KABANATA 1




Kabanata 1

07-27

The deadline for the project is on the first week of August at dahil 27th of July na ngayon ay kailangan na itong asikasuhin.

God! second day ko palang pero ang dami nang kailangan trabahuhin. Kahapon, bago ako umuwi ay pinapunta ako ng mga guro sa mga opisina nila para magbigay sakin ng mga copy ng nauna na nilang lessons. I-review ko daw yun in preparation para sa preliminary exam na magaganap sa second week of August.

Speaking of the project, sinubukan ko nang sabihin sa Filipino teacher namin na individual ko nalang gagawin yun pero BAWAL daw.

Napakafucking-malas ko talaga.

"Hoy!" dinig na dinig kong tawag sakin ng isang babae kahit na naka-earpods ako pagdaan sa canteen. Hindi ko na sana sila papansinin pero inulit nya pa ang pangho'hoy' sakin.

The guts of this bitch.

I ejected one of my earpod at tsaka sya pinagtaasan ng kilay, asking what the hell does she need from me.

Lumapit sya sakin kasama ang dalawa nya pang kasama. Are they some kind of female gangsters or talagang papansin lang?

"Palit tayo ng partner sa project." sabi-- teka, more like an 'utos' nya sakin, saglit na nanliit ang mga mata ko pero agad ding gumuhit ang maliit na ngiti sa'king labi.

This bitch looks familiar.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" medyo nanggigigil niyang aniya pero imbes na sagutin sya ay inilipat ko ang tingin ko sa lalaking papasok sana ng canteen.

You just came on the right time, jerk.

"Mallari!" Tawag ko kaya napalingon sya sa gawi ko. The bitches in front of me also looked at him, pasimple pang nag-ayos ng buhok ang babaeng ang lakas ng loob mang-utos sakin kanina.

I walked three steps towards him, sinigurado kong tama lang ang distansya para marinig nya at ng mga babae sa likod ko ang sasabihin ko.

"Simulan na natin yung project mamayang dismissal." I plainly said and smiled victorously within me nang makadinig ng impit at inis na pagrereklamo sa likod ko.

No one ever dared to 'hoy' me and give commands at me, bitch!

On the other hand, alanganin lang na tumango ang kaharap ko bilang sagot, I took that as a yes kaya umalis na ko sa lugar na yun.

Habang naglalakad ay naalala ko na kung saan ko unang nakita yung babae, she is one of my classmates. Siya din yung nag-react nang sabihin ni epal na partner kami sa project.

So, she likes that man? Masyado naman siyang pahalata.

Well, ano pa bang aasahan ko? Halos lahat naman yata ng kababaihan sa mga gantong lugar ay mukha lang ang tinitingan sa isang lalaki.

Oo, gwapo naman yung si Mallari pero napaka-epal at self-centered naman! Walang pake sa opinyon ng iba. Ang lakas makapang-asar ng mga tingin at tono ng boses nya. Kung makacounter statement pa ay akala mo eh sya na ang pinakamatalino sa lahat.

Damn him and his good for nothing face!

Nang tumunog na ang bell para sa dismissal sa last period ay isinukbit ko na ang bagpack ko sa kanang balikat at naglagay na ulit ng earpods sa tenga.

Malapit na ko sa pinto ng may marahang humila sa braso ko.

Agad kong inalis ang pagkakakapit nya sakin pagkaharap ko at akmang tatabil na sana pero natigil nang si Mallari ang makita ko.

     "What?"

"You said we'll do the project after class." he said pagkatapos nyang saglit na tumingin sa kamay nyang napabitaw sakin.

Shit. Oo nga pala.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumango sa kanya. I let him lead the way dahil hindi naman ako maalam sa mga lugar dito sa sitio.

All I know is that Sitio España is named like that dahil puros Spanish designed pa ang mga bahay dito. It was just named recently, like 2 decades ago? I don't know basta yun lang ang alam ko.

"Mag fafive nadin kaya sa pinakamalapit na lugar nalang muna tayo para makauwi din agad." he said that without looking at me.

Pagkababa namin sa tricycle ay nauna ulit syang naglakad.

When I saw the path na kailangan pa daw naming lakadin ay napairap nalang ako.

"Phones nalang ba gagamitin natin or may dala kang iba jan?" I asked just to be able to say something dahil kanina pa ko natutuyuan ng laway dahil wala ni isa man lang samin ang nagsasalita habang naglalakad dito sa  mahaba at hindi sementadong daan na napapagitnaan pa ng mga matataas na talahib.

"Our phones. Let's just see mamaya kung alin ang mas may malinaw na camera then yun nalang gamitin for the shots." he answered habang naglalakad padin sa unahan ko, walang gana nalang akong tumango kahit di nya naman nakikita.

After almost 10 minutes of walking ay kailangan pa daw naming tumaas sa isang mababang bundok which is Bundok Marahuyo, kaya napakamot nalang talaga ko.

Fuck, I'm so tired!

"Pinakamalapit my ass!" I blurted na napalakas kaya lumingon sya sakin.

Akala ko ay may sasabihin sya'ng pangbara kaya sinamaan ko na sya ng tingin but in return he just let out a small smile at bahagyang umiling bago ulit naglakad pataas sa bundok.

Gago!

Imbes na magreklamo ay pinilit ko nalang ang sarili kong umakyat, napahawak na ko sa tuhod ng finally ay marating na namin ang tuktok. I hurriedly took out my phone from my blouse pocket at tinapat ang camera ko sa --- oh damn.

I moved one step forward to give my self a clearer view of the scenery below. Dahil sa pagkamangha ay dahan dahan ko na ding naibaba ang phone ko at tinago muna ulit yun sa bulsa ko.

"This is .. amazing." I unconciously said and looked sideways para makita pa ang kabuuan ng tanawin.

Mula sa taas ay kitang kita namin ang mga kabahayan at mga matatayog na puno at talahiban sa sitio. What amazed me is that, hindi lang pala kung san san lang nakatayo ang mga kabahayan dito, may pattern sila!

The houses are constructed while following a damn pattern!

"ESPAÑA." I read the formed word by the houses below.

Seriously? Who designed this thing?

The school and other institutions are encircling the houses na nakasunod sa pattern, ang pattern ay ang spelling ng pangalan ng Sitio which is España.

"God. I can't believe that this place can amaze me like this." even the trees are in harmony with the pattern.

"I can't believe you'll be amazed by this too." rinig kong sabi ni Mallari na nakatayo din malapit sa pwesto ko. He took a shot of the scenery at naglakad palapit sakin to show me the image.

     "How's it? Mas malinaw ba sa kuha mo?" he asked me kaya agad akong nabalik sa realidad at kinuha ulit ang phone ko.

"Wait, I forgot to take one." I said at finocus na ang camera sa baba. Muli syang umatras palayo to give me space. I took a quick shot at tiningnan muna yun bago ipakita sa kanya.

I saw him looking at his phone and smiled a little bago ulit lumingon sakin.

"Done?" tanong nya at lumapit na ulit sakin nang tumango ako. I showed him the pic and saw na same lang naman ng linaw ang kuha namin kaya sa huli ay nagdecide nalang kaming parehas kumuha ng litrato at gawin nalang yung collage.

Dahil magdidilim na ay napagkasunduan naming sa kanya kanyang bahay nalang isulat ang journal entry namin for that place.

Anyway, ang pangalan nga daw ng site na yun is Bundok Marahuyo. Base sa explanation sakin ni Mallari, marahuyo means 'to be enchanted' kaya daw ito pinangalanang ganon ay dahil kahit sinong makakakita sa tanawing handog ng lugar ay mamamangha, mabibighani kumbaga.

Well, I hate to admit it but I agree kaya tumango nalang ako sa kwento nya. I guess, this place has finally given me one good thing about it.


After eating dinner ay dumiretso na ko sa study table ko to write an entry.

'I was enchanted. That was the only words I can say after witnessing the scenery at Mount Marahuyo. It's beauty has captured me real hard. It's beauty had changed a certain belief in me. I guess, not all bad places are entirely bad. It still has a beauty in it.'

I let out a small smile after writing that on my sticky note.

Err, small smile huh? Bigla ko tuloy naalala ang weird na si Mallari. Epal na nga wirdo pa!

Napakaarte naman kasi ng teaher na yun eh, bakit ba kasi kailangan by pair pa to gawin e ang dali dali lang naman? Filipino naman ang subject nya, tagalog na tagalog lang nam--- teka ... gago tagalog?


"LECHE! IN TAGALOG NGA PALA DAPAT ANG JOURNAL ENTRY KO!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top