Kabanata 48
Kabanata 48
Take Everything Slow
"Wade, come on. Practice saglit. Baka mamaya mabawasan ang stage presence mo." Sabi ni Zac kay Wade.
Panay ay tingin ko sa mga damit niya, iniiba-iba ko yung pares habang siya naman ay naglalaro ng paikot-ikot sa upuan niya.
"Mauna na kayo. Kaya ko na mamaya." Magarbong sinabi niya.
"Asus! Whatever, Rivas." Umirap si Zac at umalis na.
Ang tanging kasama namin ni Wade ay isang P.A., yung manager nilang si Mr. Manzano na may kausap sa cellphone at isang stylist ni Zac yata.
Sa bawat limang minuto ay naririnig ko ang buntong-hininga ni Wade. Pinagmamasdan niya ako pero hindi ko man lang siya sinulyapan. Wala akong balak.
May biglang kumatok sa room, binuksan noong P.A. At ilang sandali ay bumalik siya sa harapan kong may dalang bouquet of roses.
"Para kanino yan?" Tanong ni Wade kahit halata namang para sakin kasi binibigay niya sakin, eh.
Uminit ang pisngi nung P.A. Mas matanda siya ng ilang taon samin ni Wade pero mukhang naapektuhan parin siya sa kakisigan nitong si Wade.
"P-Para kay Ms. Elizalde. Reina Carmela Elizalde."
Nanlaki ang mga mata ko, "Talaga?"
Tatanggapin ko na sana pero tumayo si Wade at hinablot ang bulaklak sa kamay ng P.A. I seriously need to check the ladies here. Kasi kahit mukhang na harass yung P.A sa pagkakahablot ni Wade ay nakita ko parin ang pagkislap ng mga mata niya at pagkamangha niya sa ginawa ng lalaki sa harapan.
"To: Reina Carmela Elizalde. I love you, baby. I always will. Good luck to your first job here in the Philippines! You can do it. Know that I love you so much and I want you-"
Gumapang sakin ang hiya kaya hinablot ko iyon sa kamay ni Wade.
"This is mine, Wade. My property. My privacy." Untag ko.
Mahigpit ang pagkatikom ng labi niya dahil sa sinabi ko.
Binasa ko ulit yung note na nakalagay.
'I love you so much and I want you to always love me. Forever, Reina. Love, Liam Madrigal'
Sumulyap ako sa mukha ni Wade at nakita kong namutla siya.
"K-Kayo na ba?" Tanong niya.
Tumaas ang kilay ko at di ko na siya sinagot.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa mga damit niya.
"Reina, sagutin mo ako, kayo na ba?"
Bumaling ako sa kanya at inirapan ko na lang siya. Nakakainis! Nakakairita siya! Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan yung nangyari. Pero ang mas nakakainis ay sa kabila ng galit ko sa kanya, nagagawa paring maghuramentado ng puso ko sa titig niya.
Is this all just because he's god damn good looking? Smoking hot? Infiitely sexy? Tumambad sa mukha ko yung dimple niya dahil sa pagkakagat niya ng labi. Nakita kong pumula ang mga mata niya at sa wakas ay nag iwas siya ng tingin sakin at pinagdiskitahan ang panggugulo sa buhok niya.
"You ruined your hair, Wade." Sabi ko.
Bumaling ulit siya sakin at pahingal na nag iwas ulit ng tingin.
"Wade, umayos ka." Biglang sabi ni Mr. Manzano.
"Some reporters are here. At papasok din si Shan ngayon para batiin ka."
"For what?"
"Kakasabi ko lang... Para batiin ka sa sold out tickets ng concert na ito. Come on, be patient with her. Kalahati ng fans mo ay fans din ni Shan. You two should work together for your career. Besides, ito rin ang unang concert mong nandyan siya. Mainit ito sa masa."
"Bakit naman kailangan pag bigyan ito ng malisya gayung wala naman?"
What happened to 'no comment'? Or did he purposely left me hanging that time, para lang inisin ako?
"Okay na itong mga damit ni Wade." Singit ko. "Excuse me, but can I take my lunch muna?" Sabi ko at dinampot yung bulaklak na binigay ni Liam sakin.
"Huh? Why? Pwede ka namang dito mag lunch. Anong gusto mo?" Tanong ni Wade sakin.
Napatingin ako sa seryosong mukha ni Mr. Manzano, sa nakangangang P.A at sa nanonood na stylist, pabalik sa seryoso at nakakunot-noong mukha ni Wade.
"Wala. Sa labas na lang. Alam kong busy kayo dito-"
"Hindi kami busy dito, Reina. Ikaw nga lang yung inaatupag ko, see?"
Nanliit ang mga mata ni Mr. Manzano sa akin.
OH MY GOSH! It's only a matter of time... malalaman na ng buong madla na may something kami ni Wade (kahit wala naman talaga).
"Uh, thanks, Wade." Ngumiti ako kay Wade ng plastik para hindi masyadong mahalata ang tensyon saming dalawa. "Pero kasi ano... kailangan kong lumabas muna. Is it okay, Mr. Manzano?"
"Of course, Reina." Sabi ni Mr. Manzano.
"Oh! Kung ganun, ako rin." Humalakhak si Wade at kinuha yung wallet at mga susi niya.
"You are staying, Wade. Anong ibig mong sabihin na aalis ka rin? Pwede kang lumabas pero saglit lang at dahil lang mag re-rehearse kayo. Hindi ka pwedeng lumabas ng matagal kasi pupunta si Shan dit-"
"Excuse me. Bye." Sabi ko at binuksan na nang nagmamadali ang pintuan habang pinapagalitan pa si Wade ng kanyang manager.
Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimulang magmartsa sa gitna ng maraming busy na mga tao.
Busy sa set up ng stage, sa lights, sa plano para sa buong venue, sa pagkain, sa lahat... Everyone's so busy. Bitbit ko parin yung roses habang nilalakad ang papuntang parking lot.
Saan ako pupunta para mag lunch? Siguro sa isang malapit na restaurant na lang? Okay. Hindi ako makakauwi kasi tutulong pa ako mamaya sa panonood sa make up artist at tutulungan ko ring mamili si Adam, since siya lang yata yung walang stylist sa kanila.
"Haah!" Sabay buga ni Wade sa gilid ko.
Half running siya nang naabutan ako.
"Nakatakas ako." Pangisi-ngisi pa siya sa tabi ko nang dinaluhan ako sa paglalakad.
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Ano pa? Edi nakikisabay sa lunch mo."
Natigilan ako.
"Hindi ba hindi ka pinayagan?"
Nagkibit-balikat siya. "Lahat gagawin ko... basta ikaw ang kapalit."
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Kahit na sa bawat hakbang ko ay natutunaw ang galit sa puso ko. Ang korni mo, Rivas! Nakakainis ka!
Nakita kong marami talagang napapalingon sa kanya. Kahit na yung mga organizer mismo ay mga fanatic parin. Wagas kung maka take ng paparazzi pictures ni Wade. Kaya mabilis ang lakad ko. Ayokong maging katulad ni Zoey na pinaulanan sa internet ng bash dahil sa isang picture lang.
Pinindot ko ang alarm ng sasakyan ko. Pero bago pa ako nakapasok sa driver's seat ay pumasok na siya sa front seat na walang pag aalinlangan.
"Saan tayo kakain?" Tanong niya nang nakangiti.
"Labas." Sabay turo ko sa labas ng sasakyan ko.
Napalunok siya nang nakita ang seryoso kong mukha.
"G-Ginugutom lang naman ako. Kaya ako sasama."
Tumaas ang kilay ko.
"Ginugutom ka lang naman pala... bakit di ka umorder na lang doon since marami naman kayong pagkain, huh?"
Hindi parin siya umaalis sa kinauupuan niya. Napasulyap ako sa ibang mga taong may dala-dalang camera at sinundan si Wade.
"Freaking shiz!" Sabay pasok ko sa sasakyan ko.
Buti na lang tinted 'to. Pag di ako umalis dito ngayon at marealize nilang ako yung kasama ni Wade kanina, agad kaming headlines sa news bukas kaya mas mabuting umalis na lang kasama ang demonyitong ito.
"Bakit, may iba ka bang kasama dapat ngayon? Kaya ba hindi ako pwede? Kahit makikikain lang ako di pwede?" Aniya.
His tone is out of control.
"God! Anong kasamang iba? Sino? Wala. Mukha bang meron eh ako lang naman ang mag isa dito."
Pinaandar ko ang sasakyan at pinaharurot palayo doon.
Nakita kong napalunok siya at natahimik sa tabi ko.
"M-May ka meet ka ba sa kakainan mo?"
Buti na lang may McDonalds palang malapit dito. Doon ko na lang napagpasyahang mag lunch since ayokong lumayo dahil nandito si Mr. Rockstar, kasama ko.
"Anong ka meet? Kailangan ba talaga ng ganun kahit kakain lang. Kita mo? McDo nga lang yan!" Sabay ayos ko sa pagpapark.
"Eh ano ito?" Aniya sabay kuha sa mga bulaklak na binigay ni Liam sakin.
"Wala."
"Anong wala? Bulaklak ang mga ito, Reina."
"Oo... Alam ko. Tapos?"
"Galing kay Liam." Dagdag niya.
Tumango ako, "Then?"
Umiling ako at umambang bubuksan na ang pintuan ng sasakyan ko pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"What, Wade? Dito ka lang! Wa'g kang sasama. Maraming makakakita sayo. Kilala ka. Bibili lang ako ng pagkain ko." Sabay tingin ko sa packed na fastfood.
Ang daming tao. Siguro, iba sa kanila ay sinadya talaga dito para malapit sa concert ni Wade. Yung iba mukhang pupunta sa concert mamaya at dito na talaga nag lunch para hindi na mahirapan sa pagpila.
Hindi siya umimik. Kaya naman ay ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita ko ang mabibigat niyang mga mata.
"Reina, kailangan nating mag usap ng maayos."
Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"Para ano pa, Wade? Ilang beses na tayong nag usap." Humalukipkip ako.
"Hindi pwedeng ganito tayo."
"Ikaw naman yung nauna, diba? Galit ka naman sakin, diba? Kaya nga nagawa mo iyon sakin?" Hindi ko maitago ang tabang sa pagkakasabi ko noon.
"Oo. Galit ako sayo, hindi ko maiwasan iyon Reina. Matagal kong kinimkim iyon. At nang dumating ka, pursigido akong maghiganti dahil sa sobrang galit na dinanas ko."
Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Kahit na panay ang titig niya sakin sa panahong ito ay diretso lang ang tingin ko.
"Pero yung pakiramdam ko nang nakita kita, for the first time after 4 years, nalusaw lahat lahat nang bigla. At hindi ko matanggap iyon dahil ilang taon ko yung inalagaan para sa paghihiganti ko sayo." Natigilan siya.
Hindi ako nagsalita. May bumabara sa lalamunan ko. I need to breathe in and breathe out properly.
"Galit ako."
Nalaglag ang panga ko nang narinig kong pumiyok ang boses niya. Mas lalong kinurot ang puso ko.
"Galit ako, shit, galit na galit ako sayo, sa sarili ko, sa lahat. Kasi hindi ko sustenahin ang galit pagkamuhi ko sa ginawa mo. Lagi kong naaalala na may kasalanan ako. At tama lang kung palitan mo ako kasi wala akong kwenta at wala akong maipagmamalaki sayo."
LUSAW NA LUSAW ANG PUSO KO NANG NARINIG KONG HUMIKBI SIYA. Napatingin ako sa gilid. Shiiiit na malutong!
"You came here with him. He kissed you, Reina. And you know how much I hate it... Alam mong noon pa, ayaw ko ng may kahati ako sayo. Ayaw ko ng may ka i-love-you han kang iba kahit sino pa yan. Alam mo iyon pero wala kang pakealam kasi wala ka ng feelings sakin. Ganun yung naramdaman ko. Kahit na pinagplanuhan ko ang paghihiganti sayo, ako parin yung natamaan. Hindi pa nga nagsisimula, natapos na agad."
Binuksan ko ang bibig ko para marahang ibuga ang naipong hangin sa lalamunan ko. Patuloy kong ginagawa iyon samantalang nakikita ko siya sa gilid ng mga mata kong pinapanood ako.
"Yes, I deserve it. You moved on. Ako lang yung nagkimkim ng galit. But thanks to you, ganito na ako ngayon. Pinaghirapan ko makamit ito para sa pagbabalik mo pero useless kasi sa huli, ako yung nasaktan. Pero kinagabihan, sinabi mo saking mahal mo parin ako."
Kinagat ko ang labi ko nang naalala ko iyon. Gosh! Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ganito na ang nangyayari samin ni Wade!
"Yes, nagustuhan ko yung sinabi mo. Pero nagising yung galit ko. If you still love me, Reina, bakit may humahalik sayong iba? Bakit may Liam? At alam mo yung feeling na pinagdidiinan sa harapan mo na kayo ang bagay kasi pareho kayong may negosyo... like you have to enter some stupid fixed marraige?"
Nakita ko sa gilid ng mga mata niya ang pagpupunas niya ng kanyang luha. Hindi ko na nakayanan. Lumandas din ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko agad iyon.
"Wala parin, Reina. Diba? It's different. Kahit na may narating ako, iba parin pag talagang ipinanganak nang tulad mo. Sa bagay, kung mahal mo parin talaga ako, dapat walang Liam na nakaaligid sayo. Kaya dumating ka sa condo ko, galit na galit ako sayo. I don't want you to stir up my mind... to confuse me again... coz you always do. You say you love me, then leave me. You say you still love me, but you're with someone else."
I'm not with him! Ayaw lumabas ng boses ko. Masyadong masakit yung lalamunan ko.
"Lagi iyong sinasabi ni Rozen sakin, na ikaw at si Liam ang mag mamana ng isa sa negosyo ng pamilya niyo. At pag nagkatuluyan kayo, mag eexpand ang negosyo nina Liam."
FVCK IT! THAT ASSHOLE AGAIN?
Halos dumugo na yung labi ko sa kakakagat nito. I'm going to freaking kill him!!! THAT ROZEN!
"Nagkakaigihan na kayo. Na sa condo mo kayo natutulog. I don't like it, Reina. Nababaliw na ako sa nangyayari satin. Gusto mo ako pero hindi ko makita dahil sa mga pagkakataon. Mahal kita pero nababaliw na ako sa pag iisip tungkol sating dalawa. Baliw na baliw na ako. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko na alam kung maayos pa ito."
Pumiyok ang boses niya sa dulo.
Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang basa at mapupungay niyang mga mata.
"Wade, maybe..." Nanginig ang boses ko pagkasabi ko nun.
DAMN! I LOVE HIM SO MUCH! STILL! Hanggang ngayon, walang pagbabago, kung meron man, siguro mas lalong tumatag at lumakas ito.
"Maybe we should take everything slow. M-Maybe we should stop worrying about anything. Siguro dapat nating mag simula ulit. Clean slate. Hindi n-naman kasi pwedeng agad tayong mag reconcile. I have doubts about you... And I'm sure you have for me-"
"Putang doubts, Reina, kahit ano pang plano mo, kahit talo, susugal ako."
Umiling ako...
"No, Wade. You're being too impulsive."
Natahimik siya.
"We'll take this slow. Kita mo, sa pagmamadali mo, mas lalo lang tayong nagkalayo. If you want us, then we need to take everything slow."
Umiling siya at kinagat ang labi, "God damn it, mas lalo kitang minamahal ngayon!"
Kinagat ko rin ang labi ko. He looked so weak. Mukha siyang nanghihina. Nakakapanghina kasi pinapanood ko siyang ganito ngayon. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang bigyan ng lakas kasi sa mukha niya ngayon, hindi ko alam kung kaya niya pa bang ipagpatuloy yung concert na yun. Maybe, that was the reason why he postponed it a week ago.
Hinawakan niya ang kamay ko. Marahan at naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Pero dahan dahan kong inilayo ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya at kasabay nito ang pamumutla niya.
"Let's take everything slow, Wade. Everything."
I think this is the only way. Mahirap. Mahirap na mahirap para sakin, para sa kanya, pero para ito saming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top