Kabanata 35
Kabanata 35
Alin Ang Totoo
Nagmadali kaming pumasok ni Wade pabalik ng bahay nila para tignan ang sinasabi ni Iverson.
"Son, nasan sina mama at papa?" Tanong ni Wade sa kapatid niya.
"Umalis pagkatapos kumain, kuya. May pinuntahan sa plaza."
Tumango si Wade at sumulyap sakin bago namin tahakin ang daanan papuntang sala.
"Nga pala, Kuya." Bumaling si Iverson sakin. "May kasamang dalawang lalaki si Ate Zoey."
Ngayon, panigurado, ako naman ang namumutla. Hindi ko alam kung bakit agad akong kinabahan sa dalawang lalaking kasama ni Zoey.
Nalaman ko naman agad kung bakit nang nadatnan namin si Kuya Dashiel na nakaupo sa sofa nina Wade at si Rozen na nakasandal sa pintuan.
"Why are you here?" Mabilis ang pintig ng puso ko.
Ni hindi ko na namalayan ang presensya ni Zoey sa gilid ni Rozen. Nakita kong lumipad ang tingin ni Kuya Dashiel sa kamay ni Wade na humawak sakin.
"Why are YOU here, Reina?" Tumayo si Kuya Dashiel.
Napalunok ako sa pabalik na tanong niya.
"Kuya, binibisita ko lang si Wade." Paliwanag ko.
"Let's go, Reina." Humakbang si Rozen papunta sakin.
Umatras ako sabay hawak din sa kamay ni Wade. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Magtatanan ba kayo?" Kuya Dash's question was cold and firm.
"What? H-Hindi!"
"Then, Reina, kung hindi kayo mag tatanan, sumama ka samin." Nag lahad ng kamay si Rozen sa harapan ko.
"Anong problema niyo saming dalawa ni Reina?" Galit na tanong ni Wade sa kanila.
Nakita kong tinignan niya si Zoey. Mapupungay ang mga mata ni Zoey. Mangiyak-ngiyak siyang lumapit kay Wade.
"I-I'm sorry, Wade." Nabasag ang boses ni Zoey.
Pagkabanggit ni Zoey nun ay automatikong kumalas ang kamay ni Wade sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang wala ng lakas ngayon, tapos sa mukha niyang nakakapanlambot.
"Wade?"
Pero bago ko pa siya natanong kung bakit niya kinalas ang kamay niya sa kamay ko ay humagulhol na sa iyak si Zoey at pinaulanan niya na si Wade ng, "I'm so so sorry, Wade. I'm sorry. Mahal na mahal kita... P-Pero..."
Hinila ako ni Kuya Rozen. Nanlaban ako. Pero nanlambot ako nang tinignan kong hindi man lang makatingin si Wade sakin. Bumaling siya kay Zoey at nakita ko ang galit sa mukha niya. Hahawakan na sana ni Zoey ang braso ni Wade pero umatras si Wade na para bang nandidiri kay Zoey.
"What is wrong, Kuya?" Sigaw ko kay Kuya Dashiel na ngayon ay siyang humihila sakin.
Pinagbuksan ako ni Rozen ng pintuan. Pinasok ako ni Kuya Dashiel sa loob. Tatakas sana ako pero nasa magkabilang gilid ko silang dalawa.
"Kuya!" Nabasag ang boses ko sa kaba at anticipation.
WHAT THE HELL IS HAPPENING?
Mabilis at matulin ang drive ng driver papuntang Camino Real. Hindi ko na maalala kung paano bumalik kina Wade. Hindi ko na nakita kung paano kami nakarating ng Camino Real. Hindi ko na napansin ang renovated rest house namin. Kinaladkad na lang ako ni Rozen papuntang sala ng mansyon. Pinaupo niya ako sa sofa. Namuo ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na ng lalamunan ko.
Tinapon ni Rozen sa harapan ko ang isang malaking envelope na may gold pattern sa gilid.
"Ano yan?" Basag na basag ang boses ko.
Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. This better be good, Rozen!
"Pumasa ka sa French School of Design, Reina. Sa condo natin sa Paris, yan ang natagpuan namin. Bumalik kami ng Pinas para ibalita sayo ito personally at nalaman naming pumunta ka ng Camino Real. Pumunta kami ng Camino Real, at nalaman naming wala ka dito. Zoey told us you're with Wade Rivas! Sa Alegria."
"You're not even answering your phone, Reina." Dagdag ni Kuya Dashiel.
Nanginig ang kamay ko habang tinitignan ang letter na may naka lagay na crest ng School of Design na pinasukan ko sa Paris.
"Kuya, totoo ba ito?" Tumulo ang luha ko nang hinawakan ko na ang letter at binuksan.
Tumango si Kuya Dashiel.
"And you're dating the wrong guy, Reina." Aniya.
Hindi ko pa nababasa ang letter ay binaba ko na agad pabalik sa mesa.
"I'm not, Kuya. Wade is a good man-"
"Good man?" Tumawa si Kuya Dashiel. "He dated you for fame, Reina."
"No!" Bumaling ako kay Rozen. "Kanino mo yan narinig? Kay Rozen?" Sabay turo ko kay Rozen.
Humagikhik si Rozen at umiling sakin, "Hindi ka parin ba naniniwala? Why don't you ask him straight, Reina. Ask him."
Tumayo ako at sinugod si Rozen sa kinatatayuan niya. Umatras siya at tinaas ang dalawang kamay.
"Easy, Reina." Nakangisi parin ang hinayupak kong kapatid. "Kung hindi ka naniniwala, ask him. Ask him, then. You're just blinded by your freaking attraction." Nanliit ang mga mata niya. "Magaling ba siyang magdala ng babae? Of course, coz he's a playboy. Magaling ba siyang mambola? Of course, yan naman talaga ang gawain niya. Naloko ka, Reina. He tried to get to you to get to the band-"
"Hindi niya ako kailangan para pumasok sa banda! May talent siya! May boses siya at may charisma!"
"ENOUGH, REINA!" Napatalon ako sa pabiglang sigaw ni Kuya Dashiel.
"He's a playboy, Reina. Ano na? May nangyari na ba sa inyo? At paano kung mabuntis ka? May maibibigay ba siya sa iyo? Wala! Gusto niya lang sumakay sa barko mo-"
Sinampal ko na si Rozen. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang patawarin siya sa mga sinabi niya. Naramdaman kong nagpalpitate ako sa sobrang inis. Humikbi ako at napaupo sa sahig sa kakaiyak.
"Ano bang problema niyo? Bakit kayo nang huhusga kuya? Hindi niyo ba pwedeng tanggapin na lang na kami? Wala naman kaming ginagawang masama... Wala siyang ginagawang masama-"
"Wala? Ha-ha! Why don't you ask him?"
Wala na akong maibigay na reaction kay Rozen kundi ang pagkamuhi at galit ko sa kanya. Umiling siya ng nakangiti.
"Don't look at me like that, Reina. I care for you. I'm your brother."
Kinagat ko ang labi ko sa inis. Halos dumugo na ito sa kagat ko.
Naglahad ng kamay si Kuya Dashiel sakin.
"Reina, sinabi ni Zoey ang lahat ng tungkol sa plano nila." Sabi ni Kuya Dash.
"Anong plano?" Hindi nauubos ang luha ko sa pag iyak.
"Na papaibigin ka ni Wade para sumikat siya-"
"Sa araw na nag audition siya sa Zeus, Reina, nandoon si Zoey sa likod mo, hindi ba? Yun ay para makilala ni Wade kung sino si Reina Elizalde dahil ikaw ang bibiktimahin niya. Now, don't ask me how I knew this... pero kaya ko siya agad pinigilan sa plano niya ay dahil alam ko ito. Nagalit siya, syempre dahil nabuking siya. And I told you about this before. You didn't listen. Talaga bang masarap ang bawal-"
Tumayo ako para sugurin ulit si Rozen pero umatras siya at tinaas ang kamay niya.
"Come on, Reina. Wa'g kang mag bulagbulagan diyan. I know you're really attracted to that asshole, but please, let your brain rule this time."
Hinawakan ni Kuya Dashiel ang braso ko.
"Even so, Reina. Kung malaman mong totoo ang mga sinasabi ni Rozen, anong gagawin mo? At... ano ang desisyon mo para dito?" Ipinakita ni Kuya Dashiel sakin ang envelope. "You will be trained by the finest designers of France, Reina. Maybe even the world. This is what you wanted, right? Kaya mo pang humanap ng ibang lalaki, but this opportunity? No. What are you going to do now?"
Daan-daang mga bagay ang pumasok sa utak ko. Maraming tanong. Walang ni isnag sagot.
"This is your constant, Reina. Ito ang buhay mo. Are you willing to give this up just to be with that uncertain man?-"
"You know I won't let you." Singit ni Rozen.
Napatingin si Kuya Dashiel kay Rozen. Nakita kong sinimangutan ni Kuya si Rozen dahil sa sinabi niyang iyon.
"I'll give you a choice, Reina." Bawi ni Kuya Dash.
Umiling si Rozen, "I won't give you a choice."
Tatanggapin ko ba ang pag aaral sa ibang bansa? Totoo ba yung sinabi ni Rozen? Ginagamit lang ba talaga ako ni Wade? Bakit nag sorry si Zoey kay Wade? Sorry dahil sinabi niya kay Rozen ang lahat? At bakit guilty si Wade at nagawa niyang bitiwan ang kamay ko? Bakit hindi niya ako hinabol? Bakit hinayaan niya lang ako sa mga kuya ko? Bakit nawalan agad siya ng pag asa? Dahil ba simula't sapul wala naman talaga siyang nararamdaman sakin?
"Puntahan natin si Wade." Ito lang ang tanging naibulalas ko sa gitna ng pagiging tulala.
"What for-"
"ROZEN!" Sigaw ni Kuya Dashiel sa kapatid kong asshole. "Okay, baby."
Hindi ko mabuksan-buksan ang letter. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Kung tatanggi ba si Wade, tatalikuran ko ang mga pangarap ko? At kung aamin ba siya... kung sasabihin niya sakin pinaikot niya ako... makakaya ko ba?
Pinunasan ko ang luha ko habang natutulala sa labas ng sasakyan. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag ambon sa labas.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Rozen sakin na siyang katabi ko ngayong nasa gilid na ako ng sasakyan namin.
Nakita kong sumulyap si Kuya Dashiel sa salamin. Nasa front seat kasi siya.
"Stop it, Rozen. You're pestering her."
"I'm not. I'm trying to make her feel better."
Sumulyap ako kay Rozen at inirapan siya. Hindi ko kailangan ng pangungulit niya ngayon. Kung pwede lang bigwasan ko siya, ginawa ko na.
"What if umamin siya, Reina?" Tanong niya.
Hindi tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo ko. Yun din ang tanong ko. Paano kung totoo? Paano kung ito talaga ang katotohanan? Na lahat ng matatamis na salita niya ay hindi galing sa puso? Na puro iyon bola? Na sanay siyang mambola dahil sa pagiging playboy niya? Na hindi siya nagbago?
"Ewan...ko." Gasgas na ang boses ko.
Humikbi ulit ako kaya tinakpan ko ang bibig ko.
"Sa oras na umamin siya, Reina. Iwan mo na siya."
Bumaling ako kay Rozen, "Anong akala mo sakin, tanga? Ano pang gagawin ko kung umamin siya, edi syempre iwan siya? Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko. At mas lalong hindi ako magpapagamit-"
"Wa'g mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka. Do not cry. Stoneheart, Reina. Stoneheart."
Maingay na bumuntong hininga si Kuya Dashiel sa front seat. Hindi na masyadong mabilis ang patakbo ng driver namin. Siguro ay para bigyan pa ako ng konting oras.
"A-Ano?"
Pinunasan ko ulit ang luha ko. Naiisip ko palang na totoo yung mga pinagsasabi ni Rozen nasasaktan na ako.
"Tell him you didn't love him anyway... Na hindi ka nasaktan kasi hindi mo naman siya minahal. Na pareho kayong naglalaro sa isa't-isa-"
"WHY WOULD I DO THAT, ROZEN?"
"Dahil kahit na nasaktan ka, hindi mo naman kailangang ipakita. Nakalugmok ka na nga sa lupa dahil sa nangyari, sa oras na ipakita mo iyon, mas lalo ka pang binabaon. Kaya Reina, don't ever tell him you love him... That you were hurt coz he lied to you..."
Umiling ako. Hindi na ako makapagsalita sa pag iyak ko.
"He didn't lie... No, he didn't."
"Ha-Ha!" Umiling si Rozen at tumingin sa labas.
Tumigil ang sasakyan namin. Gumagabi na at umaambon parin kaya hindi ko masyadong makita ang lugar. Pinunasan ko ang salamin gamit ang kamay ko at nakita kong may silhouette ng isang lalaki sa bakuran ng isang pamilyar na bahay.
"Wade..."
Ramdam ko ang butas sa puso ko. Sa sobrang sakit nito, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magsalita sa harap niya. This isn't true, right? This isn't true.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top