Kabanata 52

Kabanata 52

Walang Tanong

Maganda ang concert ng Going South, kahit na alam ng management na si Wade ang humahakot ng fanbase, pinagbigyan parin ang bawat miyembro. May isang kanta doong si Austin ang kumanta, malamig ang boses niya at maganda ang tonada. Meron ding isa doong nagpasikat ng piece si Zac ng ala-Santanang pag e-electric guitar, meron din kay Adam sa drums.

Pagkatapos ata ng performance ng tatlo ay nagbago ang paningin ng mga tao sa kanila.

"Sayang, gusto ko panoorin yung performance nila." Sabi ko sabay tingin kay Wade sa salamin.

Inaayos ko na naman ang buhok niya. Sumimangot siya bigla.

"B-Bakit?"

Napatingin ako ng diretso sa kanyang repleksyon sa salamin.

"Syempre, curious din naman ako sa mga talento nila."

Sabay hilig ko sa gilid. Naririnig ko yung kanta ni Austin dito sa room. Ang lamig talaga ng boses niya.

Natahimik siya kaya bumaling ulit ako sa kanya. Nakita kong pula ang kanyang mukha hanggang tainga.

"Why are you blushing?" Tanong ko.

"I'm not!" Sigaw niyang galit.

"Oh, b-ba't galit ka riyan?"

"Hindi rin ako galit!" Mas galit niyang sinabi.

Tumayo siyang bigla at uminom ng tubig. Napatingin tuloy ako sa mga P.A at mga stylist doon na nagkibit balikat na lang sa pagsusungit ni Wade.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya nang nilapitan ko.

"Hindi. B-Bakit ako magseselos?" Sumimangot pa siya lalo at nag iwas ng tingin.

Napangisi ako.

"Wade, performance mo na ang susunod." Sabi ng manager.

"Okay!" Galit niyang untag.

Nilagpasan niya ako at pumunta siya malapit sa pintuan ng backstage.

Badtrip si Wade. Patay! Anong mangyayari sa performance niya? Tsk!

"Wade," Sinundan ko siya. "Goodluck."

"Thanks." Malamig niyang sinabi sakin.

Kinagat ko ang labi ko.

"Galingan mo, ah?" Bumaling siya sakin.

"Lagi naman akong magaling, ah?" Nag iwas ulit siya ng tingin.

"Eh, galit ka ngayon. Baka maapektuhan ang performance mo." Sabi ko.

"Kasalanan mo yun." Bulong niya sa kawalan.

Narinig ko ito ng konti pero di ako makapaniwalang sinabi niya iyon.

"Ansabe mo?"

"Wala!"

"Kasalanan ko?"

"Ah! Hindi." Masungit niyang sinabi.

Napatingin ako sa busyng staff. Mejo malayo na kami sa kanila kaya okay lang siguro.

"Anong gagawin ko para maging okay ulit pakiramdam mo?"

Nanlaki ang mga mata niya at para siyang batang di makapaniwala sa tanong ko. Naka grey v-neck t-shirt niya ngayon at sumisilip parin ang tattoo niya.

"Wa'g na... baka mabasted lang ako." Aniya.

"Huh? Bakit naman? Ano bang gusto mo?"

"Wala, Reina. Sige na, bumalik ka na doon."

Bushet! Pakipot pa ang isang 'to! Gusto mo lang naman yatang mahalikan at natatakot kang mabasted ko kasi sabi kong dahan-dahan. Kaya ba talaga ng dahan-dahan itong si Rivas?

"Gusto mo ng halik?" Straightforward kong tanong.

Uminit ang pisngi ko sa sarili kong tanong. Napaawang ang bibig niya pagkarinig niya sa tanong ko.

"Don't tempt me, Reina. Dahan-dahan diba? Mababasted ba ako pag kumagat sa mga sinasabi mo? Is this a test?" Tuliro siya sa pagpapaulan sakin ng tanong.

Pero bago pa siya nakapagsalita muli ay hinalikan ko siya. Isang mabilis na halik lang. Hindi naman kasi pwedeng patagalin, baka makita kami ng mga staff. Humalakhak ako nang nakita ko ang pagkakagulat sa mukha niya. Tumakbo na lang ako palayo at kinawayan siya.

"Good luck, Wade!"

Shet! Ako yung humalik pero ako rin yata yung nagkaroon ng butterflies sa stomach. Damn, Wade Rivas! Nagpapakipot pa. Alam ko namang kagagawan ko ang lahat nang ito sa kanya pero may mga panahon talagang pwedeng ipagpaliban muna yun. Argh! Ako lang naman yata ang sumisira doon eh. Hindi pa nga nag iisang araw, nasira ko na yung pagda-dahan-dahan.

Tumayo ulit ako doon sa kinatatayuan ko kanina. Nandoon na si Wade sa stage. Marahang humiyaw ang mga tao dahil masyadong solemn ang stage ngayon.

"Ang kantang ito ay para sa tanging babaeng minahal, mahal, at mamahalin ko. Tuwing umuulan noon, siya lang ang naaalala ko. Hindi ko alam. Mukhang buong buhay ko, siya lang ang naaalala ko."

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.

Nakaupo lang siya sa isang upuan at nasa bisig niya ang gitara. Marahan niyang inistrum ang gitara. Umalingaw-ngaw ang pag irit ng madla sa ginawa ni Wade.

"Hiwaga ng panahon,

Akbay ng ambon

Sa piyesta ng dahon,

Ako'y sumilong..."

Tumindig ang mga balahibo ko sa boses niya. Napahawak ako sa magkabilang braso niya. Hindi lang talaga charisma yung panghakot niya sa fanbase, talagang may talento siya.

"Daan-daang larawan ang nagdaraan

Sa aking paningin

Daan-daang nakaraan ibinabalik

Ng simoy ng hangin

Tatawa na lamang, at ba't hihikbi

Ang aking damdamin, pniaglalruan ng baliw at ng ulan."

Habang kinakanta niya iyon ay naaalala ko yung nasa Alegria kami. Umuulan noon at nagmakaawa siya saking wa'g ko siyang iwan. Ang tanging nasabi ko sa kanya ay nagkunware lang akong mahal ko siya. Na hindi ko naman talaga siya mahal. Na pinaglaruan ko lang siya. Na kwits kaming dalawa.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Buong kanta ay nakapikit lang siya. Para bang may inaalala din siya sa kantang ito.

"Hinulog ng langit,

Na siyang nag-ampon

Libu-libong ala-alang,

Dala ng ambon..."

Ang laking pagkakamali talaga noon. Hindi ko kayang balikan ang bawat ala-ala. Hindi ko kayang isipin ang mga pinagdaanan ni Wade habang wala ako. Twing umuulan. O twing umuulan nga lang ba? Mahal ko siya noon, lagi siyang nasa isip ko, pero hindi kasing tindi ng pagmamahal niya sakin.

"Heeeey!" Sabay akbay ng isang lalaki sakin.

Nagulat ako kung sino yung umakbay sakin. Napatingala ako at nakita ko ang nakangising si Liam.

"Uy! Liam!? Bakit ka andito?" Tanong ko.

"Wala, eh. Umalis si Coreen kanina bago magsimula, kaya imbes na masayang yung ticket ay kinuha ko na lang."

ANO? OO NGA PALA. Ang lukaret na iyon ay manonood dapat ng concert pero ibinigay niya kay Liam ang ticket?

"Saan siya nagpunta?"

Nagkibit-balikat si Liam at tinitigan ang mga mata ko.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya gamit ang concern na mga mata.

Hinaplos ko ang mga mata ko.

"Di ah!" Pagsisinungaling ko.

"Umiiyak ka eh." Nilapit niya ang mga mata niya sa mga mata ko.

"Hindi." Tinulak ko siya ng pabiro.

Mas lalo siyang lumapit sakin at hinalikan ang mga mata ko.

"Drama mo kasi..." Aniya.

Tinulak ko siya. Ngayon, hindi na pabiro. Buong pwersa na. Pero tumawa si Liam sa pag-aakalang pabiro iyon.

"Liam-"

"ARGHHHHH!" Ito na yata ang pinakanakakabinging sigaw ng mga tao sa buong concert nina Wade ngayong gabi.

Imbes na pagalitan ko si Liam sa ginawa niya ay napatingin ako sa stage. Kumakanta parin doon si Wade. Nakatingin siya sakin at nakasimangot.

OH MY GOSH! He saw what happened?

Pero hindi lang iyon, sumisigaw at humihiyaw ang mga tao dahil nandoon sa likod niya si Shan. Wala siyang kaalam-alam na umakyat na pala ng stage ang magandang babaeng ito. May dala pa siyang flowers na mukhang ibibigay niya kay Wade.

Mas lalong sumigaw ang mga tao. Malamig at galit naman ang ekspresyong ipinakita ni Wade.

"WOOOOOH!" Sigaw din ni Liam sa kanila. "Ayos 'tong si Wade, ah? Ganda nitong si Shan!" Aniya.

Namuo ang luha ko nang nakita kong halos manisay sa kilig ang mga tao. Masayang-masaya sila lalo na nang nilagay ni Shan ang mga palad niya sa mga mata ni Wade. Natigil si Wade sa pagkanta at nilingon si Shan. Seryoso ang mukha ni Wade pero halos masira na yung mga barricade dahil sa mga naghuhuramentadong fans. Hindi na maitsura ang buong Araneta sa sobrang kilig.

"Congratulations, Wade." Malambing na sinabi ni Shan kay Wade sabay abot sa bulaklak na dala-dala.

Hindi humupa ang nakakabinging sigawan ng mga fans. Kasabay pa ng sigawan nila ang pag cha-chant ng:

"WADE-SHA, WADE-SHA, WADE-SHA!"

Nanginig ang buong sistema ko. Ganito pala yung nararamdaman ng isang babaeng wala sa picture. Para sa lahat, si Shan ay para kay Wade at si Wade ay para kay Shan. Walang Reina sa picture. Wala ako. HIndi ako kilala.

"Thank you." Sabi ni Wade kay Shan at ngumiti nang saglit.

Bumaling siya sa mga naghuhuramentadong fans at kumaway.

"Thank you, Araneta!" Sigaw niya.

Pero habang sumisigaw siya ay nagnakaw ng halik si Shan sa pisngi niya. Napaawang ang bibig ni Wade at pinagmasdan niya ng mabuti si Shan. Bumaling si Wade sakin, alam ko, kahit na puno na ang gilid ng mga mata ko ng luha, nakita ko parin ang diretsong tingin niya sakin.

"WHOA! Kinikilig si WADE!" Sigaw ng mga fans.

Tumulo ang luha ko at binigyan siya ng thumbs up. It's okay, Wade. Kung ganyan ang showbiz, kung diyan mo mapapaligaya ang fans mo, okay lang. Damn! Okay lang!

"Reina? Ba't ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Liam nang napansin ang paghikbi ko.

"Napuwing ako ng malaking alikabok." Sabi ko sabay punas sa mga mata ko.

Naglakad ako palayo doon at sumunod si Liam.

"Reina..."

Kinabahan ako sa tono ng boses ni Liam.

"Naantig ka ba sa ginawa ni Shan para kay Wade?"

Sarap mag mura sa tanong niya pero tumango na lang ako.

"Sabi na, eh. Isa ka ring Wade-Sha!" Humalakhak siya at inakbayan ulit ako.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na talaga alam. Tumunganga na lang ako doon kasama si Liam na panay ang pag papaulan sakin ng mga tanong.

"Saan ka nag lunch kanina?"

"Sa McDo."

"Hay! Sana sinabi mo saking hindi ka kumain sa studio nila, sana dinalhan kita ng pagkain." Aniya.

"Okay lang, Liam."

"Tapos na ang concert, diba? Yung mga gamit mo, di mo ba kukunin?" Tanong niya.

Nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Liam. Ngayon ko lang naaalala na kailangan ko nga palang bumalik sa dressing room para kunin ang gamit. Paniguradong nandoon na naman si Wade at si Shan. At hindi ko alam kung anong ekspresyon ang dapat kong ipakita pag magkasama silang dalawa. Plastikan? Malamang!

Nanginig ang kamay ko pagkahawak ko ng doorknob sa dressing room. Unti-unti ko iyong binuksan. Nandoon nga ang mga paparazzi, si Wade, Shan, ang buong banda, at ang mga managers.

Pinapaulanan sila ng click ng camera. Yumuko ako para hindi makunan. Sumulyap ako kay Wade na ngayon ay nasakin na ang atensyon.

"Wade, tingin naman sa camera diyan."

Nag iwas ako ng tingin kay Wade at seryosong dinampot ang bag at iilang gamit ko.

"Teka lang, Reina, may after party pa."

"Oo nga naman, Reina." Untag ni Zac. "Sumama ka." Ngumisi si Zac.

"Ohh? Reina Elizalde?" Nabigla ako sa sinabi ni Shan.

Napatingin ako sa kanya. Ang ganda ng kilay niya. Ang ganda ng kutis at ng buhok. Nakakapanlambot. Nakakainsecure. Nakakapanliit.

"Oo."

"Ito ba yung sinasabi ni Mr. Manzano na designer mo, Wade?" Tanong niya kay Wade.

"Oo. Bakit?" Sumimangot si Wade kay Shan.

"Naku! Pwedeng padesign? Padesign ako ng gown para sa awards? Okay lang?" Tanong niya.

Napalunok ako.

"Sure. Just contact me." Sabay bigay ko ng calling card.

"Wow! Sige! Sige! Gusto mo rin dawng pumasok sa Fashion Week? Gusto mo tulungan kitang makapasok doon?"

"Kaya ni Reina yon, Shan. Di na kailangan." Singit ni Wade.

"Oo nga, pero thanks." Ngumisi ako.

"Hindi, hindi, talagang tutulungan kita."

Magkakautang ng loob pa ata ako sa Shan na ito.

"Sasama ka ba sa after party niyo? Kasali ka na rin sa staff? Bakit parang uuwi ka na?" Napalingon-lingon si Shan kay Wade at Zac.

"Kasi... uhm... Marami pa akong gagaw-"

"Hindi, actually, sabay kami. Ako na magdadala ng gamit mo, Reina. Sa sasakyan kita sasama."

"Uy! Galing pare!" Sigaw ni Liam nang nakapasok din sa dressing room.

Nakipag high five siya kina Zac, Austin, at Adam.

"Grabe! Ang galing niyo." Sabay kuha niya sa bag ko.

Wade clenched his jaw. Kinuha niya rin ang bag ko. Kumunot ang noo ni Liam nang nakita ang mga kamay ni Wade sa bag ko.

"Uuwi ka na, diba, Reina?"

"May after party pa kami, Liam." Galit na tono ni Wade.

Napaubo ng bahagya si Adam at tinanong si Zac kung nasaan yung mga gamit niya.

"Sasama ka, Reina?"

Napatingin ako sa nakakunot na noo ni Liam at sa galit na mukha ni Wade.

"Uhm..."

Pero bago pa ako makapili ay hinablot na ni Wade ang bag ko.

"Walang tanong. Talagang sasama siya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top