before removing the tear in my cheeks and smiled at him.

He playfully pinched my cheek and umayos na ng tayo.

     "Mom wants you to be honest too kaya ayan, kausapin mo na yan si Mallari, bago ko pa kayo pag-untugin." he said kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko, I looked behind me and saw Krauss standing in front of a padyak.

He is not wearing his uniform anymore. Ano nanamang kalokohan to?

     "Ano to kuya?" naasar kong tanong sa kanya pero lumayo na sya sakin at kumawaykaway pa paalis.

     "Take care of my sister, Krauss. Uwi mo sya samin before 7." nakangiti pero authorative na sabi ni kuya kay Krauss, the latter just smiled and salute at kuya using his two finger.

Aba't? Close sila? kelan pa?

     "Ano yan? papasakayin mo ba ko jan?" I asked Krauss nang tuluyan nang mawala si kuya. He chuckled and nodded at me kaya napairap nalang ako. "Bat ako sasama?" I teased him and acted na inis padin ako kahit na feeling ko ay okay na ko sa kanya. Okay as in napatawad ko na agad sya sa hindi nya pagpansin sakin at sa mga weird nyang ganap nitong mga nakaraang araw.

     "Sorry na, please. Sama ka na sakin, miss ma'am." he said using a very dramatic voice which made me grimace at him. Natawa pa sya sa kalokohan nya.

      "I'm sorry for acting like a jerk lately, Fall." pauna nyang sabi, I folded my arms and listened to him. "I just needed some time to sort out my feelings and to understand myself too." he continued at dun na kumunot ang noo ko.

     "What do you mean?" I asked but he just come near me at sya na mismo ang naglapit sakin sa padyak para pasakayin ako.

     "San ba tayo pupunta ha?" I asked nang mapansing parang pamilyar ang dinadaanan namin. "Marahuyo." he simply answered.

     "Marahuyo? As in Bundok Marahuyo?" I asked again, he smiled and nodded without looking at me.

     "Bakit? Anong meron dun?" tanong ko ulit. Tumigil sya sa pagpapadyak bago tumingin sakin.

Whoa, bakit pang commercial naman ata ang datingan nya ngayon?

Even the simple movement of his hair na hinahangin sa harap ng mga mata nya ay parang ang gandang tingnan.

Napalunok ako sa di ko malamang dahilan. Bakit parang .. parang .. parang sobrang nagagwapuha— ACKKK

He showed me a small smile before speaking,

     "Moments of us. Our past moments .. and the future too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top