Kabanata 39

Kabanata 39

Take Over

Naging mahirap saking mag concentrate sa pag-aaral. Ilang beses akong nasabihang walang talento dahil masyadong dull at mediocre ang designs na nagagawa ko. Naiinggit ako sa dating mga sketch ko kasi magaganda at creative. Maging ang style ko ay naapektuhan. Yung pagpapares-pares ng mga pieces. Yung mga sapatos, yung aesthetic sense ko parang nagbabago ng paunti-unti.

Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, nacha-challenge ako at nagsisikap. Tuwing gabi, hindi ko maiwasang mapatunganga. Maybe it's time for me to make a new Facebook account?

Nangangati ang mga kamay ko habang tinitignan ang homepage ng Facebook. Nung umalis ako ng Manila 6 months ago, deactivated agad ang Facebook ko. Kaya ngayon mas lalo akong naging walang clue kung anong nangyayari kay Wade. Not that he opens his Facebook to update his status everyday. Halos kalawangin yung Facebook niya dahil di niya binibisita noon. Kaya wala rin akong interes sa Facebook.

Pero ngayong malayo kami at ilang buwan na ang nakalipas, gustong-gusto kong balikan lahat. Kahit na walang laman yung Facebook niya, gusto kong makita. Anything about him. Please!

"Reina!?" Kinalabit ako ni Liam.

Sinarado ko agad yung Facebook sa laptop ko.

"Nakakabigla ka naman." Sabay hawak ko sa puso ko.

Nagkasundo kaming magmeet ngayon dito sa isang coffee shop. Napahawak ako sa malaking sumbrero ko dahil lumakas ang ihip ng hangin. Umupo siya sa tabi ko at dumungaw sa laptop.

"You want to sign up?" Tumaas ang kilay niya.

Umiling ako, "Nope. Napadpad lang."

"Bakit ba kasi ayaw mo? I mean, may pinagtataguan ka ba? Iniiwasan?"

"W-Wala. Ayaw ko lang ng mga... uhm... temptations." Kinagat ko ang labi ko.

Temptations. Pag nakita kong wasak na wasak parin si Wade hanggang ngayon, baka mag alsabalutan ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako makarecover sa lahat ng nangyari.

At sa totoo lang, nang nag dalawang taon na ako dito sa Paris, hindi ko parin malubayan ang pag iisip sa nangyari noon. Lalo na dahil mag isa na lang ako sa condo. Umuwi na si Rozen at iniwan ako ditong mag isa. Thank God for Liam. Hindi naman sa wala akong naging kaibigan sa school, kaso masyado akong nag no-nosebleed sa French. May alam na akong konti pero hindi ako marunong umintindi sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam ang grammar. Konting salita lang talaga ang alam ko. May mga marunong din namang mag english, sila yung nakakaclose ko. Lima lang din kami at mayayaman pa yung dalawa. Anak yata ng hari yung isa at hindi man lang siya tumitingin sa mga mata namin kaya di ako sigurado kung tama bang makihalubilo sa kanila.

"Reina, I missed you so much... Hindi ka parin ba babalik? Dinig ko you're doing well. Tapos natapos mo na daw yung isang course. Ano na?" Tanong ni Coreen.

"I missed you, too, Coreen." Suminghap ako. "Pero hindi pa pwede. Kailangan ko pa ng specialty. I mean, hindi na naman talaga kailangan pero tingin ko mas mabuting itake ito."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Sa cellphone niya ako tumawag kasi nakahiga pa ako sa kama. Umagang-umaga pa dito pero mukhang tanghali na yata sa Pilipinas.

Hindi parin nakakabalik sa pagbabanda sina Noah. Dahil masyadong matayog ang na set ni Wade na standard, hindi na sila makahanap ng kapalit.

"Ano na ang nangyayari diyan?"

This past few months kasi hindi na ako masyadong nakakatawag sa kay Coreen. Masyado siyang naging busy. Masyado rin akong abala sa mga proyekto at iba-ibang offers.

"Hmmm?" I can almost hear her sarcasm. "Ako ba ang tinatanong mo o may iba pa?"

"W-Wala. I mean... sino pa ba?" Napaupo ako sa kama at humalukipkip.

"2 years ago, pinangako ko sa sarili kong hindi na kita iuupdate sa nangyayari sa lalaking iyon, Reina. You know... he was a wreck when you left. At hanggang dun na lang ang sasabihin ko, wala na akong idadagdag."

"B-Bakit? Naging okay na ba siya?"

"What?"

"You said he was a wreck when I left, it's been two years, naging okay na ba siya?"

Natahimik siya.

"Coreen."

"What do you think, Reina? Ikaw? Naging okay ka na ba?"

I sighed.

"H-Hindi."

"Sino ba sa tingin mo ang mas nagmahal? Siya, hindi ba?"

My jaw dropped. Gusto kong sumingit pero diretso ang pagsasalita ni Coreen.

"Tingin mo okay na siya?"

Hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung kirot sa puso ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung talaga bang matatanggap ko ang mangyayari pag balik ko ng Pilipinas. Paano kung hindi ko na siya makita? Nasa Alegria na lang siya? Nagsasaka sa ricefield? Baka maaga siyang mag asawa! Hindi naman ako ilang buwan lang dito sa Paris, dalawang taon na ako ngayon! Kaya malamang marami nang nangyari! Pero base sa sinabi ni Coreen, mukha namang pumapasok pa si Wade sa school.

Nagbago lang ang linya ni Coreen nang nagtatlong taon na ako dito.

"Coreen! I missed you!" Sabi ko habang nag s-skype kaming dalawa.

Mas tumaas ang buhok niya at nagkaroon ng konting highlights. Kulot parin ang dulo, as usual. Hindi tulad ng buhok kong masyadong straight at walang kabuhay-buhay. Bukod sa buhok niya, halos wala nang nagbago, except sa pagkakaroon niya ng aura ng isang 'mature' na babae. Naka puting spagetti strap lang siya at may konting lipstick sa labi niya. Hindi naman ako naninibago kasi maagang nag ayos itong si Coreen.

"My goodness, Reina! Talaga palang nakakaganda ang tubig sa abroad! Look at you!"

Nanliit ang mga mata ko sa inasta niya. She looks so damn sexy but... still the same.

"Dalhan mo ako ng isang timba ng tubig pagkarating mo dito." Tumawa siya. "Naiisip ko tuloy baka ma hold ka sa embassy dahil nagdadala ka ng timba ng tubig. Wait a minute... pwede ba yun? Pwede bang magdala ng tubig?"

"What a question? Ilang buwan tayong hindi nakakapagskype, yan na ang pambungad mo sakin?"

Humagalpak siya sa tawa.

"Anyway, kumusta?"

"Eto, ganun parin. Noah's girl!" Pumikit siya at nilagay ang dalawang palad sa bibig habang parang kinukuryenteng nanginig.

"Oh my God!" Umirap ako.

That's like.... Napabilang ako sa mga daliri ko.

"20 freaking years of love! My God! Move on din pag may time!" Sabi ko.

"I'm not like you, Reina." Umirap siya at nanisay ulit sa kilig. "Anyway, 10 years pa lang no! Highschool pa lang akong nagsimulang magkagusto sa kanya. Or grade 5? I forgot! Basta, siya yung first and only love ko!"

"Ano? Umuusad na ba?"

She pouted, "Ganun parin. Deadma."

"What the? Really?"

Bulag na talaga yata ang kapatid ko.

"Anyway, sabi niya sakin may boyfriend ka daw diyan... Si Liam?" Tumawa na naman siya.

"Sabi mo deadma! Bakit kayo nag usap?"

Nanisay ulit siya sa kilig. Okay. Darn it. I think wala akong mapapala sa pag uusap naming ito.

"Okay, Liam's not my boyfriend. Palagi lang kaming magkasama."

"Ay hindi, boyfriend mo siya. Lalaking kaibigan. Ikaw naman masyadong assuming." Humagalpak ulit siya sa tawa.

Ang bangag naman ng babaeng ito. Nanliit ulit ang mga mata ko at sinubukang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"OMG! Sobrang ganda mo!"

Nakita kong lumapit talaga siya sa screen para tignan akong mabuti.

"As in! Alam mo yung sobrang ganda mo talaga? Kamukha mo na si Rozen... Soft version. Oh my Gosh! I think girl crush na kita!"

Umusok ang pisngi ko.

"Umuwi ka na dito! Gusto na kitang makita sa personal!"

"I don't know, Coreen. Siguro isang taon pa."

Ngumisi siya, "Kahit na sabihin ko sayong..." Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"ANO?"

"Chaka lang! Sige na! Bye na pls! Catch up with you later-"

"Huy! Ang iksi naman ng-"

Pinutol na niya. That shizzy girl! Nangati tuloy ang kamay kong makapag Facebook at i-check si Wade. Ano ba ito! Tatlong taon na napaparanoid parin ako kay Wade.

Pumikit ako at niclick yung sign up sa Facebook. Mabilis kong tinapos ang mga forms at sa wakas ay nagkaroon na ako ng account.

Search... here we go... Wade Riv-

"REINA!"

Padabog kong naisarado ang laptop ko. Anakngputspa! Si Liam lang pala ang nanggugulat!

Niyakap niya ako galing sa likuran.

"Ano? Mag hahang-out ka na naman kasama ang laptop mo. Diba sabi ko sayo gusto ko sa ngayon ako lang muna?"

Ngumuso siya at sinulyapan ang laptop ko. Niligpit ko agad ito.

"Sorry, kasi talagang nag skype kami ni Coreen ngayon. Hindi ko naiwasan. Ang hirap niya kasing hagilapin kaya pinagbigyan ko na."

At kung alam ko lang na ganun lang kaiksi yung skype namin sana hinayaan ko na lang siyang kalawangin sa Pilipinas.

Hinawakan ni Liam ang kamay ko at tinayo ako sa upuan ko. Ngumisi siya at dumapo ulit ang paningin ko sa dimple niya.

"I know that's your favorite part of me." Sabay lagay niya sa kamay ko sa dimple niya.

Napangiti ako. He's always this sweet.

"But you really need to get away from that laptop, ayokong nagdedesign ka sa araw natin. Ayoko ring may kasama kang iPad sa araw na ito..."

Tumatango na ako, nasa gitna pa lang siya ng sinasabi niya. "I know..."

"Despedida!" Tumawa siya. "Ugh! I'm gonna miss you, baby."

Hinalikan niya ang noo ko.

Nung una niyang ginawa sakin ito, nabigla ako at naweirduhan dahil wala lang iyon sa kanya. Kalaunan, napagtanto kong sweet lang talaga siya at maaring nadala siya sa mga kaugalian ng mga pranses. I won't blame him. Ilang beses na rin akong nahalikan ng mga kakilala kong French. Kahit na mismo yung bisexual kong mentor ay nahalikan na ako sa pisngi at labi. Nothing's wrong with that here...

Humalakhak siya, "You still have that look in your face."

"What?"

Hinawakan ko ang pisngi ko.

"Yung pagkakatulala mo pag hinahalikan kita."

"Hindi ah!"

Nagpatuloy na lang siya sa paghalakhak at di na nakipagtalo sakin. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

"I'm really going to miss you. Make sure isang taon na lang ang itatagal niyan, ah? Sapat na naman siguro yung experience mo sa kamay ng Valentino, tsaka nag design ka na rin ng royal gown. You almost don't need the degree. Pustahan tayo, pag uwi mo ng Pilipinas, dadagsa yung mga artistang magpapadesign ng gowns or suits sayo."

Napangiti ako.

"Hindi naman."

"You should stay here. Mukhang mas malaki ang offer kung nandito ka, eh."

Napawi ang ngiti ko at natigil ako sa paglalakad.

"Babalik ako."

Ngumisi siya at tumaas ang kilay, "Dahil ba babalik din ako?"

Ngumiti ako, "Syempre, papanoorin kita. Take over Zeus, Liam."

It's easy to fall in love with Liam but it's so darn hard to forget Wade!

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko kay Liam.

At oo, bumabangon ang banda nina Noah. Liam is taking over. Madali para sa kanya dahil walang standards na magpi-pressure sa kanya, kasi hindi niya nakita ang Zeus noong si Wade pa ang bokalista. I've seen their videos. Yes, he's great. Almost as great as Wade. Yung tipong tinititigan ni Wade lahat ng audience at pinapatay niya sa ngiti. At pag pumikit na siya, napapapikit ka rin. Pag dinadama niya ang kanta, nadadama mo rin. It was darn easy for him to take over Zeus.

Ngayong alaala na lang ang lahat nang iyon para sakin, bakit ganito parin ang tibok ng puso? Umaasa parin akong mapansin ako ng taong tinakwil ko noon pa? Ako yung nangarap pero sa huli ako rin yung sumuka. It's all my fault.

At nang lumapag ang eroplano sa Pilipinas, mas maaga ng isang linggo sa inasahan ng pamilya ko, ganun din ang naging linya ko sa puso ko.

"I wish it was that easy to take over my heart, too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top