MARAHUYO II

[Sistema]

Las Felipinas, ika-labing
anim na siglo.

Sa pagtatapos ng ika-labing anim na siglo, karamihan sa mga lugar ng bansa ay nasakop na ng mga espanyol. Ang mga tao ay nalaganapan na rin ng kristyanismo at sa susunod pang tatlong daang taon sa ilalim ng pamumuno ng Espanya at sa impluwensya ng mga padreng espanyol.

Sa ika-labing anim na siglo ng Las Felipinas, ang antas ng pamumuhay ng mga tao ay nahahati sa iba't ibang katayuan. Ito ay ang Maginoo (noble class), Maharlika (warrior class), Timawa (freemen), Alipin (dependent class), aliping namamahay (serfs) at aliping saguiguilid (slaves).

Ngunit kung iyong mapapansin, ang mga tunay na Pilipino ang siyang sumasaklaw sa mababang uri ng katayuan habang ang mga mananakop ang siyang tinitingala sa bansang pag-aari ng mga alipin na ito.

Sa palengke ng Maynila, naroon ang mag-inang nagtitinda sa tabi-tabi dahil sila ay walang puwesto sa loob ng pamilihan. Nagtitinda sila ng mga palamuti na nakapatong sa karwahe na tanging pag-aari nila.

Humigpit ang hawak ng batang babae sa kaniyang ina nang makakita ng dalawang guardia civil na seryosong papalapit sa kanila. Napatingin din ang ina dahil doon at nanlaki ang mga mata nito dahil dito.

Akmang tatakbo na sila bitbit ang kanilang karwahe ngunit isang putok ng baril ang nagpatigil sa kanila. Nanginginig ang mag-inang lumingon sa dalawang guardia.

Ang isa ay tinutukan sila ng baril habang ang isa naman ay sinipa ang karwahe dahilan upang mahulog ang mga paninda nila. Napaluha na lang ang mag-ina at napaluhod habang ang mga kastilang sundalo at natatawang umalis dala-dala ang kanilang armas.

Napasilip ang mga nagtitinda sa kanila at ang iba ay nagdasal. Ang luha na nagmumula sa isang pilipino na nakaramdam ng pang-aabuso mula sa mananakop sa sariling bansa na kaniyang pinagmulan. Sapagkat ito ang reyalidad...

Ang sistema na kung dapat ay tapat at pantay-pantay sa lahat, ngunit ang katotohanan ay matagal nang bulok hanggang sa kasalukuyan.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top