Kabanata 6

Kabanata 6

Friendly

Nagbabasa ako ng libro sa Philo pero yung isang kamay ko naman ay nakahawak ng isang lapis. Mahilig akong magsketch ng mga bagay. Hindi talaga pumapasok sa utak ko yung mga lesson ni Mr. Dimaano.

Kumain ako ng fries at tuluyan ng binitiwan ang pagbabasa ng libro. Bakit kaya mas nasusunod ang mga gusto mo kesa sa mga kailangan mong gawin?

"Pwede bang umupo dito."

Nilapag agad ng lalaki ang tray niya sa table ko. Nakatingin parin ako sa sketchpad. Bihira lana ang lumalapit sa akin. Kaya naman ikinabigla ko ang taong yun. Siguro talagang wala ng mauupuan.

"Sure." Sabi ko ng wala sa sarili.

Nasa loob ako ng isa sa mga cafeteria ng school kaya inaasahan kong maingay. Pero bakit parang naging disyerto sa katahimikan ang isang ito? Naramdaman ko agad ang mga nanunusok na titig ng mga tao sakin.

Napatingin ako sa lalaking kaharap kong ngayon ay parang wala lang na iniinom ang softdrinks niya.

"Wade?" Nanlaki ang mga mata ko.

May binili din siyang fries. Dinampot niya iyon at umambang ipapakain sakin. Uminit ang pisngi ko at napalingon-lingon sa mga tao.

Ngumisi na naman siya pagkatapos ng ginawa ko.

"Gusto mo 'to, diba?" Tanong niya.

"HA? Ano? Ang alin?" Dinapuan ako ng kaba.

"Anong alin? Eto!" Sabay wagayway niya sa isang fries na nasa mukha ko.

"OMG? Si REINA ELIZALDE AT WADE RIVAS?" May makapal ang mukhang bumulong nito kung saan.

Sa sobrang tahimik ay maging ang mga bulungan ay naririnig ko na.

Bumaling ako kay Wade at nakitang kumuyom ang panga niya. Galit na naman siya. Bakit?

"Hindi... Uhm... May fries naman ako." Sabi ko sabay turo sa fries ko sa harap niya.

"Alam ko. Kaya nga sinabi ko gusto mo 'to kasi umorder ka nito, diba? Kaya eto oh, sinusubo ko sayo."

"WHAT?" Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Sabi mo be friendly. I'm being friendly here." Winagayway niya ulit ang fries na iyon.

"Hindi nagsusubuan yung friends." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya, "Para sayo. Para sakin, nagsusubuan yung friends."

Sa sobrang init ng pisngi ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko.

"A-Alright." Marahan akong ngumanga.

WHAT THE FREAK? Is this really happening?

Ngumisi siya at dahan-dahang nilagay sa bibig ko ang fries. May narinig akong malalalim na pag hinga sa paligid.

Nginuya ko ang fries na pinakain niya sakin. Pagkatapos kong ngumuya nun ay agad na may winagayway ulit siyang fries.

"Wade, stop it." Sumulyap ako sa paligid.

Hindi nahihiya ang mga tao sa pagtitig samin. Paniguradong parang kidlat na maririnig ng mga kapatid ko ang tsismis na ito. Paniguradong huhusgahan ako kasi gwapo si Wade at hindi ako kagandahan. Wala na nga yung tigyawat ko pero may mga nagbabadya na namang umusbong.

"Bakit naman?" Kumunot ang noo niya.

Kahit galit siya, kitang-kita parin ang dimple niya. Pati yung ngipin niya, mas lalong nagiging klaro sakin ngayon... mapuputi ang mga ito at perpekto sa pagkahilera. He's god-like. He's the most beautiful man I've ever seen. Hindi ako nagbibiro. Maraming gwapo dito sa school pero ang isang ito, iba. Hindi vain, hindi maputi, hindi nakakasawa. He's damn drop dead gorgeous. You just can't have it all, huh? Kasi naman masama ang ugali niya... sakin...

"They are staring at us. Please, stop it."

"Anong problema mo sa pagkakakita nila satin?" Binigyan niya ako ng nagtatakang ekspresyon.

"Hindi mo ba nakikita?"

"Ang alin?"

Umiling ako at humilig sa upuan ko. Binaba niya ang fries na kanina niya pa winawagayway sa harap ko.

"Kung napipilitan ka lang kasi sinabi kong 'be friendly with me', wa'g mo 'tong gawin. Hindi naman ito ang hinihingi ko sayo. Yung gusto ko lang ay i-treat mo ako tulad ng pagtreat mo sa ibang classmates natin. Yung hindi inaasar. Yung normal. Cuz, I feel like you kinda hate me."

Ngumuso siya. What's with his dimple? Kahit anong gawin niya nagpapakita iyon? Nakakadistract.

"A-At hindi ko alam kung bakit."

Kinagat niya yung fries na dapat ay para sakin. Bumaling siya sakin pero nag-iba bigla ang ekspresyon niya.

Tinitigan ko siyang mabuti. Kumabog ang puso ko dahil sa pagtititigan namin. Ilang sandali ang nakalipas ay narealize kong may tinitignan siya sa likuran ko.

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at nakita ang isang batalyong sosyalera... kabilang doon si Zoey. In fact, siya ang center of attention. Kumakaway siya sa iabng sosyalera at maging sa mga lalaking pumapansin sa kanya. Kumikislap ang paligid niya nang tinitignan ko. Sobrang iksi ng soot niya at bouncy pa ang buhok habang naglalakad kasama ang mga magaganda din niyang mga kaibigan.

"Oh, heto na pala ang girlfriend mo." Bumaling ako kay Wade na ngayon ay seryoso ng nakatitig sakin.

Kumaway ako sa mga mata niya.

"Ako na ba yung tinitignan mo o yung babae parin sa likuran ko."

Kumunot ang noo niya.

"I said, your girlfriend is here." Ulit ko.

Bumaling ulit ako kay Zoey na ngayon ay sobrang lapit na sa table namin. Nag-iiba din ang ekspresyon ni Zoey. Naging seryoso din siya pero hindi niya tinignan si Wade. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Wade at Zoey. Nakatingin lang si Wade sa softdrinks niya at nagkakagat-labi. Si Zoey naman ay nilagpasan ang table namin.

"Nag-away kayo?" Tanong ko.

Tinignan ako ni Wade.

"Nag break?" Tanong ko.

Hindi parin siya nagsalita.

"Seriously? Sa loob lang ng tatlong araw? Nung isang araw, kakahuli ko lang sa inyong ano-"

"Paano kami mag bi-break kung hindi naman kami?"

Biglang tumayo si Wade sa table. WHAT? Hindi sila? Ano yun, naghahalikan sila kahit strangers? No, they're not strangers, sinabi na nga ni Zoey na kilala niya si Wade.

Sa sobrang gulo ng utak ko, huli na nang narealize kong umalis na si Wade sa table namin.

"Seriously, bakit pakiramdam ko ang gulo ng life niya? Tss." Sabi ko sa sarili ko at tinignan ang upuan niyang may cellphone.

"WADE! Naiwan mo!" Sigaw ko pero di niya na narinig.

Naku! Mahihirapan akong hagilapin siya kung di ko siya susundan kaya dinampot  ko ang cellphone niya at sinundan siya. Ang bilis ng lakad niya. Marami pang mga estudyante kaya nahihirapan akong abutan siya.

Pumasok siya sa isang building at gumamit ng stairs hanggang 6th floor. Pagkarating ko ng 6th floor ay naabutan ko na siyang binubuksan ang pintuan ng rooftop.

"WADE!" Sigaw ko.

Tuluyan na siyang pumasok doon. Tumakbo ulit ako para sana abutan siya. Seriously, anong gagawin niya dito sa rooftop?

Bumagal ang pagtakbo ko nang unti-unting narealize at napagtagpitagpi ang puzzle ng buhay ni Wade.

Si Zoey... ang naghihintay sa kanya dito sa rooftop. Hindi ko alam kung paano ko iyon napagtanto pero yun ang pinakamatindi kong hula.

Sumilip ako sa pintuang hindi naisarado ng maayos.

"Stop staring at me, Wade! Sabi ko naman sayo, layuan natin ang isa't-isa sa publiko."

"I'm not staring at you. Si Reina ang tinitignan ko. Anong ikinagagalit mo?"

Napatalon ako nang narinig ko ang pangalan ko.

"Oh! You liar! I know how much you want me... And you know how much I hate your lies. Ugh!" Itinulak ni Zoey si Wade.

Napaatras si Wade sa ginawa ni Zoey. Mabilis na naglakad si Zoey papuntang pintuan kaya agad akong tumakbo at nagtago malapit sa elevator.

"Alam mong ayaw ko ng may nakakaalam ng tungkol satin. Kaya wa'g na wa'g mong ipagkakalat, Wade Rivas!" Mataray niyang sinigawan si Wade bago tumakbo pababa ng stairs.

Sasabog na yata ang utak ko sa sobrang dami at kulang na impormasyong nakuha ko. I'm not nosy but somehow, pakiramdam ko kasali ako sa pagtatalo nila.

Hindi agad lumabas si Wade sa rooftop. Naisip kong hintayin na lang ang paglabas niya, tutal ay mejo matagal pa ang pasok ko ngayon. Kaya lang, naisip ko ring pasukin na lang siya sa loob ng rooftop, baka depressed at tumalon galing rooftop... Ay, ewan na, pinasok ko na lang.

Nakita kong tulala siya at magulo ang buhok. Nakasandal siya sa dingding ng pintuan. Nakaupo siya sa sahig at nakalagay ang braso niya sa tuhod.

"Wade."

Bumaling siya sakin at suminghap.

"Uhmmm... Naiwan mo ang cellphone mo." Ipinakita ko sa kanya ang cellphone niya.

Umirap siya at tumingin ulit sa kawalan, "Bakit mo ako sinundan? Babalikan naman kita dun."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit kaya iba ang dating sakin nun? Masyado akong nawindang sa isinagot niya. Natagalan tuloy ako bago nagsalita ulit...

"Uhm... Iwan ko na lang ito dit-"

"Narinig mo ba?" Tanong niya sakin. "Yung usapan namin?"

Napalunok ako, "K-Konti."

Pumikit siya at suminghap. Kahit malungkot, nakikita parin ang dimple niya. Kahit malungkot, nakakabighani parin siya. In fact, habang kinukurot ang puso ko dahil sa pagiging malungkot niya, mas lalo akong nahahatak sa kanya... Mas lalo akong na cu-curious. Kahit na masungit siya sakin, nararamdaman ko parin yung kabaitan niya.

What is with you, Wade Rivas? I want to know... everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top