Kabanata 66
Kabanata 66
Ang Sapatos
"Congrats, Reina!" Nabigla ako pagkarating ko sa bahay namin.
Kumpleto ang pamilya ko. Nagpasabog ng confetti ang dalawa naming katulong pagkapasok ko. Bihis na bihis ang mga magulang ko.
Nandoon din ang mga pinsan ko, mga tito at tita, at maging ang pamilya ni Liam ay nandoon na.
"Thank you!" Maligaya kong niyakap ang mga magulang ko.
"Congrats, hija! Alam aming may talent ka talaga noon pa, buti na lang at pinayagan ka ni Francis na mag aral sa ibang bansa." Sabi ng tita ko.
Ngumiti si daddy kay tita.
"Sabi sayo, eh. Diyan siya e-excel!" Dagdag ng isa ko pang tita.
Tinignan ko ang mga kapamilya kong nakangiti sakin habang may hawak na mga glass at umiinom ng wine.
"Congrats, Reina!" Sigaw ng isang pinsan ko sabay yakap sakin. "Sikat ka na!"
"Uy, di ah!" Sabi ko.
Ngumisi pa siya lalo at may tinignan sa likod ko. Bumaling ako sa tinitignan niya sa likod ko at agad kong naaninag ang mga bulaklak na dala dala ni Liam.
Halata sa mukha ni Liam ang pangamba at pagiging uneasy sa pagbigay sakin nito.
"Congratulations, Reina." Umamba siyang hahalikan ako sa pisngi ngunit nag iwas ako at nagkunwaring hindi nahalata na ganun ang gusto niya.
Bumaling agad ako sa pinsan kong nakangisi at naghihintay ng halikan saming dalawa.
"Thank you, mom, nasurpresa ako!" Untag ko sa mommy ko nang nakitang lumalapit samin.
"You're welcome, baby. Oh, dinner muna tayo. Diretso na sa garden!" Aniya saming lahat.
Puno ng kwentuhan at kamustahan galing sa mga tito at tita ko papuntang garden. Ni hindi ko pa nabibitiwan ang dala kong bag at flowers na galing kay Liam.
"Ako na magdadala ng bag mo, Reina." Aniya nang napansin ang paghihirap ko.
Napatingin ako sa kanya. Tumango siya at naglahad ng kamay. Hindi ko alam kung nagpapakatotoo ba siya o may kung anong susunod na mangyari. Basta ang alam ko, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
"No, thanks, Liam. Manang!" Tawag ko sa katulong.
Agad kong inabot ang bag ko sa unang lumapit doon.
"Pakilagay po itong bag ko sa kwarto."
Inabot din niya ito agad. Dahil tumigil ako sa paglalakad, nahuli ako sa garden. At dahil sumusunod lang si Liam sakin, sabay kaming dumating sa garden na hawak-hawak ko yung flowers niya.
"UYYYYY!" Tili ng mga pinsan kong babae.
Umiling ako sa kanila at pinagmasdan ang reaksyon ng mommy ni Liam na nasa tabi ng mommy ko.
There's something about tonight.
Nang nakalapit na ako sa long table, binuhat ni Liam ang upuan ko at hinintay ang pag upo ko.
"Ang gentleman talaga ni Liam." Sabi ng isa kong tita. "Bagay na bagay kayo hija." Dagdag niya.
Ngumiti lang ako. Tumabi si Liam sakin. Pinagitnaan ako ni Noah at ni Liam.
"Rozen, where's Kuya Dash?" Tanong ko sa kapatid kong panay ang text habang ngumingisi sa harap ko.
"Out somewhere with his wife." Simple niyang sagot.
"Oh!" Tumango ako.
"Don't worry, Reina, susunod yun." Sabi ni Noah sakin.
Tumango ako at pinagmasdan ang mga relative kong masayang nagkakamustahan.
Noon, tuwing pasko o birthdays lang nagtitipon-tipon ang mga ito. Sa susunod na buwan pa ang birthday ko kaya nakakawindang ang pagtitipong bigla nila ngayon.
"Ilang taon ka na nga pala, Reina?" Tanong ng tito ko.
"I'm turning 23 next month, tito."
Tumango siya at tumingala, "Naku! Young, successful, ano pa bang hihilingin mo Francis?" Tanong niya kay Dad.
Tumawa na lang si Daddy at tumingin sakin sa likod ng kanyang eyeglasses.
"Rozen and Noah? Wala kang dapat ipag alala kasi mga lalaki ito. Itong si Reina, babae, dapat ito yung isettle mong mabuti." Tinuro-turo pa ako ng tito ko.
Napalunok ako at napainom ng tubig. Nahuli kong nakatingin si Rozen sakin, seryoso ang kanyang mga mata, pero agad din siyang bumaling sa cellphone niya.
Dahil iba yung pakiramdam ko, mas lalo akong nakinig sa mga usap-usapan ng relatives ko. Lalo na yung mga usap-usapan nila tungkol sakin. Habang kumakain kami, panay din ang interview sakin ng ibang pinsan ko.
"Grabe, ate Reina, idol ko si Shan at Wade, hindi ako makapaniwalang nakakatrabaho mo sila." Bumungisngis ang pinsan ko.
"Oo nga, ate, I've seen Wade in person noon. Grabe, ang lakas ng dating niya! Plus his tattoos!? Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng tattoo niya? Hindi ako makahanap ng article tungkol doon. Nag google na rin ako about his tattoo, pero walang lumalabas."
"I bet it's Shan's name in latin or some old english text." Kumindat ang isa ko pang pinsan.
Tinignan nila ako na para bang nasa akin ang kasagutan para sa mga katanungan nila.
"I-I don't know..." Nagkibit balikat ako.
Napansin ko ulit yung mga seryosong titig ni Rozen na agad ding bumaling sa kanyang cellphone.
Nagpatuloy ako sa pakikinig sa mga pinag uusapan, lalo na syempre sa mga magulang ko at mga magulang ni Liam.
Hindi nga ako makagalaw ng malaya dito kasi naiilang parin ako kay Liam. Ultimo pag inom ng tubig ay nahihirapan ako kasi pansin kong pinapanood niya ako.
*TING-TING-TING*
Pinatunog ni mommy iyong wine glass sa tabi niya. Parang yung tinatawag ang atensyon ng mga tao tuwing kasal.
Bumaling ang lahat sa kanya.
She cleared her throat before speaking...
"Good evening relatives and friends..." Sabi niya nang nakatingin sakin. "We are all here to celebrate my youngest daughter's achievement. Proud na proud kami ni Francis sa mga narating ng mga anak namin. Dashiel's doing good with our business. At ayun nga, naghihintay na lang kami ng apo galing sa kanya. Rozen's handling the rubber plantation. Malapit na rin yang maging separate sa kay Dash. Itong si Noah naman ay nag iinvest sa mga bar at restaurants, and he's also recording now under Moon Records with Liam Madrigal. Of course, we all know him. And now, Reina's shining sa fashion industry. As a mother, wala na talaga akong maihihiling pa."
Namuo ang luha sa mga mata ni mommy. Yumuko si Dad at para bang may malalim siyang iniisip.
"Meron..." Tumawa siya. "Siguro grand child!"
Humagalpak sa tawa ang mga bisita. Napangiti din ako. Nahh! Si Kuya Dashiel muna. Syempre, hindi pa kami kasal ni Wade. Kahit na loko iyon at simula pa lang ay balak niya na yatang anakan ako, pinipigilan ko parin naman at sinasaway kong gumamit kami ng... alam mo na... proteksyon. Pero minsan, makulit talaga, ayaw, pero madalas, masyado akong nalalasing sa paglalambing niya kaya't hindi ko na iyon namamalayan.
I miss Wade... Ugh!
Lumamig ang ihip ng hangin. Ako lang yata yung nakapansin noon kasi panay parin ang pakikinig nila kay mommy.
"Ngayon, ang mga Madrigal, as we all know, ay matalik na nating kaibigan simula pa noon."
Sinulyapan ni mommy sina tita at tito sa tabi nila.
"They are really close to our hearts. Itinuturing ko na rin silang pamilya. Liam, their son, was with my Reina nung nag aaral pa si Reina sa France. They've been really good friends... and?" Tumaas ang kilay ni mommy.
Pinagtitinginan ako ng aking mga relatives. Umiling ako, pahiwatig na hanggang doon na lang iyon. Mas lalo akong kinabahan sa patutunguhan ng usapan.
She cleared her throat again, "Ngayon, Liam wants to say something for Reina."
Alam ko na... Alam na alam ko na ang mangyayari. At hindi ko alam kung tatakbo ba ako o haharapin ko ito kahit na pamilya ko ang makakalaban ko.
"Reina..." Ngumisi si Liam sakin, pero hindi ko na magawnag ngumiti.
Ngumingisi din ang mga relatives namin habang pinapakinggan at pinapanood si Liam.
"Marami na tayong napagdaanan. We started out as friends... Syempre, doon naman talaga nagsisimula ang lahat." Napawi ang ngiti ni Liam.
Nanuyo ang lalamunan ko. Alam na alam ko na talaga ang mga susunod. Naghihintay na lang ako ng tyempo para sabihin ang mga nasa utak ko.
"Nung nasa Paris pa lang tayo, madalas ito yung laman ng sketchpad mo." Humalakhak siya at namigayy ng limang papel galing sa sketchpad ko.
Iyon ang mga sketch ko noon kay Wade. Dimple lang ang detalye sa mukha. Hindi ko na nilagyan ng mata, ilong at bibig. Namutla ako nang nakitang pinag pipiyestahan iyon ng mga relatives ko.
Tumatango sila sakin at ngumingisi.
"YIIIIIIII!" Sigaw ng mga babae.
Hindi ko na talaga magawang ngumisi.
"And we've been through many things. Nag away na tayo, nagkabati, naging sandalan ang isa't-isa. I've known you too well sa loob ng ilang taon nating pagkakakilala. Now..."
Nasa gilid ko siya at kahit hindi ko siya diretsong tinitignan ay nakita kong lumuhod siya.
Nakakabinging tilian at sigawan ang natanggap namin galing sa mga relatives ko.
"I'm asking for your hand, Reina. I know it's too fast. Pero mahigit sampung taon na tayong magkakakilala. At sa tatlong taon natin sa France, narealize ko kung gaano kita kamahal. i love you, Reina Carmela Elizalde... There's no other perfect man for you but me... Tanggap kita, kilala kita, at sabay tayong lumaki. Please, marry me."
Mas lalo silang nagtilian. Sa gitna ng tilian nila ay napatayo ako. Nangatog ang tuhod ko nang hinarap ko ang tumitingalang pamilya ko. Hinihintay nila ang sagot ko kaya imbes na tumili sila ay nanahimik sila.
Nakaluhod parin si Liam sa gilid ko kaya't hinila ko ang kamay niya ng buong lakas at pinatayo siya.
"Liam, stand up, please..." Buo ang boses ko pero naghuhuramentado na ang sistema ko.
Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa ipinakitang pananahimik ng pamilya ko.
"Alam mo kung anong sagot ko para dito, Liam."
Tinitigan ako ni Liam. Hindi siya makapaniwalang kaya kong sabihin iyon sa harap ng pamilya namin.
"And it's a no..."
"REINA! GODNESS!" Sigaw ni mommy at agad akong tinabihan. "Liam is a good, good boy! He's good for you!"
Nilapitan si Liam ng mommy niya at tinapik ang likod nito.
"Pinlano na natin ito, noon pa, Francis, ther's no turning back." Sabi ng mommy ni Liam sa daddy ko.
"I know..."
Bumaling si daddy sakin. Namuo ang luha ko nang nakita kong hindi malambing ang ekspresyon ni dad.
"Reina, you've been with Liam for a long time. Wala kang ibang kaibigang lalaki bukod sa kanya. Do you have someone else?" Tanong ni dad.
"Dad, kung may mahal man ako o wala, wala kayong karapatan na iengage ako sa isang tao dahil lang pinagkasundo niyo kami. I have my own choice."
"Pero Reina, kailan? You're almost 23. You don't have a lot of friends-" Sabi ni mommy na pinutol ko naman agad.
"I'm just 23. I marry when I want and who I want-"
"You don't just marry anyone, Reina." Umiling si mommy.
Iniisa-isa ko yung mga mukha ng relatives ko. Kitang kita ko ang disappointment sa mga mukha nila sakin. Kitang kita ko ang pananahimik at pagpapakumbaba ni Liam sa harapan nila... Kitang kita ko ang pag iiling ni mommy at daddy.
Noon pa man, alam ko na talagang may plano silng ganito para saming dalawa ni Liam. High school pa lang ako, nakita ko na itong paparating. Pero hindi ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon.
I know and I get it. Mayaman kami. Mayaman ako. We need our wealth just around the family bloodline. Kung hindi man ay dapat mayaman din ang mapapangasawa ko. Not just mayaman, dapat talagang dugong mayaman. wo. I can't just marry a roalan ang mga magulang ko. I can't just marry a rockstar - iyon siguro ang sasabihin nila kung nalaman nilang si Wade Rivas ang gusto ko.
They will judge him... again.
"He's good for you, Reina... He's the right man for you..." Sabi ni mommy out of frustration.
"Ma, it's either I marry him and I'll be forever miserable or I'll marry who I want so I'll be happy. Iyon lang po." Tinignan ko isa-isa ang mga tita at tito kong mukhang disappointed. "Liam's a good man. He's a good good person. And I apologize kung ganito ang magiging decision ko. Kasi hindi naman ito yung decision na alin yung mas magandang sapatos. Na pwedeng yung gusto niyo ang masusunod kasi masisira din naman ito sa huli at makakabili pa ako ng bago. This is a life changing decision... and I choose to marry the man I want to marry. I'm not going to marry just because you want me to marry him. Ako yung magdedesisyon kasi ako yung makakasama nung tao habang buhay."
Natahimik silang lahat. Si Rozen lang yata yung natutuwa sa mga sinasabi ko.
"I-I'm not going to be manipulated..." Again. "I'll run my own life. Kung anong desisyon ko, deal with it. If you don't deal with it, then that's your problem. The question isn't which shoe looks better on me. Ang tanong dito ay kung kasya ba iyon. So, sorry mom, dad, tito, tita, Liam, but the shoe doesn't fit..."
Iyon na siguro ang pinakamahaba at pinaka dirediretso kong sinabi sa harap ng pamilya ko.
Tinalikuran ko sila at iniwang nakalutang lang ang mga salita ko sa ere. Hindi ako magpapakasal kung hindi rin lang si Wade.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top