Kabanata 5

Kabanata 5

Mapipilitan Siya

"You okay, Reina?" Naaninaw ko ang nag-aalala at seryosong mukha ni Dashiel.

Hinahabol ko pa ang hininga ko. Masakit lumunok at pinagpawisan ako ng malamig.

Si Wade at si Zoey? Alam kong magkakilala sila pero hindi ko alam na sila na. Gumagawa pa talaga ng milagro! Tinitingala ko si Zoey dahil maganda siya, mahinhin at mabait. Nalason ang pananaw ko sa kanya dahil sa nakita ko kanina.

"I'm okay, Kuya." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "You don't look okay."

Sumulyap ako sa kanya at tumingin sa labas, "Di... Tumakbo kasi ako papunta dito sa pagmamadali kaya ayan, napagod at hingal." Ngumisi ako.

Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

Palaging wala sina mommy at daddy sa bahay. Minsan, wala din si Kuya Dashiel dahil nakatira na siya sa isnag condo. Tanging si Noah at Rozen lang ang parati kong kasama maliban sa mga katulong. Busy kasi talaga si mommy at daddy sa negosyo namin.

Sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa nangyari kanina. Hindi matanggal sa isipan ko yung nakaawang na labi ni Wade. Yung kamay niyang nakahawak sa legs ni Zoey. Yung paghila ni Zoey palapit sa kanya. Yung tipong sabik na sabik talaga sila sa isa't-isa.

WTF?

Tinabunan ko ang ulo ko ng unan hanggang sa makatulog na ako. Mabuti na lang at Sabado na kinaumagahan. Hindi ko na kailangang pumasok sa school at maging guilty sa lahat ng nakita ko sa CR. Seriously, sa CR pa talaga? Natuloy naman kaya? Ugh! Bakit ko ba iyon iniisip?

Tinali ko ang buhok ko bago bumaba ng humihikab.

Dapat ko bang sabihin yun kay Coreen o sakin na lang? Nangangati akong magchika sa kanya kaya lang tingin ko mali kung ikakalat ko ang bagay na ito. Alam ko pa naman ang tabas ng dila, nun. Walang preno. Kaso, pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa kabaliwan kung di ko yun maikwento kahit kanino.

Pumunta agad ako ng kitchen para tignan kung anong makakain ko. Kumuha ako ng malamig na tubig para inumin bago kumain. Inaantok pa ako. Blurry pa ang paningin ko.

Habang umiinom ako ng tubig, may nakita akong tao sa gilid ng mga mata ko. Nilingon ko yung tao at muntik na akong malunod sa tubig na iniinom.

"Shiz!" Pinunasan ko agad ang mukha ko.

Basang-basa ang damit ko sa tubig dahil sa bigla. SI WADE, NANDITO SA BAHAY! Umiling siya at kumuha ng baso sa kitchen namin.

Lumapit siya sa dispenser at uminom ng warm water.

Napatunganga ako sa sobrang bigla, "B-Bakit ka andito?" Tanong ko.

Bakit kaya ako pa yung mukhang nag papanic? Samantalang siya naman itong nahuli ko? Dapat siya yung nagpapanic at nahihiya ngayon, diba?

"Umiinom ng tubig." Tinignan niya ako habang umiinom ng tubig galing sa baso.

PILOSOPO! SHIZ! Kung gaano siya kagwapo, ganun din siya kasuplado!

Nagkasalubong ang kilay ko.

"M-May practice ba kayo ni Noah?" Tanong ko.

"Ano pa bang dahilan ko para magpunta sa bahay mo? Wala na naman diba?" Nilapag niya ang baso sa harapan ko.

He's getting under my skin. Lalo na pag naiisip ko na mabait siyang tao at masungit siya sakin. What is his freaking problem? Hindi naman ako taklesang tao na posibleng basta-basta na lang magkaroon ng atraso kahit kanino.

Umiling na lang ako at nilagpasan siya. Hindi na lang ako kakain dito sa kitchen. O mas maganda, hindi na lang ako kakain. Magmumukmok na lang ako sa kwarto ko. Dahil may isa diyang parang galit sa mundo pag nakikita ako.

"Reina!" Narinig kong tinatawag ako ni Noah galing doon sa kwartong nakalaan para sa mga practice nila.

"WHAT?" Naiirita kong tanong.

"What's your problem?" Tanong niya nang natagpuan akong nakabusangot ang mukha.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

"Anyway, pwede bang tumambay ka na lang muna dun sa music room."

"Huh? Bakit?" Nanlaki ang mga mata ko.

"We need an audience." Aniya.

"Noah, may lakad ako." Palusot ko.

"With who?" Tumaas ang kilay niya.

"W-With... W-With... With... uhm... Coreen." Sabi ko.

"Sinungaling." Singit ng boses sa likuran ko.

May tumutusok na talaga sa utak ko dahil sa kanya. Yung tipong kinakalabit na ako ng nerves ko at pinupukaw na ang damdamin kong manapak ng tao?

"Bakit mo naman nasabi?" Tumaas ang kilay ko.

Baka akala nito mahaba ang pisi ko. Nagkakamali ka, may kahabaan nga ito pero umiiksi rin pag inaabuso. Bushet!

Nagkibit-balikat siya at tumingin kay Noah na nakasimagot.

"Saglit lang naman, 'to. Come on, Reina." Sabi ni Noah sa tonong may command.

Umirap ako, "Alright."

Padabog akong nagmartsa pabalik ng kitchen.

"Kakain at maliligo lang ako." Paalam ko.

Kumain ako at mabilis na naligo. Hindi ko talaga magetsung kung bakit kailangang may Audience? Yung iniisip siguro ni Noah ay yung confidence level ng bago nilang vocalist. Hindi niya ba nakikitang nag uumapaw sa confidence si Wade? Kahit paghubarin pa yan sa harapan ay hindi yan mahihiya. Ni hindi nga siya nahiya sakin kahit nahuli ko siyang nakikipag-palitan ng laway sa magandang si Zoey.

Padabog akong pumasok sa music room. Umupo agad ako sa sofa at nagbasa ng isang libro, pampalipas oras dito. Maingay kasi. Si Noah pa naman yung tipong perfectionist pag dating sa musika.

"Hi, Reina!" Kaway ni Warren sakin.

Kinawayan ko siya pati si Joey na ngumingisi sa akin.

"Kilala mo na ba itong new vocalist namin?" Tanong ni Warren sakin.

Tumango ako, "Wade Rivas." Sabi ko nang nakatingin sa libro.

"Whoa?" Nag-apir silang dalawa.

Don't get me wrong, boys. "We're classmates." Ngumisi ako at tumingin kay Wade.

"Ohh..." Nagtawanan sina Warren at Joey.

"Sige na, let's start again." Pumalakpak si Noah at nagsitayuan na rin sila.

Nakakailang ito. Umuupo ako sa gitna ng sofa at nasa gitna at harap ko rin si Wade. Inaayos niya ang microphone.

"Noah, maingay ito-"

"Hindi, Reina. Ibang mga kanta yung kinuha namin. Hindi ganun ka ingay tulad nung si Stan ang vocals."

Tumango ako at nag-resume sa pagbabasa sa libro.

Una yung guitar at drums sa pagtugtog. Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit pero patuloy parin akong nagbabasa ng libro kahit wala na naman talagang pumapasok sa utak ko. Tatlong beses ko na yatang binabasa ang isang paragraph dahil di na naabsorb ng utak ko.

"Nitong umaga lang,

Pagkalambing-lambing

Ng iyong mga matang

Hayop kung tumingin."

Hindi ko na naiwasan. Napatingin na ako sa harapan ko. Si Wade ay kumakanta gamit ang malamig at nakakapanindig-balahibo niyang boses. Tumindig lahat ng balahibo ko, hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa perfect pitch niyang boses o dahil sa mga titig niya.

Titig na titig siya sa mga mata ko nang kinakanta niya iyon.

"O kay bilis namang Maglaho ng

Pag-ibig mo sinta,

Daig mo pa ang isang kisapmata."

Nalaglag ang panga ko. Nakakalasing ang pagtitig sa kanya. Yung tipong bawat bigkas niya ng salita ay bumabalandra ang dimples niya, bawat matataas na notes ay mas lalong na de-define ang perpekto at matangos niyang ilong. Hindi ko na kayang makipaglabanan sa kanya sa pagtitig. Para akong napupuwing sa tingin niya kaya't uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Shucks." Bulong ko sa sarili ko.

Parang kabayong tumakbo ang puso ko. Tinabunan ko ang mukha ko ng libro. Pero di ko mapigilan ang pagsulyap sa kanya kaya unti-unti ko rin tong binaba para tignan ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong nakangisi na siya at nakapikit habang kumakanta.

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nakangiti siya hanggang matapos ang kanta. Dinilat niya lang ang mata niya nang natapos na ito at naabutan niya pa akong nakatitig sa kanya.

Tumaas ang kilay niya kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Okay na siguro." Sabi ni Warren. "Diba Reina?" Tumaas ang kilay niya sakin.

"Uhm... Oo n-naman." Tumango ako at tinignan ulit ang aklat na binabasa. Di ko nga lang naiwasang sumulyap kay Wade na nakangiti paring nakatingin sakin.

WHAT IS HIS PROBLEM?

Nakataas ang kilay niya at nakangisi siya. Ngayon, sigurado akong walang tao sa likuran ko kaya ako talaga yung nginingisihan niya. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya tsaka kinagat ang labi...

Parang sasabog ang ulo ko sa kahihiyan. Hindi naman ito napansin ni Noah at ng kabanda niya dahil lumapit na agad sila doon sa meriendang nakahanda, pero itong si Wade, lumapit sakin.

AYAN NA... AYAN NA...

The question isn't 'What is his problem?'. It should be, 'what is my freaking problem?'

"May nakapagsabi na ba sayong sobrang obvious mong tumitig?"

Napalunok ako. "Tumititig lang naman ako sayo kasi nakatitig ka r-rin."

Ngumuso siya at tumaas ang kilay niya, "Lahat ba ng lalaking tumititig sayo ay tinititigan mo rin?"

Binaba ko ang aklat na ginagawa ko ng alibi para di siya balingan.

"S-Syempre, tumitingin din ako sa inyo kasi nga audience niyo ako. Para ma feel mo na talagang andito ako as 'audience', hindi para tumambay lang."

Ngumisi pa siya lalo, "Talaga? Alin ba talaga sa dalawang excuse mo yung totoo mong alibi?"

Uminit ulit ang pisngi ko. Hindi na ako makatingin sa kanya. Ito ang mahirap sa kanya, eh. Gwapo siya at alam niyang gwapo siya. Gagamitin niya ang kagwapuhan niya para inisin ako. Alam niya ang epekto niya sa mga babae. Kaya marunong siyang gumamit ng appeal niya panlaban sa amin. Pero bakit niya ba ako kinakalaban?

"Seriously, what is your problem with me?" Tanong ko.

Umiling siya at tinalikuran ako.

Ayaw niya talagang sabihin sakin kung anong problema niya at bakit galit siya sakin gayung wala naman akong ginagawa sa kanya.

Nilingon niya ako, ngayon, seryoso na ang mukha niya.

"Nga pala... Yung nangyari sa CR. Wa'g mong ipagsabi. Alam kong ikaw yung tipong di makakapagtago ng lihim, pero umaasa akong hindi mo yun sasabihin."

WHAT? Are you kidding me? Pagkatapos mong humingi ng favor na wa'g ko yun ikalat ay bibigyan mo ako ng isang napaka judgemental na linya? Hindi ba ako marunong magtago ng lihim? Mukha ba akong tsismosa?

Padabog kong nilapag ang libro. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon. Kahit na may galit siya sakin, ang kapal din ng mukha niyang sabihin sakin yun.

"Wade, kain na tayo!" Sigaw ni Warren habang kinakain yung hinanda ng katulong namin.

"Okay!" Sigaw ni Wade.

"Wa'g kang mag alala, ipagkakalat ko yun." Umirap ako sa kawalan at tinalikuran ko siya.

Hindi ko yun ipagkakalat, of course pero ginalit ako ni Wade. Gusto kong mabagabag siya sa sinabi ko. Gusto kong iparamdam sa kanya yung inis na pinaparamdam niya sakin.

Umalis ako sa music room. Pero bago ko masarado ang pinto ay may naramdaman akong tumakbo papunta sakin at hinila ang braso ko.

"Please, Reina." Sabi ni Wade Rivas.

Kumunot ang noo ko. Ang kapal nito! Pagkatapos niya akong paglaruan at insultuhin, kaya niya pang humingi ng favor na ganun ang pagkakasabi.

Umiling ako, "No."

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Nagmamakaawa ako." Aniya gamit ang seryosong mukha.

Binusangot ko ang mukha ko at sinabing, "No."

Lumunok siya at tinignan akong mabuti.

Ang unfair! Sobrang gwapo at sobrang lapit niya sa mukha ko. Nakakaconscious! Nakakakaba...

"Gagawin ko ang lahat, wa'g mo lang ipagkalat iyon. Please... Reina." Lumunok siya.

Alam ko kahiyahiya ang malanding scene na iyon pero bakit ganito siya ka desperadong wa'g ko yun ipagkalat? At bakit buwis-pride siya sa bargain niya para sakin? Hindi ako mapagsamantalang tao, ayaw ko lang talagang may galit sakin ng di ko alam ang dahilan.

"Be friendly with me, then."

His jaw clenched. Para bang being friendly with me was too much to ask. Kumuyom din ang panga ko sa inis sa ipinakita niyang reaksyon.

Tinalikuran ko siya pero hinila niya ulit ang braso ko.

"Oh Sige..."

Ngayon, hindi ko na alam kung tama ba yung hiningi ko sa kanya. Mapipilitan siyang pansinin ako. Mapipilitan siyang kaibiganin ako. Mapipilitan siya sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top