Kabanata 57
Kabanata 57
Insecurities
Lumabas kami sa opisinang iyon na masayang masaya si Shan.
"I'm so proud of you. Naku! Sisikat ka! Lalo na pag labas namin ni Wade sa Awards." Aniya.
Lumilitaw ang kanyang dimple bawat pagsasalita niya.
"Uhm? Magkasama kayo ni Wade sa Awards?" Napalunok ako sa sariling tanong.
"Oo. Of course, no!" Ngumisi siya sakin.
Ipinakita niyang para akong baliw kasi tinanong ko pa iyon sa kanya.
"Ah! Of course." Ngumisi ako sa kanya.
"Oh! Hayan na boyfriend mo." Sabay turo niya kay Liam na tumatayo naman ngayon.
"Ah? Di ko yan boyfriend."
"Wehh? Showbiz ka ring sumagot kahit halata naman." Tumawa siya at nilagpasan ako.
"Yung sukat ko nga pala, kunin mo na lang sa reception, please, pinadala ko na sa P.A."
Tumango ako at sinalubong ang nakatayong si Liam.
Kumaway si Shan sakin, "Thank you!"
"Thank you din!" Matabang kong untag.
Kumaway ako ng marahan sa kanya. She's kind. Really kind and pretty. Walang kapintasan. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang maswerte... siya na alam o akala ng lahat na mahal ni Wade o ako na tunay na mahal ni Wade. Syempre, ako kasi ako yung tunay. I should think positive. Bawal ang mainggit sa kanya. Wala naman akong dapat kainggitan.
"Reina?" Tumaas ang kilay ni Liam nang nakita ang pagkakatulala ko. "You okay?"
"H-Huh?" Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."
"Ba't ka natutulala diyan?" Tumawa siya.
Habang umiiling ako para sagutin ang sinabi ni Liam, napansin ko ang maingay na pag aassemble ng mga photographers at ilang taga media na may dalang mic at mga recorder/cellphone sa tapat ng elevator.
"Tabi! Paano sila makakadaan kung haharang-harang kayo diyan!"
Nanatili kaming nakatayo ni Liam habang pinagmamasdan ang nakaabang na mga reporters.
"Sino kayang dadating?" Tanong ni Liam sa kawalan.
Nakita kong papalapit na ang pagbukas ng elevator. Ilang sandali ay naghiyawan ang reporters nang tumatak na ang pulang light sa numero ng floor na ito.
*Ting*
Bumakas ang elevator at una kong nakita si Wade. Sa likod niya ay ang kanyang bandmates. Nasa tabi niya si Mr. Manzano at sa kabila naman ay isang nakaunipormeng bouncer.
"Si Wade!" Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang mabilis na naglalakad sa gitna ng maraming camera at reporters.
"Totoo bang date mo si Shan sa awards?"
"Balitang may mga flowers kang pinapadala, para kay Shan Melendez ba iyon?"
"Gaano ka totoo yung bagong project mo with Shan-"
Sa mabilis na paglalakad ni Wade at sa dami ng reporters na nakapalibot, hindi na ako umasang makikita niya pa ako.
Mabilis din silang pumasok sa loob ng opisinang pinasukan ko kanina.
May meeting siguro sila sa manager ni Shan. May konting bukol na bumara sa lalamunan ko.
"Let's go, Liam." Sabi ko.
"Sayang no, hindi natin mabati si Wade. Ang dami kasing nakapaligid." Sabi ni Liam sabay akbay sakin. "Tama ka, lika na. Iba talaga pag artista na."
"Uhm... Oo nga." Sabi ko sabay yuko.
Naglakad kami papunta ni Liam sa elevator. Nilingon ko ang opisinang pinasukan ni Wade. Ang tanging nakita ko na lang ay yung mga reporters na nag aabang sa kanya. Panigurado, mamaya, pag magkasama sila ni Shan na lalabas ay magiging issue na naman iyon. Na talagang may umaatikabong relasyon silang dalawa.
Ayokong sumbatan si Wade. Pangarap niya ito at tinatamasa niya na. Kahit hindi naman talaga totoo yung laman ng balita, ganun talaga pag showbiz. Pero dahil dito, parang nanliliit ako. Nanliliit ako sa sarili ko. The tables have turned, really. Si Wade na ngayon ang malaking tao. Sakin lahat ng insecurities napupunta. Kung noon, wala akong maramdamang insecurities maliban sa pagiging pangit ko, ngayon lahat na ang nararamdaman ko. His fame, his beautiful face, his exceptional talent, his charisma... lahat ng iyon, nararamdaman ko ang layo ng agwat naming dalawa.
"Hey, kanina ka pa, ah? You okay, Reina?" Untag ni Liam nang pabalik na kami ng bahay.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang ice cream shop.
"Uhmmm... Okay lang." Sabay tingin ko sa labas.
"Lika, kain nga muna tayo ng ice cream!" Lumabas siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako.
Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan siyang naglalahad ng kamay sakin. Kahit wala naman siyang alam sa totoong nangyayari sa sistema ko, pakiramdam ko naawa siya sa akin. Kahit na hindi niya alam kung anong nangyayari, nakikita niyang nasasaktan ako.
"Lika na, Reina."
Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Agad niyang hinila iyon kaya napilitan akong tumayo at lumabas sa sasakyan niya.
"Look, Reina, I don't know what happened pero ayaw kong malungkot ka." He lifted my chin.
Ngumisi ako.
"Hindi naman ako malungkot." I lied.
"I know you too well, Reina." Hinigit ako ni Liam papasok ng Ice Castle.
"Anong nangyari sa loob ng office? Bakit malungkot ka?" Napatalon ako sa biglaang tanong ni Liam nang nasa loob na kami ng Ice Castle.
Kokonti lang ang tao. Pero pakiramdam ko, lahat ng tao ngayon dito ay kilala si Wade. At ang gusto nila para kay Wade ay si Shan. At kung sinong babae man ang biglang susulpot para angkinin si Wade ay abomination, masama, sulutera...
Napalunok ako.
"I-I got in... sa Fashion Week?"
Napaawang ang bibig ni Liam.
"Really? Then what's with that face?"
Dumating ang niorder niyang oreo overload para saming dalawa.
Umiling ako, "Nothing."
Tinitigan niya ako at nanliit ang mga mata niya.
"You sure it's nothing, Reina?"
Bumara na naman yung bukol sa lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga ng maayos o tignan man lang ang mga mata ni Liam. Yung ayaw ko sa lahat ay yung tinatanong ako tungkol sa problema ko. Mas lalo lang akong naiiyak, lalo na pag totoo.
"Yes, it's really nothing... Liam." Pumiyok ang boses ko sa dulo kaya tinakpan ko ang bibig ko.
Mas lalong nanliit ang mga mata niya nang marinig ang boses ko.
Tahimik siya buong panahon na kumain kami doon. Ang tanging rason ko kung bakit hindi ko masabi-sabi kay Liam ang tunay na kwento simula pa lang ay ang katotohanang natatakot ako na sa oras na malaman ng publiko ang relasyon namin ni Wade, masisira ulit kami. Ayokong may manghimasok. Ayokong manghimasok ulit ang pamilya ko... si Rozen, si Kuya Dashiel, o kahit sino. Ayoko.
"Reina, I want you to open up to me... Pero sige, kung ayaw mo pang magkwento sakin, I'll respect that. Just know that I'll always be here..."
Napatingin ako sa kumikislap niyang mga mata. He smiled. Nakita ko yung dimple niyang nakakapagpaalala talaga sakin sa kay Wade. Mas lalo lang akong nasaktan. Ang layo talaga ni Wade sakin. Kung noon, malayo siya at pinapangarap ko lang, ngayon ganun parin. Walang pinagbago.
"Thanks for today, Liam. Naappreciate ko yung concern mo." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay.
Ginabi na pala kami ni Liam. Napatunganga ako habang nakikita ko yung gate naming bumubukas.
"Hindi na ako papasok, Reina. May dinner pa kasi kami ng family." Napakamot siya sa ulo sabay tingin sa cellphone. "Ang kulit ni mommy, kanina pa ako tinitext."
"Ah? Talaga! Naku! Sorry, na late ka pa."
Nagmamadali akong buksan yung pintuan para sana lumabas pero nagulat naman ako nang hinila niya ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakapikit siya nang inilapit ang kanyang mukha sakin. Umatras ako ng konti pero dahil masyado na akong huli, nahalikan niya ang labi ko.
"I love you, Reina." Aniya at dinilat ang mga mata.
Napahawak ako sa labi ko.
"It's true, I really love you. Kaya... be comfortable with me."
"Li-Liam..."
Ngumisi siya gamit ang mga malulungkot na mata, "Sige na, I gotta go... Itext kita mamaya. Cheer up!"
Tumango ako.
"Sige na, aabangan kitang maglalakad papasok sa bahay niyo."
"H-Huh? O sige..."
Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong magtanong kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman niya sakin pero dahil nagmamadali siya at nahihiya na ako dahil ako yung dahilan kung bakit mali-late siya sa dinner ng kanyang pamilya, dumiretso na ako sa loob ng gate.
Papasok na ako nang nilingon ko ulit siya. Hindi tinted yung sasakyan niya kaya kitang kita ko ang nakangisi niyang mukha sa ilalim ng lights. Kumaway siya. Napalunok ako at kumaway na rin.
Pinagmasdan ko ang sasakyan niyang umaalis na. Tumigil iyon ng konti dahil may hump pero dumiretso din. Dahil nakatingin ako sa daang iyon, nahagip ng mga mata ko ang isang estrangherong sasakyan. Isa iyong pick up na kulay silver. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang lalaking naka sandal doon malapit sa front seat at nakatingin sakin.
Umihip ang malakas na hangin kaya napilitan ako hawakan ang buhok ko para makita ng maayos ang lalaking iyon.
Lumakas ang pintig ng puso ko nang narealize kung sino ang nakatayo doon. Of course, I should have known. It was Wade's second car. Yung dinadala niya para hindi siya marecognize ng media.
"W-Wade..." Nanliit ang boses ko nang nakita ko ang galit at lungkot na naghalo sa mukha niya.
Unti-unti ko siyang nilapitan. Nanginginig yung paa ko. Gaya ng sabi ko kanina, hindi tinted ang sasakyan ni Liam, kaya malamang nakita niya yung paghalik ni Liam sakin!
Tumigil ako sa paglalakad. Naalala ko yung insecurities ko sa nangyayari saming dalawa. Nakakapanliit. Pero hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko siya kayang ipatigil sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Kailangan kong tanggapin na kaakibat ng pag sho-showbiz niya ang lahat ng iyon.
"Nanliligaw din ba siya sayo?" Malamig niyang tanong sakin.
Natatabunan yung mga mata niya ng dilim kaya hindi ko mapagtanto ang tunay niyang ekspresyon.
"Hindi..." Sabi ko.
"Kung ganun, kayo na?"
Napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Binibigyan ka rin niya ng flowers noon, diba? Alin mas maganda, sakin o yung kanya? Mas pumapayag kang halikan ka niya kesa sakin, ibig sabihin, kanya diba?"
"WADE ARE YOU FREAKING STUPID?" Hindi ko na mapigilang ibulalas ang nararamdaman ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang walang effort na tumulo ang mga luha ko sa mga mata. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala ito pinipigilan.
"Anong siya? Eh ikaw naman yung mahal ko! Noon pa! Ikaw lang talaga! Kaya wa'g mo kong sabihan na baka siya!"
Nilapitan ko siya at tinulak ko yung dibdib niya.
Ikaw nga diyan! Di mo ba alam kung gaano ako nasasaktan? Ayokong magpakaselfish at kailangan kong tanggapin na hindi lang ako ang nagmamay-ari sayo dito.
May manager, fans, media at iba pang nakaabang sayo. Hindi kita pwedeng diktahan na sana ako na lang parati nakatoon ang pansin mo. Hindi kita pwedeng sabihan na sana ako na lang palagi kasi may iba ka ring responsibilidad. Naiinis ako sa sarili ko at naiinis ako sa sitwasyon.
"MAHAL DIN KITA! EDI TAYO NA, DIBA? Then? Bakit ka hinahalikan ng putang iyon, Reina! You don't just kiss MY girl!" Sabay turo niya sa daanan kung saan nawala si Liam.
"H-Hindi ko naman alam- Hindi ko nakita na-"
Ginulo niya ang buhok niya. At halatang kinakalma ang sarili...
"Ugh! Reina naman!" Sigaw niya sakin.
"Uy! Si Wade Rivas ba yan?" May narinig akong sumisigaw sa katulong ng tapat naming bahay.
"Shit!" Malutong kong mura at agad akong tumago.
"Anong problema mo?" Tinaas ni Wade ang braso niya at hinanap yung nagsasalitang katulong.
"Wade, open your damn door." Sabi ko sabay hampas sa pintuan ng front seat niya.
"Bakit? Para ano? Kung pagtsismisan tayo, let them!" Aniya. "Ano naman? Pinag tsi-tsismisan nga yung hindi totoo, yung totoo pa kaya?"
"Are you stupid? Ayokong pagtsismisan ako. Ayokong may makaalam ng tungkol sakin. Just... Just open your damn door!"
"Hala si Wade nga! AHHHH." May narinig akong tumatakbo sa kung saan.
"WADE FREAKING RIVAS! OPEN You're damn door o basted ka sakin!"
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.
"Diba tayo na?" Tumaas ang kilay niya.
"Edi break na tayo kung di mo ito bubuksan!"
"Wha- Shit!" Malutog niya ring mura at pinindot yung car alarm niya.
Binuksan ko agad yung pintuan at pumasok sa loob.
"Ano pang hinihintay mo? Drive na! Just! Let's go!!!" Sigaw ko nang nakita ang tatlong naka unipormeng katulong ng mga Jimenez na kapitbahay namin.
"Oh Lord!" Sabi ko habang malamyang pumasok si Wade.
Para siyang inaantok o kakagising lang na ini-start ang sasakyan at pinatakbo.
"You really know how to push my buttons, Reina." Mahina niyang sinabi nang palabas na kami sa subdivision.
Nilingon ko yung mga katulong na hinahabol yung sasakyan niya.
"Let's go somewhere... Kumain muna tayo. Gusto kong mag usap tayo dahil ayaw ko talagang hinahalikan ka ng kahit sino. Lalo na ng Liam na iyon." Seryoso niyang sinabi sabay park sa isang mataong restaurant.
"Wade, are you serious? May nakakalimutan ka yata?" Sabi ko.
"Ano?" Sabay patay sa makina.
"You're Wade Rivas! Hello? You can't just eat here and be with me..."
Kinuha niya ang wayfarers at sinoot.
"Eto? Okay na? Ayaw mo lang pagusapan iyon, eh."
"No, it's not okay, Wade. Hindi na gagana yan lalo na dahil gabi ngayon. Let's just go somewhere private."
Ngumuso siya at tinanggal ang wayfarers.
"Edi sa condo ko..."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"You have media everywhere, Wade. Maraming nakaabang sayo..."
"Then, where, Reina?" Tanong niya sakin nang nakakunot ang noo.
"Sa condo mo... but we seriously need Zoey." Sabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top