Kabanata 71
Kabanata 71
Ice Cream
Nanunuyo ang lalamunan ko pagkapasok ko sa bahay. Tahimik at mukhang napagalitan lahat ng katulong dahil nakayuko silang sumalubong sakin.
"Sinong nandito, manang?" Tanong ko.
Dumiretso si Rozen sa dining room, nilagpasan niya ako.
"Daddy at mommy niyo po." Sabi ni manang.
"Sino pa?"
"Kuya Dashiel at Kuya Noah niyo."
Tumango ako. Kumpleto kami. Bihira lang itong nangyayari. Sigurado akong seryoso ito at alam ko na rin kung tungkol saan. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagmartsa papuntang dining room.
Naaninag ko yung seryosong mukha ni Dad na tinatapik sa balikat ni mommy. Si Noah naman ay nakanguso at hinihintay akong umupo sa tabi niya. Si Rozen ay nakahalukipkip at nakatitig rin sakin. Si Kuya Dash naman ay nakatayo sa tabi ni Rozen.
Napalunok ako at umupo. Yung upuan lang ang bumasag sa katahimikan.
"Dad..." Sabi ko pagkaupo ko.
"What is this scandal, Reina?" Nanggagalaiti niyang sinabi.
Madalang magalit si daddy. Kaya nang narinig ko ang tono ng boses niya ay bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. He's really angry. Binigyan ako ng worried look ni mommy.
"Dad, si Wade po yung-"
"WHAT ARE YOU TWO DOING? NAGHAHALIKAN SA PARKING LOT?" Tumaas ang tono ng boses ni daddy.
"Dad, it's not like she's a little girl. She's turning 23, for god's sake." Sabi ni Rozen.
"But she's a girl, Rozen!" Sabi ni mommy. "You don't understand."
"I understand, mom. Kung mahal ko, hahalikan ko kung saan ko gusto-"
"Rozen!" Saway ko.
Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Hindi yung ginagawa naming topic ang paghahalikan namin ni Wade sa parking lot.
"Have you seen the photos, Reina? You've been bashed!" Sabi ni daddy.
Tumango ako, "Alam ko po. And I'm ready to face it."
"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka magpapakasal kay Liam?" Tanong ni mommy with that concerned look.
"Yes, mom... I-I'm in love with Wade."
Narinig kong suminghap si Dad at si Kuya Dash.
"Baby, he's a rockstar." Sabi ni Kuya Dash na para bang yan lang ay dapat matinag na ako.
Para bang iyun ang pinaka unang dahilan kung bakit dapat kong iwan si Wade.
"At hindi ba ginamit ka lang niya noon?" Dagdag ni Kuya Dash.
Namutla ako at tinignan ang hysterical na reaction ni daddy at mommy.
"What do you mean, Dash?" Tanong ni mommy.
Yumuko ako at pumikit. Hindi ko na alam kung paano malulusutan 'to. Wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo.
"Bago umalis si Reina papuntang France, niliko siya ni Wade. Ginamit siya para makapasok sa banda ni Noah. She's madly in love with him kaya hindi niya iyon nakita agad." Aniya.
Tumingin si mommy kay Noah.
"Is that true, Noah?"
"Yes, ma." Nakita ko ang lungkot ni Noah sa pag amin niya.
"Pagkakamali iyon." Naiiyak na ako. "Malaking pagkakamali. Totoong... Totoong may plano yung kaibigan ni Wade, pero hindi niya itinuloy yun. Iniwasan niya ako para hindi siya mahusgahan. Pero pinilit ko siyang-"
"Kung hindi niya itinuloy, ba't naging kayo, diba?" Sabi ni Kuya Dash.
Tinignan ko siya. Halos magmakaawa na ako sa mga titig ko. Panay ang tulo ng mga luha ko. Iiyak ako, pero hindi ako magpapatinag. Hindi naman porket umiiyak ay mahina na agad...
"Because our feelings... were true..." Humikbi ako.
"Sus maryosep." Bulong ni mommy habang umiiling.
"At... kung hindi yun totoo, bakit naging kami parin hanggang ngayon diba? Sikat na siya! Hindi niya na ako kailangan! Money, fame, andyan na lahat, bakit ako parin, diba?" Halos sinigaw ko ito sa kanila.
Humikbi ako. Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol. Nilapitan ako ni Kuya Dash ay hinaplos ang likod ko.
"Bakit niyo ba ako pinapangunahan? Bakit gusto niyong si Liam yung mapapangasawa ko? To preserve the bloodline? The money? The fame? Kayo naman pala ang manloloko! Hindi si Wade!"
Nakita kong napaawang ang bibig ni daddy sa sinabi ko. Nagalit siya. Galit na galit. Brace yourself, Reina.
Nabigla ako nang sa patuloy kong pag hikbi ay walang nagsalita.
"Who is this Wade Rivas, anyway?" Tanong ni mommy sabay tingin sa mga kapatid ko.
Bawat segundo na ang paghikbi ko kaya naman hindi na ako makapagsalita ng maayos.
"Wade Rivas..." Sabi ni Rozen. "A poor guy from Alegria."
"Alegria? Yung probinsya lapit sa Camino Real?"
Tumango si Rozen, "Classmate ni Reina noon at vocalist nina Noah noon. Iniwan siya ni Reina dahil sa pag aakalang niloko siya nito. After four years, mom, then boom!" Ngumisi si Rozen. "Nagkabalikan. No communication. No promises."
Nilingon ako ni mommy.
"Anong trabaho ng daddy niya?" Tumaas ang kilay ni mommy.
Hindi ako nakapagsalita. Sa totoo lang, kailangan pa ba yun? God!
"Retired..." Humikbi ako. "Army."
Tumango si mommy at tumaas ulit yung kilay, "How bout his mom, Reina?"
"Teacher."
"How many siblings?"
Napatingin ako sa seryosong mukha ni mommy. SERYOSO? Tinatanong ito?
"One. Boy." Sagot ko.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.
"May piercing ba siya? Sa ears? Anywhere?"
Umiling ako.
"How about..." Nanliit ang mga mata ni mommy, "Tattoos?"
Napalunok ako at tumango.
"A Delinquent?"
Umirap ako, "No."
"Bakit di mo pa siya dinadala dito?" Diretsahang tanong niya.
"Because you'll judge him like how my brothers judged him!" Diretso ko ring sagot.
Huminga ng malalim si mommy at tinignan ang daddy kong tulala.
"How about Liam?" Tanong ni mommy.
"We're friends, mom. Just friends..." Sagot ko.
"Buong akala namin may namumuo na. You were too close..." Sabi ko.
"Close? Kung nakita niyo silang dalawa ni Wade, then you'll the meaning of close." Matabang na sinabi ni Rozen.
Napatingin si mommy sa kanya.
"I'm not against Liam or pro-Wade. Just saying, mom." Aniya.
Bumaling ulit si mommy sakin at tumango. "Bring him here, Reina."
"Not now..." Sabi ni daddy.
Tumango ako.
"Thanks!" Tumayo agad ako at tumakbo papuntang kwarto.
Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikasaya yung nangyari. Hindi ko alam. Kinakabahan parin ako ngayon. Yung alam ko lang ay binigyan ako ng pagkakataon ng pamilya ko. Yun lang.
Nitext ko si Wade:
Pinapapunta ka dito. We'll just set the date, Wade. I'm sorry.
Agad-agad ay nag reply siya:
I will. Thank you. I love you. Wait for me. May aasikasuhin lang ako.
Busy yata siya. Inaasikaso niya pa yung issue. Ano na kayang nangyayari? Ano na kayang meron?
Ilang sandali ay may natanggap akong text galing kay Coreen.
Coreen:
Lecheng Shan! May paiyak-iyak pang nalalaman! Broken hearted daw!? Leche sha!
Nireplyan ko agad siya:
Where are you?
Coreen:
Kumakain sa mall. I've seen the video.
Tumayo ako at inayos ang sarili. I wnat to get out of here. Lalo na ngayong mukhang wlaang plano ang mga magulang kong umalis at magtrabaho. Agad akong lumabas para makapag drive na papunta kay Coreen. Nitext ko ulit siya at nagtanong kung saang mall. Nireplyan niya naman ako.
Coreen:
Wait. Don't go out, Reina.
Pero huli na ang lahat, nasa traffic na ako at malapit na ako sa mall. Narealize kong baka nga bad idea itong ginagawa kong paglabas ng bahay ngayong kasagsagan ng issue. Ano naman ngayon? Anong gagawin nila sakin? Papatayin nila ako? Hindi. Hanggang salita lang sila. Hindi nila magagawa sakin yun!
Pagkapasok ko pa lang ng mall, nakita ko na ang mga nanunusok na titig ng mga tao.
"Reina Elizalde... Siya yung manggagamit?"
Manggagamit? Diretso lang ang lakad ko. Nidial ko ang numero ni Coreen.
"Hello?" Nag aalang sagot niya.
"Nasa mall na ako. Nasan ka?"
"Eto... Nasa gitna." Aniya. "Bakit ka pumunta dito?" Pasigaw niyang sinabi. "Nag i-air pa lang ng statement ni Shan! Nandito sa malaking TV sa gitna ng mall, Reina! You should have stayed home!"
Tumingala ako nang narealize na nasa gitna rin pala ako.
Nakita ko sa malaking TV ang umiiyak na si Shan!
Lumingon-lingon ako para hanapin si Coreen. Nanlaki yung mga mata niya nang nakita ako. Pinatay niya agad ang cellphone at tumakbo papunta sakin.
"You stubborn girl!" Aniya sabay hila sakin.
"Siya yung Reina diba?" Sabi ng isang babae.
"Oo. Yung manggagamit."
"Hindi siya manggagamit!" Sigaw ni Coreen.
Pinaringgan niya lahat ng nakatingin samin.
"Syempre, nasaktan." Narinig kong sinabi iyon ni Shan.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang malaking TV. Patuloy akong hinila ni Coreen.
"Anong masasabi mo sa mga sinasabi ng netizens na ginamit ka lang daw ni Reina Elizalde para sumikat siya? Ginamit niya rin di umano si Wade Rivas para lang magkaroon ng pangalan?"
"Oh my God! Hindi niya na kailangang manggamit! Kaya niyang bilhin pati yang istasyon niyo!" Sabay turo ni Coreen sa malaking TV.
"I don't know... Hindi ko naman alam ang side niya." Sagot ni Shan.
True. Hindi niya alam kung ginagamit ko si Wade o hindi, pero for heaven's sake, kailangan bang mag no comment? Pwede namang sabihing hindi ako ganung tao!
"Mahal mo pa ba si Wade?" Tanong ng host, diretsahan.
"Oo." Madrama niyang sagot sabay tango.
"Nagbreak ba kayo dahil sa third party?"
Hindi siya sumagot. Suminghap lang siya at tumulo ang luha niya. Ngumisi siya pero napangiwi parin sa huli.
SHIZ! ARTISTA! Wala pa naman siyang sinasabing mga kasinungalingan pero nababali yung katotohanan sa simpleng pag arte niya.
"Kasalukuyan nating hinihingi ang side ni Wade, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagsasalita." Sabi ng host. "What can you say about your fans, Ms. Shan?"
"Of course, nagpapasalamat ako kasi nandyan sila hanggang ngayon. Sana wa'g nilang awayin si Reina... She's a girl, too. Mahirap ma bash." Humikbi siya. "Syempre, gusto ko ring protektahan siya dahil hindi ko naman alam yung side niya... pero alam kong malulungkot siya pag nalaman yung mga hinaing ng fans."
Ilang sandali pa ay may niflash sa screen na mga comment ng fans habang binabasa ito ng host.
"Bakit sa kasagsagan pa ng kasikatan nilang dalawa, diba? Kung hindi siya manggagamit, bakit siya nag design ng gowns nila? Pinapasok siya ni Shan sa Fashion Week. Tapos ngayon si Wade naman puntirya niya. I doubt her sincerity."
May nagbara sa lalamunan ko. Hindi ko yata kayang marinig ang mga sinasabi ng fans.
"She's just using Wade for fame."
"She's a famewhore."
"Super! Mayaman lang naman siya. Walang talent."
Dumapo ang kamay ko sa bibig kong nalaglag. Below the belt! What do you know about talents?
"Let's go, Reina." Hinila ako ni Coreen.
Nanghihina na ang tuhod ko kaya madali niya akong nahila. Nagpahila na lang ako. Tulala ako buong panahong hinihila niya ako palabas ng mall. May mga naririnig ako sa paligid, pero binalewala ko iyon.
"Yung plastik!"
"Manggagamit!"
"Famewhore! Sana mamatay na siya! Nakakasira ng relasyon!"
"Kabit!"
"Third party! Cheap! Yuck!"
"Cheap tulad ng gawa niya. Walang talent kaya ayan kumapit sa patalim."
"WadeSha parin ako. Forever. Rot in hell Reina."
Nabalikan lang ako ng ulirat ko nang may nagtapon sakin ng ice cream.
"WHAT THE?" Napasigaw si Coreen dahil maging siya ay natapunan din.
Nakita kong nahulog ang cone galing sa damit ko papuntang sahig. Naiwan ang chocolate ice cream na nagkalat sa damit ko. Meron ding chocolate ice cream na ambon si Coreen. Umamba siyang susugurin yung grupo ng highschool girls na nagtapon nun.
"MGA BRUHA! KAYO MAMATAY!" Sigaw niya habang sinusugod sila.
Hinila ko agad yung braso niya kahit naiiyak na ako. Alam mo yung feeling na nagmamahal ka lang naman pero hinuhusgahan ka na ng lahat. You are the witch of this fairytale, the antagonist of this lovestory... ang sakit. Kasi samin dapat ito ni Wade, pero yung tingin ng lahat ako yung salot. Mamatay na ako? Anong mararamdaman nila pag sila yung sinabihan ng ganun? Anong mararamdaman nila pag hinahahadlangan sila? Well, I guess I shouldn't blame them... They are fed by sugarcoated words. Wala silang alam. Pinagtatakpan lang lagi ang katotohanan. Yung katotohanan, madalas hindi pinapangalandakan.
"Coreen, let's go! Let's just go!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top