Kabanata 42
Kabanata 42
Hindi Kaya
"Okay, Wade. Whatever. Itext mo ako pag nagkagirlfriend ka na ah nang magkascoop naman ako sayo."
Tumawa si Wade at umiling habang papaalis si Johnny.
Nakatayo parin ako sa harapan niya at nakatunganga sa malaking pagbabago niya sa pisikal at pag uugali. Bumaling siya sakin at napawi ang ngisi niya.
Ngayon lang ako na conscious sa itsura ko ng ganito. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Tapos na akong mag sorry. Sinabi niya na rin saking wala na sa kanya iyon at nakalimutan niya na. Mabuti. Mabuti dahil nalimot niya na ang ginawa ko pero ang tanong ko ay may feelings pa ba siya sakin? Malamang wala na! Kahit na gusto kong magtanong, hindi ko magawa.
"Ano pa ang gusto mong sabihin sakin, Reina?"
Walang katapusan ang naramdaman kong kirot. Hindi ko alam kung talagang harsh ba yung mga sinasabi niya o dahil lang ito sa pagiging guilty ko.
"Wala na tayong magagawa sa nangyari noon, Reina. Mag move on na lang tayo. Sorry din kung pinagplanuhan kong gamitin ka. Tapos na iyon. We we're teenagers. Kung nag kunware ka noon, well then, that's too bad." Nagkibit-balikat siya.
Aalma na sana ako sa sinabi niyang pagkukunwari ko. Na mali yung mga sinabi ko noon. Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko para magsalita.
"Oh, Andito na yung french mong boyfriend." Tumingin siya sa likod ko.
Napatalon ako at napatingin na rin sa likod ko. Nakita kong half-running si Liam papunta samin.
"Reina!?" Tawag niya kahit malayo pa siya.
"He's not my boyfriend, Wade." Sabi ko.
"Oh! Isa ba yan sa pagbabago mo? Akala ko ba sa mundo mo, hindi naghahalikan ang magkakaibigan, bakit ngayon naghahalikan na? Yan ba ang natutunan mo sa apat na taon sa ibang bansa?"
Magsasalita na sana ako at sasagutin siya pero...
"Liam!" Tawag niya sabay highfive kay Liam na nasa likod ko na.
Nilunok ko na lang ang mga salitang sasabihin ko sana.
"Bakit ka nandito, Reina?" Tanong niya sabay pamaywang saming dalawa ni Wade.
"Ah! Kinausap ko siya para sa pagdedesign sana ng suit ko-"
"WHOA!" Malaki ang ngisi ni Liam sakin.
Umamba siyang yayakapin ako.
"Your first job over in the Philippines, Reina! Amazing! Big time agad!"
Narinig ko ang pagtawa ni Wade kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatitig siya sakin gamit ang sarcastic niyang mga mata at ngiti. Magaspang ang ugali nitong si Wade pag naiinis siya kaya malamang ay inis na inis parin siya sakin dahil sa nangyari noon. Pero pag nasa harap kami ng ibang tao ay iba yung ipinapakita niya. Nakikipagplastikan siya.
Napawi ang ngiti niya nang mahigpit akong niyakap ni Liam. Nag iwas siya ng tingin kaya napatingin ako kay Liam.
"Congratulations, Reina! Magpapaparty tayo mamaya sa inyo? I'm sure your mom and dad will be happy about this! Biruin mo, unang tapak mo pa lang sa Pilipinas-"
"Hey, can I go now? Sige ah? See you around, Liam."
Pagkalingon ko kay Wade ay sumakay na siya sa sasakyan niya at maingay na pinaharurot ito palabas ng parking lot.
Natahimik kaming dalawa ni Liam habang tinitignan ang paglabas ng Mercedes Benz niyang two-seater.
"Nagmamadali si Wade, baka may lakad, pero basta, Reina ah, mamaya, party!"
"H-Huh? I-I'm not even sure kung totoo yung sinabi ni Wade."
"Bakit naman hindi? Sinabi niya diba? Edi totoo!"
Natigilan ako sa sinabi ni Liam. For some reason, may naaalala akong mga sinabi ni Wade na hindi ko pinaniwalaan noon. At panama masyado yung sinabi ni Liam.
Tulala ako sa sasakyan ni Noah. Papunta na kami ng bahay. Maraming nangyari kanina kaya hindi ko maproseso ang lahat. Maraming sinabi si Coreen saking hindi pa pumapasok sa utak ko at marami akong nalaman tungkol kay Wade na nagpabagabag sakin.
Tamad na nag da-drive si Noah pabalik ng bahay. Hindi siya nag sasalita, as usual kaya ako na mismo ang nag tanong sa kanya.
"You okay?" Tanong ko.
"Dapat ako yung nagtatanong sayo niyan. Are you okay?" Sumulyap siya nang nakangiti pero malungkot ang ngiti niya.
Umiling ako at nakita ang sarili kong repleksyon sa mukha niya, we are alike in so many ways, "Okay lang naman."
"Alam kong di mo alam yung mga pagbabago kay Wade. And I know your history with him... Nag away din kami noon dahil sa pag alis niya pero we're cool now. Are you cool with him?"
Ewan ko! Pag may tao, maganda naman siyang makitungo sakin pero pag kaming dalawa para niya akong pinapatay sa sindak!
"I... I think so... Uh, niyaya niya akong mag design ng suit niya."
Natahimik si Noah at tumingin na lang sa kalsada. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit.
"Tinanggap mo ba?"
"Uh, hindi niya naman ako tinanong talaga. Bigla niya lang sinabi."
"You should be cool with him, Reina. Kasi kung hindi, ibig sabihin di ka pa nakakamove on. I heard sinupalpal mo pa siya noon ng masasakit na salita."
"Noah, I'm cool with him, alright!?"
Ngumisi siya, "Buti. Kasi maging si Rozen ay kaibigan na niya. He's moved on... You should, too."
Ito na talaga ang pinaka matinding rebelasyong natamo ko ngayon. Hindi ko na natikom ang nakaawang kong bibig hanggang sa nakauwi na kami ng bahay. Milya-milya na ang layo ng panga ko dahil sa pagkakalaglag nito.
"OKAY NA SI WADE AT ROZEN?" Tanong ko kay Noah nang papasok na kami sa bahay.
"Yes, Reina." Nagkibit balikat siya.
"B-Bakit? P-Paano?"
"I don't know... Bigla na lang silang naging okay. Naka move on na si Rozen, at ganun rin si Wade. Magbibihis lang ako, I'm exhausted."
Pinagmasdan ko na lang siyang dumiretso sa taas at sa kwarto niya. THAT'S BULLSHIT! THAT ASSHOLE! WHERE THE FREAKING HELL IS ROZEN?
"Reina..." Tumatawang demonyo si Rozen nang dumating sa bahay pagkatapos ng dalawang oras kong paghihintay.
Nabati na ako nina mommy at daddy at naghahanda na ng pagkain para sa welcome celebration ko.
Gusto kong magmura at pagsasampalin siya dahil ngayon ako pa ang nagmukhang kalaban... ako lang mag isa... kasi si Rozen dapat yung evil dito dahil siya ang nagtulak sakin sa sitwasyon noon pero bakit ngayon iniwan niya akong mag isa sa desisyon.
"Oh ano?" Lumayo siya nang nakangisi nang sinugod ko siya.
Nakita ko sa likod niya ang kararating kong bestfriend.
Pinagsasapak ko si Rozen. Tumatawa lang siya na parang baliw. Ako naman dito, inis na inis!
"Leche ka! Leche! Leche!"
"Seriously, what is your problem! Pagkabalik mo dito, iyan agad ang isasalubong mo sakin?"
"Leche!" Hiningal ako sa pagsasapak sa kanya.
"Welcome home!" Tumawa ulit siya. "Nabalitaan ko rin na may offer ka agad sa pag dedesign! What an amazing come back, Reina!"
OH MY GOD! SOBRANG GUSTO KONG TUMAWA AT UMIYAK! GUSTO KONG MAGLUPASAY SA IYAK DITO SAMING SAHIG. Gusto kong guluhin ang buhok ko, sabunutan ang sarili at magmukhang si Sisa.
"Invite your friends, Reina. Sa pool tayo mamaya kakain, diba?"
Naka facepalm na lang ako at umupo sa sofa. I need to calm my self.
"Reina?" Tawag ni Coreen. "You okay?"
Hindi ako makapagsalita dahil baka mamura ko lang si Rozen sa galit.
"By the way..." Sabay hawak ni Rozen sa magkabilang balikat ko. "Inimbitahan ko nga pala ang unang kliyente mo, of course, your first offer wouldn't be possible without him..."
Nag e-echo gamit ang demonyong boses sa utak ko ang sinabi ni Rozen...
"of course... of course... of course... your first offer wouldn't be possible without him... your first offer wouldn't be possible without him..."
"BULLSHIT! SINONG INIMBITAHAN MO, ROZEN?"
Halos makalmot ko na siya sa inis pero nakangisi siyang umatras at nailagan niya ang mga kuko ko.
"Sino pa bang kliyente mo? Edi si Wade Rivas."
OH MY GOD! I THINK I'M GONNA BE A CRIMINAL!
Naligo ako at nagbihis. Nanginig ang paa ko habang pinapanood ang sarili kong buhok na bino-blow dry ni Coreen.
Isa pa ang isang ito, walang sinabi sakin kaya windang ako pagbalik ko dito! BUSHET! BUSHET NA BUHAY!
"Ano ba, Reina! What's with your face! Stop being so grumpy. Ano bang nagawa ng mga tao at bakit mukha kang bwiset sa lahat?"
ANO? HINDI KO ALAM! HINDING HINDI KO ALAM KUNG ANONG GINAWA NIYO AT BAKIT BWISIT NA BWISIT AKO!
Pero nang papatuyo na ang buhok ko, unti-unti kong narealize kung ilang taon na ang nagdaan. Maaring sa loob ng apat na taon na iyon, maraming nangyari sa buhay nila na hindi ko alam. Naka move on na sila. Totally. Ako lang ang hindi. Ako lang ang panay ang panghihinayang. Kahit nasa malayo ako, ako pa ang hindi naka move on. At silang mga narito, sila pa yung agad nakalimot.
Ako lang naman pala... Ako lang mag isa. Tinulak ako ni Rozen na ayawan si Wade noon pero ako parin ang nag desisyon sa huli. Kahit naramdaman ko at alam kong mahal ako ni Wade noon, mas inuna ko ang pride ko. Kaya ngayon, ako lang ang mag isang tumatamasa sa mga kahibangang ito.
"Reina, come here!" Sabay kaway kaway ni Liam sa niset up na mga table malapit sa pool namin.
God, I can feel the butterflies in my stomach. Kasi hindi naman gaanong maraming tao pero may isang tao akong nakikita sa gilid ng mga mata ko. Nakaupo lang siya doon at nakatingin sakin. Hindi ko siya magawang sulyapan kasi baka mas lalong mangatog ang mga binti ko.
Sinuyod ko ang tatlong table (skipping Wade). Nandoon sina Warren, Joey, Rozen, Coreen, Noah, Liam, at may apat na babaeng hindi ko kilala. I guess they're Rozen's friends. Dalawa sa babaeng iyon ay nasa table ni Wade. Yung other two naman ay nasa table ni Warren at Joey.
"Whoa! Reina! You look so good!" Tumayo si Warren at niyakap ako. "Kanina ko pa gustong sabihin sayo ito. Ang ganda mo na talaga. Ang laki ng pinagbago mo!" Tumawa siya.
"Oo nga, Reina! Baka sakaling pwede kang maging stylist ko?" Biro ni Joey.
Ngumisi na lang ako sa mga biro nila.
"Mahal si Reina, guys." Tumawa si Liam. "Mahal yan kasi experienced. Kaya naman saka na pag bigtime na tayo tulad ni Wade."
Napatingin ako kay Wade na nakangisi at nakikinig sa mga kwento ng dalawang babae. Kumunot ang noo ko. Pinalaki ko na lang ang tainga ko para pakinggan ang kwentuhan nila.
"Ano bang type mong babae at bakit wala ka pang girlfriend?"
Naka tube top tsaka mini skirt lang yung babaeng nagsasalita. Yung isa naman ay naka pants pero may cleavage namang ipinapakita.
"Reina..." Nag snap si Coreen sa harap ko.
"A-Ano?"
"Kumain ka na. Eto oh, kumuha na ako ng pagkain. Party mo pa naman ito." Sabay pakita sa pinggan niyang puno ng pagkain.
"Ah! Ako na ang kumuha sa pagkain niya. Here, Reina." Sabi ni Liam ng nakangiti.
"Thanks, Liam!" Ngumisi ako at tinignan ang pinggan na puno ng tamang pagkain.
"Ikaw talaga! Presence of mind naman diyan. Mukhang kanina ka pa tuliro? Jetlag?" Tumawa siya.
"Uh, mejo. I'm still exhausted."
"Ganun din ako noon. Tsaka iba kasi talaga ang klima dito. Sarap tuloy bumalik ng France. Hindi mo ba na mi-miss yung pa coffee shop coffee shop natin at ang magagandang tanawin. Puro kasi pulosyon dito, alam mo na."
"Of course, na mi-miss din."
"Na alala mo ba yung tumatambay tayo lagi sa tapat ng lake? Tapos ginuguhit mo ako?" Tumawa siya.
"Uy! Magaling gumuhit ng portrait si Reina." Singit ni Warren.
"Alam ko, dude. Marami siyang ginuhit na mukha ko eh. Obsessed yata ito sakin."
Namutla ako sa pinagsasabi ni Liam. Nararamdaman at nakikita ko ang pagtitig ni Wade sa gilid ng mga mata ko pero di ko na lang siya nilingon. Marahan ko na lang na kinain yung pagkain ko at pinakinggan si Liam.
"Syempre, kaming dalawa lang lagi magkasama doon."
"Talaga? Saan kayo tumatambay pag weekends?"
"Minsan, sa condo niya o sa condo ko. Madalas sa labas, sa coffee shops, sa tapat ng lake. Ganun."
"Talaga, Reina?" Nabigla ako sa tanong ni Wade.
Halos mailuwa ko yung kinakain ko. Napainom ako ng tubig. Nanahimik sina Warren at Joey. Alam kong kahit di nila sinasabi ay alam nila kung anong nangyari noon.
"Oo, Wade. Nanonood kami ng movies sa condo. Tsaka pinagluluto niya rin ako. Minsan, natutulog kasi boring. Para nga kaming mag asawa nito!" Ngumisi si Liam at inakbayan ako.
Nakita kong pumula ang pisngi ni Wade pero nakangiti siya. I can really feel something about his smile. It isn't genuine, I'm sure. Pero ayokong umasang naiinis o nagseselos siya.
"Mahilig talaga si Reina'ng tumambay sa bahay ano? Kasi noon, tumatambay din siya sa apartment ko kaya lang... hindi namin kayang matulog."
Napaawang ang bibig ni Liam sabay tingin sakin.
SHIT! Nag iwas ako ng tingin at nagdasal na sana matapos na lang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top