MARAHUYO I

[Mabuhay ang Bagong Kasal!]

Las Felipinas, 1571.

Sa paglipas ng panahon, mula sa taong 1521 kung saan ang mga babaylan at diyos-diyosan ang naroroon, dumating ang mga mananakop at pinangalanan ang isla sa katawagang Las Felipinas.

Ang desisyon ay nagmula kay Ferdinand Magellan, isang Portuges na lumilibot sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Hinango niya ang pangalan ng Las Felipinas kay King Philip II ng Espanya.

Ngayon ay isang simbahan ang nabuo sa bansang Pilipinas sa pagdating ng mga espanyol. Ito ay kilala sa katawagang Iglesia de San Pablo de Manila (San Agustin Church). Ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.

Bumukas ang pintuan ng simbahan at nagsimulang humakbang si Marife sa pasilyo. Napatingin sa kaniya ang lahat ng bisita at pinagmasdan ang kumikislap nitong kasuotan na nagmula pa sa ninuno ng ikakasal. Kulay puti itong traje de boda (wedding gown) at sadyang kahali-halina.

Nagsimulang pumasok sa isipan ni Marife ang lahat ng ala-ala nila ng kaniyang kasintahan na ngayon ay kaniyang mapapangasawa na. Ang masasaya at matatamis nilang memorya. Wala sa sarili siyang ngumiti at kasabay niyon ay ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata dahil hindi niya lubos akalaing sa simbahan ang huli nilang pagtatagpo.

Maging ang mga bisita ay nagsimula nang maluha dahil sa seremonyang kay tagal nilang hinintay. Nang makarating si Marife sa altar ay unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap sa larawang ginuhit na kaniyang hagkan simula nang tumungtong sa simbahan at pinagmasdan ang imahe ng kaniyang mapapangasawa na ngayon ay namayapa na.

Sapagkat ang traje de boda na suot ni Marife ay nagmula sa kaniyang mga ninunong babae na ang lahat ng naging kasintahan ay katapusan din ang wakas.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top