Kabanata 36
Kabanata 36
Parang Awa
"Sige, sagutin mo nga ako, pinapalambot mo ba ang puso ko para lang mapalapit sa banda?"
"SINASABI MO BANG GINAGAMIT KITA?"
Sariwa pa sa utak ko ang sagutan namin ni Wade sa CR. We've been through this, I can't ask him again. Nakita kong gumalaw si Wade sa kinatatayuan niya. Bahagya siyang lumapit sa kalsada para tignan ang sasakyan namin.
"I-I can't do this, Rozen." Sabi ko.
"Just ask him, Reina."
"Alam ko na ang sagot. Hindi niya yun magagawa sakin. Natanong ko na siya noon."
"Ask him again, then." Nakangisi niyang sinabi sakin.
So... cruel.
Umiling ako at tinitigan siyang mabuti.
"Hindi niya yun magagawa-"
"Prove it to me... ask him."
"Rozen!" Saway ni Kuya Dashiel sa kapatid kong stoneheart.
"Yeah, yeah."
"Reina, do you need time? Pwede naman nating ipagpabukas."
Napalunok ako sa alok ni Kuya Dashiel. Gusto kong magtanong kay Wade pero ayokong marinig niya ang tanong ko. Gaya ng dati, nagalit siya nang tinanong ko iyon. At pag itatanong ko na naman ngayon, magagalit na naman siya, panigurado. I believe in him. But I don't think it's enough to believe.
Hinawakan ko ang pintuan at sinubukang buksan. Pumikit na lang ako. Brace yourself, Reina. Sana mahanap ko ang mga tamang salita.
Hinawakan ni Rozen ang balikat ko. Inabot niya sakin ang payong... at...
"Remember, Reina, pag umamin siya, wa'g mong kawawain ang sarili mo. Stone heart. Tama na yung napaikot ka. Hindi mo na kailangang ipakita ang pagkatalo mo. Pride na lang ang natitira, Reina. Don't beg. Never beg. Never chase. Elizalde ka. Hindi natin gawain yan."
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"I know what to do, Rozen."
Narinig ko ang ngisi niya, "Good."
Tumapak ako sa kalsada sa tapat ng bakuran nina Wade. Nakita kong umaliwalas ang mukha niya sa paglabas ko sa sasakyan.
Hindi naman umaliwalas ang sakin, kung ano man, siguro ay naging mas nininerbyos ito. Dinig na dinig ko ang puso kong mabilis at malakas ang pag pintig.
Naisip ko yung unang pagkikita namin ni Wade. Agad akong naattract sa kanya noon. Kahit sino naman siguro. He's drop dead gourgeous even with clothes on. Pero sinungitan niya ako sa unang pagtatagpo namin, kaya na turn off ako sa kanya. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi lang siya puro kagwapuhan. Na kahit masungit siya sakin, may tinatago siyang kabaitan. Because I saw how he treated others... At nang nalaman kong may 'relasyon' sila ni Zoey, agad kong napagtanto na may unrequited love siya para dito. Sa huli, nalaman kong kabaliktaran pala, si Zoey ang may gusto sa kanya. He's a playboy... na nagpapadala lang sa agos ng buhay at sa agos ng kanyang mga pangarap. He's intelligent and talented. Hindi niya ako kailangan para sumikat. Sino man ang nagsabi sa kanyang hindi niya kayang tumayo mag isa, nagkakamali siya. I know one day, he'll be big!
Tumayo ako sa harapan niya.
Nung una, hindi ako makapaniwalang napansin ako ng lalaking hinahangaan ko. Ang gwapo, matalino, at talented na si Wade Rivas... napansin ako. Si Reina Elizalde na wala naman talagang ginawa kundi ang ipinanganak na mayaman at magkaroon ng apelyidong tanyag. There's really nothing about me. I'm not special. Hindi ako matalino o maganda. I'm just average and typical. Ang tanging kina kaangat ko lang ay ang apelyidong hindi naman ako ang naghirap.
Mejo lumalakas na ang pag ambon. May bagyo kaya? Ganunpaman, tinignan ko lang siya sa harap ko. Hindi ko siya nilapitan. Hindi ko siya pinayungan. Hinayaan ko siyang mabasa sa papalakas na pag ambon.
"Wade..." Hindi ko sinasadya ang panlalamig ng boses ko.
I want to hear it, Wade. You are too mysterious. Ilang beses ko na ba ito nasabi sa sarili ko? Na mahirap kang espellingin! Hindi ko maintindihan ang pagkatao mo. Normal kasi hindi tayo sabay lumaki, hindi ka pamilyar sakin dahil taga Alegria ka at taga Manila ako. So I needed to hear it straight. Yung walang pa liguy-ligoy. Yung walang bahid ng pagka misteryoso.
"R-Reina." Nabasag ang boses niya.
Naalala ko yung pagbitiw niya sa kamay ko nang nag sorry na si Zoey sa kanya. It broke my heart. Kung hindi totoo ang mga sinasabi ni Rozen, bakit ganun na lang ang ginawa ni Wade?
"Pwedeng magtanong?"
Pinilit ko ang sarili kong magsalita ng kalmado. Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagsakit ng puso ko.
Nakita kong lumunok siya. Humakbang siya papunta sakin pero mabilis akong umatras. I want pure conversation. I can't melt just because he touched me. I want to hear it, straight. I want to prove my judgemental brothers wrong.
Ngayon ko malalaman kung napansin niya ba talaga ako o nagkunwari lang siyang mahal niya ako. Hindi ko pa nga naitatanong ay barado na ang lalamunan ko dahil sa mga luhang gustong lumabas.
Mas lalo pang lumakas ang ulan. Basa na siya at bakat na ang katawan niya sa damit na sinusoot.
"Alam kong naitanong ko na sa iyo ito... pero..."
Pumikit ako. Here's another realization: Naitanong ko na sa kanya ito pero tinanggi niya. Kung totoo man ang sinasabi ni Rozen, ibig sabihin nag sinungaling si Wade sakin. Na hanggang ngayon, mula simula hanggang ngayon, nagsinungaling lang siya.
"Ginamit mo lang ba ako?" Mas malamig ko pang naibulalas ito.
Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko pagkatapos kong itanong iyon. Tahimik siya at seryoso ang mukha niya.
Galit ba siya? Galit dahil tinanong ko ulit siya nito kahit nasagot niya na?
"Hindi." Simple niyang sinabi.
Bahagya kong binuksan ang mga labi ko para pakawalan ang hinagpis. Damn! I'm right! Rozen's wrong! Thank God!
Gusto kong ngumiti at magsisigaw sa saya. Pero may isa pa akong tanong.
"Pinagplanuhan niyo ba ni Zoey ang paikutin ako?"
Hindi gaya ng naunang tanong, hindi siya agad nakapagsalita. Lumakas ang ulan at sigurado akong hindi ko maririnig ang 'Hindi' niya ngayong malayo ako sa kanya. Nilapitan ko siya para payungan at para na rin marinig ng diretso ang pagtanggi niya.
Pahakbang na ako nang sinagot niya ako nang...
"Oo."
Natigilan ako. Sandali lang... Guni-guni ko ba iyon? Nakita kong lumipad ang paningin niya sa mga mata ko.
"Oo." Inulit niya nang walang pag aalinlangan.
Tinakpan ko ng palad ang bibig kong nakaawang na ngayon. I can't believe it. Kusang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.
"Really?" Nabasag ang boses ko.
Nakita kong nanginig ang mga kamay niya nang unti-unti itong tinaas para abutin ako. Humakbang siya palapit sakin pero umatras ako.
"Reina, ganun yung simula. Hindi ko kaya ang Manila. Pero gusto kong pumasok sa Zeus. Kaya nagpatulong ako kay Zoey. Sinabi niya saking mag pa impress ako sayo kaya ginawa ko-"
"Pinaikot mo ako?" Nanliit ang mga mata ko at damang dama ko ang init na nanggagaling sa puso ko dahil sa sobrang galit.
"No, Reina. Hindi ko magagawa iyon-"
"You lied to me! TINANONG KITA NOON KUNG GINAMIT MO AKO PERO TUMANGGI KA!"
"K-Kasi hindi kita ginamit-"
Bago niya pa natapos ang pagsasalita niya ay mabilis akong lumapit sa kanya para sampalin siya. Ito ang unang pagkakataong may nasampal akong ibang tao. Nagdulot ako ng sakit sa kanya pero nasaktan din ako. Matagl siyang humarap sakin. Hindi niya agad nabawi ang pisngi niyang ngayon ay nakaharap na sa kabila dahil sa sampal ko.
"Manggagamit! Kayong dalawa ni Zoey, manggagamit! Sige, since umamin ka rin naman. Nung unang pagkanta mo sa stage, hindi ba tinitigan mo ako? Nandun si Zoey sa likod ko, diba? Kaya ba siya nandun dahil-"
"Oo," Bumaling siya sakin. "Nandoon siya para ipakilala sakin si Reina Carmela Elizalde-"
"Ang babaeng papaikutin mo!" Dagdag ko. "Isa pa... umatras ka kasi nalaman ni Rozen ang plano mo, hindi ba?"
Hindi siya sumagot. Nag iwas na lang siya ng tingin. Dahil sa ginawa niya, mas lalo akong nagalit. Hinampas ko ang dibdib niyang hindi natinag. Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Halos mabitiwan ko na ang payong na hinahawakan ko.
"Reina! Hindi mo ba nakita!? Iniwasan kita kasi nalaman niya ang plano ko pero bumalik parin ako sayo-"
"HINDI KA BUMALIK SAKIN! KUMAGAT KA KASI BUONG AKALA MO MAY GUSTO RIN AKO SAYO! KASI INAMIN KO SAYO NA MAY GUSTO AKO SAYO!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What do you mean?" Narinig ko ang galit sa boses niya.
Mas lalong lumakas ang ulan. Dahil bahagya akong nabasa, wala akong pakealam kung umiyak man ako ng sobra-sobra ngayon. I don't freaking care! Alam kong magagalit si Rozen sa panlalambot ko, pero maiintindihan niya rin ang pag iyak ko sa oras na magmahal na siya.
"I didn't love you, Wade Rivas." Umiling ako at pinilit na ngumisi.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Humakbang siya papalapit sakin. Patuloy akong umatras at umiling. Pinigilan ko ang sarili ko sa paghikbi.
"No, Reina, you love me." Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya.
Patuloy akong umiling.
"Mahal kita, Reina-"
"Lies!" Ngumisi ako. "It's okay, Wade. I didn't love you anyway. Pareho tayong nag lokohan. It's okay."
Natigilan siya.
"I'm not dumb. Oo, naiinis ako kasi pinaikot mo ako pero hindi ako manghihinayang sating dalawa kasi simula pa lang, wala na. Walang laman. Walang laman ang salita mo, wala ring laman ang mga salita ko. Kwits lang tayo. Kaya wa'g ka nang umarte diyan."
"Reina, parang awa mo na, makinig ka. I love you... Oo, maaaring nagsimula ako sa mali pero ngayon totoo na ito at gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko."
"You dated me for fame!"
"No, Reina."
"Asshole! Wa'g ka ng mag explain kasi hindi ko na naman kailangan. Dahil hindi naman kita mahal-"
"Reina, dinahan dahan ko naman. Nagpigil ako sayo. Ipinakilala kita sa mga magulang ko-"
"Parte yan ng plano mo. At tapos na ang plano ko kaya tapos na ang lokohan. Game over, Wade Rivas. Nasayo na ang fame na hinahanap mo. Magpakasasa ka. At ikaw? Ginawa lang kitang experience. Milestone. Praktis ka lang sa halik. Akala ko naloko na kita. Pero pareho pala tayong naglokohan."
Nakita kong humikbi siya. Unti-unti siyang lumapit sakin.
"Reina, don't leave me hanging. Pinaibig mo ako. You made me fall hard and fast. Wa'g mo namang bawiin ang lahat-"
"Hindi ko binabawi kasi simula pa lang wala akong binigay." Matapang kong sinabi iyon sa harap niya kahit na kitang kita ko na ang pamumula ng mga mata niya.
Tinakpan niya ng mga palad niya ang kanyang kaliwang pisngi at mata. Pumikit siya at nakita ko ang marahan na paghikbi.
"Please, Reina..." Dumilat siya para harapin ako. "Manliligaw ulit ako sayo dahil mali ang naging simula ko. Gagawin ko ang lahat wa'g ka lang mawala. Please, alam kong... alam kong hindi mo pa ako mapapatawad agad-agad. I'll give you time. I'll wait." Hinawakan niya ang kamay ko.
Hinawi ko ang kamay niya at umatras sa kanya.
"You got your fame. Ngayon ako naman, Wade. Let's end this stupid game. I'm done with you. Minahal kita... kunware. Tulad ng pagkukunware mo sakin. We're done."
Tinalikuran ko siya pero mabilis at malakas niyang hinatak ang braso ko.
"Please, Reina!"
Mabilis at sabik niyang binalot ang labi ko ng maiinit na halik. Ramdam ko ang buong kaluluwa niya sa halik na iyon. Niyapos niya ang pisngi ko ng kanyang mga palad. Malamig ang kamay niya pero mainit ang pisngi niya.
Hinawakan niya ang baywang ko. Dilat ako pero nakapikit siya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong kahit basa na ang pisngi niya ay may luha paring lumabas sa mga mata niya.
"Reina, will I get you to stay if I kiss you like this?" Nabasag ang boses niya at hinarap niya ako.
Mapupungay ang mga mata niya pagkatapos ng halik. Nalasing ako sa halik niya. Tulad ng dati. Walang ka kupas kupas. Mahal na mahal ko talaga siya. Pero walang hiya, pinaikot niya ako. Tama si Rozen, I'm an Elizalde. Maraming magkakainteres sakin dahil sa yaman na dala ng pamilya ko.
Ayokong manghusga. Lalong lalo na kay Wade. Hindi ako nanghusga. Siya mismo ang nagsabi sakin. Umamin siya sa kasalanang ginawa niya. At hindi ko iyon nagustuhan. I wanna hurt him so bad. Cuz I feel like I'm going to bleed to death because of the pain he gave me.
"Reina, wa'g mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat. Nagmamakaawa ako sayo."
Hinaplos niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang pag amba niya ulit ng isang halik pero bago niya iyon nagawa ay sinampal ko na ulit siya.
Mas malakas ang sampal ko ngayon dahil malapit kaming dalawa. Naramdaman ko ang kirot sa kamay ko na unti-unting lumaganap sa buong palad.
"Nagmamakaawa rin ako sayo. Pakawalan mo na ako."
I've never seen him so devastated. Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong lumuhod sa harapan niya at bawiin ang huling sinabi ko pero hindi ko kinaya ang naging reasksyon niya. Natulala siya at nanigas sa kinatatayuan niya.
Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko. Tinalikuran ko siya at tumakbo pabalik sa sasakyan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top