Kabanata 20

Kabanata 20

Ang Galing Mo

Hinatid ko si Wade sa apartment nila. Nakangisi siya nang lumabas siya sa sasakyan ko.

"Wa'g mong kalimutan ang deal, Reina." Aniya.

"Hindi naman talaga." Sabi ko pero tinalikuran niya na ako.

Halos madaganan niya pa yung gate ng apartment nila. Tumawa siya at nagmura ng pagkalakas-lakas.

"Wade, mag ingat ka naman!" Sigaw ko.

"Opo." Sigaw niya at nagpatuloy siya sa pagpasok.

Nang tuluyan na siyang nakapasok sa kwarto niya ay umalis na ako at umuwi.

Kinaumagahan, tanghali na ako nagising. Mabuti na lang at school festival ngayon kaya wala kaming pasok.

Kakatapos ko lang mag toothbrush. Hindi pa ako nakakapagsuklay ay lumabas na ako ng kwarto. Alas onse na pala kaya kumakalam na ang sikmura ko sa sobrang gutom.

*Kriiiiing*

Kinusot ko ang mga mata ko bago sinagot ang tawag.

"Hello?" Paos pa ang boses ko nang sinagot ang tawag ni Coreen.

"Hindi mo na ako tinawagan kagabi pagkauwi mo. Jusko! Nag worry ako ng sobra."

Pumasok ako sa kitchen at kumuha ng tubig na malamig bago kumain.

"Kasi naman, inaantok na talaga ako pagkarating ko sa bahay. Sinong naghatid sayo?" Tanong ko.

"A-Ah? Wala... Ako lang. Uy, sige, chineck ko lang kung okay ka na. Pupunta pa ako ng school ngayon para sa isang project namin. Ikaw?"

"Wala. Dito lang ako sa bahay. Sketch... siguro."

"Alright. Sige, bye baby Reina. I love you to the highest level."

"I love you, too." Ininom ko yung tubig habang binababa ang cellphone.

"SINASABI KO NA NGA BA!"

Tumindig ang balahibo ko sa biglang nagsalita. Napalingon ako at nakita ko ang nakahalukipkip na si Wade.

"Huh?"

PATAY! Bakit ba kasi nandito siya? Agad kong kinapa ang mga mata ko, baka may muta pa eh. Tsaka sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, ang gulo pa kasi.

"May practice kayo?" Tanong ko.

"Winawala mo ang usapan, Reina. Nahuli kitang nag a-iloveyou sa iba."

Napalunok ako.

Kahit galit siya, nakikita parin yung dimple. It's disturbing.

"Ha? Akala ko kasi hindi mo maaalala. Tsaka-"

"Huh? Bakit di ko maaalala, wala naman akong amnesia. Tss. Reina, ikaw pa yung nag open up ng deal, ikaw rin pala ang unang sisira."

"Hindi naman, Wade. I mean... hindi na mauulit, promise."

Umirap siya at tinalikuran ako, "Ang unfair mo, Reina."

Agad ko siyang linapitan at hinila para humarap ulit siya sakin.

"Wade... sorry. Promise, hindi na mauulit."

Kinalas niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hindi siya nagsalita at umalis na. Patay! Talagang galit siya sa nagawa ko. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya yung totoo.

"Wade Rivas!" Sigaw ko. "Wa'g ka ngang magselos diyan! Si Coreen naman yung ka I love you ko! For God's sake! Ang arte nito."

Hinarap niya ako.

"Paano ako nakakasigurong siya nga?" Tinignan niya ang cellphone na hinahawakan ko.

Nilahad ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya ito.

"Tss." Ginulo niya ang buhok niya. "Kalimutan mo na lang. Hindi naman ako boyfriend para tignan pa yung cellphone mo."

"Kung nag dududa ka naman... Edi i-check mo na." Winagayway ko sa harapan niya ang cellphone ko.

Hinawakan niya ang braso ko. Talagang natigilan ang buong sistema ko nang naramdaman ko ang kamay niyang hinahawakan ang braso ko. Parang kiniliti at kinuryente ang buong katawan ko sa simpleng pagkakahawak niya.

"Hindi na." Aniya.

"E-Eh..." Tinanggal niya yung kamay niya sa braso ko. "Ikaw? Totoo naman kayang iiwasan mo na ang mga babae?"

Nag iwas siya ng tingin at nakita kong namula ang pisngi niya, "Oo." Ngumuso siya.

Nanliit ang mga mata ko, "Nandun ba sina Mimi at Karla sa loob ng music room?"

Suminghap siya, "Oo."

Mas lalong naningkit ang mga mata ko, "Iniwasan mo ba sila?"

"Oo nga, sabi!" Inis niyang sinabi pero halata parin ang pamumula niya.

"Show me, Wade Rivas!" Sabi ko. "Dahil hindi ako naniniwalang kaya mong umiwas sa mga babae."

Bigla siyang naglahad ng kamay.

"Sumama ka sakin sa music room." Seryosong sinabi niya.

Tinignan ko ang sarili ko.

"Nakapajama pa ako, hindi pa ako kumakain at higit sa lahat hindi pa ako nakakaligo. Susunod na lang ako, Wade."

Umupo siya sa bar ng kitchen namin at humalukipkip.

"Edi maghihintay ako dito hanggang sa pwede ka ng pumunta dun."

"Huh?"

Hindi siya nagpatinag kaya agad na akong kumain at umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis. Sa sobrang pressure ko ay halos wisik-wisik lang yung nangyari sa banyo. Ni hindi na nga ako nakapag blower. Sinalubong ako ng malalalim niyang titig. Nandun parin siya sa bar ng kitchen habang tinititigan akong papunta sa kanya. Nakita kong kumuyom ang panga niya at umiling.

"Bakit?" Tanong ko.

Why is his jaw clenched?

"Ano yan, wet-look?" Suminghap siya at tumayo.

"Eh... nagmamadali ako. Tara na! Baka galit na si Noah. At nagtataka na yun dahil wala ka pa."

Tumango siya at nagsimulang maglakad.

Nang dumating na kami sa music room. Nakita kong si Joey lang ang kinakausap ni Mimi at Karla. Mabilis namang lumingon ang dalawa sa aming dalawa ni Wade.

"Wade! Saan ka ba galing?" Tanong ni Mimi.

Nagkibit-balikat lang si Wade at dumiretso sa stage. "Another round, Noah?"

Tumango si Noah at inayos ang gitara niya.

"Joey, bilis na." Tawag ni Warren.

"Eto na... Eto na..." Tamad na tumayo si Joey.

Siguro ay nahumaling na siya sa atensyon ni Mimi at Karla.

"GO WADE!" Sigaw ni Mimi.

Napalingon si Joey sa kay Mimi. Para bang hindi siya makapaniwala na kahit siya yung kausap nila kanina ay kay Wade parin nakatuon ang pansin ng dalawa.

"I can't believe it, dude." Umiling si Joey kay Warren.

Tumawa si Warren at tumingin sakin.

WHAT?

Nagsimulang kumanta si Wade ng isa na namang nakakapanindig balahibong kanta. Tumili at halos manisay sa kilig ang dalawang babae dito. Naging busy na lang ako sa pag i-sketch ng kung anu-ano. Nakakadistract kasi ang ingay ng dalawang ito, tsaka ang boses ni Wade.

"Simula ng ikaw ay mawala, wala ng dahilan para lumuha..."

Sulyap kay Wade, sulyap sa sketch pad, sulyap ulit kay Wade pabalik sa sketchpad ko - yan ang ginawa ko sa kabuuan ng kanta ko kaya heto at naidrawing ko siyang kumakanta sa entablado.

Uminit ang pisngi ko nang nakitang patapos na akong mag sketch sa mukha niya. Maayos kong nilagyan ng buong detalye si Wade. Kahit yung pagpapakita ng dimple niya ay nilagay ko. Kahit ang artistic na pagkakagulo ng buhok niya ay kinopya ko.

For the first time in my life, nagustuhan ko ang perpekto kong drawing.

"Patungo... sa iyo..."

Nahumaling na ako sa paglalagay ng detalye nang patapos na ang kanta nina Wade. Nang natapos na nga siya sa pagkanta ay sinalubong siya nina Mimi at Karla. Sumulyap ako sa kanya para tignan kung iniwasan niya ba ang dalawa.

Napangisi na lang ako nang nakita kong hinawi niya ang kamay ni Mimi na nakahawak sa braso niya.

"Excuse me, pupuntahan ko lang si Reina." Aniya.

Humalakhak ako ng konti at tinabunan ang mukha ko sa sketchpad. Binubura ko na yung mga linyang di kailangan...

"Lagi ba talaga akong may kaagaw sa atensyon mo? Kumakanta ako, tapos ikaw nag dadrawing dito."

"Eh kasi naman po... Ikaw yung dinu-drawing ko." Sabay pakita ko sa sketchpad ko.

Nanlaki ang mga mata niya nang tinignan ang sketchpad ko. Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Ang galing... mo... Reina."

Uminit ang pisngi ko, "Thanks. Pero mas magaling ka. Kasi naiwasan mo sila."

Ngumuso si Wade at tinitigan ako.

"Madali lang umiwas Reina, basta ikaw ang kapalit." Seryoso ang pagkakasabi niya nito.

Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa pagpipigil. Nananaginip ba ako o talagang sinabi niya iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top