Kabanata 41

Kabanata 41

No One

I've heard their songs. Iba iyon sa mga kinakanta ni Wade noon. Ibang genre ang mga kanta ng Zeus sa Going South. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang kantahin ang mga iyon kahit iba sa genre ng mga ginagawa niya.

Nakangisi si Wade habang tinitignan ang isang lalaking kasama. Mukhang kasama niya yata sa Going South.

"Uy, Reina! Kamusta?" Bati nina Warren sakin.

"O-Okay lang." Napatingin ako kay Noah na ngayon ay nakasimangot.

"Reina, kakarating mo lang ba?" Tanong ni Noah sakin.

"O-Oo."

"Bakit ka dumiretso dito?"

Napalunok ako sabay tingin kay Coreen. Palihim siyang tumatango sabay turo sa sarili niya.

"Hinanap ko kasi si Coreen. N-Nalaman kong nandito siya kaya..."

Sumulyap si Noah kay Coreen bago bumaling ulit sakin.

"Settle down muna kayo, I'll just review the scores. Tsaka... Yung Zeus, pwedeng umupo na lang muna kayo kasi nasa gitna kayo, eh." Masungit na sinabi nung matandang babae.

Nakita kong bahagyang tumawa si Wade at tinalikuran kami.

"Lika na, Reina!" Sabay hila ni Coreen sa braso ko.

Imbes na isama niya ako kina Noah ay hinila niya ako patungong harap, kung saan nandoon ang mga babaeng baliw na hiyaw nang hiyaw kanina.

"B-Bakit di mo sinabi sakin itong tungkol kay Wade?" Tanong ko kay Coreen habang nagsisigaw ang mga babaeng kasama namin.

"diba break pa? Tugtog naman kayo, Going South kahit isang kanta lang! PLEASE!" Sigaw nila. "Sample! Sample! Sample!"

Nadidistract ako sa hiyaw ng mga kasama namin pero nakatoon ang atensyon ko sa isasagot ni Coreen.

"Kung hindi ka lang masyadong primitive, sana nalaman mo na nung papasikat pa lang sila. Visit din ng youtube pag may time at gumawa rin ng Facebook pag may time? Measuring tape lang yata ang laging kaharap mo sa France!" Umirap siya.

"K-Kailan lang sila sumikat?"

"Obviously, matagal ng sikat ang Going South kaso nag retire ang vocalist dahil inatupag yung pamilya niya 3 years ago at nabigla na lang akong bokalista na nila si Wade. Mas lalo silang sumikat. You know? I've been to their concert? Mga dalawang ulit siguro. Laging hysterical ang mga fans! May nahihimatay. At siguro tignan mo rin yung internet, baka makita mo kung gaano ka sikat yung apat na yan at lalo na si Wade."

"Nasalubong ko ang billboard niya papunta dito. It's obvious na sikat siya."

Hindi na nakikinig si Coreen dahil kasama na siyang humiyaw nang nakitang umakyat sa stage ang tatlo sa mga kabanda ni Wade.

Tumatawa sila habang pinagmamasdan kami dito.

"Swerte natin! My gosh! Swerte natin!" Sabay palabas ng mga camera nila.

Ako lang yata ang hindi gumagalaw dito. Nakanga-nga lang ako habang pinagmamasdang nag aayos ang mga kabanda ni Wade.

"Iyan si Zac, yung may hawak ng gitara, tapos yung isang inaayos ang gitara ay si Austin, Tapos yung drummer nila, bago rin yan, si Adam, tapos siyempre yung vocalist si Wade."

Narealize ko nga kung paano sila makakapag cause ng hysteria sa mga babae. Lahat sila gwapo. Si Zac na mukhang half-foreigner, si Austin na chinito at mukhang suplado, Adam na mukhang anak naman ni Adonis, at si Wade na mala-diyos ang kagwapuhan. Gusto ko na lang matawa. He's changed a lot. Sa aura at sa mukha. Kung noon ay magulo ang buhok niya, effortlessly, ngayon mukhang sinadya ng mejo magulo dahil alam ng kung sinong stylist niya na sobrang gwapo niya pag ganun. Para siyang laging bagong gising. At tuwing ngumingiti siya at bumabalandra yung dimple niya naririnig ko ang pagbubuntong hininga ng mga babae sa paligid ko. Maging ako napapabuntong hininga.

Wala ng kahit anong mensahe si Wade nang kinuha niya ang microphone kay Zac. Nagtatawanan sila na para bang matagal ng magkakilala. Sa bagay, apat na taon din akong nawala at tatlong taon na siya sa banda.

Nagsimula ang kanta sa pagsasabay ng dalawang guitar at ng drum... Ibang iba talaga ang genre.

Napalingon ako sa likod at nakita kong naka video din ang iba.

"Bagong kanta 'to." Ani Coreen sabay kuha na rin sa cellphone niya.

Bumaling ako kay Wade na ngayon ay nakangisi sa mga babaeng kasama kong tumatalon at naghahyperventilate na. Hindi na maganda ang kuha ng mga camera nila dahil sa sobrang pagtatalon.

Naitutulak ako ni Coreen at ng isang babae sa gilid ko dahil sa pagtatalon. Nakapirmi lang ako habang laglag ang panga at nakatingala sa kanya sa stage.

"Since the moment I spotted you

Like walking 'round with little wings on my shoes

My stomach's filled with the butterflies 

And it's alright

Bouncing round from cloud to cloud

I got the feelin' like I'm never gonna come down

If I said I didn't like it then you know I'd lied."

He can pull it off! Kahit na ibang genre sa kinakanta niya dati, kayang kaya niya. Sa bawat bigkas niya ng salita, mas lalong nagpapakita ang dimple niya. God! I miss that dimple so much! At ang boses niyang nakakakilabot. Para bang galing sa langit. Malamig at nakakapawi ng pangamba.

"Every time I try to talk to you

I get tongue-tied

Turns out, everything I say to you

Comes out wrong and never comes out right"

Tumindig ang balahibo ko nang unti-unti siyang ngumisi sa gitna ng pagkanta. Mas lalong naging hysterical ang mga kasama ko. Maging si Coreen ay panay na ang talon sa ginawa ni Wade.

Gusto ko na lang pag untugin ang ulo ko at ang mga pader dito. Kahit sa sahig gusto kong iuntog ang ulo ko. Nagsisisi ako. Nanghihinayang. Alam ko noon pa na hindi niya kailangan ang tulong ko para sumikat pero nung nalaman kong ginagamit niya ako, sinaktan ko siya. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Masyado akong naloko sa takot ko. Masyado akong mahina.

Naiiyak ako sa sobrang panghihinayang. For sure, hindi na ako mapapansin nito. Sa ginawa ko ba naman sa kanya? Hindi ko rin alam kung alin ang mas mabuti, yung tratuhin niya akong cold o yung ngitian niya lang ako na parang walang nangyari noon.

Ako lang ba ang di nakamove on?

Lumandas ang luha ko at agad ko naman itong pinunasan. Dahil basa ang mata ko, naging blurry ang paningin ko. Feeling ko, nasulyapan ako ni Wade. Kinusot ko yung mata ko sa kalagitnaan ng paghihiyaw ng mga babaeng kalinya ko.

Nakita kong napawi ang ngiti ni Wade at pumikit na lang siya habang tinatapos ang kanta. May part doon na puro gitara muna, tumalikod si Wade at uminom ng tubig.

"Every time I try to talk to you

I get tongue-tied

Turns out, everything I say to you

Comes out wrong and never comes out right"

Hindi na ulit siya ngumisi hanggang sa natapos ang kanta.

"Wade Sexy Rivas! Face the camera please!"

Pero tumalikod na siya at nilapag ang microphone.

May sinabi siya kay Zac at tinapik niya ang likod nito. Tumango si Zac at biglang umalis si Wade. Sa backstage siya dumaan.

"Ayyy! Bakit umalis? Errr! Si Adammm! AHHH! ADAM!" Sigaw ng mga babae sa tumatayong drummer.

"Coreen, alis muna ako. Yung bagahe ko nasa labas, dadalhin ko lang sa bahay-"

"Huh? Ba't di ka na lang sumama-"

Hindi ko na siya pinatapos. Tumakbo na ako palabas doon kahit tinatawag na ako ni Liam.

Hindi na ako nagdalawang isip pang hanapin si Wade sa buong building. Dahil sikat siya, siguradong may sasakyan na siya. Pero uuwi na ba siya? O may lakad ba siya? Lalabas na ba siya ng buliding? Hindi ko alam basta dumiretso ako sa entrance para sabihin sa guard na kukunin ko na yung bagahe ko.

Lintek! Dala-dala ko ito habang sinusuyod ang parking lot ng Moon Records.

Walang tao. Kung walang security guard ng parking lot siguro magtatatakbo na ako sa kaba. Puro sasakyan lang kasi yung nandoon. Pero napatalon ako nang narinig kong tumunog ang isa sa sasakyan. Hinanap ko iyon.

"Bullshit!" Malutong na pagmumura ni Wade sabay sipa sa gulong ng sasakyan niya.

"Wade..." Nabasag ang boses ko.

Nabigla siya at bumaling agad sakin.

"Reina!" Ngumisi siya at kinagat ang labi. "Nandito ba sa parking lot na ito ang sasakyan mo?"

Napatingin ako sa sasakyan niyang Benz. Putspa! Alam kong may sasakyan siya pero nakakapanibago.

"W-Wala."

Ang mas nakakapagtaka ay ang trato niya sakin. Kumunot ang noo niya...

"Anong hinahanap mo? Sasakyan ni Noah? Sasakyan ni Liam?" Tanong niya.

Paano niya nagagawang normal ang lahat gayung manghang-mangha parin ako sa kanya. Hindi pa maproseso ng sistema ko ang pagmaterialize niya sa harapan ko.

"Reina?" Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.

Masyado ata akong tumitig.

"I-Ikaw ang hinahanap ko." Sabi ko.

Bumuka yung bibig niya na para bang may sasabihin pero tinikom niya ito agad at nakita ko na naman ang dimple niya. Suminghap siya at tinignan ako ng diretso...

"Bakit?"

Matindi at nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Nanghihina na ako. Nabitiwan ko na ang bagahe ko sa sobrang panghihina. Dinig na dinig ko ang tunog ng puso kong ilang taon ko nang di narinig. I can't find the right words...

"S-Sa nangyari noon. I'm sorry. Yung pagtataboy ko-"

"Ah! Yun lang ba? It's okay, Reina. Wala na yun sakin. It's been years..."

Kumirot ang puso ko.

"S-Sorry kasi sinaktan kita-"

"It's okay, Reina. Hindi mo na kailangang mag apologize, matagal na iyon at nakalimutan ko na."

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit masyadong kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Unti-unting nag bara ang lalamunan ko. Kahit sino naman siguro gugustuhing makalimot sa mga sinabi ko sa kanya noon. Hindi ko mapigilan ang paglandas ulit ng luha ko. Nalaglag ang panga niya nang nakita niya ito. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Pinunasan ko agad iyon. Gusto kong mag sorry ulit pero hindi ako makapagsalita nang di humihikbi. Pinaypayan ko na lang ang sarili ko at naghintay na humupa yung sakit na nararamdaman ko.

Humakbang siya palapit sakin. Intense ang bawat hakbang niya. Gusto kong umatras pero hindi ko ginawa.

Inilapit niya ang mukha niya sakin. Doon ko nakita diretso ang mga mata niyang nag aalab. Hindi ko alam kung bakit masyadong intense at mabigat ang pagtitig niya sakin.

"Don't cry as if you haven't moved on, Reina." Bulong niya.

Imbes na sabihin ko sa kanyang hindi pa ako nakakamove on, mas lalo akong binalot ng sakit at kirot. Mas lalong dumami ang luha ko. Kaya naman umiling na lang ako. Umatras siya sakin.

Ginulo niya ang buhok niya at narinig ko ang pabulong na pagmumura niya.

"Wade?" May biglang tumawag sa kanya galing sa likuran.

Narinig ko ulit ang isa pang mura bago siya pumihit at tumalikod sakin.

"Johnny!" Tumawa siya dito.

"Sino yang kasama mo?" Sabay silip nung Johnny na tinawag niya sakin.

"Wala."

"Uy! Scoop ba ito!?"

Agad kong pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang t-shirt ni  Johnny at mukhang isa siyang reporter o writer ng isang magazine! May "Yes!" kasi doon.

"Hindi, Johnny."

"Kung ganun, ba't mo tinatago?"

Hindi ko pa nga tuluyang napunasan ang luha ko ay umalis na si Wade sa kinatatayuan niya at ipinakita ako kay Johnny.

"Reina Elizalde, yung designer na anak ng mga Elizalde. You know her?"

"Ah!" Ni head to foot ako ni Johnny.

I'm sure pula pa ang ilong ko kahit napunasan ko na ang luiha ko.

"Magpapagawa ako ng suit, para sa Awards. She's just my designer." Nagkibit balikat si Wade.

Alam kong ginawa niya lang iyong excuse para wala siyang maging issue. Syempre, ma he-heartbroken ang fans niya pag nalamang may girlfriend siya. Wait? So ibig sabihin wala siyang girlfriend?

"Uy! Yung isa sa mga anak ng Elizalde? Wow! Akala ko susunod na linggo ka pa babalik?"

Umiling ako, "Napaaga eh." Sabi ko sabay sulyap kay Wade na agad nag iwas ng tingin sakin.

"See, Johnny? Just no one..."

Yeah. Just no one...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top