Kabanata 3
Kabanata 3
Gwapo Pero Suplado
Nagdaan ang mga pareparehong araw. Araw-araw kong nararamdaman ang pagtusok ng matutulis niyang tingin sa likod ko. Alam mo yung feeling na ayaw mong gumalaw sa kinauupuan mo? At yung feeling na nahihiya ka pag tinatawag ka ni Mr. Dimaano para sagutin yung pointless niyang tanong? Ultimo pag tayo mo para sumagot, nanginginig ka na kasi pakiramdam mo panay ang titig niya sayo.
Bakit ba kasi sa likuran ko siya nakaupo?
"Yes, Mr. Rivas." Tinuro siya ni Mr. Dimaano nang nakangiti.
"I guess it's St. Thomas Aquinas' first principles of action, Sir."
Nakapangalumbaba ako at naninigas na naman sa upuan ko. Soothing ang boses niya pero tuwing naiisip kong masahol ang ugali niya, bumabalik ang stress ko.
"Exactly." Nakangiting tumango si Mr. Dimaano.
Pumalakpak ang mga kaklase ko. Napaupo ako ng maayos. Humalakhak si Wade at nakipag-high five sa mga lalaking kaklase ko.
Ang galing niya rin. Marami siyang alam at mukhang studious. Madalang ito sa mayayaman pero siguro dahil na rin laking probinsya niya, alam niya ang kahalagahan ng pag-aaral.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to para tignan kung sino ang nagtext.
Noah:
Reina, classmate kayo ni Wade right now, diba? Pls tell him may practice kami ngayon. 5PM, gym.
Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong ni-type sa cellphone ko ang reply.
Me:
Tanggap na siya?
Agad nagreply si Noah.
Noah:
Yup, baby.
At ako ang magbabalita sa kanya? Sakin manggagaling ang balitang ito? Perks of being an Elizalde. Sinakluban ako ng langit at lupa nang narealize kong kakailanganin kong mag aksaya ng laway para magsalita sa kanya. Paniguradong susungitan niya na naman ako.
"REINA CARMELA ELIZALDE! ILANG BESES KO NA BANG SINABI SAYO NA BAWAL ANG CELLPHONE DITO SA CLASSROOM?" Sigaw ni Mr. Dimaano.
Takte! Napatayo ako sa sigaw niya.
"Sorry po, Sir!" Uminit ang pisngi ko.
Natahimik ang mga kaklase ko. Yung iba ay nagkunwaring walang naririnig, yung iba naman ay painosente effect. Hindi lang naman ako yung nagti-text dito pero talagang maswerte ako kay Mr. Dimaano.
"Give me your cellphone!" Naglahad siya ng kamay.
Napalunok ako habang sinusuko ang cellphone ko sa kamay niya.
"Hindi porke't mayayaman at malalaking businessman ang mga magulang niyo ay pwede na kayong magloko dito sa klase ko."
Hello! Hindi naman sa nagmamalinis pero hindi naman ako nagloloko! Damn! Oo, nag titext ako pero hindi naman yun 'pagloloko'. Naiirita tuloy ako kay Rozen. Alam kong kay Rozen may galit si Mr. Dimaano. Naambunan lang ako kasi pareho kami ng apelyido. Ang nagagawa talaga ng apelyido. Hay naku!
Dahan-dahan akong umupo habang nag ka-climax si Mr. Dimaano sa sermon niya.
"Kaya kayo... hindi kayo nandito sa school para makipagsosyalan! Hindi porke't mayayaman kayo, Micheal Kors na yung bag niyo. Come on! You're hear to learn, not social climb." Sinulyapan ako ni Mr. Dimaano.
Sumipol si Wade sa likuran ko.
Tumindig ang balahibo ko sa sipol niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya nilingon. Nanigas na lang ako sa kakayuko dahil sa sermon ni Mr. Dimaano.
"Okay, get one fourth sheet of paper." Yun ang ending ng 15 minutes na sermon niya.
Saka lang ako gumalaw. Nang gumalaw naman ako, lintek at nahulog pa yung ballpen ko. Hinawi ko ang bangs ko sa kakahanap sa ballpen ko sa harapan.
"Coreen, nakita mo ba ballpen ko?" Tanong ko kay Coreen na kanina pa ngumingiwi sa pagpaparinig ni Mr. Dimaano.
"Ha? Hindi. Asan ba?" Tanong niya habang tumitingin narin sa ilalim ng mga upuan.
Ayaw ko mang gawin, kinailangan ko rin. Unti-unti ako lumingon kay Wade. Diretso ang tingin ko sa nakatitig niyang mga mata. Seryoso ang mukha niya habang tamad na nakaupo sa upuan. May one-fourth sheet of paper niya sa desk niya. Pinaglalaruan niya ang ballpen niya na kahit nakatitig siya sakin. Ayan na naman ang ngiti niyang mukhang laging may nakakatawa. Hindi ako sigurado kung magandang pangitain ba yung ngiti niya o masama... Ngayon kasi, kinikilabutan ako. Parang evil-smile yung ipinapakita niya sakin.
Nag-iwas agad ako ng tingin at tinignan ang ilalim ng upuan niya.
TADA!
Nandoon ang mahiwaga kong ballpen! Nasa ilalim ng upuan niya! At mahihirapan akong abutin iyon!
Napatingin ulit ako sa kanya sabay turo sa ballpen ko.
"P-Paki kuha, please." Sabi ko.
Ngumuso siya at pinaglaruan ulit ang ballpen niya.
"Ugh! Ako na nga lang." Sabi ko nang di siya gumalaw.
Nakakainis na siya, ah? Sanay naman akong may mga taong ayaw sakin, pero hindi ko alam kung bakit ayaw nito sakin gayung wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Nagpakahirap akong abutin yung ballpen ko sa gitna ng legs niya. Ni hindi siya gumalaw. Hindi siya naawa sa kalagayan ko.
"Ugh!" Konti na lang, Reina!
"ELIZALDE!" Sigaw ulit ni Mr. Dimaano.
Narinig ko ang pag-burst ng tawa ni Wade. Tinakpan niya ang bibig niya para mapigilan ang pagtawa. Nag-iwas siya ng tingin sakin. Nalaglag ang panga ko at umayos na agad.
"ANO NA NAMAN YANG KABABALAGHANG GINAGAWA MO DIYAN? Oh, for heaven's sake! We are having a class! Anong kalibugan yang pinaggagawa mo kay Mr. Rivas!"
WHAT THE FREAKING SH1T!? Parang sasabog ang pisngi ko sa kainitan.
"Po? Kinukuha ko lang po yung ballpen ko po sa ilalim ng upuan niya-"
"You're unbelievable! You're just like your brothers! Ilang beses ko nang nahuli ang mga kapatid mong nagkukunwaring may mga nahuhulog na bagay pero ang totoo ay binobosohan lang nila ang mga katabi nila."
WHAT THE FREAKING FVCK?
Nagtawanan ang mga walang hiyang kaklase ko.
"Hindi naman po ganun si Noah-" Sabi ng isa pang walang hiyang bestfriend ko.
"Di kita kinakausap, Ms. Aquino!" Pinutol ni Mr. Dimaano si Coreen.
"Pero totoo naman po-"
"Enough! Bigyan mo ako ng 2 pages na explanation sa nangyari, deadline mamayang hapon. Number 1..."
Hindi ako nakasagot sa langyang quiz namin. Sino ang makakasagot dun? Sa nangyaring iyon, wala na akong masabi. Galit na galit ako kay Mr. Dimaano. Galit na galit ako kay Wade. Galit na galit ako sa mga kaklase kong nagtatawanan at di parin nakakarecover sa kahihiyan ko.
"Reina!" Sigaw ni Coreen habang nag wa-walk out ako pagkatapos ng session naming iyon.
Naiiyak ako sa inis.
"Reina!" Sigaw ulit ni Coreen nang naabutan ko.
"Bakit?" Namuo ang luha ko.
Nakakainis talaga yung nangyari. Alam mo yung feeling ni Harry Potter pag binubully siya ni Severus Snape.
"Yung cellphone mo, di mo ba kukunin?"
Suminghap ako at nawalan ng lakas, "Hay!" Bumalik ako sa dinaanan ko.
Nakasalubong ko pa ang mga kaklase kong nakangising nakatingin sakin. Yumuyuko lang ako at tinatabunan ang mukha ko sa bangs ko. Nakakahiya! Okay lang sana kung totoo yung mga binibintang ni Mr. Dimaano, pero hindi eh.
"Sir, can I get my phone now?" Tanong ko kay Mr. Dimaano.
"Okay. Next time wa'g ka ng mag text sa klase ko. Send me your incident report mamaya. The next time I'll see you texting, ibibigay ko na ito sa Discipline Officer." Tinignan ako ni Mr. Dimaano sa likod ng salamin niya.
"O-Opo."
Naiinis ako sa kanya pero hindi ako yung tipong may kayang ipakita yung nararamdaman ko. Lalong lalo na dahil mas nakakatanda siya at professor ko pa.
Kinuha ko ang cellphone ko at umalis agad ng room.
"Kumusta yung pamboboso mo kay Wade, Reina?" Tumawa yung mga lalaking kasama ni Wade.
Hindi ko sila tinignan. Nilagpasan ko silang lahat hanggang sa natigilan ako dahil sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Iiwasan ko na sana siya pero umiwas din siya sakin kaya nagkasalubong parin kami.
Tumingala ako at nakita ko ang masamang tingin ni Wade Rivas sakin.
"UYYYY!" Dinig na dinig ko parin ang kantsyaw ng mga kaklase ko.
Dinapuan agad ako ng nag aalab na inis. Wa'g mo akong matignan ng ganyan! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Bully! Ayoko na sayo! Iiwasan kita sa abot ng aking makakaya. Itaga mo yan sa bato!
Pumikit ako at huminga ng malalim. Ito na ang huling beses na kakausapin ko siya. Hindi ko na susubukan pang kausapin siya ulit. Ayoko na. Alam kong galit siya sakin kahit di ko mapagtanto ang dahilan. Just one thing's for sure: Galit siya. So I should back off.
"Sabi ng Zeus, pumunta ka raw sa practice nila mamayang 5PM, sa gym." Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang perpekto niyang mukha.
Sayang ka. You just can't have it all. Gwapo pero suplado. Pangit pero mabait. You just can't have it all.
"Bakit naman ako maniniwala sayo?" Tumaas ang kilay niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kung ayaw mong maniwala, edi wa'g. It's your loss." Sabi ko at nilagpasan ko siya.
"Oh, right! Kasi ikaw si Reina Carmela Elizalde diba?"
Nilingon ko siya nang nagkasalubong ang kilay ko. Pero pagkalingon ko, nakatalikod na siya at paalis na.
What is his freaking problem?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top