Kabanata 72
Kabanata 72
Quit
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Mabilis din ang hininga ni Coreen at napaparanoid na at baka habulin kami ng mga fans at pagbabatuhin.
"Mga walang hiya!" Aniya habang tumitingin sa likuran.
Diretso ang paandar ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Ngayong nasabuyan ako ng icecream, pakiramdam ko kaya nilang gumawa pa ng mas malala pa doon.
Panay ang liko ka para ilagan ang mga sasakyan nang nag ring ang cellphone ko. Mabilis iyon na kinuha ni Coreen.
Sinulyapan ko siya pero hindi ko maiwan ang kalsada.
"Sino yan, Coreen?" Natataranta kong tanong.
"Hello, Wade?" Bungad niya.
Napasulyap ulit ako.
"Si Coreen 'to. We just got harassed by your fans."
Muntik ko nang maibangga yung sasakyan. Wala akong planong sabihin yun kay Wade dahil alam kong magwawala iyon!
"COREEN!" Sigaw ko pero wala akong nagagawa.
Inilayo niya ang sarili niya sakin para maipagpatuloy ang pakikipag usap kay Wade.
"Tinapunan si Reina ng icecream- Yes, umalis siya ng bahay-"
Kinagat ko na lang ang labi ko. Isa rin yan sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin 'to kay Wade. Damn! Kinuha din ni Coreen ang cellphone niya.
"It's all over the internet? Kakaalis nga lang namin ng mall- Okay, here she is-" Inilahad niya sa akin ang cellphone ko habang ang isang kamay niya naman ay malikot na tinitignan ang Facebook niya.
Marahan kong kinuha ang cellphone. Nanunuyo ang lalamunan ko. Patay ako kay Wade!
"Gosh! Yung picture nating tinatapunan ng icecream, nagtrend agad. Tsk! The power of fame nga naman."
"Hello?" Nilagay ko ang cellphone ko sa tainga.
Papaliko na kami papunta sa village namin. Napabuntong-hininga ako. Natakasan ko ang fans niya!
"Ba't ka umalis ng bahay, Reina?" Mariin at seryoso ang tono ng boses niya.
"K-Kasi... pinagalitan ako. I want to take a break-"
"Listen... Gusto kong sa bahay ka lang. Wa'g kang lalabas hanggat di ko sinasabi... hanggat hindi kita pinupuntahan."
"O-Okay..."
Natahimik siya ng ilang sandali. Narinig kong suminghap siya.
"Damn stupid fans!" Dinig ko ang frustration sa boses niya.
"Hindi naman nila kasalanan. Wala silang alam, Wade." Nanginig ang boses ko.
Hindi ako makapaniwalang pinagtanggol ko ang fans niya!
"Shan, and the fans, huh? Wa'g kang lumabas ulit ng bahay niyo. Nasan ka na?" Tanong niya.
"Papasok ng village. Malapit na sa bahay." Sagot ko.
"You stay there. Hindi ko na hihintayin si Mr. Manzano at ang buong bandang makabalik bukas. I'll call you later, Reina. Promise me hindi ka lalabas."
"Promise... Pero, Wade, hindi ba dapat antayin mo sina Zac? Sina Mr. Manzano?"
"I called them, Reina. Alam na nila ang tungkol sa prescon. Bukas pa yung usapan, but what's the point, I need it now..."
"O-Okay."
Nipark ko agad ang sasakyan namin. Tinignan ko si Coreen na panay ang titig sa mga pictures namin sa internet. Nang ibinaba ko na ang cellphone ko ay agad kong kinalas ang seatbelt at lumabas ng sasakyan.
"Coreen, come on! Labas na! Punta tayo sa kwarto!" Sigaw ko sa nakatunganga paring si Coreen.
"Look, Reina! May mga kakampi ka!"
Lumabas siya at ipinakita sakin ang cellphone niya.
Sa tabi ng mga pagmumura at mga pambabash ng fans, may ibang nag cocomment ng matino.
"Hindi ba noon pa man, kinaklaro na ni Wade na wala silang relasyon noon pa? Hindi kaya totoo yun? And this is his true girl? Finally nakabalik na galing ibang bansa?"
"Hindi naman si Reina yung naglalandi sa picture ah? Si Wade naman! He initiated so why are we attacking her?"
"Wade cheated? Hindi ba noon pa man sinabi niya ng wala silang relasyon ni Shan?"
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang nakitang may mga tao din palang ganito. Yung hindi pinapangunahan ng galit nila.
Mabilis kong hinila si Coreen papuntang sala. Ganun parin ang bahay, mukhang nandoon parin ang buong pamilya ko sa dining room.
"Reina..." Narinig ko ang isang pamilyar na boses galing sa likuran.
Bumaling ako sa nagsalita at nabigla nang nakitang nakapamulsa si Liam at nakatayo sa likod ng sofang inuupuan ni Coreen.
"I'm sorry about what happened." Nakita ko ang guilt at lungkot sa kanyang mukha.
"It's not your fault. Ako dapat ang mag sorry. You're right, pinaasa kita unconsciously... I'm sorry..." Nilapitan ko siya habang pinapanood kami ni Coreen.
Hinaplos ko ang braso niya. Tinignan ni Liam ang kamay kong nakahaplos sa kanyang braso at nakita ko pa lalo ang lungkot sa mga mata niya. Yes, it's all my fault. Pero gaya ng sabi ni Wade, may masasaktan sa mga desisyon namin. Marami. Mga fans, mga taong malapit samin, mga nagmamahal samin, maging ang pamilya ko.
Yumuko na lang ako at tinalikuran si Liam.
But nothing will change my mind. I won't make that same mistake again. I won't leave him again...
Binuksan ni Coreen ang TV at agad bumungad samin ang special news tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng pinakasikat na artist for the past 3 years.
"Bukas pa makakauwi ang tatlo sa bandang Going South kasama ang manager nilang si Mr. Manzano..." Ulat ng reporter.
Ang ipinapakita naman sa TV ay ang mga flash ng camera at isang pintuang dinudumog ng media.
"Paparating na si Wade Rivas para sa prescon na dapat ay bukas pa."
Itinuro ni Coreen ang pintuan.
Nanliit ang mga mata ko at nakitang paparating na si Wade. Papasok na siya sa silid na iyon. Maingay at halos nagkakagulo sa pag uunahan ng mga photographers nang nagpakita na si Wade.
Diretso ang lakad niya sa isang presidential table. Pinapalubutan siya ng mabibigat na tao.
Kinuha agad ni Wade yung microphone, kahit wala pa namang nagsasalita o nagtatanong na reporter.
May ibinulong sa kanya ang isang babaeng propesyunal at mukhang isa niya pang manager bago siya hinayaang magsalita. Tumango si Wade at tumingin sa mga reporter na nag aabang.
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy. Hindi ko na rin hihintayin na magtanong kayo. I know what you want. You want the truth, then I'll give you the truth."
Bahagyang nagkagulo ang mga reporters. Kahit sa background ng camera man ng estasyong ito ay may naririnig akong bulung-bulungan. Gusto nilang makalapit pa kay Wade para maging mas klaro yung sasabihin niya.
"Four years ago, I met this girl. Reina Carmela Elizalde, mayaman. We all know that. May ari yung pamilya niya ng isang napakalaking kompanyang nag aangkat ng barku-barkong hardware and construction materials. And I'm just a simple boy from the province."
Panay ang click ng mga camera. Sanay na sanay na siguro si Wade sa mga flash, hindi siya natitinag sa bawat flash ng camera, eh. Tinitigan niya ang audience na ngayon ay sobrang tahimik na.
"Matayog ang pangarap ko. Gusto kong gumraduate sa magandang paaralan, maka achieve ng laude, at pumasok sa isang sikat na banda. Kaya nang nakapasok ako sa pinapasukan niyang university, sinabihan ako ng kaibigan ko, makipaglapit ako sa kanya, makipag kaibigan, para makapasok naman ako sa banda ng kuya niya."
Tumunganga ako sa TV. Naaalala ko simula nung umpisa. Naaalala ko lahat, nung una naming pagkakakilala.
"Syempre, hindi ko naman siya kilala, gusto kong subukan para lang makapasok sa banda. I was so desperate. Pero hinarangan ako ng kuya niya. I got so mad. Hindi ko pa nga nasisimulan, may humaharang na sakin." Suminghap siya. "I tried to avoid her. But I just couldn't resist her innocent charms."
Dito pa lang, nahihirapan na akong huminga. Pinaawang ko ang bibig ko para naman mas makahinga pa ako. Titig na titig ako sa TV, ganun rin naman si Coreen sa kabilang sofa. Unti-unti akong umupo sa sofa.
"Yes, naging magkaibigan kami. I was hard on her. I even bullied her. Kasi ayaw ko sa kanya. Kasi masyadong mayabang. Yes, true, may masamang balak ako, pero hindi ko naman ginawa. Napasok ako sa banda ng kuya niya. I enjoyed it. And she was there... she was always there watching me. I hated it... And I loved it. Magulo ako kasi magulo din ang utak ko. Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhumaling sa kanya. Buong akala ko ako yung may plano, ako yung may bitag para sa kanya, but no, it was her trap."
Nanginig ang labi kong nakaawang. Nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko.
"Isang araw, umamin siya saking gusto niya ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako, but it wasn't the first time na may umamin sakin. I've been with girls, and I've heard them say the same thing. Ngunit siya yung umamin na nanginig din ako. I couldn't believe it! Hindi niya ba nakikita? Mayaman siya, I'm just nothing. Mahuhusgahan ako sa oras na magiging kami. Her brothers will be furious, I'm sure. Pero kahit kailan, di niya pinaramdam sakin yun. Para bang walang barriers, walang mayaman, walang mahirap."
Tumigil si Wade. Doon ko na realize na hindi lang yung lalamunan ko ang barado. He was trying so hard to breathe normally too!
Namuo ang mga luha ko sa gilid ng mga mata. Blurry na ang TV para sakin pero patuloy akong nanood at nakinig.
"Dinala ko siya sa province namin, sa Alegria. She was really simple. Hindi siya nagreklamo nang pinasakay ko siya sa kalabaw namin." Humalakhak siya. "Hindi siya nagreklamo sa putik. Hindi siya nagreklamo sa maliit naming bahay. Walang reklamo sa tricycle, walang reklamo sa lahat! And like I said, mayaman siya, hindi siya sanay sa mga ganun. That's why she's really weird for me..."
Tumulo na ang luha ko pero hindi ako humikbi. Nanikip na lang ang dibdib ko, para bang na stuck ang lahat ng ihihikbi ko sa lalamunan ko.
"Na iinlove na pala ako sa kanya. I can imagine a future with her kahit mahirap pa noon. Wala pa akong ibubuga. Wala pa akong sariling pera... Wala pa akong maipagmamayabang. Paano ko siya bubuhayin? Hindi naman ako mayaman? Hindi rin ako papayag na mag aabang na lang ako sa mga magulang niya para saming dalawa. YES, po, iyon agad yung inisip ko. Though, I know, deep inside here, she's just a little girl. Hindi niya yun iniisip. Hindi siya ganun ka lalim mag isip tungkol samin. Kaya naman nang nalaman niya yung tungkol sa plano kong gamitin siya para lang makapasok sa banda ng kuya niya, she left me..." Natigilan siya. "She left me for her dreams. Ang sakit. I thought it was my trap, but it was hers... Alam mo yung feeling na siya yung unang umamin pero ikaw yung naiwan? Siya yung may mababang pride na agad umamin, pero ikaw na matayog ang pride, ikaw rin yung hindi maka move on?"
Hindi ko alam na makakaliha pala ako ng ganito. Tuloy-tuloy na parang gripo ang luha kong tumulo sa mga mata.
"Ikaw yung dapat nang iwan kasi siya naman yung nag alok ng puso niya. Ikaw yung may karapatang umayaw o umo-o, pero langyang buhay, ikaw pa yung nagmamakaawa. No, it wasn't her fault. It was my fault. Ako yung may masamang plano nung una. But I was too bitter. Gusto kong isiping kasalanan niya. Pero kalaunan, natalo ako ng puso ko. Napasok ako sa Going South. Nag ipon para sundan siya sa France at nakitang may iba siyang kasama. Bumalik yung pagkamuhi ko. Damn her! Ang sabi niya sakin ako mahal niya pero ang bilis naman yata? 17 months pa lang ang nakakalipas ah? Mabilis ba yun o talagang mabagal lang ang pag mo-move on ko?"
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Rozen at Kuya Dashiel na nakatayo at nanonood na rin ng prescon.
"Nagbalik siya. Magulo na naman ang utak ko. I was torn between revenge and making her fall so hard for me so she'll never leave again."
Dumapo ang palad ko sa bibig kong nakaawang. Hindi ko na kayang pigilan ang bawat paghabol ko ng hininga.
"Gusto kong maghiganti, pero isang sabi niya lang sakin na mahal niya parin ako, lusaw na agad ang loob ko. Nakalimutan ko yung paghihirap ko sa loob ng apat na taon. Wade, its another trap. You know her... Siya yung mababa ang pride sa una pero sa huli siya yung mang iiwan. Ang lakas ng loob talaga ng babaeng 'to! Kaya pang ulitin yung ginawa niya noon! Got so mad at her... pero nung nasaktan ko na siya, halos magkabaliw-baliw na ako para lang mapatawad niya. No... Hindi ako kailanman nakawala sa bitag niya. Simula nung nalunod ako, hindi na ako nakaahon ulit. Pride ko na lang ang nagbibigay ng lakas sakin. Kaya imbes na magpakalunod akong mag isa, narealize kong hindi na bagay ang revenge, lunod na ako, dapat malunod din siya. So I made her fall so hard for me that she'll never leave."
Tumahimik siya.
Maingay naman akong humagulhol. Naramdaman ko ang kamay ni Coreen sa likod ko. Pinagmasdan ko siya at nakita kong umiiyak na rin siya at natatawa. Umiling ako at mas lalo pang umiyak.
"Kung itinatanong niyo kung may relasyon ba kaming dalawa ni Shan, sabihin niyo sakin kung may panahon pa ba akong makipagrelasyon sa iba? Reina didn't give my heart a chance to love again or to love another..." Umiling si Wade. "Kung iniisip niyo kung bakit kayo naniwalang may relasyon kami ni Shan, then I don't know. I've been denying it ever since. Though I wanted Reina to get jealous noon, I made her believe that it was true. Pero sa fans, I denied it noon pa man. Sana ganun din ang gawin ni Shan kasi alam niya ang totoo. And to all who are asking about my tats, Reina po ang ibig sabihin nito. Hindi ko ito sinasagot sa press noon dahil ayaw kong malaman ni Reina na patay na patay parin ako sa kanya pagkatapos ng apat na taon."
Humugot siya ng malalim na hininga.
"Now, this life won't make her leave me again... Patapos na po ang kontrata ko sa Moon Records next month. Ang kontrata ko naman sa managers ko ay patapos na rin. Yung huling album na nairecord ko, that will probably be my last. I will quit show business."
Maingay ang media sa background. Nagkagulo. Tumango lang ang dalawang katabi ni Wade.
Nalaglagan na ako ng panga.
"What? He'll quit?" Narinig ko si Noah sa likod ni Coreen.
"Pumasok ako sa Going South dahil passion at pangarap kong kumanta... pumasok din ako para magkapera ako at maabot ko siya. Kaya kong magpatuloy para sa passion at pangarap ko dahil nandito na siya. Pero hindi ko po nagustuhan ang reaksyon ng fans. I Didn't like the way you treated her. I'm sorry, Reina. Sorry din po sa pamilya niya. Mr. and Mrs. Elizalde. Sa tatlo niyang kapatid, kay Coreen, sa managers ko, sa manager ng Going South, kay Zac, Austin, at Adam, sa pamilya ko lahat ng mga nasaktan at masasaktan sa desisyon ko... Sorry... At sa fans, salamat sa suportang ibinigay niyo sakin for the past years. Sana suportahan niyo rin ako ngayon. Coz if I were to choose if I'd stay with Reina or be your Wade Rivas, I'll choose to stay with her, coz I'm not Wade Rivas without her. Thank you."
Pumihit si Wade at diretsong umalis sa silid. Sumunod din ang dalawang importanteng tao sa kanya. Natulala na lang ako habang narinig kong nag sisinghapan sa likuran ko ang buong pamilya kong nanunood din pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top