Kabanata 40

Kabanata 40

Reunion!

Ang laki naman ng luggage ko. Buti na lang isa lang yung dala ko. Iniwan ko yung ibang damit ko sa Paris. Sinigurado ko yung mga pangtrabaho kong kits. Gusto ko ngang dalhin yung electronic sewing machine ko pero nagpasya akong magpapabili na lang dito. Tsaka madalas hindi na ako yung tumatahi. Yung sa mga bigatin lang ako naka hands on.

Hinahatak ko yung luggage ko at hinahawi ang magulong buhok. Palabas na ako ng NAIA at dahil matalino akong bata, naisipan kong isurprise ang mga kapatid ko, ni hindi ko alam yung numero ng kahit isa sa driver namin sa bahay kaya eto at maghihirap akong pumila para sa taxi.

Ang init talaga dito sa Pilipinas. Pinaypayan ko ang sarili ko habang nakaabang ng taxi.

Huminga ako ng malalim.

"We are definitely breathing the same air right now..."

Tumaas ng parang sa giraffe ang leeg ko sa kakatingin kung malapit na ba ako sa linya. Tinitignan ko rin yung mga nakapilang taxi at nakapilag pasahero. Nang sa wakas ay nakapasok na ako sa isang taxi, agad kong sinabi ang address ng bahay.

I don't freaking care if you want 1000 bucks para madala mo ako sa bahay, just step on the gas!

Umirap ako at tumingin sa labas. Darn, I miss Manila. Lalong lalo na sa gabi. Yung mga nakikita mong liwanag sa bawat building. Ganun din naman sa Paris pero iba talaga ang amoy ng Manila. Anong amoy yun? Ewan ko. Haha!

Habang napapangisi ako sa iniisip ko ay napalingon-lingon ako sa isang napakalaking billboard ng isang lalaking madramang nakataas ang dalawang kamay, topless, kita yung kili-kili. May tatto sa lower scapula niya, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin non. Basta'y naglakbay yung paningin ko sa magandang hubog ng katawan niya.

That... muscles. Nakababa yung jeans niya at kita ang underwear niyang 'Calvin Klein'.

Papalayo na kami sa billboard nang naisipan kong tignan ang mukha niya. Seryoso ito nakatitig sa bawat taong titingin din sa kanya. This is just about the biggest billboard I've ever seen right now-

Napaupo ako ng maayos sa taxi at napahilig sa salamin. Nakatalikod na sakin ang billboard na iyon.

"M-Manong, sino po yung nasa billboard?" Nanginig ang labi ko sa sariling tanong.

Napalunok ako nang tatlong beses at hinintay ang isasagot ng driver. Napahawak ako sa dibdib na parang magkakaheart attack na.

"Alin, miss?" Lumingon-lingon si manong sa ibang mga billboard.

Tinigil niya ang taxi dahil sa traffic.

Napaturo ako sa billboard na ngayon ay malayu-layo na samin.

Ngumisi siya at umiling, "Ilang taon ka ba sa abroad? Pang apat na pasahero na kitang nagtanong kung sino iyon."

"H-Ho?"

"Si Wade Rivas."

Putsapang walang hiyang Coreen! Hindi ko alam na nag momodelo na pala si Wade!

"Modelo siya?" Tanong ko.

Tumatalon talon na ang walang hiya kong puso.

Umiling ang driver. "Oo. Hindi mo ba sila napanood? Nag world tour ata yung mga kabanda niya."

"HUH?"

"Oo. Yung Going South?" Kumunot ang noo niya. "Hindi ba sila napunta sa Paris?"

GOING SOUTH!? Yun yung bandang nag world tour na noon, diba?

"I'm sure nagkakamali ka manong, hindi naman siya yung bokalista ng Going South!"

Kumunot ulit ang noo niya, "Siya yun. Nag world tour sila bago lang. Kinukuha siyang endorser, dami kasi niyang fans."

Tuliro na ako at pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Manong, pake park ho sa isang ano kahit convenient store, bibili lang ako ng sim."

Hinayupak na surprise ito, ako pa yata ang nasorpresa!

Mabilis ang takbo ko sa isnag convenient store at halos ipagtulakan ko ang mga taong nasa linya para lang mabili yung sim.

"Kahit ano na basta yung may load."

Putek! Mabilis kong pinasok sa cellphone ko yung sim at natatarantang ni-dial ang numero ni Coreen.

Mag aalas singko na at Sabado ngayon, hindi ako sigurado kung nasaan ang babaitang iyon. Nagtatrabaho ba yun ngayon? Ewan ko! Bahala na!

"Hello?" Natatawa pa siya nang sinagot niya ang cellphone.

"Coreen, si Reina ito."

"Ay, Reina!"

Masyadong maingay sa background niya. At mukhang preoccupied din siya sa. Nararamdaman ko pa yung patalon-talon niya at humihiyaw pa siya kasama ang ibang babaeng baliw ding tulad niya. Mukhang hindi pa nga niya namamalayang hindi foreign ang number na ginamit ko.

"Mamaya na tayong mag Skype, busy ako, bye-"

"Anong busy? Asan ka?"

"Nasa Studio. Pinapanood ko sina Noah at Liam, tumutugtog. Alam mo na, first time nila dito."

"Moon Records?"

"Oo."

Naging mas lalong maingay at narinig kong umalingawngaw ang gitara ni Noah sa background. Sumigaw sigaw si Coreen kaya inilayo ko yung cellphone ko sa tainga.

Pinatay ko na lang kasi mukhang wala siyang balak na patayin ito at gusto niya na lang marinig ko ang undying love niya para kay Noah sa pamamagitan ng pagsigaw!

"Manong, Moon Records studio na lang po."

"Ha? Malayo pa yun dito, dagdag ka ng-"

"Sige na po, oo, pakibilisan."

Shut up! Take my money!

Nangatog ang binti ko nang naapakan ko ang naka tiles na hagdanan papasok sa Moon Records. Maraming tao at may naabutan pa akong mga fans na may dalang tarpaulin sa labas. Dumiretso ako sa guard, hinihila ko parin yung luggage ko.

Linsyak na pusa! Bakit dala ko pa ito? Tinaas ko ang malaking aviators at malamig na tinanong ang guard...

"Nasan sina Noah Elizalde?" Tanong ko.

"Sinong Noah Elizalde?" Tanong niya pabalik sakin.

Ni head to foot niya ako.

"Anak ka ba ni Madame Alejandra?"

Who the hell is Madame Alejandra?

"Hindi. Si Noah Elizalde... Yung sa Zeus?" Atat kong tanong.

"Sorry miss, hindi ko talaga kilala."

"Talaga? Wala bang Zeus dito?"

Nagkamali ba si Coreen?

"Ay maraming banda sa loob pero mga hindi kilala, pwedeng isa yung Zeus doon. Teka, tignan ko lang." Sabay tingin niya sa log book.

Pakibilisan manong!

"Wala ka bang I.D.?" Tanong niya pagkatapos dumungaw sa log book.

"Meron, ito." Sabay lapag ng ID.

Naiinip na talaga ako. Halos titigan ko na ang guard at nag imagine na bilisan niya ang pag poproseso ng mga documento.

"Paki soot ito, miss tsaka iwan mo na lang yung bagahe mo sa may counter. May Noah Elizalde nga sa isang banda." Nanliit ang mga mata niya. "Bawal magpapasok ng iba dito pero mukha ka namang disente at taga France ka pala?" Sabay tingin niya sa I.D. ko.

Pucha! What's taking this guard so long?

Tumakbo ako papasok ng Moon Records. Ang dami kong nakasalubong. Isa doon si Hugo na nakipagbeso pa sakin kahit bakas na sa mukha ko ang pagmamadali at pagkakairita.

"Reina Elizalde! What brings you here?"

"Hugo, I have no time, I need to find Noah." Sabi ko.

"Noah?" Kumunot ang noo niya.

Ang baklang ito ay kaklase ni Kuya Dashiel noong highschool kaya kilala ko. Ni head to foot niya ako at binigyan ng malaking ngiti.

"Bakit naman mapapadpad si Noah dito? Kumusta ka na?"

OH MY GOD! Can anyone just please get out of the way and just help me find Noah! Kung nasan si Noah, nandoon si Coreen. At gusto kong malaman kung ano yung mga nilihim ni Coreen sakin tungkol kay Wade dahil sigurado akong marami.

And I darn get it, Noah's band isn't that popular yet.

"I'm good." Ngumisi ako at naging tuliro ulit.

"Nagmamadali ka talaga, ah. Sige try mo dun sa pintong iyon. Maraming banda doon. Baka nandon si Noah. Ngayon ko lang nalaman. Sinusubukan ba nilang mag audition sa Moon? Hindi na kasi sila naghahanap ng ibang band pero binigyan ng pagkakataon ang ibang bands na mag auditon. Alam mo na, Going South craze. The Wade Sexy Rivas Craze. Sige, try mo dun. Teka lang... May aasikasuhin ako. Hanapin mo lang ako ah." Mabilis siyang umalis at may inasikaso ng bigating artista.

WADE SEXY RIVAS CRAZE?

Tinignan ko ang pintuan at di na nagdalawang isip na sumugod doon at buong lakas na binuksan iyon. Tinanggal ako ang aviators ko dahil madilim sa loob. Konti lang ang ilaw at maraming tao.

Huling parte ng instrumental sa isang kanta ni Liam ang naabutan ko.

"Thank you!" Ani Liam sabay yuko sa audience.

Nakita kong may pitong babaeng sigaw ng sigaw sa harapan. I'm sure, Coreen's there. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa loob. May iba't ibang banda nga ang nag a-audition dito. At sa harap, sa presidential table na nakaharap sa nag peperform sa stage ay limang lalaki at isang matandang babae.

"I like it." Sabi ng matandang babae.

Naglakad ako papasok at papunta sa gitna. Nakaupo lang sa kani-kanilang upuan ang ibang banda. Parang Britain's Got Talent ang nangyayari dito.

"Thank you! Thank you!" Sabi ni Liam nang nakangiti.

Tumango ang babae at unti-unti nang umalis sina Noah. Pero bago nakaalis si Liam ay nakita niya ako kaya napangisi siya ng malaki.

"REINA!" Sa sobrang saya niya ay naisigaw niya ang pangalan ko.

Ngumisi din ako sabay kaway sa kanya.

Lumingon ang lahat sakin. Uminit ang pisngi ko dahil pati ang ibang banda ay napatingin sakin.

"OMG! REINA!" Mas malakas na sigaw ni Coreen sabay talon-talon sa kinatatayuan niya. Ngumisi ako at kinawayan na rin siya. Pinasadahan ko ng tingin lahat ng banda doon, pitong banda yata ang bilang ko at puro sila nakatingin sakin. Maging ang nasa table harap sa stage ay napatingin sakin. Isang lalaki lang ang hindi tumitingin.

Pinilig ng lalaki ang ulo niya. Para bang sinusubukan kung lalagutok ba yung leeg niya. Napahawak siya sa leeg niya at hinimas ito. From that black jacket, broad shoulders, that familiar hair, I knew who it is.

At isa siya sa nag ju-judge kung papasa ba sina Noah. The tables were really turned, huh?

Unti-unti siyang tumayo. Nakita ko sa gilid ng mga mata kong papunta na sina Coreen at Liam sakin pero ang buong atensyon ko ay nandoon parin sa pagtayo niya.

Nung una, akala ko mag wo-walk out siya dahil galit parin siya sakin. Pero laking gulat ko nang pumihit siya at hinarap ako nang nakangiti.

Tumindig ang balahibo ko. It was that usual smile... that leering smile... that evil smile... Yung ngiting pinapakita niya sakin noong binubully niya pa ako sa school.

Napalunok ako. Naka move on  na siya! Kasi kung ako ang nasa mga paa niya, hmag wo-walk out na ako.

"Reina!" Sabay yakap at halik ng marami ni Liam sakin sa noo.

Napatingin agad ako sa kanya at nakita kong humalukipkip siya at ngumiti lang habang pinapanood kami.

"Reunion!?" Yun ang unang binanggit niyang salita. Humalakhak siya at tinapik ang likod ni Liam.

"Reina, bakit ka andito? Diba sa susunod na linggo ka pa babalik?"

Napatingin ako kay Noah na seryoso na ang mukha ngayon.

"N-Napaaga."

"Wade, classmate kayo noon ni Reina diba? So magkakilala na kayo?"

Tumango si Wade at tinitigan ako.

Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.

"Kilalang kilala." Ngumisi siya sakin.

Shiz! Nakalimutan ko na yata kung paano ngumiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top