Marahuyo

Marahuyo

Mga ARal mula sa nakaraan na Aabog at HUhubog para sa iYO.

Disclaimer: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. May mga lugar at pangyayari na maaaring mabanggit sa istoryang ito na bahagi ng ating kasaysayan ngunit ang mga pangyayari sa kwentong ito ay walang kinalaman at hindi nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga tauhan ay tanging nabubuhay lamang sa nakaraan at sa loob ng isang kwento.

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are fictitious. It is either the products of the author's imagination or used in fictional manners. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

All pictures used on this story aren't mine, credits to the rightful owners.

***

Cess' Note:

Pagbati! Maraming salamat sa iyong pagbisita sa Marahuyo. Ang istoryang ito ay naiiba mula sa mga nakaraang kuwento na aking ginawa dahil ang Marahuyo ay isang Dagli. Nais kong malaman niyo ang kahulugan nito na aking natutuhan kailan lamang...

Ano ang Dagli?

Ang dagli o quick/flash fiction ay uri ng kwento na mas maiksi pa sa maikling kwento. Kadalasan ay hindi ito lalampas sa 1,000 salita, ang iba naman ay pinipilt pang paikliin ito sa loob ng 200 salita. Layunin nitong magkwento nang hindi naisasakripisyo ang kabuuan ng mga pangyayari sa pinakakaunting salita.

Bahagyang komplikado ang dagli dahil kung minsa'y para itong tula, alamat, salaysay, at iba pang mga uri ng kwento. Depende sa manunulat, maaari silang gumamit ng dagli sa kahit ano mang plataporma gaya ng social media na maaaring mag sumite ng hanggang 140-280 letra.

Katangian ng Dagli

Ang dagli ay may tatlong pangunahing katangian:

1. Ang ikli nitong mas maikli pa sa maikling kwento;
2. Pwedeng hindi lumagpas sa isang pahina; at
3. Ang wakas ay hindi konkreto.

Katangian ng Dagli Noon

Ang dagli noon, ayon kay Aristotle Atienza na patungkol sa antolohiya ng kanilang mga nakalap na daglit, ay nagpakikita ng mga kwentong:

- may pananaw ng mga kalalakihan sa patriyarkal na lipunan sa panahon ng Amerika,

- ang dedikasyon at pagiging makabayan sa Amerika, at

- pagsusuyo't panliligaw sa mga napupusuang babae.

Katangian ng Dagli Ngayon

Naging flash fiction o sudden fiction ang dagli sa kasalukuyan. Nadagdag din ang pagsusulat na may temang slice of life o pang araw-araw na karanasan, na kung saan ay laganap sa kasalukuyan.

Source: https://gabay.ph/ano-ang-dagli/

Tunay na napakagandang basahin ng Dagli dahil ito ay mabilisan lamang at ito'y maaari ring magbigay ng aral sa atin. Ito ay nagpapasaya o nagbibigay galak sa mga mambabasa sa oras na nais nilang maglibang.

Isang taon na ang nakalilipas noong huli akong nagsulat at ito ay ang aking akdang Kisapmata. Naisipan kong Dagli ang aking simulan ngayong taon hanggang sa muli kong kayanin na gumawa ng panibagong nobela :)

Ang aking Dagli ay binigyan ko ng twist dahil sa bawat pahina ng kuwento ay iikot ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ang unang beses kong magsulat ng Dagli kung kaya't hindi ko masasabi na ito ay magiging perpekto ngunit gagawin ko pa rin ang best ko. Iyon lamang at nawa'y masiyahan ka sa pagbabasa! <3

Nagmamahal,
Cess.

***

Plagiarism is a crime, punishable by law!

aestheticess // © All Rights Reserved, 2024.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top