Kabanata 65
Kabanata 65
Reina and Fame
Nilingon din ni Wade si Liam. Agad nagmartsa si Liam palapit sakin at hinila ang braso ko palayo kay Wade.
"What are you doing, Reina?" Natataranta niyang tanong sakin.
Malakas ang tigidig ng puso ko habang tinitignan siyang naghahabol ng hininga.
"Liam, bitiwan mo si Reina." Tumayo si Wade at nilagay ang kanyang kamay sa mga bulsa.
"Sino ka para utusan ako, Wade?" Matabang na baling ni Liam kay Wade.
Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Liam sa braso ko. Binitiwan niya rin ito pero bakas sa mukha niya ang disappointment.
"Si Wade ang boyfriend ko..." Pag amin ko sa kanya.
Unti-unting napaawang ang bibig niya. Pabalik-balik ang tingin niya kay Wade at sakin. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Parang imposible.
"No... That's not true." Umiling si Liam.
Nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata niya. Unti-unti kong nakita ang frustration sa kanyang mukha. Lumiwanag din ito at mukhang marami siyang napagtanto sa sinabi ko.
"No... No..." Aniya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa seryoso ding nakamasid na si Wade.
"NO, REINA!" Pabiglang sigaw ni Liam nang umamba akong hahakbang na.
Hinila niya ulit ang braso ko. Malakas. Sa sobrang lakas nito ay hindi ko na napigilan ang pagbalik kay Liam. Inilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan niya agad ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang nakapikit siya at hinahalikan na ako. Itinulak ko siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napaatras siya.
"Your kiss won't make her stay, Liam."
Sinuntok ulit ni Wade ang pulang pisngi ni Liam. Nakahawak si Liam sa isang mea kaya hindi siya tuluyang natumba. Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata habang tinitignan si Wade na umaamba ng isa pang suntok.
"WADE! TAMA NA!" Sabay hawak ko sa braso ni Wade.
Huminahon ang nakakuyom na kamao ni Wade. Hinawakan ko ito at pinulupot ko ang mga daliri ko sa kanyang mga daliri.
Napansin ko rin ang mabilis niyang hininga. Hinubad niya ang unang dalawang butones sa kanyang damit bago nagpahila sakin palayo kay Liam.
"And you don't kiss my girl." Aniya.
"Wade... She's not your girl!" Galit na sinabi ni Liam habang inaayos ang sarili at iniinda ang pasa sa mukha.
Naramdaman ko ang pagkuyom ulit ng kamao ni Wade kahit nakapulupot iyon sa kamay ko.
"Kami ang magkasama sa France... Kami lang. Ako yung iginuguhit niya. Ako yung sinasabihan niya ng I love you... At nagpapahalik siya sakin. Now, tell me, Wade, is she really your girl?" Ipinilig ni Liam ang ulo niya.
Ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya kaya nagagawa niya inisin si Wade para makaganti.
"Ano, Liam? Yan ba ang gusto mo? Magyayabangan tayo kung anong mga nagawa niyong dalawa?" He clenched his jaw. "Gusto mo ba talagang marinig kung anong mga nagawa naming dalawa?"
Kinagat ko ang labi ko at hinila si Wade na unti-unti ng humahakbang kay Liam. Nakita kong mas lalo lang nagalit si Liam sa sinabi ni Wade.
"REINA, HINDI KAYO BAGAY!" Sigaw ni Liam at pinasadahan niya ng palad ang buhok niya, tanda na umaapaw na siya sa frustration. "He's just... He's just a rockstar. You're an Elizalde, for God's sake!"
Namutla ako sa sinabi ni Liam. Iyan mismo ang rason kung bakit nagkasira-sira kami ni Wade noon. Masyado kong itinoon ang pansin ko sa estado ng aming buhay. Inisip kong tama si Rozen, maaring gingamit lang ako ni Wade. Tanga ako noon, oo, pero hindi ko kayang magpakatanga ng dalawang beses sa paulit-ulit na pagkakamali.
"Hindi yan ang sukatan, Liam. Walang sukatan sa pag ibig. Kung mahal mo, mahal mo, wala ng tanong tanong-" Humakbang si Wade papunta kay Liam.
Hinila ko ulit siya.
"Liam, stop it." Putol ko kay Wade. "Walang magdidikta sakin kung sino ang mamahalin ko. Hindi ikaw... Hindi ang pamilya ko... Hindi ang pagkatao ko... Ako ang magdedesisyon. Yung puso ko ang masusunod." Nanginig ang boses ko.
Umiling si Liam, "This is wrong, Reina. So wrong..." Naglahad siya ng kamay sa akin. "I'll give you a chance, Reina. Pumili ka na ngayon bago pa mahuli ang lahat."
Napailing na rin ako sa alok niya.
"Reina, pumili ka..." Humakbang si Liam palapit samin ni Wade.
Hinila ko si Wade sa tagiliran ko. Nakita kong kumukuyom niya ang panga niya sa galit. Para siyang naghihintay na lang na kalagan ko ang kamay niya para malapa niya na si Liam sa sobrang galit niya.
"Pili, Reina." Balik ni Liam.
"Walang tanong, Liam. It will always be Wade." Malamig kong sinabi.
Nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata niya. Humakbang pa siya palapit sakin.
"Reina, let's go..." Inilapit niya ang nakalahad niyang kamay sakin.
Nag iwas ako ng tingin. Hindi na napigilan ni Wade ang panggigigil, dumapo na ang kaliwang kamao niya sa labi ni Liam.
"Pili ka, Liam, distansya o ambulansya..." Sigaw ni Wade sa napaatras na si Liam.
Napamura si Liam sa suntok ni Wade.
"You'll pay for this, Wade!" Sigaw ni Liam bago lumabas sa dressing room.
Buong araw akong tulala sa nangyari. Pabalikbalik kong inisip at nireview ang mga nangyari. Masyado kaming naging harsh ni Wade kay Liam. Kaibigan ko si Liam kaya nasasaktan din ako para sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko kasi hinayaan kong maging malapit kaming dalawa.
"Tama ka, Wade, masyado akong naging mahina..." Nasabi ko rin sa kanya ang iniisip ko. "Dapat noon ko pa sinabi sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ito."
Narinig ko sa kabilang linya ang mabigat na buntong-hininga ni Wade.
"It's okay, Reina. I can move the tour. I don't want to leave you here with these prob-"
"WADE!" Pagpuputol ko sa kanya.
Napaupo ako sa kama ko.
"You can't move the tour. Please, ipagpatuloy mo na yan. It's just Liam, we're friends. Pagbalik mo dito, magiging maayos din kami."
Natahimik siya.
"It's okay, Wade."
"Ewan ko, Reina-"
"Wade, gaya ng sabi ko, magpapakatatag ako. Hindi na ako mamamanipula ng pamilya ko. Okay na si Rozen at kaya ko ng magsalita para sa sarili ko. This is my battle. Ako yung dahilan kung bakit nagkaproblema tayo ng ganito kaya bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sayo na kaya kong lagpasan ito."
Mabigat ulit na buntong-hininga ang isinalubong niya sakin.
"Alright, Reina. But I want you to call me all the time..."
Napangiti ako sa sinabi niya. Mamimiss ko siya ng sobra kaya palagi talaga akong tatawag. Hindi ko naman kayang tumawag sa kanya ng 'all the time' kasi alam kong busy siya. Dalawa at kalahating linggo lang naman siyang mawawala, kaya ko naman siguro iyon.
Hindi ko siya inihatid sa airport. Aniya'y pag makita niya raw ako doon, baka umatras siya. Hindi niya raw magagawang humakbang papasok sa eroplano pag nakikita akong nasa lupa pa lang at tinitingala siya. Mabuti. Kasi kahit nasa bahay lang ako ay sumisikip na ang dibdib ko. OA nga, pero talagang ganoon ang nararamdaman ko.
Sinanay niya kasi ako masyadong parati siyang nariyan.
"Reina, nafeature yung gawa mo sa Fashion TV. At may kilalang designer ang pumuri sayo." Natatarantang sabi ni Kira sakin habang ipinapakita yung video sa cellphone niya.
Panandaliang napawi ang lungkot ko sa pagkawala ni Wade dahil sa sinabi ni Kira.
"Ms. Elizalde, gustong ifeature ng isang magazine yung designs mo." Sabi ng isang secretary sa Fashion Week.
"Talaga? O sige, a-ano," Nataranta na rin ako habang hinahalungkat ko ang bag ko. "Pakibigay na lang yung calling card ko para diretso na."
"Wala ka bang secretary, Reina?" Tanong ni Kira.
Umiling ako.
"You should get one! Nag bo-boom na ang career mo, hindi pwedeng wala kang secretary."
Nawindang ako sa unang tatlong araw na nawala si Wade. Tuwing tumatawag siya, marami akong kinikwento at ginagawa.
"Ahh... Mabuti ka pa, nakikita mo ang sarili mo. Ako, hindi kita nakikita." Humalakhak siya.
"WADE? Ano?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hmmmm..." He chuckled again.
Napapaos ang boses niya, bunga siguro ng rehearsal at antok.
"Sayang wala ako diyan para icelebrate yung mga tagumpay mo. Di bale, pagbalik ko."
"What celebrate?" Nanliit ang mga mata ko.
Alam ko kung anong ibig niyang sabihin kahit hindi niya iyon tinutukoy.
"Celebrate... yung ginagawa natin tuwing masaya tayo... at minsan tuwing nag aaway..." Lumambing ang boses niya nang sinabi iyon.
Uminit ang pisngi ko. Darn shiz!
"I miss you, Wade."
"Ahh! I miss you, too, Reina." Narinig ko ang paghila niya sa kanyang kumot. "Too much. Baka mapanaginipan kita nito."
Tumawa ako, "Okay lang naman, pero pwedeng hindi masyadong mahalay na panaginip."
"Bakit naman hindi?" Angal niya.
"Syempre, bad kaya yun." Sabi ko.
"Willing akong maging bad, Reina. Basta para sayo..."
Napangisi ako. Bolero talaga itong si Wade. Sarap kurutin ang singit. Haaay! Nakakamiss!
Halos dalawang linggo na tawagan lang ang ginagawa naming dalawa. Tatlong beses lang kaming nagkita gamit ang isang App sa cellphone. Masyado kasing busy. Iba pa yung oras nila doon dito sa Pinas. Tapos na yung concert nila sa New York, ang alam ko nasa LA naman sila ngayon. Siya pa yung gumigising sa kalagitnaan ng tulog para lang tumawag sa freetime ko.
Masyado akong naging busy sa mga magazine na nag fi-feature sakin. At mamayang hapon, ififeature ako sa isang talk show. Nawindang ako nang nalaman kong may offer na ganito para sakin, sa sobrang saya ko halos ipauwi ko na si Wade dito para makapagcelebrate kami. Ang mokong ay willing ding umuwi. Pero syempre, di ako pumayag. Baka magbayad lang siya ng mahal sa manager niya pag di niya sinipot yung concert.
"Sinasabi ni Shan Melendez na remarkable daw yung mga gown mo. Your designs are unique and contemporary..." Tumangu-tango ang isang sikat na local host.
Nag guest kasi ako sa isang magazine TV na may sikat na host. Naaasiwa tuloy akong sagutin ang mga tanong niya dahil masyado siyang feeling close sakin. Syempre, ganun talaga siguro pag showbiz.
"Uhm, thank you po kay Ms Shan Melendez. Siguro yung tinutukoy niya ay yung mga designs na ipinakita ko sa kanya. Contemporary akong magdesign pero syempre nilalagyan ko ng classic touch, since iyon ang natutunan ko sa Fashion Design school. The design will last if it's simple, elegant and classic."
Tuliro ako sa taping. Ang daming cuts at hindi ako marunong humarap sa camera ng diretso. Tuwing nagsasalita ako, nakapirmi ang tingin ko sa host na patango-tango lang.
"Sino ang inspiration mo sa designs na ginagawa mo?" Tanong ng host.
"Marami. Madalas naiimpluwensyahan talaga ako sa mga mentors ko noon sa France. At pati na rin sa mga idol ko, Balenciaga, McQueen at iba pa." Ngumiti ako sa camera.
"Maswerte ka at nagustuhan ng mga artista ang mga gawa mo. Gusto ko rin tuloy magpadesign! Aha-ha-ha!" Weird na tumawa ang host.
Nagngising-aso na lang ako. Awkward.
"Kilala ang mga magulang mo as bigating mga businessman, tingin mo ba naimpluwensyahan nila ang pag sikat mo?" Tumaas ang kilay ng host.
Natigilan ako sa tanong niya. Bakit wala ito sa nireview kong mga tanong kanina? "Uhmmm... Hindi naman. Hindi naman nakikialam yung mga magulang ko sa career ko. They're busy with our business."
Tumango siya, "Well, siguro ay nakatulong din talaga ang pagpapadesign ni Ms. Shan Melendez sayo tsaka ng boyfriend niyang vocalist ng Going South na si Wade Rivas, right?"
WHUT? Ngumisi na lang ako. Ayokong magbigay ng masamang impresyon sa kanila. Ayoko sanang magsalita pero tumaas ang kilay niya at nakikita ko na ang pagkakainis ng staff sa likod ng camera.
"Sagot?" May narinig akong sumigaw sa mga staff.
"Uhmm... Pwede rin." Madali kong sagot.
Tumango ang host, "Lastly..." Dumungaw siya sa kanyang iPad. "Nakapanayam ko si Wade Rivas-" Natigil siya sa pagsasakita kasi nalunod ang boses niya sa ingay at hiyaw ng mga audience.
Tumawa ang host at umiling.
"He described your design as..." Pinindot niya ang kanyang iPad at nakita kong nanlalaki ang mga mata niya habang binabasa ito sa nakakagulat na tono, "nakakaobsess. Ang galing galing niyang gumawa ng designs. Unique tsaka simple. Kung pwede ko lang pakasalan yung designs niya, pinakasalan ko na." Tumawa ang host. "Nakakaloka naman itong message ni Wade Rivas."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng host. WADE FREAKING RIVAS! WHY THE HELL WOULD YOU SAY THAT?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top