Kabanata 28

Kabanata 28

Sino ang Papaniwalaan

Nagkatitigan kami ni Rozen. Nanalangin akong babawiin niya ang mga binitiwang salita tungkol kay Wade.

Hindi iyon totoo. Pabalik-balik kong sinasabi iyon sa sarili ko. Ayaw kong dungisan ang magandang imahe ni Wade sa utak ko. Akala ko ilang sandali ay babawiin niya dahil sa guilt niya sa paninira kay Wade pero di niya ginawa.

"I tell you, Reina."

Padabog kong iniwan ang mga papel. Buti natapos ko ang mga iyon. Binalewala ko ang ibang mga taong lumalabas-pasok sa faculty.

Pagkalabas ko, lumingon-lingon ako sa labas para hanapin si Wade. Hindi ko siya nakita. Kinabahan na agad ako. Asan siya? Nasabihan na ba siya ni Rozen? Umalis ba siya dahil guilty siya?

Ayokong maniwala! NO! THIS ISN'T TRUE!

Tumakbo ako pababa ng building. Hinanap ko siya sa bawat floor.

"Reina? May problema-" Tanong ng mga nadaanan kong mga tao.

Naiiyak na kasi ako. Kinukurot ng paunti-unti ang puso ko. Habang tumatagal ko kasing di nakikita si Wade ay mas lalong bumibigay ang sarili ko. Unti-unti din akong naniniwala kay Rozen.

Mabilis ang takbo ko pababa hanggang sa umabot ako ng first floor. Malakas ang buhos ng ulan. Walang payong si Wade. Kung guilty siya at umalis na lang, siguro basang-basa siya ngayon. Pero, teka, bakit iyon ang iniisip ko!? Kung guilty siya, ibig sabihin pinaikot niya lang ako at ginamit!

Mabilis yung takbo ko nang nakita ko siyang nakatayo malapit sa labasan ng building. Pero unti-unting nawalan ng lakas ang mga binti ko. Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hanggang sa tumigil na ako sa pagtakbo. Mga limang metro na lang ang layo ko sa kanya. Nakatagilid siya sakin. Maraming estudyanteng dumadaan sa pagitan namin, pero walang estudyanteng dumadaan sa pagitan nila ni Zoey.

Seryoso ang mukha ni Wade nang tinitigan niya ang payong ni Zoey.

Nakita kong unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Zoey. Mas lalo niyang nilapit ang payong kay Wade. Para bang inooffer niya iyon kay Wade.

Napatingin si Wade kay Zoey.

Napalunok ako.

Of course... Wala akong alam. Kung ano man yung namamagitan sa kanila, labas na ako dun. Nandyan na si Zoey bago pa lang ako. Kahit na ibang relasyon nilang dalawa, inamin ni Wade na magkaibigan parin sila noon. Ilang taon na siguro silang magkaibigan. Malalim ang pinagsamahan nila. Kung ano man yung mga pinlano nila, sila lang yung nakakaalam.

Napaatras ako ng ilang hakbang. Tumindig ang balahibo ko, sa lamig at sa nakikita ko. Lumapit si Zoey kay Wade. Hindi umatras o umiling si Wade. Hinayaan niya lang si Zoey na lumapit sa kanya. Hinawakan ni Zoey ang kamay ni Wade tsaka umambang bubuksan ang payong.

Bago pa sila umalis ay tinalikuran ko na sila.

Doon ko na lang naramdaman ang malawak na espasyo saming dalawa ni Wade. Siya at ang kanyang misteryosong pagkatao... Hindi ko alam kung paano nangyaring sa isang iglap ay naniwala na lang ako kay Rozen. Gusto kong magtanong kay Wade pero hindi ko alam kung kaya kong marinig ang sagot.

Tumakbo ako palayo sa kanya.

Wala ako sa sarili. Nakakapanghina ang mga nangyari. Nandun na, eh. Masaya na ako! Masaya na ako saming dalawa kahit simpleng mga bagay lang naman ang ginagawa namin para sa isa't-isa... kahit na hindi pa naman siya umaamin sakin.

Hindi rin nag text si Wade sakin. Nakakapanlumo. Hinatid kaya siya ni Zoey sa apartment nina Wade. Malamig ngayon... at walang ibang tao sa apartment ni Wade... at ginagawa nila iyon madalas.

Naiimagine ko ang itsura ni Wade. Naimagine ko yung lahat ng nangyari noon. Yung pagiging malupit niya sakin at ang biglaan niyang pagiging mabait. Yung paghahalikan nila ni Zoey sa CR. Lahat... Maging ang paghahalikan namin.

Ganun ba ka kapal ng konsensya niya para paibigin ako para lang gamitin?

Wala akong ganang makipagtext o sumagot man lang ng tawag ni Coreen o kahit nino. May isang text si Wade, pero di ko sinagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko...

Wade:

Reina, asan ka?

Nag aalala ba siya o parte ito ng plano nila? Tumitindig ang balahibo ko habang iniisip kong papasok ako kay Mr. Dimaano.

"O, Reina, parang Biyernesanto tayo riyan, ah?" Untag ni Coreen pagkapasok ko sa classroom.

Nakita kong nilalaro ni Wade ang ballpen niya at tinitigan ako pagkapasok. Hindi ko siya tinignan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Maingay ang mga kaklase namin. May nakita pa akong ilang mga babae sa labas na palaboy-laboy at nagpapapansin kay Wade. Umiling ako at narealize na maling tao pala ang pinangarap ko. Tsk. Kung papaikutin niya lang naman ako ng ganito, sana pala hindi na lang ako nangarap. Sana pala hindi ko na pinilit ang sarili ko sa kanya. Ako naman ang may kasalanan dito. Ayaw niya na sana sakin pero binigyan ko siya ng dahilan para ipagpatuloy ang plano nila ni Zoey.

"Reina." Nanigas ako sa pagtawag ni Wade.

Malamig ang boses niya. Yung tipong nakakapanindig balahibo. Maingay si Coreen na nakikipagtalakan sa mga kaklase ko. Yung mga tsismis nila ay tungkol sa nangyari kahapon (samin ni Wade), at di umano'y hindi raw papasok si Mr. Dimaano ngayon kasi masakit daw ang likod niya.

"Bakit wala ka kahapon?" Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. "Ni hindi ka nag text."

Nagkibit balikat ako at yumuko.

"Anong problema mo?"

Umiling ako, "Pagdating ko wala ka na... Ang sabi ko sa labas ng faculty, diba?"

"Nag CR ako saglit kaya bumaba ako." Aniya.

"Natagalan ka ba?"

"Hindi naman. Saglit lang ako."

LIAR! Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang yung 70% kong paniniwala kay Rozen, ngayon ay nagiging 99% na. Kung hindi totoo, hindi siya magsisinungaling, diba?

"Ah. Ganun ba?" Sa galit ko, hindi ko maiwasang sabihin ito.

Hindi siya umimik. Hindi ako sigurado kung narinig niya ba sa tono ng boses ko ang galit ko o nagi-guilty siya sa lahat ng ginawa niya sakin.

Habang tumatagal ay mas lalong umiingay ang mga kaklase ko.

"Wade, kailan next gig niyo?" Tanong ng mga kaklase naming babae na ngayon ay tumabi na kay Wade.

Wala kasi talaga si Mr. Dimaano at naghihintay na lang kami sa secretary para malaman kung anong assignment meron kami.

"Susunod na Sabado." Simpleng sagot ni Wade.

Binato pa siya ng mararaming tanong.

"Wade, marunong ka bang umihaw ng manok?"

"Wade, anong meron sa Alegria?"

"Wade, nagsusulat ka ba ng kanta?"

Biglang pumasok yung secretary at agad sumulat sa whiteboard. Nilagay niya lahat ng gagawin para sa next period at yung coverage para sa finals.

"Wade, uuwi ka ba sa probinsya niyo ngayong sem break?"

"Isama mo naman kami."

"Maganda ba dun?"

"Malaki ba yung bahay niyo?"

"May mga lupain ba kayo?"

Pagkatapos kong isulat sa notebook ko ang lahat ng nilagay ng secretary ay padabog kong sinarado ito at nilagay sa bag.

"Mauna na ako, Coreen." Sabi ko sa bestfriend kong hindi matapos-tapos sa pagsusulat dahil sa pakikipagtsismisan.

"Huh? Okay!"

Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng classroom.

"Reina!" Dinig kong tinatawag ako ni Wade.

Halos mag half-run na ako sa paglalakad ko. Marami pa akong estudyanteng nakakasalubong kaya natatraffic.

*PAK!*

Hinayupak! Nabunggo pa ako sa isang estudyante.

"Sorry." Sabi nung nakabunggo sakin.

Pero hindi ko na siya pinansin. Nagmadali ako dahil ramdam ko ang pagtakbo ni Wade sa likuran ko.

"Reina!" Tumindig ang balahibo ko nang narinig kong masyadong malapit ang boses niya.

Tatakbo na sana ako pero hindi ko na nagawa. Dahil sa gitna ng maraming nanonood at mga taong naglalakad papunta sa kani-kanilang mga classroom ay hinila ako ni Wade. Mahigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko.

"Wade! Bitiwan mo ako!" Sabay piglas ko.

Hinila niya ako papasok sa CR ng mga lalaki. May iba pa doong nagulat at agad na lang umalis.

"Ano ba, Wade?" Sigaw ko.

Tinitigan niya ang huling lalaking umiihi.

"Close your eyes, Reina!" Untag niya sakin.

"Dude, what the?" Umiling yung lalaki.

Uminit ang pisngi ko nang narealize ang buong kaganapan. Shiz! Pero bago ko pa naipikit ang mga mata ko ay nizipper na nung lalaki ang pants niya. Padabog na sinarado ni Wade ang pintuan pagkalabas nung lalaki.

"Ngayon, Reina, anong problema mo?"

Nakita ko ang pamumutla ni Wade. Nag iwas ako ng tingin.

"Alam ko kung bakit ka nagkakaganito!"

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya.

"Nakita mo kaming dalawa ni Zoey, diba?"

Hinilamos niya ang kamay niya tsaka bumaling sakin.

"Hanggang saan yung nakita mo?"

Bumaling ako sa kanya, "Bakit? Hanggang saan yung ginawa niyo?"

Nanliit ang mga mata niya, "A-Ano? Huh? Reina, yung binigyan niya ako ng payong? Nakita mo iyon, diba?"

Hindi ako umimik.

"Hindi ko tinanggap-"

"Wala akong pakealam kung tinanggap mo iyon o hindi." Binalingan ko siya. "Ngayon, Wade, gusto mong malaman ang problema ko?"

Natahimik siya.

"Sige, sagutin mo nga ako, pinapalambot mo ba ang puso ko para lang mapalapit sa banda?"

Nalaglag ang panga niya. Tinalikuran niya ako at suminghap.

Sa katahimikan niya, narealize kong mukhang may naapakan talaga akong katotohanan. Mas lalong tumindi ang galit ko.

"Kaya ba hanggang ngayon wala ka pang kinaklaro sakin?"

"Ugh! REINA!" Tumaas ang tono ng boses niya.

Para bang gusto niya akong tumahimik habang nag iisip siya.

"Kaya ba hindi mo pa sinasabi saking gusto mo ako? Are you too guilty to say it, Wade? Na baka karmahin ka dahil tunay ang nararamdaman ko sayo pero nagpapanggap ka lang para makuha ang loob ko. KASI ELIZALDE AKO-"

"BULLSHIT, REINA!" Sigaw niya.

Napapikit ako sa biglang sigaw niya. Narinig kong natahimik ang mga taong dumadaan sa labas. Para bang narinig nila ang sigaw ni Wade!

"SINASABI MO BANG GINAGAMIT KITA?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Ito mismo ang iniiwasan ko kaya hindi ko pa kinaklaro sayo ang lahat! Dahil ayokong husagahan ako ng mga tao... ayokong husgahan mo ako! Alam ng lahat na iba ka kasi masyado kang mayaman! At hindi kami mayaman, Reina! Wala akong maipagmamayabang sayo! Wala akong kotse at wala akong limpak-limpak na salapi para paniwalaan mo kung anong mga ipinapakita ko sayo!"

Napalunok ako. Nakita kong pulang-pula ang pisngi niya. Lumalabas ang dimple niya, hindi dahil nakangiti siya, kundi dahil binibitawan niya ang mga salitang ito...

"Akala ko iba ka sa ibang mayayaman! Hindi ka tumitingin sa estado ng buhay pero nagkamali ako. Ganun parin ang iniisip mo sakin. Dahil hindi ako mayamang tulad mo, pakiramdam mo nakikisawsaw lang ako sa buhay mo-"

"Pwes, kung ganun bakit ka nakikipagkaibigan sakin? Bakit bigla kang bumait sakin?"

"Hindi ba yun ang hiling mo? Na maging magkaibigan tayo?"

Mas lalong nag alab ang apoy ng galit ko.

"So... you're really worthless, Wade Rivas! Alam kong hiling ko yun pero buong akala ko kinaibigan mo na rin ako dahil gusto mo ako."

May namuo sa lalamunan ko. Hindi ako makalunok ng maayos.

Nanliit ang mga mata niya.

"Tingin mo tatagal akong ganito kung hindi ko yun gusto? Oo, nung una kinaibigan kita dahil iyon ang naging deal natin, pero langya, tingin mo kung napilitan lang ako sayo kakaladkarin kita dito para malaman kung anong pinagkakabusangot mo? WALANG HIYANG EFFORTS NA YAN, PINATULAN KO PA! TSSS..." Tinalikuran niya ako.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Yes, I may be worthless. I'm not rich like you, Reina. Simple lang ang pamumuhay ko. Pero wa'g kang mapanghusga. Kung sinusumbat mong hindi ko kinaklaro sayo yung tungkol satin, dahil iyon dito." Nakita kong kumuyom ang panga niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Alam kong may manghuhusga sa nararamdaman ko. Dahil mayaman ka at mahirap akong nainlove sayo, tingin ng lahat ginagamit kita. Ayoko ng ganun. Kung sana pwedeng pumili ng babaeng kakahumalingan, noon ko pa ginawa. Pero bullshit hindi ko kayang pumili dahil ikaw lang ang laman. Sana iniwasan na lang kita. Alam ko namang ganito ang kahihinatnan."

Binuksan niya ang pintuan at padabog na sinarado. Iniwan niya ako sa loob na wasak. I'm so confused. Totoo si Wade pero bakit ganun si Rozen!? Kung sino man ang nagsisinungaling sa kanilang dalawa, sana itigil na...

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. SHIT! Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko? Family or Love? Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top